Download App
58.69% Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 27: Ang Nadarama

Chapter 27: Ang Nadarama

"Iniiwasan mo ba ako?"Bungad sa akin ni Asher. Ibinahala ko ang aking sarili sa pagtulong sa mga kasambahay.

"Heleana."Tawag niya sa akin sa malalim na tono dahilan ako'y napatingin sa kanya. Ako'y di mapakali sa aking ginagawa, ang aking isipan ay puno ng mga scenario na maaring mangyari sa hinaharap.

"Iniiwasan mo ba ako?"Tanong niya ulit. Ako'y humanap ng sagot sa aking isipan ngunit walang lumalabas. Ako'y huminga ng malalim.

"Hindi."Tipid kong sagot sa kanya habang sinusundan si Manang Zelda. Hindi na ako nakasunod pa kay manang dahil hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. Ako'y nagtaka sa kanyang inaksyon.

"Patawad...kung may nagawa man akong mali sa iyo."Marahan na saad niya at binitawan ang kamay ko.

"Wala kang maling nagawa pero..."Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil walang lumalabas na salita sa aking bibig, tila ako ay naging pipi.

"Pero iniiwasan mo ako sa di malamang dahilan, ganun ba?"Agad na tanong niya sa akin. Ako'y nakaramdam ng pagkalog sa aking katawan dahil sa kanyang sinabi.

"AAAAAA...Di ko alam kung anong sasabihin ko sa iyo."Ani ko na para bang naguguluhan sa aking inaaksyon sa kanyang harapan.

"Anong ibig mong sabihin?"Nagtatakang tanong niya.

"Mahirap sabihin o ipaliwanag sa iyo ang aking nadarama."Agad na saad ko sa kanya. Hindi na siya nakasalita pa dahil tinawag ako ni Manang Zelda sa di kalayuan.

"Heleana, akala ko ba sasama ka sa akin?"Tanong ni Manang Zelda.

"Sasama po ako, sandali lang."Sagot ko sa manang at tinignan ulit pabalik si Asher. "Patawad, aalis muna ako."Pagpapa-alam ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking kamay dahilan ako'y nahinto sa paglalakad.

"Mamaya, mag-uusap pa tayo."Saad niya at naunang umalis sa akin.

Ako'y nakatulala lamang habang tinutulungan si Manang Zelda sa pagtatahi ng mga kurtina. Hindi ko alam kung paano ko ba haharapin si Asher na hindi malalim ang iniisip ko. Iba lang naman ang aking nararamdaman sa kanya ngunit, bakit naging ganito?

"Heleana, ang lalim naman ng iniisip mo riyan."Saad ni Manang Zelda na nag-aalala sa akin.

"Wala lang ho ito manang."Ani ko at nginitian siya.

"Anong wala, isa pa lang na kurtina ang inaayos mo habang ang iba'y nakarami na."Saad niya at tinignan ang mga kasambahay na nakatutok na rin sa amin. Tama nga siya, naapektohan ang aking pag-iisip sa aking mga dapat na gawain.

"Patawad ho."Ani ko sa kanya habang nakayuko. Hinawakan niya naman aking kamay dahilan ako'y napatingin sa kanya.

"Hindi ka dapat magpatawad. Wala ka namang masamang ginagawa at nagboluntaryo ka lang naman sa amin manahi upang hindi ka magsawa mag-isa dito."Saad ni Manang Zelda.

"Anong klaseng panauhin po pala, ang nakatira sa mundong ito?"Biglaang tanong ko sa kanya.

"Hmmm...sa totoo lang mahirap ipaliwanag dahil iba ang dimensyon sa mundo mo at sa mundo namin."Saad niya. "Ang mundong ito ay kakaiba sa mundo ninyo. Mas mapanganib pa ang idadatnan mo sa mga halimaw sa labas kesa sa pagsali ng mga gyera sa inyo."Pagkuwento niya.

"Nakapunta na po pala kayo sa mundo ko?"Tanong ko sa kanya.

"AAAAAA...Hindi pa, ngunit nababasa ko lang kayo sa mga libro."Paliwanag niya.

"Ako'y nagdadalawang isip sa aking desisyon sa buhay."Saad ko na malungkot.

"Piliin mo ang desisyon na makakabuti sa iyong sarili at pati na rin sa mundo."Saad niya.

"Manang Zelda...Pwede niyo ho ba akong tulungan?"Tanong ko sa kanya. Kami ay nagkatinginan lamang sa aming sarili. Hinihintay ang mga sagot na ilalabas sa aming mga isipan.

GABI NA, tapos na kaming kumain. Kami ay dumerecho na sa aming itinalagang silid. Hindi sumulpot si Asher sa hapagkainan kaya ako lang mag-isa. Nakita kong naghintay si Asher sa akin sa labas ng aming silid."Bakit ka naghintay sa labas kung pwede ka naman pumasok sa loob."Agad kong bungad sa kanya. Ako'y pumasok sa loob habang siya'y sumusunod sa bawat kong hakbang.

