Download App
60.46% ASTER UNIVERSITY #1 (The Day She Said Goodbye) / Chapter 26: Capítulo VEINTITRES

Chapter 26: Capítulo VEINTITRES

Nang kahapunan ng araw na iyon ay lumawas na muli pa Manila si Titus at iniwan ang kapatid sa mansyon ng mga Valero. Habang nasa mansyon ay nililibot lang ni Vi ang paningin sa kapaligiran. Kapansin pansin na tahimik ang buhay sa probinsya kumpara sa Manila. Napansin din niya na kahit magkakalayo ang bahay dito ay mukhang magkakakilala at close pa din ang lahat ng mga tao.

Kaya naman dahil sa kuryusidad niya ay nagpasya siyang magalakad lakad muna dahil hindi anman na tirik na tirik ang araw at malapit na ngang lumubog ito.

"It's nice to watch the sunset until that day,," sabi niya sa sarili habang nakatingin sa mga ulap.

"Mga manong at manang, maglalakad lang po ako sa labas tutal babalik din po ako bago maghapunan." paalam ni Vi sa mga kasambahay ng mansyon

"Sige hija, basta kung kailangan mo magpasundo o kaya kapag naligaw ka tumawag ka lang alam mo naman na ang number ko." sabi ni Manong Dan saka binuksan ang gate.

Habang naglalakad ay palinga linga si Vi, minsan ay napapahinto pa siya dahil kumukuha siya ng litrato sa paligid hanggang sa napagod siya at naisipang umupo muna sa isang waiting shed na nasa gilid ng daanan.

Nagpahinga muna siya dahil medyo malayo na din ang nilakad niya kaya naman habang nagpapahinga ay tinawagan niya ang kapatid upang sana malaman kung nakarating na ba ito sa bahay nila. Ngunit walang sumasagot at sa iisiping busy ito sa pagmamaneho ay itinigil na niya ang pagtawag saka pinagmasdan ang dumadaang tricycle, motor,bike at kotse na dumadaan. Hanggang sa may isang pulang kotse na tumigil sa harap ng waiting shed.

"Ms. pagod ka na ata, halika na isakay na kita" sabi ng lalaki na nasa loob pulang sasakyan na ikinagulat niya hanggang sa lumabas ito sa kotse at naglakad papalapit sa kanya.

"M--may hi-hini-hinihintay po ako ku-kuya" nauutal at kinakabahan na sabi ni Vi sa hindi kilalang lalaki. Ngunit hindi ito nakinig at hinawakan ang braso niya na pilit na pinapatayo.

"An-ano po ba! Sa-sa-sabing may kasama ako eh!" sigaw ni Vi saka nagpupumiglas.

"Sus! Pakipot ka pa alam ko namang nagaantay ka lang ng iba dyan eh!" pagdadahilan ng lalaki saka siya hinihila.

"Aa-aayaw ko po, huwa-huwag po! Ma--maawa po kayo" pagmamakaawa ni Vi saka pilit kinakalas ang pagkahawak sa mga braso niya.

Mas malakas ang lalaki kaya naman parang walang kwenta ang pagpupumiglas nito, hanggang sa nakarinig siya ng sunod sunod na busina ng kotse, at eksaktong binangga nito ang pulang kotse.

"Gago ka ba!" sigaw ng lalaki saka siya tinulak ng malakas upang sugurin ang bumangga sa sasakyan niya. Pero bago pa man nito makatok ang bintana ay lumabas ang isang lalaki at sunod sunod na binugbog, tinadyakan at pinagsisipa ang nambastos sa kanya. Sa sobrang takot ay hindi na mamukaan ni Vi ang mga tumulong sa kanya.

Narining niya ang pagmamakaawa ng nambastos sa kanya ngunit huli na ang lahat dahil bumibigat ang talukap ng mata niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

***

"Ikaw ah chumachansing ka nanaman. Kala mo hindi ko nakita yung pa sweet sweet effect mo saka pangitingiti na parang asong ewan." pangaasar ni Iñigo sa kanya ng magkaalis ang magkapatid.

"Magluto ka na nga lang hindi yung nakikichismis ka pa." singhal niya sa kaibigan saka kinuha ang apron at nagluto muli.

Si Iñigo lang ang kasama niyang bumalik sa Pilipinas dahil nagpaiwan ang ilan niyang kaibigan sa US. Kung tutuusin nagpapasalamat talaga siya sa kaibigandahil kahit papaano ay may makakasama siya habang nagtatago sa ama niya.

