Download App
37.5% Red Thread / Chapter 12: Thread XI

Chapter 12: Thread XI

Nang ipatawag si Nicole sa Guidance Office, inobliga namin ni Jeff ang sarili na samahan siya. Nais naming malaman ang dulo nito. Magandang kuwento sana kung magkakataon, ngunit mga kaibigan ko ang nasangkot sa magulong isyu.

Nakaupo kami sa may kulay-lupa at parihabang kahoy na lamesa para sa pagpupulong ng Guidance Counselor— si Sir Francis Sotto at Sir Mar Lopez (mayroon pa silang kasamahan, ngunit hindi makakadalo dahil may ginagawa raw. Siya si Ms. Palax, ang head ng Guidance) Katabi ko si Jeff sa kaliwa, nasa unahan naman namin si Nicole. Ang dalawang counselor ay nasa kabilang harapan. Narito rin si Sheryl, nasa kabilang dulo at nakaharap sa isang laptop, sa likod niya ay may white board. Doon nafa-flash ang naka-display sa monitor niya. Ipinatawag din si Dra. Eleazar at ang Campus Police na kasama niya. Tensyonado ang hangin na pumapasok sa loob. Maririnig mo ang bawat paggalaw ng iyong kasama.

"Ms. Surara of Tiger's House, you have been summoned here to our office to explain the allegation of an unlawful action toward Mr. Morato of the same house, who happened to take a harmful chemical within his food," banggit ng Class Beadle ng Tiger's House, si Sheryl. Pakiramdam ko tuloy ay nasa kalagitnaan ako ng pagdinig sa Senado.

Lumunok ng isang beses si Nicole. Umaalingaw-ngaw naman ang tunog nang pagkuha ng litrato ni Jeff. Nakalabas pa rin ang kuwaderno ko para sa pagsusulat ng mga detalye.

"With all due respect, Guidance Counselors, Authorities, and member of the guidance," panimula niya, hinahawi ang mahabang buhok, "I want to clear my name. Sasabihin ko po ulit na hindi sa akin galing ang burger na kinain ni EJ."

Kumunot naman ang noo ko habang nagsusulat. Sa interview namin kanina ay nabanggit niya na may ibinigay siyang burger sa kaibigan. Isa nga lang ba itong pakulo? Hindi ko rin alam, ipagpatuloy natin ang pakikinig.

"And even if it came from me, bakit ko naman magagawang sirain ang pag-iisip ng kaibigan ko? I swear to God and to the whole Stanford that I am innocent. I plead not guilty," sabi niya. Sa mga terminong lumalabas, para namang nasa loob ako ng isang hearing.

Nabingi kami sa katahimikan. Tanging ugong ng aircon ang pumapasok sa tainga. Malalim ang bawat paghinga namin.

"Explain furthermore," kalmadong wika ni sir Francis, para siguro'y hindi matakot ang dalagita. Dahil kung ako ang nasa sitwasyon ni Nicole, sigurado akong kakabahan ako. Baka nga aminin ko na lang ang bagay na hindi ko naman nagawa. Mahirap magrason, mas madaling sumuko. Pero dahil hindi naman ako ang nasa sapatos ni Nicole, ipaglalaban ko ang aking sarili.

"Gusto naming marinig ang buong kuwento, Ms. Surara. Kapag may hindi ka sa amin sinabi, ang mga daliri namin ay tiyak na tuturo sa iyo," karugtong ni sir Francis.

Sa pagkakataong ito, si sir Lopez naman ang nagsalita, "Gusto lang din naming ulitin, ang burger na kinain ni Mr. Morato ay nakitang nanggaling sa iyo. Pina-check ni Dra. Eleazar kung sa cafeteria ba ng school natin nagmula iyon, pero hindi raw. Tama ba ang sinabi mo duktora?" Nabaling ang tingin sa babaeng nakaputing gown. Tumango ito bilang kompirmasyon.

"I have already told you, sir and ma'am, that the burger came from my friend," sagot ni Nicole.

"Tell me the name of your friend," si Sheryl ang nagsalita. Nagtitipa siya sa kaniyang laptop, ako naman ay tahimik at patuloy na nagsusulat. Minsan ay nasisilaw sa flash ng camera ni Jeff.

"Angela Catapis," mabilis na tugon ni Nicole. Kumabog nang mabilis ang tambol ng aking puso, animo'y natatakot na marinig ang susunod na iwiwika ng babae.

