Download App
75% Love You Until I Die [Tagalog Short Story] / Chapter 3: Chapter 3

Chapter 3: Chapter 3

APAT na araw na niyang inaalagaan si Rod dahil hindi mawala ang lagnat at ubo nito. Nagdadalawang isip tuloy siya kung i-rereport niya ba ito, o hindi. Para maagapan ang nararamdaman nito ngunit nangako siya na hindi niya ito iiwan.

"Rex," tawag nito sa kanya. Kakatapos niya lang ito pakainin.

"Hmm..." Tugon niya.

"Nararamdaman ko na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin. Ako lang talaga ang may mali." Ani Rod.

"Sorry, kung hindi ko masuklian ang hinahangad mo" Mahinang turan niya.

"Ayos lang," ngumiti ito. "Pero may huli akong hihilingin sa'yo" Bigla siya nakaramdam ng kaba sa sinabi nito.

"A-Ano 'yon?"

"Rex, kahit ano ang mangyari sakin. Hayaan mo akong..." Nahihirapan nitong saad at umubo. Kung kaya't mas lalong tumindi pa ang kaba niya. "Dito magpahinga"

Tumango siya. "Oo, basta magpagaling ka lang"

"Hindi," umiiling na sabi nito. At di na nito mapigilan maiyak. "Amiinin ko, hirap na ako sa paghinga. Bukod doon may iba pa akong sakit"

Bigla na lamang naramdaman niya na may likidong dumampi sa pisnge niya, hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya.

"Anong ibang sakit?" Hindi makapaniwalang sambit niya. "Alam ko binibiro mo lang ako kaya hindi totoo 'yan, Rod!" Umiiling na dugtong na sabi niya. May himig na tila nababasag ang tinig.

"Ka-kailangan mong maniwala," usal nito. "Pakiusap, huwag mo akong dadalhin sa hospital. You promise me, you promise me, Rex. Because I want here to be with you." Mahinang dagdag nito.

Sa pagkakataon niyon tumagos hanggang sa puso niya ang mga sinabi nito. Ramdam niya kung gaano siya nito kamahal kahit na hindi niya 'yon kayang suklian. Saglit siyang napatulala ngunit kalaunan ay natauhan siya.

"Rod, may aaminin 'ko sa'yo."

"K-Kahit di mo man sabihin alam ko na" Tugon ni Rod. Mas lalo siyang napaluha sa sinabi nito.

"Tama ka. Kamag-anak ko ang Mayor natin. He's my Dad, actually!" Pag-amin niya rito.

Nakita niyang ngumiti si Rod kahit pa nanlalabo ang mga mata niya dahil sa pag-iyak.

"Rod, dito ka lang sa tabi ko. Hayaan mo 'kong makasama ka sa aking huling hininga" Tila nagpapaalam nitong saad.

"H-Hindi.." Ani niya.

Mabilis na tumayo siya't patakbong nagtungo sa kwarto niya upang kunin lahat ng perang pinag-ipunan niya saka niya binalikan si Rod sa kwarto nito. Natatarantang nagsuot siya ng facemask pati narin si Rod ay sinuotan niya rin ng facemask. Saka siya walang alinlingan na binuhat niya si Rod Kahit pa pati siya ay imposibleng mahawaan ng virus kung sakali.

"Saan mo ako dadalhin?" Nanghihinang turan nito.

Imbis na sagutin niya ang tanong nito nagmadali siyang lumabas ng kanilang bahay buhat-buhat niya si Rod. Gabi na't halos lampas na sa oras ang tinakda oras para sa mga maaaring lumabas ng bahay gayon may ECQ. Kahit lockdown ay wala siyang pakialam kung sitahin man siya ng baranggay tanod, basta maihatid lang niya si Rod sa hospital kahit na ayaw man nito.

Napahinto siya sa paglalakad saka niya tinignan si Rod na papikit-pikit ang mata. Nagsisimula naman dumaloy pababa sa pisnge niya ang likido mula sa kanyang mata. Tagaktak ang pawis niya ngunit di rin niya alintana kung gaano kabigat si Rod.