"Bakit ba kasi ako nagtatago, mukha tuloy akong criminal" sabi niya saka bumuntong hininga.

"Kasi nga ayaw mong mag aral sa US kaya ayun binagsak mo lahat ng entrance exam mo at ngayon nagtatago ka dahil alam mong bubulyawan ka ng ama mo" sagot sa kanya ng kaibigan na agad niyang tinignan ng masama.

"Ayaw kong maging businessman, I don't want to manage my parent's company. Ayaw ko na para akong tanga na inuutos-utusan lang ng parents ko. I want to build my own empire, my own name and my own business" sabi niya sa kaibigan saka ito nagpatuloy sa pagluluto.

"Alam kong ayaw mo pero do you think you'll make it? I mean your dad can do everything just to make you fall. Remember when he cancelled all your cards and didn't give you any allowance for two months. That was a shit bro. Mahirap pero kung kakayanin mo naman why not." pagpapaliwanag muli ng kaibigan.

"Kakayanin ko at kailangang kayanin! Kasi kung hindi gagawin lang nila akong trabahador nila na sunod sunuran sa mga gusto nila." sagot muli niya saka inalala ang mga nangyari sa US habang nagluluto.

Nang mag 4:30 ng hapon ay nagsimula ng mag ayos sina Yuki at Iñigo ng kanilang kainan. Oras na din kasi para makauwi sila kahit na hindi man kalayuan ang kanilang tinitirhan dahil sa mansyon ng pagmamayari ng pamilya ni Yuki sila pansamantalang nanunuluyan habang nasa Pilipinas.

"Gusto mo ba mag pahingin muna?" tanong ni Iñigo kay Yuki na naglalakad na paakyat sa kwarto nito

"Saan naman tayo pupunta huh?" balik na tanong nito

"Kahit saan, chill chill lang joyride para naman mas ma relax tayo kahit papaano." pagpapaliwanag nito para makumbinsi ang kaibigan.

"Sige pero kaninong kotse ang gagamitin natin?" tanong muli nito saka naglakad muli pababa ng hagdan.

"Sa'yo na lang tinatamad ako mag drive." sabi ni Iñigo saka naunang ng lumabas.

"Woow ah! Salamat talaga! Ikaw ang nagyaya pero ako pa ang naging driver! Salamat!" sigaw ni Yuki sa papalayong bulto ni Iñigo.

***

"Surprise!!" sabay sabay na sigaw nila Shawn, Lance, Theo at Khiel ng makapasok si Titus sa kanilang bahay.

"A-anong ginagawa niyo dito?!" gulat na tanong niya sa mga kaibigan na mukhang masaya pang kumakain ng prutas.

"Dito muna kami sa inyo para sa law school group review natin." pabibong sagot ni Shawn na siyang kumakain ng grapes.

"Saka inunahan ka na namin kasi baka hindi mo kami papasukin sa bahay nyo." sagot ni Lance saka itinuro ang kanilang backpack na nasa sofa pa din.

"Anong dito kayo matutulog?!!" pasigaw muling tanong niya sa mga kaibigan na walang pakialam.

"Oo naman. Bakit ayaw mo ba?" tanong naman ni Khiel na siyang nagbabalat ng dalandan na hawak hawak

"Hindi naman sa ayaw ko pero-- pero nabigla lang talaga ako." pagpapaliwanag niya saka nakiupo sa tabi ni Khiel at kumuha ng mansanas.

"Saan ka pala galing at bakit ngayon ka lang?" tanong naman ni Theo na pumukaw sa atensyon niya.

"Hinatid ko si Vi sa bahay nila Kian. Doon daw kasi niya gustong magbakasyon eh." sabi nito saka kinapa ang cellphone sa bulsa.

3 Missed Calls [ Victoria ]

Sa nakitang missed calls ng kapatid ay agad niya itong tinawagan ngunit walang sumasagot. Sa iisiping nagpapahinga ito ay hindi na niya ito tinawagan pa muli.

***

"Ang swabe talaga ng jeep mo Yuki." pang aasar ni Iñigo habang nasa daan sila at nag jo-joyride.

"Tumahimik ka nga diyan.Tandaan mo nakikisakay ka lang kaya wala kang karapatang magsalita hangga't hindi ko sinasabi." pagalit na sagot niya sa kaibigan saka mas tinuon ang atensyon sa dinadaanan.

