Download App
67.39% Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 31: Ang Kabiyak ni Hudas

Chapter 31: Ang Kabiyak ni Hudas

Ako'y nag-ayos sa aking sarili. Ipinalit ko ang aking kasuotan sa kulay itim. Tinignan ko ng mabuti ang sarili ko kung may nag-iba ba sa akin. Ngayon ako tatanghalin bilang kabiyak ni Hudas. Ako'y nagulat sa aking nakita sa aking kamay dahil may nakapalibot ito na parang purselas, ito'y kulay itim. Sinubukan kong tanggalan ito at pinunasan ito ng tubig ngunit hindi ito mabura o matanggal. Ako'y lumabas sa palikuran at gulat na nakita pa rin si Asher na nag-aantay.

"Hindi ka pa pala lumalabas?"Tanong ko sa kanya. Siya'y tumango at tumungo sa pintuan. Hinawakan ko ang kanyang kamay dahilan siya'y mabigla.

"Bakit?" Malamig na sabi niya. Ngayon ay alam ko nang iiba ulit ang pakikitungo niya sa akin. Ipinakita ko sa kanya ang aking kanang kamay.

"May nakikita ka bang itim na purselas sa aking kamay?"Seryosong tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang aking kamay at nagmasid kung mayroon ba talagang purselas na makikita doon.

"Ika'y nababaliw na ata. Kailangan mo pa yata ng pahinga."Sagot niya pabalik sa akin at binuksan ang pinto. Ako'y tumakbo papunta nito at isinara ulit.

"Nilalaruan mo ba ako?"Inis na tanong niya.

"Ilan ba talaga ang mundo?"Tanong ko sa kanya. Siya'y napahawak sa kanyang panga at nagsimulang mag-isip.

"Depende."Ani niya."Depende sa iniisip ng panauhin na nililibot niya."Paliwanag niya.

"Ano naman ang ibig sabihin sa likod ng iyong mga salita?"Tanong ko ulit sa kanya na tila hindi makaiintindi sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Kalimutan mo na."Saad niya at lumabas kaagad. Hindi ko na siya napigilan.

"Heleana, magsisimula na."Paalala ni Madam Zelda."Halika na."Ani nito. Ako'y sumabay sa kanya at nakita ang pintuan ng isang kwarto

Ako ay pumasok sa kwarto mag-isa. Dala-dala ko ngayon ang kandila. Ang kandila lamang ang nagtataglay ng ilaw sa loob ng kwartong ito. Parang walang bintana dahil wala akong makita na liwanag galing sa buwan. Tila itim lang nakapalibot sa akin. Nagtataka ako kung bakit may simoy ng hangin, tila ito'y kumakaba sa akin. Ako'y napahinto ng may mabangga ako.

"Aray!"Sigaw ko. Nahulog ang kandila dahilan dali-dali ko tong kinuha. Mabuti ay may ilaw pa itong binubuga. Ako'y nagulat sa aking nakita sa harapan. Isang halimaw na hindi kaaya-aya tignan.

"Natatakot ka ba?"Tanong ng halimaw. Ako'y nagtaka kung bakit tanong ang ibinungad sa akin. Ako'y tumango bilang pagsang-ayon ng kanyang tanong. Siya'y yumuko sa aking harapan.

"Tila ikaw lang ang nag-iisa dito."Saad ko habang tinitignan ang paligid. Ang halimaw ay tumingin sa akin na puno ng pagtataka.

"Hindi ka ba natatakot sa kaya kong gawin?"Tanong niya ulit. "Ako'y isang halimaw. Kaya kitang patayin sa aking gusto."Saad nito ngunit ako'y ngumiti.

"May kilala akong panauhin na kagaya mo. Isang malungkot na panauhin."Saad ko sa kanya. Itinaas ng halimaw ang kanyang noo at nagsimulang magsalita.

"Tinatanggap mo ba ang alok ko bilang isang kabiyak mo? Hanggang sa kamatayan mo?"Tanong niya.

"Ikaw si Hudas?"Tanong ko sa kanya."Akala ko may bantay ka, sa aking pagbasa sa mga libro ay ipinapakita mo ang iyong katauhan na anyo sa iyong magiging kabiyak."Ani ko na tila nagtataka. Ang halimaw ay tumawa ng mahina hanggang naging malakas ito.

"Ipapakita ko lamang ang aking katauhan na anyo kapag-"Siya'y huminto at hinawakan ang aking mukha. "may bumunga na sa iyong sinapupunan."Ani niya sabay turo sa aking tiyan.