"Patawad kung hindi ko sinunod ang gusto mo na huwag kang dalhin sa hospital," humahangos na sabi niya sa pagitan ng pag-iyak niya. "Kahit babae ang gusto ko, ayoko na mawala ka!"

"Love you until I die," nahihirapan usal nito. "Maaari bang umidlip?"

Napangiti siya sa sinabi nito. "Oo, basta huwag mo 'kong iiwan ha!"

Bahagyang ngumiti ito at dahan-dahan pinikit ang mga mata. Nagsimulang tumakbo siya papunta sa hospital dala ng pag-aalala. Ngunit napahinto siya nang matyempuhan siya ng limang sundalo na nag-iikot sa kalsada, sakay ng mga ito ng jeep. Nilapitan siya ng dalawa habang ang tatlo naman ay nasa loob ng jeep.

"Sir, alam niyong bawal ang lumabas kung--"

"Please.. Dadalhin ko siya sa hospital," Sambit niya na ikinatigil ng dalawang sundalong kaharap niya. "Apat na araw na siyang nilalagnat, inuubo at ngayon hirap siya sa paghinga." Paliwanag niya kahit pa hindi siya tinatanong ng mga ito.

"Bakit hindi ka tumawag?" Tanong nung unang nagsalita. Sabay tingin nito sa walang malay na si Rod.

"Wala akong oras para dyan at ayoko maghintay habang ang kasama ko ay naghihingalo para lang hintayin ang pagdating ng ambulansya!" Sagot niya.

"Hindi pwede yung ganyan, Sir! Dapat tumawag muna kayo at maghintay, baka tuluyan magkasakit 'yan!" Apila ng ikalawa.

"Alam niyo, wala akong oras makipag chit chat sa inyo!" Nauubusan pasensiya na sabi niya.

Nagsimula na siyang maglakad para sana iwan ang mga sundalo. Kaso hinabol siya ng mga ito at pinasakay sa jeep upang dalhin si Rod sa pinakamalapit na hospital upang ma-check kung may sintomas nga ito ng virus.

Pagkarating nila sa hospital ay agad na inasikaso si Rod ng mga nurse bago siya interviewhin, dahil binanggit niya ang mga ilan sa mga sintomas na imposibleng magkaroon ito ng positibo sa COVID-19. Maayos naman niyang sinasagot ang katanungan ng mga ito. Pagkatapos sinabihan siya ng mga ito na maghintay at balak din ng mga ito na i-mass testing si Rod at ganoon din siya para sigurado. Sumang-ayon naman siya sa gusto ng mga ito at nang matapos siya i-testing ay naghintay siya sa tapat ng Emergency Room kung ano na ang lagay ng kasama niya.

Napaupo siya sa bench at malalim na bumuntong hininga saka niya tinignan yung mga ginagawa ng frontliner nang madaanan siya ng mga ito. Ngayon lang niya napagtanto kung anong peligro ang kinakaharap ng mga frontliner. Kung ang mga mamayan ay nahihirapan dahil sa kawalang makain pero iba sa mga frontliner, ito ang mas higit na nahihirapan at naaapektuhan dahil lakas loob sila nakikipagsagupaan para lamang alagaan at mapagaling ang mga may sakit. Laban sa hindi nakikitang kalaban.

"Sana ayos lang siya," bulong niya sa kanyang sarili. "Nangako siya na hindi niya ko iiwan" Dugtong niya pa.

Agad siyang napatayo nang makita niya na papalapit sa kanya yung doctor na tumingin kay Rod.

"Kaanu-ano mo yung pasyente?" Tanong sa kanya ng doctor.

"Kasama ko siya sa bahay," tugon niya. "Ah.. Doc, kamusta ang lagay niya?" Nag-aalalang tanong niya.

Humugot ng hininga ang doctor bago ito magsalita. "Tatapatin na kita, masyadong malala ang kondisyon ng kasama mo. M-May sakit siya sa puso posibleng hindi siya makasurvive kung makapitan siya ng virus."

Para bang nabagsakan siya ng malamig na tubig dahil sa kanyang narinig mula sa doctor. Ni di nga siya makapagsalita dahil hindi niya magawa tila may kung anong nakabara sa lalamunan niya kahit pilitin man niya.

