Download App
80% LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 36: Chapter 36: Samantha’s Revelation

Chapter 36: Chapter 36: Samantha’s Revelation

MATAPOS marinig ni Simon ang buong kwento ilang saglit na katahimikan muna ang dumaan sa pagitan nilang mag-asawa.

Hinawakan niya ang kamay ni Samantha bago muling nagsalita, "Nalulungkot ako sa kinuwento mo dahil di ko aakalain na maging si Reymond may malalim na galit sa mga Santillian. Kilala mo naman ang kapatid kong iyon, napakatahimik, mabait at masunurin. Noon kasi siya ang madalas na nagpapaalala sa akin na magpatawad na at kung tama nga ang kutob mo na siya ang tumangay kay Miss Santillian natitiyak kong may kinalaman si Mom sa biglaang pagbabago ni Reymond. Nararamdaman kong si Mommy ang nag-udyok sa kapatid ko para gawin ang mga bagay na ito,"

Napamulagat si Samantha ng marinig ang sinabi ni Simon, "Are you sure that Mom had something to do with what Reymond had done? I mean, I can't believe your mother will going to push your younger brother to do it,"

Simon nodded, "I feel Mom influenced Reymond to pursue this kind of act. Kahit noon naman bago ako nagkaroon ng malalim na galit ko sa mga Santillian, madalas na tumatawag si Mommy at pinapaalalahanan ako na dapat gumanti kami sa pamilyang iyon. When I got into this situation, my parents didn't help me to get out of it. Kung wala lang kayo ni Nate na siyang naging sandalan ko baka matagal na akong bumigay, honey,"

She heaved a deep sigh and said, "I know. They didn't even bother to visit you here. Naiintindihan ko naman na nahihiya sila sa mga nangyari, pero di bale na, ang mahalaga sinikap mong magbago at ituwid ang pagkakamali mo. Natutuwa rin nga ako at di ako nadamay sa isinampang kaso ng mga Santillian noon laban sayo at napatawad na rin ako ng pinsan ko. Nawala man ang mga binti mo, at least buhay ka at merong pag-asang makakalaya,"

He pulled his wife and kissed her, "Thank you for being my wife. You give me hope every time you come here,"

"Hey, release me quickly, I could not breathe properly. Saka may hihilingin ako sayo bago ako aalis dito," she said.

"Hmm?! Ano iyan?" seryosong tanong ni Simon at pinakawalan niya si Samantha.

"Pwede ko bang banggitin kay Ivana ang tungkol sa kapatid mo? I mean, I really plan to visit my cousin's house to inform her. I hope you'll not going to get mad at me," hinging permiso nito sa kanya.

Tinitigan muna niya si Samantha bago nagsalita, "Even I would say no, you won't listen to me. And maybe telling Ivana what you think about what had happened to her sister-in-law will help my little brother to change his mind. Kung may papel at ballpen ka dyan, akin na ibibigay ko ang contact number ni Jess, dahil ramdam ko nag-uusap sila ni Reymond. Siya ang dating personal assistant ko at may mga ibinilin ako sa kanya noon na assets na isinalin ko sa pangalan ni Reymond,"

Bakas sa mukha ni Samantha ang tuwa, "Okay, that would be great. Don't worry, I will talk to Brielle and Ivana carefully and beg them not to harm Reymond,"

"Do you think they will listen to you," nag-aalalang tugon niya.

"I think so. Saka hindi naman siguro ginawan ng masama ni Reymond ang kapatid ni Brielle, baka meron lang siyang gustong iparating sa pamilya ng mga ito. At kung makakausap ko rin si Jess, sasabihan ko siyang iparating kay Reymond ang mensahe natin," anito.

Tumango lamang si Simon at tinanggap ang papel at ballpen na inabot ni Samantha. He quickly write down Jess's number and gives it back to her. "Sige na, umuwi kana at mag-ingat ka parati,"

Samantha hugged him and said, "I will wait the day you get your pardon. Nate and I will be happy to see you at home, hon!"

"Muah! Ang drama mo, kanina lang galit ka sa akin," natatawang tugon niya.

"I'm sorry, I was carried out by my emotion. I always love you, bear that in your mind. Sige na, tumayo kana at sabay na tayong lumabas dito,"

He nodded, and they both head towards the door. Hinatid ng tingin ni Samantha si Simon habang pabalik na ito sa loob ng detention cell. Lulan na siya ng kotse niya ng mga sandaling ito at patungo sa tahanan nina Ivana.

Pagtapat niya sa mismong gate ng bahay nina Ivana bumusina siya ng ilang beses bago siya pinagbuksan ng guard. Dumiretso ang sasakyan niya sa loob ng garahe at mabilis siyang bumaba. Heading towards ng main door, she saw her cousin at the terrace area waiting for her with a sweet smile on her face.

She waved her hand and headed to Ivana. Sinalubong siya nito sa may pinto papuntang terrace.

"Hey, cousin, what brings you here?" masayang tanong ni Ivana.

"I have an important matter to discuss with you," aniya.

"It is about work? Or about Brielle? Actually, he asked for a one week vacation. Sabi niya nandoon ka naman sa opisina,"

Naglalakad na sila papuntang terrace at iginiya siya nito paupo sa naroong upuan. "Oh, I understand why Brielle took a vacation. Kaya rin ako pumunta rito para ibigay sayo ang mahalagang impormasyon. At kung gusto mo, pwede na rin na makikinig si Brielle sa atin,

"Okay lang cous na tayo nalang ang mag-usap. Nasa kwarto siya eh, nagpapatulog kay Kyree. Saka naghihintay rin iyon ng tawag mula sa mga tauhan niya, hanggang ngayon kasi wala pang malinaw na resulta sa paghahanap kay Denise," Ivana said.

