Download App

Chapter 11: KABANATA 9

ITO nga . . . naglalaro kaming tatlo nina Dexter at Toshiro ng basketball sa sarili naming court dito sa bahay. Pasahan lang kaming tatlo at pashoot-shoot lang sa ring habang si Jeyda naman ay nagtitimpla ng juice at nagbe-bake ng cake. Ganyan talaga ka-sweet ang bunso namin.

Dalawang linggo na pala ang nakalilipas nang makabalik si Dex pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko napansing ipinasa na sa akin ni Dexter ang bola.

Shoot! Sapul ako sa mukha!

"Shit!" ang malakas kong sigaw habang sapo ang matangos kung ilong. Mabilis na napalapit sa akin sina Dada at Tosh.

"Okay ka lang?" ani Touishiro. Habang si Dada naman ay nag-aalala ring nagtanong kung nasaktan ba ako.

"Ayos lang ako," mabilis kong sabi kahit napakasakit talaga ng ilong ko.

"Kung anu-ano kasi ang iniisip mo, Nakame. Wake up, bro!" sabi naman ni Dexter na patuloy lang sa pag-dribble at pag-shoot ng bola.

Pinagmasdan ko lang siya habang nagshu-shoot. Ewan ko ba . . . magaling ito sa basketball pero ayaw naman sumali sa kupunan nina Toshiro. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mahilig makipaghalubilo.

Nang mag-ring ang cellphone na nakalagay sa may bulsa ko ay mabilis ko yong kinuha at sinagot. "Hello, oh, Brennan? Huh? What? Fuck!? Sige, pagkatapos ko rito ay pupunta ako riyan. Tingnan natin kung hanggang saan ang yabang ng mga iyan!" Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay napansin kong nakatitig lang sa akin ang mga kapatid ko.

"Grabe, Nakame, ang galing mo na ngayong mag-trashtalk, ah?" ani Toshiro na iiling-iling pa habang sumusubo sa hiniwang cake ni Dada.

Napangisi lang ako habang umiinom na ng juice.

Dahan-dahan namang umupo si Dexter at seryosong bumaling sa akin. "Bawas-bawasan mo ang pagsasalita ng ganyan, Nakame. Hindi maganda sa pandinig."

Napasmirk lang ako. "Ano ba, Dexter? Ito ang in sa DOTA World ngayon. Masanay ka na."

Napailing-iling lang ito. "If I were you, Nakame, bawas-bawasan mo ang pagsama-sama mo sa mga grupong iyan. Kapag napa-trouble ka diyan, ikaw rin ang kawawa," muling babala ni Dexter habang inaayos ang suot na salamin.

"Ang mabuti pa, Dex, pagtuunan mo na lang ng pansin ang nalalapit na Promenaide. Tapos mag-contact lense ka na lang kaya? Mas cool kaysa ganyang nakasalamin ka, mukha kang nerd," pang-aalaska ko sa kaniya at bahagya pang tinapik ang balikat nito. Tumayo na ako. Dadaan pa kasi ako kina Leydhemay, girlfriend ko nang maglilimang buwan na.

Yes, kailangan ko munang pumunta sa babe ko bago ang tropa. Tiyak naman makakapaghintay sila. Palabas na ako ng gate nang magbigay ng cake si Dada, ipasalubong ko raw kay babe. Habang si Toshiro naman ay puro pang-aalaska ang inaabot ko. Inggit lang kasi wala pa siyang serious girlfriend. Babaero kasi. Habang si Dexter ay mataman lang kaming pinapanuod. Pasakay na sana ako ng tricycle nang magsalita si Dexter.

"Mag-ingat ka, Nakame, and get home immediately if the first sign of trouble occurs, paalala nito na hindi ko mawari kung nagpapaala lang o nagbibiro.

Minabuti ko na lang tumango at saka sumakay sa humintong tricycle. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Dexter. Minsan talaga may pagkatopak ito at kung anu-ano ang sinasabi. Naalala ko tuloy noong bago kami magbyahe papuntang Samar . . . malakas ang kutob nitong may hindi magandang mangyayari. At iyon nga, nasunog at lumubog ang barkong sinakyan namin. Ang pinakamasaklap pa ay namatay na nga si Mama, nawala pa sina Lola at Lolo.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login