Download App
62.79% ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye) / Chapter 27: Capítulo VEINTICUATRO

Chapter 27: Capítulo VEINTICUATRO

Nang kagabihang iyon ay hindi nakatulog ng maayos si Yuki. Para siyang tanga na nagbabantay sa isang upuan malapit sa kama kung saan nagpapahinga si Vi. Kahit pa sinabihan siya ng doktor na ayos ang lagay nito ay hindi pa din niya ito hinayaang mag isa sa kwarto sa iisiping baka magising ito at mangailangan ng kung ano.

"Bakit ba kasi tumatambay ka doon ng magisa?" tanong niya sa kaharap na malalim ang tulog. Hanggang sa may kumatok sa pintuan at pumasok ang kaibigan niyang si Iñigo.

"Nasabihan ko na yung kasambahay mula sa mansyon ng mga Valero na nandito siya" sabi ng kaibigan na agad din niyang nilingon "Salamat." maikling sagot niya saka muling binigay ang muli ang atensyon kay Vi na mahimbing na natutulog.

***

"Good Evening po Sir Titus. Nagpapahinga na po si Maam Vi kaya mas mainam po kung bukas niyo na lang siya tawagan." pagsisinungaling ng kasambahay ng tawagan ito ni Titus dahil hindi niya matawagan ang kapatid.

"Salamat po, pakisabi na lang po na tumawag ako." sagot nito saka pinatay ang telepono.

"Manang bakit mo sinabing nagpapahinga na si Maam Vi eh wala nga siya dito." tanong ng kusinera na nakarinig sa usapan.

"Mas maganda ng magdahilan tayo keysa naman mas magalala pa ang kapatid ni Maam Vi."

"Sige! Sabi niyo eh."

***

"Nasaan ako?" nagising bigla si Yuki ng marinig ang boses ni Vi na ngayon ay gising na.

"Sa bahay namin." maikli niyang sagot saka ito nilapitan at tinulungang tumayo.

"Ha? Magaalala ang mga kasambahay nila Kuya Kian kung nandito ako."

"Huwag kang magaalala sinabihan na sila ni Iñigo kagabi."

"Kung ganoon nasaan na ang lalaking gustong kumidnap sa akin kahapon?" tanong muli ni Vi

"Uhmm, nasa ospital ata?"

"Ata? Bakit hindi ka sigurado?" tanong niya habang tinitignan ng masama si Yuki

"Wala na akong pake sa kanya matapos ng ginawa namin.." sagot ni Yuki saka siya iginaya palabas ng kwarto.

"Kung ganoon naman pala pwede mo ba akong samahan pauwi sa bahay nila Kuya Kian. Nakakatakot kasi baka may kumidnap nanaman sa akin." ika ni Vi na halata ang takot sa mga boses.

"Oo naman, huwag kang mag-alala hanga't nandito ka sa Pangasinan aalagaan at proprotektahan kita, basta ba ipangako mo lang na huwag mo akong iiwan at tatakasan."

"Bakit naman kita iiwasan at tatakasan?" punong ng kuryusidad na tanong niya habang tinatahak ang hagdan pababa.

"Syempre noh, baka mamaya iwanan mo ako bigla kung may malaking aso na tumahol dyan sa tabi mo o kaya sa labas ng gate." sarkastikong sagot ni Yuki

"Alam mo ang pangit mo kausap. Sincere yung tanong ko tapos jinojoke time mo lang."

"Bakit? Hindi mo ba ako tatakbuhan kung may nakita kang malaking aso sa harap mo?"

"Syempre hindi kita tatakbuhan noh, dahil."

"Dahil ano"

"Dahil baka bago pa ako makatakbo ay nahimatay na ako." nakakatawang sagot ni Vi saka tinignan ang kabahayan mula sa pinakababang palapag.

"Ang yaman mo naman pala. Pero bakit parang wala ang mga magulang at kapatid mo dito." patuloy niyang nilibot ang paningin, maski ang mga paintings sa dingding at vase ay tinitignan maigi ni Vi. Dahil kung hindi siya nagkakamali ay napaka limited edition ng mga ito at sobrang mahal ng presyo. "Saka bakit ka nagluluto sa maliit na kainan kung ganito ka naman na pala kayaman huh?" sunod sunod na tanong niya pero hindi sumasagot ang kausap. Hanggang sa naputol ang paglilibot nya ng tingin ng may isang lalaki na naglalakad na may hawak na plato na may pandesal,bacon at avocado. "Avocado at pandesal?" tanong nito sa lalaki.

