"Bakit ba sinubukan mong magbalsa kung alam mo sa sarili mong hindi ka pala marunong lumangoy?" naiinis na tanong ni Uno sa babae na ngayon ay sumisimsim na ng kape.
Kasalukuyan kaming nasa playing area habang pinagmamasdan lamang itong babaeng muntik nang mamatay dahil sa pagkalunod.
Napatitig ang babae ng masama kay Uno habang wala pa ring tigil sa pagsisimsim ng kape matapos ay napairap siya.
"Wala akong kakainin kapag hindi ako magbabalsa, nais ko lang naman sanang mamingwit ng isda para sa aking hapunan" walang emosyong turan naman ng babae sa kaniya.
Napasinghap si Papa ng marahas matapos ay tinanong niya ang babae. "Hindi gawain ng babae ang mamingwit, hija. Nasaan ba ang tatay mo o hindi kaya ay ang kuya mo kung mayroon?"
Napairap ulit ang babae matapos ay muli uling sumimsim ng kape bago tinugon ang tanong ni Papa.
"Wala po akong tatay o kuya o kapatid o ano pa iyan, ako lang po ang kasama ko" aniya pa habang wala pa ring humpay sa pag-iinom ng kape.
Ang tapang naman yata ng babaeng ito at kahit ang ikakalagot pa siguro ng kaniyang hininga ay gusto niyang subukan makakuha lamang ng pagkain.
"Silly, umakyat ka nalang sana dito sa barko at dito ka nalang namingwit ng isda!" malakas na namang ani Uno.
Agad naman na napairap ang babae sa kay Uno matapos itong magsalita, "May kakaunting hiya pa po kasi akong tinatago. Ang kapal naman siguro ng mukha ko kapag pumasok lamang ako dito sa barko niyo para mamingwit lang ng isda hindi ba?"
Labis akong napapailing nang marinig ito sa kaniya.
Hindi lang ba talaga siya magpapasalamat sa nagawang pagtulong ni Uno sa kaniya?
Paano pa kaya kapag hindi siya nakita ni Uno kanina?
O hindi kaya ay tumama ang ulo ni Uno sa elise nung tumalon siya pagkatapos ay hindi siya nagawang tulungan?
Sigurado akong lumulutang nalang siya ngayon sa dagat habang punong-puno ng tubig ang buong katawan kasama na si Uno.
Napapailing na lamang ako habang kinakalimutan ang aking mga pinag-iisip.
"Ano pala ang pangalan mo, hija?" tanong ni Papa sa kaniya.
Ilang minuto muna siyang napatingin kay Papa bago niya naisipang magsalita, "Chrysanthe Luai" pabalang niyang pagkakasaad kay Papa.
Hindi ba siya tinuruan kung papaano makipag-usap sa matatanda at ganiyan nalang siya kung umasta?
"Bakit ka kasi nagbalsa?" naiinis na namang tanong ni Uno sa kaniya.
Parang ako pa ang naririndi sa paulit-ulit niyang tanong sa babaeng ito.
Napapansin kong mas na-trauma pa siya kaysa sa babaeng sinagip niya.
"Para mamingwit nga!" naiinis na ring tugon sa kaniya nitong babae.
Agad siyang nilapitan nina Macaire at Kaisa na ngayon ay nakasuot pa rin ng swimsuits, naliligo kasi sila sa swimming pool nung mangyari ang eksena kanina.
Sinuri nilang mabuti ang babae habang kinakalikot ang mga kasangkapang hindi ko lubos na malaman kung ano ang katawagan.
"She's definitely okay naman, parang normal lang rin siya na tao" matinis ang boses na ani Macaire.
Bigla kong nakita ang pagngiwi ng babae nung marinig niya ang boses ni Macaire.
"Wala naman po siyang malubhang sakit na dinadala at natamo" tugon din ni Kaisa habang nililigpit ang mga kasangkapang kanilang ginamit.
Napapatango na lamang kami nina Uno at Papa sa kanilang dalawa habang tinitingnan silang maglakad papalayo.
Hindi ba iyon pinapagalitan ni Kokoa sa sinusuot nila?
Tiyak na hindi nakita nitong si Kokoa ang suot ng kaniyang kapatid.
Sa pagkakaalam ko rin ay lumabas din sina Mario at Maykel kanina, bakit hindi ko sila makita-kita?
Siguro ay pumunta sila sa lupa kung ganoon.
"Pagpahingahin mo nalang muna siya doon sa kwarto ng mga babae, Uno. Sabihan mo lang doon sina Ate Eebonee mo" ani Papa na nakapagpataranta sa babae.
"Ayy hindi po! Uuwi na po ako, ayaw ko na pong magtagal dito. Salamat nalang po!" aniya pa sa amin habang nagyuyukong nagpapasalamat.
Napabuga ng malakas si Uno matapos ay mahigpit na hinawakan ang kamay ng babae. "No, you'll stay here. Hindi ba't mag-isa ka nalang sa buhay? Paano na kapag wala ka ng makain? Paano na kapag wala ka ng pera? Paano—" bigla nalang siyang napatigil sa pagsasalita nang dumighay nang malakas ang babae.
"I will not stay here, ayaw ko namang iwan nalang ang maliit kong bahay sa—" agad ring pinutol ni Uno ang sasabihin pa sana ng babae.
"You'll stay here, maliit na bahay lang pala iyong tinitirahan mo eh. Mas maganda kapag dito ka nalang mananatili, may magiging maayos ka pang trabaho at may malaking sahod ka pang makukuha kada buwan" aniya pa sa babaeng kasalukuyan nang nakanganga sa kaniyang harapan.
Matabang itong napatawa matapos ay pumapalakpak, "I would not forsake my little house para lang sumama sa inyo, hinding-hindi ko kayang iwanan ang bahay ko dahil nandun ang maliit kong anak na hinahanap na ako ngayon!" usal niya sa amin matapos ay tumalikod na at maglakad.
Nanatili lamang kaming tahimik habang pinagmamasdan siyang nagdadalawang-isip kung maglalakad pa ba siya o hindi.
Kalaunan din ay bumalik siya sa aming harapan at pabalang na nagsalita, "Magkano ba ang sinisweldo niyo kada-buwan?"
"One hundred thousand" maikling ani sa kaniya ni Papa na nakapagpaawang ng kaniyang labi.
"Kukunin ko muna ang anak ko dun sa bahay pagkatapos ay babalik ako rito agad, magliligpit na rin ako saglit ng mga gamit ko. Kailan po ba kayo maglalayag?" mahinang tanong niya sa amin.
Gusto kong matawa sa naging reaksiyon niya ngayon, mukhang kakailanganin talaga niya ang pera para sa ikabubuhay ng kaniyang sarili at ng kaniyang anak.
Pero nagtataka lang ako dahil ang bata-bata niya para magkaroon ng anak.
Sa aking pananaw kasi ay halos magkaedad lang kami ng babaeng ito, sa aking pananaw lang rin naman iyon at wala talaga akong kasiguraduhan.
Posible kayang ginahasa siya at nagkabunga?
Posible ring kumupkop siya ng bata galing ampunan para alagaan niya.
Pwede rin namang maaga siyang nabuntis dahil sa kapabayaan?
Pero hindi ako nakukumbinsi na maaga siyang nabuntis dahil sa aking pananaw naman ay mayroong mataas na pamantayan ang babaeng ito pagdating sa lalaki, ang sungit niya rin kung kumilos. Masyado pang marahas ang kaniyang pananalita.
"Nais mo bang samahan kita?" suhestiyon nitong si Uno sa kaniya.
— New chapter is coming soon — Write a review