"From which house?" tanong ni sir Francis, nakangiti ito sa kinakabahang dalagita.

"Tiger's House… and clubmates kami," tugon ni Nicole.

Tinipa ni Sheryl sa kaniyang laptop ang binanggit na pangalan. Ilang sandali pa at may lumabas sa kaniyang monitor na mukha ng babae. Mukha ito ni Angela, ang walang kamalay-malay na dalagita. Ipinakita naman ni Sheryl ang nakuhang mukha sa mga opisyales na nasa unahan.

"Angela Catapis, seventeen years old, from Tiger's House. Kabilang siya sa Theater Club, under siya ng kapatid ni sir Aquino— dating club adviser. And recently, before the SDEB's issue blown away, nagkaroon sila ng hidwaan ni Nicole," pagpapaliwanag ni Sheryl.

Nagkasalubong ang dalawa kong kilay bago umimik, "What are you trying to infer?"

Nabaling ang atensyon sa akin ng mga guro. Nagwika si sir Lopez, "Spectators are not allowed to interrupt the on-going conversation."

Nais ko man siyang irapan ay hindi ko nagawa, baka mapalabas pa ako nang wala sa oras. Tanging napatungo na lang ako dahil sa kaniyang sinabi.

"What I'm trying to say, both of them may seem to be innocent… but also guilty. How about we look at this way, may galit si Nicole kay Angela, kaya naman ang gusto niya ngayon ay pagdiinan siya sa bagay na hindi naman niya ginawa," sabi ni Sheryl, nakataas ang isang hintuturo sa hangin.

Nadagdagan ang nakataas niyang daliri nang siya ay magpatuloy sa pananalita, "Or, may galit si Angela kay Nicole, dahilan para bigyan niya ito ng masamang burger."

Sumagot ang Campus Police, "That's no substantial. We need evidences, not more allegations and accusations."

"No, she's genius," kontra ni Nicole, "the latter states everything! Angela gave me the burger yesterday, kaso hindi naman ako nakain ng mga fatty junks kaya ibinigay ko ito kay EJ. Dapat ay kagabi pa niya kinain iyon, pero sabi niya ay busog pa siya dahil sa inuman sa kuwarto ni Logan. Oh my gosh, I remember it. Ibig sabihin, ako talaga ang intensyon ni Angela?"

Sumagot ako, "That's Impossible!"

Binigyan ako nang masamang tingin ni sir Lopez. Pero totoong imposible! Bakit naman bibigyan ni Angela ng burger si…

***

"Saan ka?" tanong ko. "Gagawa lang ng burger," sabi niya sa akin. May kinuha siyang tinapay na regalo ni Jeff na nasa cupboard ko.

"Madami naman tayong pagkain sa labas, why do you need to?" tanong ko. Hindi siguro siya nakain ng mga dala ng kaibigan ko.

"This is for Nicole," sabi niya. Umawang ang labi ko. "Magkaaway kayo, right?" tugon ko. Tumango siya sa akin at nagwika, "Peace offering lang. Mali siguro talaga ako. Mabuti na lang at hindi napansin ang isyu dahil sa SDEB."

***

Totoo ngang nangyari. Naaalala ko na rin.

"Bakit naman imposible, Logan? Nakita mo naman siyang gumawa nung burger," sabi ni Nicole. May namuong butil ng pawis sa aking kamay. Nagsimula itong mamasa dahilan upang maantala ako sa pagsulat.

"Oo, nakita ko nga na gumawa siya ng burger. Pero—"

"Logan Stanford, one last warning," sabi ni sir Lopez.

"It's okay, continue," panimula ni sir Francis. Natuon naman ang tingin ni sir Lopez dito at nagwika, "They are not eligible to speak. They have no concern at here, sir."

Umiling si sir Francis habang ngumingiti, "Logan's words are validated. It turns out to be that he is also associated to the issue. Let him speak."

Tumingin sa akin si sir Francis at sumeniyas na magpatuloy.

"Logan? Puwede ka na raw magpatuloy," sabi ni Jeff sa kabilang tainga ko. Pero hindi ko iyon magawa nang may maalala ako.

Dahil wala nang narinig pang iba mula sa akin, si Dra. Eleazar na ang nagpatuloy. "If it really came out from Angela, saan naman niya kukuhain ang knowledge about Mercury? At paano siya nagkaroon ng access dito?"

