Download App
45.65% Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 21: Ang Paglalakbay

Chapter 21: Ang Paglalakbay

Ako'y pumunta sa sala, kitang-kita ko si Binibining Helen naglalakad patungo sa hardin. Ako'y umupo sa upuan at tumingin sa paligid. Nakita kong pababa si Asher sa hagdan. May dala-dalang pana.

"Saan ka pupunta?"Tanong ko sa kanya."Sa gubat, maglalakbay lang."Tipid na sagot niya habang patungo sa labas. Ako'y sumunod sa kanya, napahinto siya sa paglakad."Dito ka lang."Saad niya. Tumaas naman ang kanang kilay ko sa kanyang sinabi.

"Bakit? Bawal bang sumama sa iyo?"Agad na tanong ko sa kanya. "Paano kung may mangyaring masama sa iyo?"Tanong niya sa akin, hindi ako makatingin sa kanyang mga mata ngayon. May iba akong nararamdaman sa kanyang mga titig.

Ako'y tumingin sa baba at pinisil ang aking mga kamay. "Gusto kong sumama."Saad ko at tumingin sa kanyang mga mata. Hinawakan niya naman ang kanyang noo at ipinikit ang kanyang mga mata."Pwede ba? Ako'y nahihibang na kasi sa palasyo."Malungkot na saad ko sa kanya. Kitang-kita ang inis sa mukha ni Asher pero pinakalma niya ito."Sige, pwede kanang sumama pero-"Saad niya. Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil inunahan ko na siya."Pero?"Agad na tanong ko sa kanya."Pero dapat sumunod ka sa mga utos ko."Saad niya. Ako'y tumalon naman sa saya. Ako'y pumunta agad sa aking silid at kumuha sa aking kagamitan na maaring dalhin ko sa paglalakbay.

"Tara na."Maikling saad niya. Sinundan ko naman siya. May dala-dalang mga kabayo ang mga guwardiya at ibinigay ito kay Asher. Tumingin ang guwardiya sa akin at ibinalik ang tingin kay Asher. "Kulang ho tayo ng isang kabayo."Saad ng guwardiya.

"Hindi na, sabay siyang sasakay sa akin."Saad ni Asher,tumango naman ang guwardiya sa kanyang sinabi. Inalayan ako ni Asher sa pagsakay ng kabayo. Ako'y nakasakay habang siya ay lumalakad. May dalawang guwardiya na nakasunod sa aming likuran.

"Matagal na akong hindi nakakalabas sa palasyo."Saad ko at niramdaman ang simoy ng hangin."Sulok parin ng palasyo ang gubat."Saad ni Asher. Wala akong masabi kaya binigyan ko nalang ng pansin ang mga magagandang tanawin na aking natatanaw.

"Asher may tanong nga pala ako."Saad ko."Ano yun?"Agad na tanong niya."Nung nawala ako sa gubat may mga tikbalang na naglalakad. Maraming nangyari...ngunit, ang di ko makalimutan ay-"Hindi ko natapos ang aking gustong sabihin nang inihinto niya ang kabayo sa paglalakad.

"Ay?"Tanong niya. Tumingin ako sa kanyang mga mata."Ay ang panauhin na lumigtas sa akin."Saad ko na nakangiti. Nagsimula na kaming lumakbay, hindi niya na ako tinitigan pa.

Bumuhos ang patak ng ulan. Itinaas ni Asher ang kanyang kanang kamay at sinenyas ang dalawang guwardiya na bumalik na sa palasyo. Sumakay na siya sa kabayo sa aking likuran. "Humawak ka ng maigi sa kabayo."Saad niya at ako'y tumango sa kanya.

Mabilis niyang pinatakbo ang kabayo. Humanap kami ng masisilungan sa gubat. Nauna na ang dalawang guwardiya kaya kami nalang dalawa ang natitira sa gubat. Lumakas ang ulan.

"Anong gagawin natin? Wala pa tayong nahuhuli na pagkain."Dismayang saad ko. Walang kibo si Ash. Tumingin lang siya sa langit. Ako'y umupo naman sa lupa.

"May lalakarin lang ako, dito ka lang."Saad ni Asher dahilan ako'y tumayo kaagad."Huh?! Iiwanan mo ako rito?!... Paano kung may tikbalang na susulpot dito?"Agad na tanong ko sa kanya. Kitang-kita ang takot na nararamdaman sa aking mga mata.

"Hindi naman malayo ang aking lalakarin...at wala pang tikbalang ngayon. Kung may tikbalang man ay sumigaw ka nang malakas, pupunta kaagad ako."Kalmang saad niya, nagsimula na siyang lumakad. Susundan ko na sana siya ngunit may humihikayat sa akin na hindi.

Ako'y naghintay at umupo sa bato. Ako'y nakahandusay sa kawalan habang naghihintay kay Asher. Hapon na, wala pa rin siya. Tumutunog na rin ang aking tiyan dahil sa gutom. Ako'y nakaramadam ng pagsisisi, sana'y hindi nalang ako sumama sa kanya.

May narinig akong may tumatakbong kabayo sa paligid. Agad naman akong tumayo at nagtago. Nagtago ako sa may dahunan. Nakita ko ang mga tikbalang na nagmamasid sa mga paligid. Ako'y nagdasal na mawala na sana sila. May humila sa akin sa likuran. Sisigaw na sana ako ngunit itiniklop nito ang aking bibig. Ako'y tumingin sa panauhin. Si Asher, may dala-dala siyang mga kuneho. Sumenyas siya sa akin na pumunta sa kuweba habang inaakit niya ang mga attensyon ng mga tikbalang.

Ako'y pumunta agad sa kuweba at naghintay pa rin sa pagdating ni Asher. Nakita ko si Asher na paparating na sa aking kinarorounan.

"Halika na." Saad niya,hinawakan niya ang aking kamay at nagsimulang tumakbo. Habang papunta kami sa loob ng kuweba ay may naramdaman akong kakaiba ang pressensiya. Nang nasa gitna na kami nito ay may mga tubig na.

"Marunong ka bang lumangoy?"Tanong ni Asher, ako'y tumango sa kanyang sinabi."Huwag na huwag mong bibitawan ang aking kamay."Paalala niya sa akin. Agad kaming lumangoy at sinundan ang liwanag. Nang kami ay umahon, isang magandang tanawin ang aking natanaw. Kami ay malapit sa talon. Agad kaming umahon at pumunta sa lupa.

Napahiga kami muna kami sa lupa at nagsimulang huminga. Tumawa si Asher bigla dahilan mapatawa rin ako. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa ako ng kasiyahan, kahit na nanganganib ang buhay ko. Kanina'y nagsisi ako kung bakit ako sumama ngunit ito'y nawala agad. Tumingin ako kay Asher na ngayo'y nakangiti at tumingin rin siya sa akin. Kami ay nagtinginan na pala sa isa't-isa sa matagal na oras.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login