Download App
96.15% Lie, Rylie. / Chapter 25: Lie, Rylie 25

Chapter 25: Lie, Rylie 25

Akio's POV

Paminta

Papasok na kami sa red room ng mapansin niya na walang pumapasok sa kwarto na 'yun kung hindi kami lang. Tinatakot ni Ciro yung mga taong dadaan doon kaya walang naglalakas pumasok sa gawi na yun.

"Dito tayo!" Turo ko sa red room na nasa harapan namin. May dalawang pinto sa harapan namin. Yellow ang katabi ng red room.

"Sa yellow room kaya tayo?"

"HINDI! SA RED ROOM TAYO SA RED!" Napalakas ang sigaw ko. Hindi pwedeng masira ang plano kailangan makapunta kami sa black room. Kapag pumasok kami sa yellow room maliligaw kami. Mawawala lahat ng pinaghirapan ko.

Pinagpawisan ako sa tingin niya. Mukhang nakakahalata na siya sa mga kinikilos ko.

"Ang weird mo, egi sa red room tara na," sambit niya habang binubuksan ang pinto.

Bumungad sa amin ang malaking painting ni Valak. May nakakatakot kaming tunog na narinig tapos namatay ang ilaw sa loob. Ang galing ni Drei kumontrol ng ilaw at tugtog.

Napakapit sa akin si Rylie nang mahigpit. Nakakaramdam na siya ng takot. Ang higpit ng kapit niya, nakangiti akong binabaybay ang kwarto habang nakahawak pa siya sa braso ko.

"Ayos lang yumakap," mahinang saad ko habang tinitingnan ang reaksyon ng kanyang mukha.

"Ano may sinasabi ka?" Tanong niya.

"Wala, tara alam ko ang tamang daan palabas ako bahala sayo, nandito lang ako."

"Paano mo malalaman ang daan napakadilim kaya."

"Basta alam ko."

Dahil ayaw niyang makinig sa akin sinenyasan ko na si Drei na pailawin ng kaunti ang paligid. Ilang sandali pa lumiwanag ng konti ang paligid at ang kaninang mahigpit na hawak sa braso ko ay binitiwan din niya kaagad.

Nakaharap siya sa malaking painting ni Valak at habang tinititigan ni Rylie yun ay may lumabas na tao sa gitna, binutas nito ang painting at sumigaw ng pagkalakas-lakas. Nakakatakot at kung ako ay babae mahihimatay na ako sa harap niya.

Sabi ko na nga ba si Ryan lang ang makakagawa nito.

"H-huwag kang maingay!"

"Aray-" Sigaw ni Valak.

Tunay ba itong nakikita ko?

Sinuntok ni Rylie si Ryan sa mukha. Literal na sa mukha niya sinuntok si Ryan. Bumalik si Ryan sa loob ng painting at halatang nasaktan sa suntok ni Rylie.

"Bakit mo sinuntok?" Tanong ko sa kanya habang kumakamot sa ulo.

"Nagulat ako sorry, kawawa naman siya gusto ko mag-sorry," konsenya niya sa sarili.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa ginawa ni Rylie. Tama siya nagulat lang siya pero sobra naman yung lakas ng suntok niya kay Ryan. Pakiramdam ko dugo ang nguso ni Ryan kaya siya napatakbo.

Pumasok kami sa painting na naaayon sa plano. May tatlong pinto bumungad sa amin sa harap. Kulay blue, brown, at ang dark room. Sa Dark room dapat kami pumasok wala ng iba pa nandoon ang plano.

Bigo ang plano kong takutin siya pero ang importante nakapunta kami sa final phase ng plano.

Naiinis ako dahil hindi man lang siya natakot sa lahat ng room na pinasukan namin. Akala ko kase matatakot siya, akala ko kase kakapit siya ng mahigpit at mapapayakap sa akin. Pero wala, mas natatakot pa ako kaysa sa kanya. Lahat ng akala ko ay mali. Ganun kase yung mga napapanood ko sa mga teleserye yung iiyak ang babae dahil sa sobrang takot hindi siya ganon mas matatakot sa kanya ang mananakot.

"Sa blue room tayo!"

"Sa dark room, di'ba sabi ko sayo alam ko ang daan palabas."

"Puro ka alam mo pero hindi naman sa blue room tayo nakita ko si Valak na dumaan dito," pagiinarte niya.

"Sa DARK ROOM MASISIRA YUNG SORP-" Napatigil ako dahil masasabi ko na planado ang lahat hindi niya pwedeng malaman.

"Ano yung masisira?" Walang ideya niyang tanong.

Sorpresa nga hindi mo pwedeng malama makinig ka na lang.

"Trust me Rylie sa dark room tayo please..." Tiningnan ko siya sa mata para makiusap.

"Last na talaga 'yan mamaya ako na masusunod."

Napapayag ko siya ng may pagaalinlanngan sa mga mata niya.

Masigla akong binuksan ang dark room at bumungad sa amin ang dalawang white lady na may dalang scented candle.

"Welcome to heaven, enjoy your date," sambit nila at ibinaba ang scented candle sa table. Umalis na din sila pagkatapo ilapag ang mga kandila.

"Anong sabi nila date?" Natatawang tanong niya.

"Ewan ko, baka oo date nga."

"Badoy, pero ang ganda ng set up."