Samantha picked up Ivana's hand and sighed before opening her mouth, "Actually, I have a confession, and I think this will help Brielle to locate Denise,"

"Hmm, really? Parang kinabahan tuloy ako sasabihin mo," anito.

"Relax. Hinala ko lang din ito dahil kaninang umaga bago ako umalis nga bahay, lumapit si Nate sa akin at sinabi ng anak ko na nagkausap sila ng Uncle Reymond niya kagabi doon mismo sa banyo ng hotel,"

Ivana's eyes turn big, and she almost guesses what the next words her cousin would say, but she remains silent.

"Palagay ko ang pagkawala ni Denise ay may koneksyon kay Reymond, cous. Alam mo naman na may malalim na galit ang pamilyang Yun laban sa mga Santillian. At ang paglutang ni Reymond sa mismong venue kagabi ay hindi normal. Ilang buwan ko na siyang hinahanap dahil bigla nga siyang nawala at nabanggit ko na rin noong huling usap natin," aniya.

"You mean to say, Reymond was the man behind Denise's abduction?" gulat na tanong ni Ivana.

Samantha nodded, "Sabi ko nga hinala ko lang pero ang nag-trigger talaga sa akin na tahasang tukuyin si Reymond bilang pangunahing suspect ay ang pagbabala niya kay Nate na huwag banggitin sa akin na nagkita sila. At sabi pa ng anak ko suot ni Reymond ang uniform ng hotel staff, pero alam natin na hindi siya simpleng empleyado kundi isang professional na Doctor. Wala ring sapat na dahilan para magtrabaho siya bilang hotel staff dahil may pera pa rin naman ang pamilya nila,"

"Sigurado ba si Nate na si Reymond ang nakita niya? Kasi based sa kwento ni Brielle ibang mukha ang lumabas sa CCTV camera ng nasabing hotel pero may napulot nga raw doon na human-skin mask malapit sa parking area na pinagdalhan ng taong tumangay sa hipag ko,"

"Ikaw na rin may sabi cous na nagbalat-kayo ang taong tumangay kay Denise, kaya malakas ang kutob ko si Reymond ang taong iyon. Walang ibang kagalit ang pamilya ni Brielle kundi ang pamilya lang nina Simon. Ayokong kumampi sa mali dahil naranasan ko na ang naging bunga nito," aniya.

"Ilang beses din ngang sinasabi ni Brielle na malakas ang kutob niya na may kinalaman ang kapatid ni Simon dahil bigla raw itong nawawala. Kaya lang di ko talaga lubos maisip bakit si Denise ang tinangay ni Reymond gayong di naman nagkausap ang dalawang iyon, diba?"

Samantha shrugged her shoulder and said, "Hatred was the reason behind. Kaninang umaga pinuntahan ko na sa kulungan si Simon, siya ang unang inaway ko matapos magtapat si Nate. Ang buong akala ko siya ang nag-udyok kay Reymond na maghiganti dahil nga sa sinapit niya pero tumanggi siya at mismong sa kanya ko narinig na maaaring ang Mommy nila ang nagtulak kay Reymond na gawin ang ganitong mga plano,"

Another wave of shock written on Ivana's face, "You mean to say, their Mom urged Reymond to take revenge against the Santillian?"

Samantha nodded, "Sa totoo lang hindi kami gaanong magkalapit ng Mommy ni Simon kasi alam ko namang lagi siyang may duda sa akin dahil nga magpinsan tayo. Ramdam kong hindi niya ako tanggap bilang asawa ni Simon pero binabalewala ko nalang alang-alang sa anak at asawa ko. Saka tulad nga ng sinabi ko sayo ayokong magtanim pa ng galit laban sa pamilya ninyo dahil kung tutuusin wala naman kayong ginawang masama,"

"Kung tama ang hinala mo, nalulungkot ako para kay Reymond dahil alam kong kahit papaano mabuti siyang tao. Noong niligtas niya ako, nakikita ko ang mabuti niyang kalooban. Sana lang kung anuman ang dahilan niya para gawin ito, huwag siyang magkamaling saktan si Denise dahil natitiyak kong hindi siya palalampasin ng mag-ama," bakas sa boses ni Ivana ang lungkot at panghihinayang.

"Susubukan kong tulungan kayo, may ibinigay si Simon na contact number ng dati niyang assistant, bibigyan kita ng copy nito at baka-sakaling may maitulong ang taong ito para mahanap natin ang bestfriend mo,"

Niyakap ni Ivana si Samantha, "Salamat cous, sana lang mali ang hinala ninyo ni Brielle. Kung sakali naman na tama, ipagdasal nalang natin pareho na ligtas si Denise at matauhan si Reymond,"

"Yeah, sana nga maisip ni Reymond na mali ang ginawa niya, kung sakali ngang siya ang gumawa nito. Teka ipapadala ko nalang sa messenger mo ang contact number ng assistant ni Simon," Mabilis na hinugot ni Samantha ang cellphone at tinype ang number na ibinigay ni Simon kanina sa kanya. " Sent. O, paano di na ako magtatagal, marami pa akong gagawin sa opisina, ikaw na ang bahalang magsabi kay Brielle," nagpaalam na siya kay Ivana at tumayo na mula sa upuan.

"Okay, don't worry about it, I will tell him immediately what you have told me. Ihahatid na kita hanggang sa sasakyan mo. Gusto ko sanang yayain ka ng tanghalian pero sabi mo nga marami kang gagawin sa opisina, kaya't di na kita pipigilan pa," tugon ni Ivana habang naglakad na sila patungong garahe.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C36
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login