"Kanya kanyang trip 'to walang basagan." sabi ng lalaki saka naglakad papunta sa sala.

"Minsan hindi ko talaga alam kung normal ka ba o may kulang na turnilyo sa utak mo Iñigo." sabi ni Yuki sa lalaking kakaupo lang sa sofa.

"Sabi ko ng walang basagan ng trip eh." ika ng lalaking nagngangalang Iñigo saka sarap na sarap sa kinakaing avocado at pandesal.

"Mas masarap sana 'yan kung pati ako ay may makakain." sabi ni Vi saka hiniwakan ang tiyan.

"Chef Yuki! Baka naman may pa breakfast ka.. Baka lang naman" sabi ni Vi saka ngiting asong tinignan si Yuki.

"Follow me, ipagluluto kita ng masarap na breakfast." ika nito saka sila naglakad papuntang kusina.

***

"Hoy De Luna! Andito tayo para mag aral hindi para matulog at kumain ng kumain." singhal ni Lance kay Shawn ng makitang naglalakad ito papunta sa kusina ng bahay nila Titus.

"Grabe naman, hindi ba pwedeng nauhaw lang kaya pupunta ng kusina." tugon nito saka iniwan si Lance at naglakad papuntang kusina.

"Wala ka na talagang aasahan sa kanya." ika ni Khiel na kakababa ng hagdanan.

"Kung hindi tulog, kakain naman. tsk" sabi ni Theo habang pinupunasan ang basang buhok.

"Mga sir pumunta na daw po kayo s garden sabi ni Sir Titus. Doon po kasi niya kayo gustong mag agahan." ika ng isang kasambahay na agad din naman nilang sinundan palabas ng garden.

Hindi na nabigla ang ilan sa kanila ng makitang punong punong ng magagandang halaman at pananim ang garden nila Titus. Pero ang hindi nila lubos akalain ay ang floral themed maze garden sa gitna. Kung hahambingin muka itong maze na gaya ng sa pelikulang 'the maze runner' pero mas maliit na bersyon at punong puno ng kulay white at red rose. Sobrang ganda nito kaya naman hindi mapigilan ng magkakaibigan na ikutin ang maliit na maze.

"Kung sino ang unang makakalabas diyan sa maze ang mananalo." ika ni Shawn

"Malamang" sabay sabay naman na sagot ng magkakaibigan

"At kung sino ang huli, siya naman ang maghuhugas ng pinagkainan nating lahat." dagdag ni Khiel na ikinatingin ng lahat.

"Oh bakit parang ayaw niyo?" tanong muli nito

"Basta ako ang mananalo dito." confident na sabi ni Shawn

"Dapat pa din ba akong sumali? I mean kabisado ko na 'yang maze eh" sabi ni Titus saka sila tinignan

"Kahit pa kabisado mo na ang maze, kung mauunahan naman kita talo ka pa din." sagot naman ni Shawn saka nagpanggap na nagstestretching.

"Ok. Game?" ika ni Titus

"Wait lang. Para mas intense bakit hindi natin dagdagan ng twist." suhestiyon ni Lance

"What twist?" kunot nuong tanong ni Theo.

"Whoever wins the game will be exempted from the punishment, which is washing the dishes. And to spice things up bakit hindi tayo gumawa ng sariling truth or dare questions." sabi nito saka inilabas ang cellphone sa bulsa."Each one of us should think of a question or a dare for the loser, then obviously the loser should answer it or do the dare."

"And if we don't do it?"

"We should" Lance answered in a stern a voice

"Ok" everyone agreed and typed their question or dare in lance's phone.

Truth or Dare List:

Theo - Who was the last person you've dated?

Lance - Who was the last person that made you cry?

Khiel - Maglaba ng mga damit namin.

Titus - Who is the person you hated the most?

Shawn - Ipost mo sa lahat ng social media account mo na "super gwapo ni Shawn De Luna. #Shawnlangsapatna #Shawnisthebest #Shawnistheone #HailMasterShawn #ShawnSupremacy💪

Matapos nilang ilista ang lahat ay nagset sila ng timer gamit ang cellphone ni Lance saka kanya kanyang pumusisyon sa entrance ng maze.