Habang nilalakbay ang daanan ay inaalala pa din ni Yuki ang pagkikita nila ni VI kanina. Pero nawala ang masayang pag iimagine niya ng marinig na tumatawa ang kupal nitong kaibigan.

"Luh ngiti ngiti mo diyan." panunukso ni Iñigo ng makitang siya.

"Tumigil ka nga diyan kung hindi ibaba kita dito." sabi nito saka talagang ihininto ang sasakyan sa harap ng isang mansyon.

"Sorry na, natutuwa lang ako sa'yo para ka kasing tanga na ngumingiti diyan." pagpapaliwanag niya saka tinignan ang mansyon na kanilang hinintuan.

"Ito ata yung mansyon ng mga Valerio may nakalagay doon oh." sabi ni Iñigo na sinundan niya ng tingin.

"Mukha nga pero wala akong pake." sabi ni Yuki saka muling pinaharurot ang sasakyan.

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagbibiyahe ay may nakita siyang pulang kotse na nakaharang malapit sa may waiting shed.

"Yuki ihinto mo yung kotse mukhang kinikidnap yung babae! Sabi ni Iñigo saka tinuro ang babaeng pwersahang hinihila ng lalaki. Pero kahit malayo ay namukhaan niya na agad kung sino ang babaeng 'yon. At dahil sa galit niya ay binangga niya ang pulang kotse saka tuluyang lumabas si Iñigo para paulanan ng sunod sunod na suntok ang lalaking humihila kanina kay Vi.

"Bastos ka! You Jerk! Bastos Manyak Gago! Cancer ng lipunan!" sunod sunod na sigaw ni Yuki saka buong pwersang pinagsusuntok ang lalaking nambastos kay Vi. At mula sa gilid ng mata niya ay napansing niyang pipigilan na siya ni Iñigo pero gaya ng inaasahan ay kabaliktaran pa ang nangyari. SI Iñigo pa ang mas bumogbug sa manyak na lalaki.

"Ako na bahala dito asikasuhin mo muna yung babae. Mukhang tinulak niya kanina." dahil sa sinabi ng kaibigan ay agad niyang nakita at dinaluhan si Vi na walang malay.

"Wake up! Please wake up! Wake up for me please!" sunod sunod na sabi niya saka binuhat si Vi ng dahan dahan.

"Tama na 'yan Iñigo! Drive the car we're going home!" sigaw niya saka nagmamadaling isinakay si Vi. Pero dahil mahirap ayusin ang upuan ay kinandong na lang niya ito habang walang malay.

"Faster!!" Singhal niya sa kaibigan na ngayon ay nagmamadali ng magdrive.

"Should we go to the hospital?" tanong ng kaibigan habang mabilis na nagdadrive.

"Sa bahay na. I'll call Dr. Salcedo!" sabi ni Yuki saka kinapa ang phone at tinawagan ang doctor na kakilala.

"Doc! Pumunta ka sa bahay, ngayon na!" malakas na sabi ni Yuki na puno ng galit at pag aalala.

Dahil sa sobrang bilis magmaneho ay nakarating sila kaagad. At gaya ng inaasahan nandoon na si Dr. Salcedo sa salas nila.

"What happened?" agad na tanong ng doctor pero hindi siya sumagot. Dahilan para kumunot ang noo ng doctor.

"We don't know, nakita lang namin siya na hinaharass at nawalan ng malay." pagpapaliwanag ni Iñigo saka sinenyasang pahigaan si Vi sa kama.

Pero dahil sa kabaliwan ni Yuki ay talagang piannagko at inakyat niya si Vi papunta sa kanyang kwarto.

"Really?! Dapat ba talaga sa kwarto mo pa?" sarkastikong sabi ng kaibigan na agad ding tumahimik ng tiningnan niya ng masama.

"Please take care of her Doc." sabi ni Yuki sa doctor na umaasikaso kay Vi.

"I'll take it from here. Pwede niyo na munang linisan ang mga sugat niyo" sagot ng doctor sa kanila saka sinenyasang lumabas muna ng kwarto.

"Nawalan lang siya ng malay. Huwag ka masyadong mag alala magigising din siya."sabi ni Iñigo saka tinapik ang balikat niya.

"I'm scared for her--,I don't want her to experience the trauma and fear I've experienced before." ika ni Yuki saka napasandal sa likod ng pintuan.

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Hey again! sinusubukan ko mag update twice a week para maumpisahan ko na din yung book 2 for ASTER UNIVERSITY SERIES :))) thenkyuu again continue reading and supporting !!!

Please support my twit acc 🥺👉👈 :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login