There is a table for two with a chandelier on top. Kulay red ang ilaw na nagre-reflect dito. Nakadagdag sa presensya ng loob. May iba't-ibang klase ding pagkain na nakahain sa lapag. May Chicken Pot Pie With Crawling Hands, Cheese Pumpkins, Jack-o'-Lantern Pot Pies, Saucy Spider, Spiderweb Pizza nasa theme lahat ng pagkain ang astig. Ang galing ng mga mokong mag-ayos.

Tahimik lang kaming kumakain sa loob at hindi iniinda ang mga taong sumisigaw sa labas. Aamin na ba ako? Ito na ba ang tamang timing?

Gusto niya ako at gusto ko din siya anong problema kio? Aminin mo na!

Aamin na ako bahala na si superman!

"Kio, nasaan sina Ciro, Ryan at Drei akala ko ba sila ang pinunta natin dito?" Binasag niya ang katahimikan dahil sa tanong niya.

"Nasa labas, pagkatapos natin makikita natin sila."

"Rylie I have something to tell..."

Tiningnan niya ang mata ko at ganun din ako nalunod ako dahil sa pagkakatitig niya.

"Kio ayos ka lang yung mukha mo punong-puno ng pantal."

Hinawakan ko ang mukha ko at punong-puno nga ito ng mga pantal sa mukha. Tiningnan ko ang pagkaing kinakain ko at may nakita ako paminta.

Shit!

Lintek!

Allergy ako sa paminta. Naamoy ko ang paminta sa pizza kinakain ko. My breathing started slowing down, I was lying on the floor because I was feeling weak and dizzy

"Kio ayos ka lang?" May pagaalalang tanong niya.

"Rylie I can't breathe... May allergy ako sa paminta." Sabi ko habang hinahabol ang aking hininga.

Hayop ang mga mokong ang tagal ko na silang kaibigan pero hindi nila alam kung saan ako allergy. Nasira ang plano ko dahil sa paminta. Lintek na paminta 'yan.

Pinahiga ako ni Rylie sa sahig at itinuwid ang pagkakahiga ko para maayos ang circulation ng oxygen sa katawan ko.

"Kio, breath for me please... Tulong! Tulong!" Paulit-ulit niyang sigaw. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

Hindi ko matandaan kung kailan ako huling inatake bg allergy ko. Ngayon pa lang ulit ako nagkaganito at mas malala ito sa mga una kong naranasan.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa labi. Ramdam ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko. Binibigyan niya ako ng hangin.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin.

"Don't cry I'm getting better now." Habol hininga kong sambit.

Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa niya hinalikan niya ako. Nahiya akong tingnan siya at hinabol pa din ang hininga ko.

Hindi ganito yung plano nasira lahat ng lintek na paminta 'yan. Muntik na akong patayin ng pamintang yan. Pero may magandang nangyare nahalikan niya ako at nahalikan ko siya.

She is my first kiss hopefully may last.

Natanaw namin pareho ang liwanag ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang tatlong mokong alalang-alala sa amin.

"Tol, ang tagal-" Si Ryan.

"That was fast pre-" Ciro

"Congrats-" Drei

"Anong tinutunganga nyo dyan, dalhin natin si Kio sa ospital inatake siya ng allergy." Sigaw ni Rylie sa kanila.

Nagising ako sa malambot ba kama. Nagtaka ako kung bakit kakaiba ang nakikita ko sa paligid.

Nasaan ako?

"Tol pinagalala mo kami hayop ka!" Bulyaw ni Ryan sa akin. Paga ang mukha niya. Nasuntok nga pala siya ni Rylie kanina. Speaking of Rylie nasaan siya?

"Si Rylie?" Tanobg ko sa kanila.

Nakita ko si Rylie na mahimbing ang pagkakatulog sa sofa sa gilid ko.

"Pinagalala mo ako, tol akala namin mamatay ka na, teka tawagan ko lang si Doc sabihin ko nagising ka na." Umalis na din siya kasama ang tatlong mokong papunta sa doktor. Kailangan tatlo talaga sila akala mo naman may bubuhatin.

Dahan-dahan akong tumayo para lapitan si Rylie. Hinawi ko ang buhok niya. Ang ganda niya talaga, naalimpungatan siya sa ginawa ko.

"Kio! Humiga ka nga mabinat ka pa, bakit hindi mp sinabi sa akin na allergy ka pala sa paminya ha! Kailan ka pa nagsinungaling sa akin! Nagalala ako alam mo ba yun!"

Sunod-sunod niyang sermon. Nagaalala ba siya o nagagalit. May tumulong luha sa mata niya na nagpalungkot sa akin.

Ayokong nakikita siyang umiiyak.

"Sorry, don't cry Rylie I'm okay now," she wiped her tears from her eyes and settled down as the doctor who had been summoned came.

"Anaphylaxis, a potentially life-threatening reaction that can impair breathing and send the body into shock; reactions may simultaneously affect different parts of the body," paliwanag ng doktor sa amin.

"Mabuti na lang mabilis naagapan kung hindi maaaring mamatay ang pasyente," dagdag pa niya bago kami iwan.

Niresetahan niya din kami ng mga gamot ba iinumin ko. Pwede na din daw akong ma-discharged kung bumuti ang pakiramdam ko. Kaya napagdesisyonan ko na din umuwi ngayong araw.

Hinatid ako ng sasakyan ni Ciro papunta sa bahay.

Nakakatakot ng araw na ito, kung kailan ako magbi-birthday nangyare pa ang mga malas na pangyayare. Pinagalala ko pa ang mahal ko. Sobrang nagsisisi sa plano.

What if no one saw me? What if I die? I do not want to die I still have many dreams in life that have to be fulfilled.

Rylie has those dreams.

#


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login