Carlhei Andrew
"Go Ford University!"
"Carlhei tres mo na!"
"FU! FU! FU!"
"We are the champion!"
"F to the O to the R to D!"
Samut saring sigawan sa loob ng court ang naririnig ko. Nasa akin ang bola at hindi ko maiwasang kabahan.
Pumwesto ako sa tres at huminga ng malalim. Bago pa man makalapit ang bantay at itinira ko na iyon. Sumakto iyon sa oras at shoot rin sa ring.
Mas lumakas ang sigawan ng mga ka-schoolmate namin dahil naipanalo na namin ang huling laban sa taong ito. Dali dali akong pinuntahan ng teammates ko at nasi-apir sa akin.
"Wala kang kupas pre. Nilubog mo na naman 'yung Dawn Univeristy!" Saad ni Karl
Lumapit kami sa bench kung saan nandoon ang mga schoolmate namin pati na rin si Coach. Dalidali kami nitong binigyan ng inumin at pinag tatapik ang mga balikat namin.
"Hakot award! Nice play, FU Eagles! Mamaya ang awarding kaya mag rest muna kayo." Saad ni Coach
Kaagad kong nilingon ang kinauupuan ni Ellaine pati na rin nila Mama, Papa at Neomi. Pawang mga proud dahil naipanalo namin laban.
"Pre mamaya na 'yan. Shower muna tayo. Lalapit ka kay Ellaine tapos ang baho mo." Biro ni Karl at hinigit pa ako papalayo
"Wala akong amoy 'no. Baka ikaw dyan." Biro ko rin
Nang makapasok kami sa shower room ay kaagad rin kaming nag shower.
"Diba sabi ni Ellaine kapag raw napanalo natin itong finals ay sasabihin na niya kung pwede kang manligaw o hindi?" Tanong ni Karl na nasa kabila lang ring cubicle
Iyon nga ang naging kasunduan namin. Talagang pinag igihan ko ang pag papractice para lang maipanalo ang finals na ito. Hindi rin naman ako mabigo dahil nag tulong tulong rin kami ng team.
"Oo, bro. Excited na nga ako eh." Saad ko
Narinig ko ang tawa ni Reinest na nasa tapat lang ng cubicle ko.
"Sana bro 'yan na 'yung huli mo. Baka kasi kapag nabroken ka ulit hindi ka na naman lumabas ng bahay niyo. Delikads 'yan kasi may pasok pa tayo." Saad ni Reinest
Malakas talaga ang loob ko dahil nakita ko kung paano siya ngumiti habang nag lalaro kami kanina. Pakiramdam ko doon palang ay napakalaki ng pag asa ko.
"Next sem OJT na. I hope you two will still hang out together." Saad ni Steven na nasa katabi ko ring cubicle
Matagal akong napaisip dahil sa sinabi ni Steven. Halos matapos na akong mag shower pero iniisip ko pa rin iyon.
Habang alala sina Karl at Steven sa pag kwekwentuhan ay nilapitan ko naman si Reinest na nag aayos ng gamit.
"May tanong lang ako, bro." Saad ko
Tinapos nito ang pag sasara ng bag niya tyaka tumingin sa akin.
"Sige lang." Saad niya
Mag aalangan pa sana akong matanong pero ayaw ko rin namang hindi makatulog kung hindi ko ito itatanong.
"Paano ka mag aadjust sa sched niyo ni Dannica? OJT na nga next sem at malamang sa malamang mag kahiwalay kayo ng lugar." Saad ko
Ngumiti ito ng malapad at sinukbit ang bag niya. Ganoon rin ang ginawa ko at sumabay sa kaniya sa pag labas.
"Mag kakaroon ng conflict sa schedule bro, sure 'yan. Pinag usapan na namin 'yun noong nakaraan pa. Sabi namin sa isa't isa kahit chat or tawag muna kapag may time. Intindi naman naming para sa future ng isa't isa 'yun eh. OJT lang pero walang mag bebreak." Natatawang paliwanag niya sa akin
Iniisip ko kasi kung paano akong manliligaw kung mag kaiba na kami ng schedule. Salisihan palagi.
"You must be prepared, bro. Alam ko namang kaya mo 'yan kasi napakatyaga mong tao." Saad ni Reinest
Tinapik niya ang balikat ko at pinuntahan na ang girlfriend niyang ang aantay sa kaniya. Nilingon ko naman sa kabilang gilid ang pamilya ko kasama si Ellaine.
"Let's have lunch together tapos bumalik tayo dito mamayang hapon for awarding." Saad ni Mama
Tumango ako rito at ngumiti.
"Congrats, Engineer. Ang halimaw mo pala sa court." Saad ni Ellaine
Nag lakad na kami papunta sa parking lot. Dala kasi namin ang family van namin dahil alam nilang kasama ko si Ellaine.
"Matagal na naman akong malakas sa basketball pero mas lumakas pa dahil sayo." Saad ko
Napaiwas ito ng tingin pero hinampas ako nito ng bahagya sa braso. Napangiti nalang ako dahil alam kong naiilang ito sa tuwing babanat ako.
