Download App
55.19% There is US not You and I / Chapter 85: Malay Ko Po Sa Kanya!

Chapter 85: Malay Ko Po Sa Kanya!

Dalawang linggo matapos ang nangyari sa Sinag Island, mas marami ang mga tanong na naglabasan. Mga spekulasyon na hindi alam kung saan nagsimula at bakit patuloy pa rin kumakalat.

Anong ginagawa ng isang wanted criminal sa Sinag Island?

May kinalalaman kaya ang pagpunta nya dito sa nababalita nuon na andito sa Pilipinas ang Crown Prince at tinatarget sya ni Arik?

Kung ganun, ibig bang sabihin totoo ang chismis na nasa Pilipinas nga ang Crown Prince at dito sya gumaling sa Sinag Island?

Samut saring spekulasyon ang naglalabasan sa internet pero walang makapagpatunay kung totoo ito o hindi.

Halatang may gumawa ng issue para mapagusapan pero kung ano ang pakay ng taong yun madaling mahulaan.

"Grabe itong mga taong ito, ayaw pa ring tantanan ang Sinag Island."

Sagot ni Presidente Guran sa isang reporter na biglang nagtanong kahit hindi naman tungkol duon ang presscon.

"Eh, Mr. President wala po kasing sumasagot sa mga kumakalat na tanong."

"So, kaya ka nangungulit dyan kasi wala kayong makuhang sagot. Eh, bakit mo sa akin tinatanong? Anong malay ko dyan?"

"Kasi po Mr. President andun po si Gen. Malvar nung nabaril si Arik pero wala na po kaming balita pagkatapos nun."

"Eh kasi mali ang tanong mo! Ang tinatanong mo ay kung andun ba yung Crown Prince kaya nagpunta dun si Arik. Kaya ang sagot ko malay ko! Hindi ko naman nakausap si Arik bago sya namatay kaya papaano kita masasagot dyan?"

Napaupo na lang ang reporter, isang tanong lang kasi ang allowed sa kanila.

"Mr. President, follow up question po tungkol sa Sinag."

Nagtaas ang isa pang reporter.

"Sinag na naman!"

"Sir, kasi sinabi nyo na kayo ang nagutos kay Gen. Malvar para magpunta ng Sinag dahil andun si Prince Tobias kaya bakit hindi nyo po alam?"

"Wala akong naalalang sinabi kong inutusan ko si Gen. Malvar na magpunta ng Sinag Island. Saan mo ba pinagkukuha ang mga chismis mo?"

Balik na tanong ng presidente sa reporter pero deep inside nangingiti na si Presidente dahil natitiyak na nyang kay VP Sales nanggaling ang mga ikinakalat na issue.

'Malamang nabayaran nya ang mga reporter na ito para sagutin ko ang issue na sya din naman ang nagkakalat!'

After kasing malaman ng mga kamag anak ni Prince Tobias na wala talaga sya sa Pinas at nasa Arritaou, nagbalikan na agad sa bansa nila ang mga ito at nanahimik na rin dahil pinarusahan sila ng Hari nila sa mga pinaggagawa nilang gulo sa Pilipinas. Ngayon, wala na silang kapangyarihan na makipaglaban sa posisyon ng Crown Prince.

Naiwan tuloy na bigo si Vice.

At ng wala man lang syang makuhang impormasyon kay Wesley ay mas lalo itong nainis.

Pero malakas pa rin ang paniniwala nya na andun si Prince Tobias sa isla at iniisip nya na may mapapala pa sya kung mapapatunayan nyang galing nga sa Sinag Island ang Crown Prince.

"Pero, ano po ba ang totoo Mr. President?"

"Ganito kasi yan. Si Gen. Malvar ay nagtungo duon dahil hiningan sya ng tulong ni Gen. Jaime Santiago, kasi may humarang sa yate na sinasakyan ng ama nyang si Ret. Gen. Eugene Santiago. Kilala nyo naman siguro kung sino sya?"

"Sir, sino po yung humarang at bakit po hinarang?"

"Saka, bakit po andun si Ret. Gen. Santiago?"

Nacu curious ang lahat dahil first time nila madinig ito.

"Ang humarang ay si Capt. Wesley at ang dahilan ay may hinahanap itong isang foreigner na delikado daw. Ang ipinagtataka ni Gen. Jaime, ang lapit na ng daungan bakit hindi muna padaungin ang yate at saka pababain si Ret. Gen. Santiago at ang misis nito. Sa huli pumayag naman na maibaba yung dalawang matanda pero ang gusto ni Wesley ay kunin ang yate kahit na nahalughog na nya ito at hindi nakita ang hinahanap. Kaya humingi na ng tulong si Gen. Jaime kay Gen Malvar na nasa malapit lang.