"Ready"

"Get Set"

"Goooo"

Pagkasabi ng 'go' ay nagkanya kanya ng takbo ang magkakaibigan. May ilang nagtulakan at nagkabunguan. Pero isa lang ang nasa isip nilang lima, at yun ay ang manalo dahil kung hindi ay mapipilitan silang gawin ang mga gustong ipagawa ng mga kaibigan nila.

***

"So, ano pa ang gusto mong kainin?" Tanong ni Yuki kay Vi nakaupo sa breakfast table.

"Ok na 'tong spam,egg at corned beef. Thank you Chef!" Pabirong sagot ni Vi

Natawa naman ng bahagya si Yuki sa sagot ni Vi pero agad din naman itong umupo sa tabi niya at sinabayan siyang kumain habang nagkwekwentuhan tungkol sa mga gustong gawin ni Vi habang bakasyon.

"Don't worry I promise hindi ka magsisi na magbakasyon sa Pangasinan." Sabi ni Yuki saka inilahad ang pinky finger.

Agad din naman itong tinugon ni Vi at pinagkrus ang pinkyfinger sa bianta at sinabing "Let's have some fun Chef Yuki!"

***

Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na mg maze sina Titus at Theo. Ang naglalaban na lang ay sina Lance, Shawn at Khiel. Pero makalipas lang ng ilang segundo ay nakalabas na rin ng maze si Khiel na hingal na hingal.

"Mukhang matatalo pa ata si Shawn ah" hingal na sabi ni Khiel saka inabot ang basong may lamang tubig.

"Who knows" sagot naman ni Titus saka nagkibit balikat.

"They're the ones who set the game rules yet they'll lose." Sagot ni Theo habang pinupunasan ang pawis.

"What if tie sila?"

"Then they'll both do the punishments" sagot muli ni Theo.

Hindi na nila hinintay pa ang matagal na minuto dahil natanaw na agad nila si Shawn. Sa aakalaing mananalo si Shawn ay laking gulat na lamang nila na sumulpot ni Lance sa gilid ng maze at saka ito ang nanalo.

"Madaya ka!" Sigaw agad ni Shawn kay Lance.

"What can you say mukhang mas malapit yung daan na napuntahan ko eh" sagot ni Lance saka nagkibit balikat.

"Hindi ko 'to matatanggap. ang gawapong si Shawn De Luna ay natalo? tama ba 'yon?" Sigaw ni Shawn sa mga kaibigan na tumatawa lang.

"Wag kang bitter. ikaw nag suggest niyan." Sabi ni Khiel saka naupo na sa dining table na pinahanda ni Titus.

"Sore loser" sigaw naman ni Theo saka umupo na din

"Taste your own medicine, dumb ass" sabi ni Lance saka tumatawang naglakad sa malapit na gripo at naghilamos.

"Badtrip! Paano na lang yung dare ko! Ipopost ko sarili ko with those captions." Inis na sabi ni Shawn saka umupo sa tabi ni Theo

"It's called self love" sabi ni Lance saka naupo sa tabi ni Khiel.

"Now,, do the punishments" masayang sabi ni Titus at binasa isa isa ang kanilang tinaype sa cellphone ni Lance.

Truth or Dare List

Theo - Who was the last person you've dated?

Lance - Who was the last person that made you cry?

Khiel - Maglaba ng mga damit namin.

Titus - Who is the person you hated the most?

Shawn - Ipost mo sa lahat ng social media account mo na "super gwapo ni Shawn De Luna. #Shawnlangsapatna #Shawnisthebest #Shawnistheone #HailMasterShawn #ShawnSupremacy💪

"So who was the last person you've dated?" Tanong ni Theo.

"Her name was Rielle, Relle? Elle? I forgot but something like that I met her at the bar near my condo.

"Who was the last person that made you cry?" Tanong ni Lance

"My parents? I guess?" maikling sagot ni Shawn

"Simple lang sakin, labahan mo lang 'tong damit ko ok na" sabi ni Khiel saka tinignan si Titus.

"Who is the person that you hated the most?" Tanong ni Titus.

"Myself" sagot ni Shawn saka nilabas ang phone.

"Everyone smile!" Biglang sabi ni Shawn. "Since ako ang talo at magpopost sa social media, papakinabangan ko na lang din ang mga mukha niyo para dumami ang likes." Pagkasabi niya ay napailing ang lahat at saka nagsimulang kumain.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hey again! Sorry for very super mega delay updatesss!! I just finished my senior year in high school kaya na late lahat. Please continue supporting my works. See you on next chapss :>>

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C27
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login