"Mauuna ako sa palikuran."Saad ko sa kanya. Siya naman ay umatras at umupo sa upuan.Nakakapanibago, dahil hindi naman ganito ang aksyon namin noon kesa ngayon. Mukhang bumalik kami sa una ngunit tahimik.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos sa aking sarili ay nakita kong nakatulog si Asher sa upuan habang nasa itaas ng kanyang ulo ang librong binabasa niya kanina. Ako'y kumuha ng kumot at ipinatong ito sa kanya. Kinuha ko ang libro at inilagay ito sa lamesa. Nakita ko kung gaano siya kapagod, baka sa kanyang ginagawa sa labas at pagbabasa ng mga libro.

Akala ko ba mag-uusap kami?

Inuntog ko ang ulo ko sa di malamang dahilan. Dapat ako'y maging masaya dahil hindi kami mag-uusap ngayon. Hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan bakit iniiwasan ko siya. Baka sa dahilan na ayaw ko siya mapahamak o sa dahilan na ayaw ko siya malapit sa akin ng lubusan.

KINAUMAGAHAN, ako'y umuna ng gising kay Asher at palihim na lumabas sa aming silid. Siya pa rin ay natutulog sa upuan. Ako'y pumunta sa kusina, wala pang tao. Ang oras ay alas kwatro bente. Ako'y naghanap ng mainumin sa kusina. Nakarinig ako ng tugtog, nakakatakot na pakinggan na tugtog. Ako'y lumabas sa kusina at tumungo sa sala. May nagpapa-andar ng "vinyl player", inihinto ko ang pagtugtog nito. Ako'y tatalikod na sana ngunit umandar ito ulit. Napaatras ako sa pagkarinig kong may tumatawa. Nakaramdam ako na may panauhin sa aking likuran, ito'y humawak sa aking balikat. Ako'y nagdadalawang isip kung tignan ko ba ito ngunit...

"AH!"Napasigaw ako sa takot dahilan ako'y tumakbo patungo sa pasilyo. Naririnig ko ang mga yapak na sinusundan rin ako ng panauhin na nasa likuran ko kanina. Ako'y tumingin sa likod habang tumatakbo dahilan ako'y napadapa.

Ngayon pa talaga bumalik ang pagkalampa ko.

Ako'y tumayo at tatakbo na sana ngunit nakaramdam akong may humawak sa aking hawak dahilan mapatingin ako kung sino talaga ang nasa likod ng panauhin.

"Asher?!"Bungad ko. Binitawan niya na ang pagkahawak sa aking hawak.

"Nakarinig ako ng malakas na ingay sa ibaba. Ako'y tumingin muna sa iyong higaan kung andoon kaba ngunit nawala ka na. Nakita kitang tumatakbo sa pasilyo."Paliwanag niya.

Ako'y naguguluhan na sa aking pag-iisip. Kung nakita niya akong tumatakbo sa pasilyo, sino yung panauhin na nasa sala kanina.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo?"Tanong niya.

"Wala ka bang nakikitang panauhin na sumusunod sa akin?"Agad na tanong ko sa kanya.

"Ako lang naman sumusunod sa iyo kanina."Saad niya. Siya'y tumalikod at nagtingin-tingin sa mga paligid.

"May humawak sa aking balikat kanina."Nakakabang saad ko sa kanya. "Sigurado ka bang-"Nahinto ako sa pagsalita dahil itinulak ako ni Asher papasok sa kabinet at sinabihan na...

"Wag kang maingay." Saad niya at isinara ang kabinet. Maliit lang na parte ang nakikita ko.

"Asher!"Tawag ng lalake sa kanya.

"Magandang Umaga po Uncle Fredo."Pagbati niya.

"Ako'y napadaan lang dito, akala ko andito na si Miranda ngunit wala pa pala."Saad ng bisita.

"Nasa Delabe po siya."Saad ni Asher.

"Ako'y napaaga sa kasunduan na magaganap. Hindi na ako magtatagal pa."Saad ng bisita.

Nakita kong may ibinubulong ito sa tenga ni Asher.

"Mag-iingat ho kayo Uncle Fredo."Saad ni Asher.

"Hindi dapat ako ang mag-ingat Asher, kundi ikaw. Paalam pamangkin ko."Saad ng bisita.

Hindi pa rin ako lumalabas sa kabinet. Hinihintay ko pa rin ang sagot ni Asher. Ako'y nakarinig ng tuktok.

"Asher?"

Walang sumasagot. Ito'y bumukas ng sarili lamang. Ako'y tumingin sa panig kung andun ba si Asher ngunit walang tao niisa sa pasilyo. Ako'y lumabas at naglakad sa pasilyo patungo sa aking silid.

"Saan ka pupunta?"Tanong ng panauhin na hindi pamilyar ang boses. Ako'y tumalikod, hindi ko makita kung ano ang mukha nito.

"Ngayon ang araw ng kasunduan mo."Saad nito.

Napabagsak ang katawan ko sa di malamang puwersa na nadarama ko. Nag-iiba ang paningin ko, hindi na dingding ng kisame ang nakikita ko kundi ay mga puno. Nasa bato na ako humihiga habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Hindi ko naiintindihan ang mga sinsabi ngunit nakita ko si Asher sa gitna tumatawa kasama si Heros at Binibining Aphro. Tila ako'y hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Magdasal ka na." Saad ni Madam Miranda.

O kay bilis ng mga eksena,

na tila'y hindi makapaniwala.

Paano nga ba maniniwala,

kung ang iyong isipan ay hindi naniniwala?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C27
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login