"Harot. Akala mo naman mag tatagal sila." Banat ni Neomi sa likod ko
Tinignan ko ito ng masama pero nauna na itong sumakay sa dulo ng van. Nang makasakay kami ni Ellaine ay nilingon ko si Neomi para sana mang asar pero hawak lang nito ang kaniyang tablet. Busy na naman sa pag aaral.
"Saan magandang kumain? 'Yung bago sana sa panlasa natin." Saad ni Papa
Syempre si Mama lang naman ang mag susuggest. Kinakain naman namin ang lahat ng iorder ni Mama eh.
"Sa Japanese--"
"'Wag doon!" Sabay naming tutol ni Neomi sa sasabihin ni Mama
Anything but not Japanese food! I remember Missai whenever I heard that Japanese food. We used to eat at my mom's favorite place which is that Japanese Restaurant.
"Okay okay. Doon nalang sa isa ko pang friend." Saad ni Mama
"Ayaw ko doon. Hindi luto ang mga pagkain. Parang pakiramdam ko buhay pa 'yung mga isda na inihahain nila." Saad ni Neomi
Napatawa tuloy si Mama at Papa dahil doon. Mabuti at umalis na rin kami sa University.
"Saan ka pala sa sem break?" Tanong ko kay Ellaine
Nakatingin ito sa labas ng bintana kaya naman kaagad itong napalingon ng mag tanong ako.
"Sa U.S lang. Kasi kailangan ako doon ng lola ko. It's her birthday." Saad ni Ellaine
Nalungkot ako dahil doon pero hindi ko pinahalata. Akala ko kasi mag hahang out kami ng buong sembreak.
"That's good. Enjoy ka doon." Nakangiti kong sabi
Ngiti lang rin ang iginanti niya at muli ulit tumingin sa bintana. Nang makarating naman doon sa restaurant ay nag lunch lang kami. Si Mama at Ellaine lang ang nag kwekwentuhan. Hindi naman ako makasingit dahil puro pambabaeng usapan ang pinag uusapan nila. Katulad nalang ng brand ng damit, make up at mga bag. Wala namang hilig doon ang kapatid ko lalo na kami ni Papa.
Nang mag hapon ay awarding na. Alam ko na naman ang award ko kaya nakakatuwa rin.
"Syempre sino ba ang aasahan nating maging MVP?" Tanong ng aming Dean
Nag sigawan ang mga schoolmate ko at isinisigaw ang pangalan ko. Limang taon na akong nag lalaro pero nahihiya parin akong tumanggap ng award.
"Carlhei Andrew De Beñigo!" Saad ng Dean
Kaliwa't kanan ang sigawan at palakpakan ng mga schoolmate ko. Nang makarating ako sa stage at tinanggap ang trophy at medal. Pinalapit rin ako ng Dean sa mikropono senyales na mag bibigay ako ng speech.
Huminga ako ng malalim bago nag salita.
"Yeah, another achievement FU! Sinugurado ko talagang maipanalo ang finals dahil ito na rin naman ang magiging huling laro ko. It's sad pero we need to accept that." Saad ko
Nang ugungan naman ang bulungan sa buong stadium dahil doon. Marahil lahat ay nalulungkot.
"Pero 'wag na kayong malungkot dahil malalakas naman mag laro ang mga naiwan namin. And I would like to thank all the person who help me to achieve this," Saad ko at iniangat ang trophy, "Thanks to my family and friends who support me day and night."
Napatingin ako sa pwesto ni Ellaine at nakita ko itong nakangiting nakikinig sa speech. Napangiti ako at naging dahilan iyon para mag ugungan ang asaran sa paligid.
"Special thanks to my Architect. She supported me. Palagi niya akong iniinspire na mag practice dahil sa promise niya sa akin. She said na ibibigay niya ang sagot sa kung pwede ba akong manligaw kapag naipanalo namin itong last game." Saad ko
Kitang kita ang panlalaki ng mata niya dahil sa sinabi ko. Nakakatuwa para sa akin ang reaksyon niyang iyon.
"Can I court you?" Tanong ko
Nag ugungan ang ingay sa buong paligid dahil doon pero hindi natanggal ang focus ko kay Ellaine. Mas lalo akong natuwa ng makita ko itong tumango senyales na pumapayag ito.
"That's all thank you!" Saad ko at nag mamadaling bumaba para puntahan si Ellaine
Nakakahiya man pero nayakap ko ito ng mahigpit. Humiwalay rin naman ako agad para tignan ang reaksyon niya. Nakangiti lang ito at iyong ngiti na iyon ang palaging tumatapos sa akin.
"Totoo? Pinapayagan mo na ako?" Excited na tanong ko dito
"Yes, Engineer." Sagot ni Ellaine
Samutsaring palakpakan ang pumuno sa buong lugar na ito. Para bang nag mistulang putok ng fireworks ang ingay sa buong lugar.
"Talaga naman! MPV na MPV!" Saad ng MC
Nilingon ko ang Mama at Papa ko at nakita ko ring masaya sila para sa akin. Muli kong nilingon si Ellaine at pinakatitigan ito.
"I will always wait kahit sobrang tagal pa. I will wait until you say yes. I will wait until I can change your surname." Saad ko