Pero ng kausapin ni Gen. Malvar yung si Capt. Wesley, hindi naman nya kilala nito ang hinahanap nya. Walang picture walang name! At ang tangi nilang lead ay nagmula daw sa Sinag Island. Ano ba yan? Paano ba naging Captain yang si Wesley?"

"So yun po pala ang dahilan kaya nereview ang posisyon ni Capt. Wesley at may posibilidad na ma demote sya?"

"Bakit? tanungin kita, pagkakatiwalaan mo ba ang ganyang tao? He needs to learn from the beginning! Hindi tama yang ganyan! Manghaharang sya dahil may nagutos sa kanya na ganito ganyan, tapos sisige sya na walang detalye kung sino o bakit nya hinahanap ito?"

"Sir, hindi po ba nakakapagduda naman ang aksyon ni Capt. Wesley?"

"That is exactly what I said!"

"Mr. President, paano po napunta si Ret. Gen. Eugene Santiago sa Sinag Island?"

"Kasi ginamot sya dun ng apo nyang si Dr. James Santiago na isang surgeon. Duon sya inoperahan at pauwi na sila ng Maynila ng harangin ng grupo ni Capt. Wesley."

Marami ang napa kunot ang noo ng madinig ito.

Kilala pa rin at hinahangaan si Gene ng mga tao. Itinuturing pa ring bayani ito ng karamihan kaya napa kunot ang noo nila ng madinig ang ginawa ni Wesley.

"Kaya pala nakwestyon yang Wesley!"

"Hindi na ako magtataka kung matanggal yan sa serbisyo!"

Ito ang sabi ng mga nakakapanood ng presscon.

"Mr. President, paano naman po napunta si Gen. Malvar sa Sinag Island?"

"Well, ang kwento nyan ay dahil sa ayaw pumayag ni Capt. Wesley na hindi sya kasama pabalik ng isla. Sinag Island is a private property kaya kailangan ng request para makapasok, kaya sa pakiusap ni Gen. Malvar, pumayag ang bangkero na maisama sila pagbalik nya sa kundisyon na pag hindi sila pinayagan ng tower na makapasok ay babalik sila sa daungan.

Bale tatlo silang sumama, si Gen. Malvar, si Gen. Jaime at si Capt. Wesley pagbalik ng bangkero sa isla."

"Mr. President, kung kailangan po ng request, paano po sila nakapasok sa isla?"

"Kasi ganito yan. Nasa borderline na sila ng tawagan ako ni Gen. Malvar para pakiusapan akong humingi ng request na makapasok sa loob ng isla. Pero nakarinig sila ng putok mula sa isla kaya itong ginawa ni Wesley ay itinulak itong bangkero para makuha ang manibela at saka pinaharurot ang yate. Sa galit ng bangkero ay nagbigay ito ng warning sa tower nila para hindi papasukin ang pasahero ng yate.

Kaya pagbaba nila, hinarang sila, pinapasok si Gen. Malvar at si Gen. Jaime tapos ay si Capt Wesley at naiwan sa pampang kasi sa pagmamadali nito ay nahulog ito sa trap."

"Tapos po Mr. President ano pong sumunod na nangyari?"

"Ay hindi na ako ang makakasagot dyan! Mabuti pa tawagin ko ang bisita natin."

Lahat ng mata ay nakatingin sa pumasok.

Si Roger.

"Iho, anong pangalan mo?"

"Mr. President ako po si Rogelio Prinsipe Tobias also known as Roger Tobias but you can also call me Prince Tobias if you like. Ako po ang isa sa nabaril ni Arik sa Sinag Island.

Lahat: "?????"

"Sya si Prince Tobias?"

"Prinsipe yan?"

"Sira! Prinsipe ang middle name nya Tobias ang surname nya!"

Umugong ang bulungan.

"Ikaw ang unang binaril ni Arik, tama ba? Sa palagay mo anong dahilan at bakit ka nya binaril?"

"Hindi ko po alam Mr. President. Nun kulang din po ko sya nakita. Pero ng gumanti po ang ng putok kay Arik nakita ko po na nagulat sya at nagtataka na hindi ko maintidihan."

"Hindi mo ba naisip na baka napagkamalan ka nya?"

"Eh malay ko po sa kanya Mr. President. Bigla na lang po akong pinaputukan pag pasok ng silid ko. Mabuti na lang po at andun si Boss ko inihagis nya yung hawak nya kay Arik kaya hindi ako napuruhan!"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C85
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login