Ito ang naalala ko. Kung wala akong nadagil na ideya, mananatiling isang maze puzzle ang ginaganapan namin. Ngunit naalala ko ang sinabi ni sir Willie sa akin kanina sa cafeteria.

"Iyong si Angela, pakitanong nga sa kaniya kung naibalik na niya iyong chemicals na kinuha sa lab."

Ito ba ang tinutukoy ni sir Willie? Ang chemicals ba na binabanggit niya ay tungkol sa Mercury? Dahil sa mga naiisip, mas bumilis pa ang tambol sa loob ng aking dibdib. Nagsimulang manakit ang ulo ko. Napahawak ako sa bandang noo at kinapa ang parte na may bendahe.

"Ayos ka lang, Logan?" bulong ni Jeff sa akin nang nagsimula akong umakto na masakit ang ulo.

Walang ano-ano pa man ay agad akong naglakad palabas ng silid. Sumakit ang ulo ko, hindi talaga ako dapat nag-iisip nang mga malalalim at komplikadong bagay.

Nakahawak ang aking kamay sa ulo, kunot ang noo habang naglalakad sa pasilyo ng Leon Building. Kailangan kong humanap nang pagtatambayan pansamatala para lumipas ang sakit. Ngunit hindi na kaya ng aking katawan na lumakad pa nang mas malayo papunta sa Infirmary. Nang may makita akong bakanteng silid, pumasok ako.

Bakante man ito sa mga bata, napuno naman ito ng ibang aparatos. Kalimitan ay mga paperworks ang nakatambak dito. Maaliwalas naman ang loob kaya napagpasiyahan ko na umupo.

Matagal akong nagpapalipas ng panahon, payapa naman. Hindi hanggang sa may narinig akong ungol. Katulad ng ungol na naririnig ko tuwing gabi sa katabing kuwarto ko. Nagmumula ang tunog sa isa pang silid sa loob ng kuwartong ito, pakiramdam ko ay ito ang kubeta.

Hindi ko namalayan ang paglalakad ng aking paa patungo sa kataka-takang lugar. Utay-utay ay isinandal ko ang aking kamay sa saradong pinto, pinag-iisipan kung bubuksan ko ito o aalis na lamang. Pero hindi ko matiis, lumalakas pa lalo ang ungol.

Sinigurado ko na may hawak akong cellphone upang kuhaan ng litrato ang ano mang nasa likod.

Nang sinimulan ko ang pagbukas ng pinto, umawang ang aking bibig kasabay ng pambungad na lalaking sumususo sa malaking dibdib ng babae. Tumunog ang "klik!" mula sa aking phone camera. Agad silang napalingon sa gawi ko.

Tumigil sa pagsuso ang lalaki. Mayroon itong mahabang buhok, matangos na ilong at maayos na panga. Mapungay ang mata kaya sa unang tingin ay mukhang inosente. Ngumiti ang lalaki sa gawi ko at nagsalita, "Hey, nice to see you here." Animo'y walang ginawang kagimbal-gimbal.

Ang babae naman ay tarantang napaayos ng suot. Isinara niya ang butones ng kaniyang unipormeng nagluluwa ng kagandahan ng kaniyang maputing dibdib at kulay pula na may laway pang utong. Napabikwas ito sa pagkakaupo.

Ngunit mas lalong umawang ang aking labi nang makilala ko ang babae. "Ms. Palax?!" may gulat kong sinabi. Siya iyong Guidance Head! Paano niya ito nagawa? Palibhasa ay dalaga pa kaya siguro ay nakabingwit ng guwapong binatilyo.

Hindi umimik ang guro. Sa huling pagkakataon ay inayos niya ang kaniyang suot na damit. Tumindig siya sa akin nang tama. Ihinarap niya ang kaniyang mata kontra sa akin. "I am heading to my office, please get out of my way," sabi niya, tila ba'y nakalimutan ang nangyari.

"Aalis ka na?" sagot ng lalaki. Hinawakan niya ang kamay ng guro. Ngunit mabilis itong binawi ng may-ari. Ngumisi naman ang binatang may mahabang buhok.