"Na magtataglay sa iyong kalakasan, ganoon ba?"Tanong ko sa kanya at siya'y tumango sa aking sinabi.

"Handa na ako."Saad ko sa kanya.

"Hindi madali ang proseso, Heleana."Saad niya.

"Alam ko ngunit dapat tandaan mo na handa akong gawin ang aking tungkulin."Saad ko sa kanya.

"Simulan na natin."Saad nito. Ako'y napaisip sa aming gagawin."Nagdadalawang isip ka pa ba?"Tanong nito sa akin.

"Hindi ngunit pwede bang may pangako tayo sa isa't isa?"Tanong ko kaagad sa kanya.

"Ano namang klaseng pangako na iyan?"Tanong nito. "Unang-una sa lahat ayoko sa mga sinungaling."Ani niya ulit.

"Kapag ibinigay ko ulit ang iyong lakas, maari bang makalabas ako sa mundong ito?"Tanong ko sa kanya. Ang halimaw ay tumahimik at nag-isip sa kanyang sasabihin.

"Hindi."Ani nito."Dahil isa kana sa pinag-aarian ko."Paliwanag niya. Ako'y yumuko muna at ibinalik ulit ang tingin ko sa kanya.

"Alam ko."Saad ko at pinilit na ngumiti. Inihatid ako ni Hudas sa lugar na may kama at puno ng apoy ngunit madilim pa rin ito. Sumenyas ang halimaw na mahiga ako.

"Kada kabilugan ng buwan ay babalik ka sa lugar na ito."Ani niya. "Ikatlong buwan ay may bubunga na sa iyong tiyan."

Tumingin ako sa buwan, ito'y maganda pa rin tignan. Ibinalik ko ang tingin ko sa halimaw na ngayon ay nasa harapan ko na. Si Hudas ay pumunta sa aking ibabaw.

"Handa ka na ba?"Tanong nito. Ako'y tumango bilang pagsang-ayon sa kanyang tanong.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinilit ko ang aking sarili hindi maramdaman ang ginagawa nito sa akin. Ito'y pumasok sa aking kalooban dahilan ako'y mapasigaw dahil sa hapdi. Ang aking katawan ngayon ay nanginginig. Para akong mawalan ng malay sa aming ginagawa. Aking hinigpit ang aking pagkakapit sa kama. Sa pagkalipas ng minuto ay hindi na ito mahapdi kundi ito'y nagiging masarap na sa aking pakiramdam. Ako'y nagsimulang umungol kasabay ang pagpatak ng aking mabibigat na mga pawis. Nang maabot ko ang kahulihan ay may naramdaman akong may lumabas na liquido sa aking kalooban ko dahialan ako'y nahimatay.

"Heleana!"

"Heleana!"

"Heleana!"

"Ah!"Sigaw ko sa marahan na boses, mabuti ay hindi sila nagising. Ako'y nagising sa aking kwarto, ito'y gabi pa rin. Nakita ko si Madam Miranda sa gilid ng aking higaan na natutulog habang si Heros naman ay nasa upuan at si Asher na tumitingin sa buwan sa may bintana. Si Asher ay tumalikod dahilan sa aking sigaw. May dala-dala siyang libro, mukhang binabasa niya ito kaninan habang nakatingin siya sa buwan.

"Gising ka na pala?"Tanong nito sa akin. Ako'y tumayo sa king makakaya. Matutumba na sana ako ngunit inalalayan ako ni Asher.

"Huwag mo munang pilitin ang iyong lakas na tumayo."Saad niya at ibinalik ako sa kama.

"Kaya ko namang maglakad."Ani ko.

"Kaya mong maglakad pero kung mayroon ang tulong ko."Ani nito sa akin."Anong nangyari?"Tanong nito dahilan ako'y magtaka. "Ang ibig kong sabihin anong nangyari sa iyo sa loob?"Tanong niya ulit.

"Ako ay kabiyak na ni Hudas."Saad ko sa kanya at ipinilit kong ngumiti sa kanyang harapan. "May kalayaan pa kaya akong makakamit?"Tanong ko sa kanya.

"Oo naman, bakit naman wala?"Sagot niya sa aking tanong.

"Para sa iyo oo. Hindi ka naman si Hudas kaya madali mong sabihin na oo."Ani ko. Tumahimik kami ng pandalian.

"Totoo ba ang iyong sinabi kanina?"Pag-iibang paksa niya dahilan ako'y mapatingin kaagad sa kanya.

"Ang alin?"Tanong ko sa kanya.

"Na may nadarama ka sa akin?"Seryoso niyang tanong dahilan ako'y napatulala.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C31
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login