"I'm sorry, pero wag kang mag-alala gagawin namin ang lahat para gumaling siya at tungkol sa mass-testing, mangyari lamang na hintayin ang kanyang resulta kung siya ay nagpositibo sa virus," dagdag pa ng doctor. "Iho, manalig lang tayo sa itaas" Makahulugan pahabol pa nito at ngumiti.

"S-Salamat ho, Doc" sa wakas ay nasambit niya sa kabila nang pagkagulat niya. Tinanguan lang siya ng doctor pagkatapos ay umalis na.

Bagsak balikat napaupo ulit siya sa bench. Tulala at di makapag-isip ng matino. Hinayaan lang niya na tumulo ang mga luha niya.

Inumaga na siya ng uwi dahil sinabihan siya ng isang nurse na ito na ang bahala magbantay sa kasama niya. Wala na siyang nagawa pa kundi ay sumunod na lang at syempre dala rin ng puyat at pagod niya. Matamlay na napahiga siya sa sofa nang makarating na siya sa bahay at agad na nakatulog.

Nang sumunod na tatlong araw ay nakatanggap siya ng tawag mula sa hospital na pinagdalhan niya kay Rod. Dalawang bad news ang narinig niya mula rito, una ay nagpositibo ito sa COVID-19 at ang huli ay pumanaw ito dahil sa sakit nito at dala na rin ng virus. At ang good news ay nag negatibo siya sa COVID-19 bagay na pinagpasalamat niya, ngunit sinabihan siya ng mga ito na kinailangan niya pang magpa-mass testing ulit hanggang sa magdalawang negatibo siya.

Kasalukuyan nakaquarantine siya ng labing apat na araw para masigurong hindi siya kapitan ng virus. Nakaupo siya sofa at nanuod na lang ng movie na gusto ni Rod pero natigilan siya nang may pagkatragic yung story, tuloy bigla niya naisip yung sinabi ni Rod bago ito mamatay.

"Love you until I die" wika niya. Ang katagang 'yan ay tila nagpapatunay na gaano siya kamahal ni Rod.

Kinuha niya sa bulsa ang phone niya at saka siya may dinayal.

"Hello?" Bungad nang nasa kabilang linya.

Hindi agad siya nakapagsalita ng marinig niya ang tinig nito. Tila may kung anong nakabara sa lalamunan niya. Matagal na niyang hindi naririnig ang tinig nito simula nang nagpaalam siya rito na gusto niyang maging independent.

"Hello," ulit nang nasa kabilang linya. Napalunok siya. "Marami akong ginagawa--" hindi na niya pinagpatuloy ang sasabihin nito nang magsalita siya.

"Dad, si R-Rex Berzosa 'to"

Hindi agad nakaimik ang nasa kabilang linya. Batid niyang natigilan ito. Humugot siya ng hininga.

"Dad"

"How are you, son?" May pag-aalala sa boses nito.

"Ayos naman po, kayo po kamusta kayo? Malaki ang kinakaharap ng bansa natin at alam ko rin na apektado kayo" nag-aalala niyang saad.

"I'm fine son.." Anito sa kanilang linya.

Sa pagkakataong 'yon bigla na lamang siya nanghina at tumulo ang mga luha niya. "Dad, I-I miss you!"

"I miss you too, son. Always take care yourself!" May pag-aalala sa tinig ng Dad niya.

Napahagulhol na lang siya matapos niya marinig ang mga katagang 'yon mula sa Dad niya. Walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha, kasabay ng paninikip ng kanyang dibdib dahil sa bigat ng kanyang pakiramdam na matagal na niyang kinikimkim noon. Ngayon lang niya ito ilalabas upang gumaan ng unti ang loob niya.

"Son" Ani ng nasa kabilang linya. Hindi niya pa pala napapatay yung tawag niya sa kanyang Dad.

"Mag-iingat kayo, Dad" Huling sinambit niya bago niya patayin yung tawag. Muli na naman siya umiyak. Tila gripong ayaw huminto.

_____

~shitloccah


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login