"Hindi pa ako tapos, e. Bitin!" Inis niyang sinabi nang mawala na sa aming paningin ang guro. Nabaling ang kaniyang atensyon sa akin. Akala ko ay sisigawan niya ako sa panggugulo. Ngunit hindi iyon ang natanggap ko.

"Ikaw, puwede ka?" sabi niya, nakatingin sa aking dibdib.

Gamit ang aking kamao, mabilis ko siyang sinapok. Nakatulog naman siya.

***

Pumunta ako sa cafeteria upang ayusin ang sarili. Hindi ko alam ang tamang gagawin sa mga ganitong panahon. Ang daming kagimbal-gimbal na pangyayari! Nakakapagod, sana ay katulad na lang nang kahapon ang nangyayari ngayon— wala masyadong gawa, naulan tapos masarap matulog.

"Sir Willie!" pagtawag ko ng atensyon sa matandang nakapila sa counter. Iniwan ko lahat ng aking pagkain sa lamesa at nagtungo sa kaniyang posisyon.

"Logan, kumusta iyong mga reports niyo. Ayos na ba? Kailangan na nating maghanda, e. Malapit na ang contests," sabi niya. Ang mga salita niya ay hindi ko napansin dahil okupado ang isipam sa pagtatanong.

"Sir," panimula ko, "iyong chemicals po na hiniram ni Angela, ano po ba iyon?" Naiilang ang ekspresiyon ng aking mukha. Bahagyang naningkit ang mata ko habang naghihintay ng kaniyang isasagot. Natatakot ako na makumpirma ang pagdududa na bumabalot sa akin. Dahil paano kung totoo? Ano'ng sasabihin ko… ano ang gagawin ko?

Ipinatong niya ang kaliwang braso sa kanan, inayos ang pagkakatayo. "Ah… may hiniram nga siyang chemicals, kaso nakalimutan ko nga iyong pangalan. Hindi ko masabi… pero parang starts with letter M?" naguguluhan niyang tanong sa sarili.

Naging mas mabilis pa ang pagtakbo ng aking damdamin nang sabihin niya ang letrang M. Bahagya kong kinagat ang parteng baba ng aking labi, naghihintay sa kaniyang isasagot.

"Ah!" sabi niya, animo'y nagliwanag ang tuktok ng kaniyang ulo, "Magnesium."

Nakahinga ako nang maluwag. Naalis ang pagdududa. Ibig sabihin lang ay gumagawa ng kuwento si Nico—

"At Mercury."

Bumagsak ang dalawa kong panga dahil sa kaniyang pagpapatuloy.

Hindi puwede.

"Natanong n-niyo po ba kung para s-saan ito?" nauutal kong tanong, hindi makumpleto ang bawat salita. Hindi makapag-isip nang tuwid. Hindi alam kung papaano aakto.

"Sabi niya, may gagawin lang siyang projects. Binalaan ko naman siya tungkol sa reaction nito sa katawan natin para alam niya. Bakit?"

Hindi ako nakasagot.

"Logan? Bakit?"

Hindi ako umimik.

Maya-maya pa at nawala na siya sa aking harapan. Nakaupo na ulit sa aking lamesa habang nakatulalang nagmamasid sa kawalan. Si Angela ang sanhi.

May tumabi sa aking puwesto. "Nawala ka," sambit ni Jeff, may hawak siyang bote ng tubig.

"Medyo," wala sa sarili kong sagot, hindi ako nakatingin sa kaniya. Sumagot siya, "Anong medyo? Ang sabi ko, nawala ka."

Mistulang dumaan lang ang kaniyang salita sa dalawa kong tenga. Makalipas ang tatlong segundo ay ihinarap ko na siya at nagsalita, "What were you saying again?" Nakataas ang dalawa kong kilay.

"Nawawala ka nga," natatawa niyang sambit. Sana ay makuha ko rin na tumawa at ngumiti sa ganitong sitwasyon. Pero ang hirap. Lalo na at kapag naaalala mo na sangkot ang iyong mga kaibigan sa mga nangyayaring isyu.

"Kumusta iyong napag-usapan?" tanong ko para hindi kami mabalot ng katahimikan.

"Bukas, ipapatawag si Angela sa office, hindi ka na pinapupunta ni sir Lopez, buti na lang at tumanggi si sir Francis," paliwanag niya.

"Is there a final decision already?" pagtatanong kong muli. Umiling siya bilang tugon.

"Wala pa naman, pero hanggang bukas na lang iyon. And by then, magkakaroon ng decision ang Office nila. Medyo kinakabahan din ako, baka naman kasi si Nicole talaga, 'di ba?" sabi ni Jeff, nanghihingi ng opinyon. Nagkibit-balikat lang ako. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang mga nalaman ko.

Hindi puwede.

Ilang sandali at tumunog ang speaker na nakasabit sa itaas ng kisame ng cafeteria. May nagsalita roong lalaki.

"May I have your attention, student of Stanford. This is the Head Student of West Stanford, speaking," paunang sabi ni Mateo. Ayaw ko mang pakinggan ang kaniyang boses, kinailangan ko pa rin. Ang mga tao sa paligid ko ay tumigil sa kanilang ginagawa. Tahimik silang nakikinig sa nagsasalita.

"With regards to what have happened earlier at the Wolf's Building, I am here to assure yourselves that no casualties occurred. The issue has been taken care of the Guidance, together with our Campus Police. You don't have to panic and dwell under the new-born hysteria.

"However, the guy that we chose not to name is under the hands of our Medical Department, no large issues is expected to happen. I hope you guys are doing safe and sound. So, before I also end this broadcast, I want you all to invite to the press conference of Student Board, tomorrow, first period. I expect you all to come. Have a nice Stanford Day! Good Bye," sabi niya.

Natapos ang kaniyang pananalita at nagpatuloy kami sa aming ginagawa.

Nagpaalam si Jeff sa akin matapos iyon, pinatatawag daw ni sir Willie dahil may ipaaasikaso. Pagkaalis niya ay may narinig akong kumpol ng boses na nagmula sa ikalawang palapag. Boses iyon ng mga miyembro ng Theater Club, ngayon pa lang ata sila magb-break.

"Hey," usal ni Angela nang makita ako sa isang lamesa. Nakita kong dumaan si Shion sa lamesa namin ngunit nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa paglabas ng bulwagan. Halatang kagagaling lang niya sa iyak, namumugto pa ang kaniyang mga mata. Gusto ko siyang lapitan at akapin, sasabihin ko na ayos lang ang kaniyang ginawa dahil hindi naman niya iyon sinasadya. Ngunit paano ko iyon magagawa kung siya na mismo ang umiiwas sa akin?

"Masaya ka ata," bati ko kay Angela, naiilang ako.

"Medyo, wala kasi si Nicole sa club."

Kumunot ang noo ko. Nasaan na iyong Angela na kagabi ay nais humingi ng tawad kay Nicole, arte lang ba ang lahat ng iyon?

"Ah," matipid kong sabi, hindi alam ang gagawin.

Nagpaalam siya na bibili lang ng pagkain, hinayaan ko siya at hinintay na bumalik. Maya-maya pa ay kumakain na siya sa harapan.

"Tahimik ka ata?" tanong niya. Nagkibit-balikat ako. Kating-kati na ang mga dila ko para tanungin siya.

"Angela," panimula ko, takot sa mga kasunod na sasabihin.

"Hmm?" imik niya habang umiinom ng tubig.

"Magaling ka ba sa Chemistry?" tanong ko, hindi ko siya kayang diretsahin. Tumugon siya, "Ayos lang, mataas naman grades ko noong Junior High-Level, why?" Napahigit naman ako ng hininga.

"Gusto ko lang sanang itanong sa 'yo. Kasi ganito, kailangan ni Khen ng tulong," pagsisinungaling ko.

"What is it about?" sabi niya, itinabi niya ang kaniyang kinakain at maayos na humarap sa aking direksyon.

"Do you know anything about Mercury? I mean… baka alam mo?" Bahagyang tumaas ang balikat ko. Nakita ko siyang lumunok. Tiningnan niya ako nang mabuti at hindi sumagot.

Kinabahan ako.

"Do you know its side-effects when it is consumed by our body?" pagpapatuloy ko.

Kaba.

"Why are you asking this?" tanong niya, halatang naalarma sa aking winiwika.

"Is it you?" tanong ko pabalik.

"Anong ako?" Masyado nang nagiging alarma ang kaniyang boses.

"Ang intensyonal na naglagay ng Mercury sa burger na dapat ay ipapakain mo kay Nicole?"

Isa.

Dalawa.

Tambol.

"How did you know?" ani Angela.

(More)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login