Napangiwi ako nang makita ang namumulang mukha ni Kokoa sa aking harapan.
Parang ako ang napapagod kakatingin sa kaniyang umiiyak na mukha.
Kasalukuyan pa rin kaming nasa dining room kasama na sina Uncle Jazzib at iba naming pinsan.
Pakinig ko ang pagsinghap ni Kokoa habang nakatungo lamang sa ilalim ng mesa.
Kung ako sa kaniya ay agad ko nalang na sinapok ang mukha ni Eftehia nung marinig ko iyon o hindi kaya'y pinakain ko nalang ng pera.
"Sabi ko na nga ba—iisang dugo, iisang pag-uugali" ani Uncle Ouran na kasalukuyang nakatitig rin kay Kokoa.
Si Kokoa lamang ngayon ang nakaupo habang kaming lahat ay nakatayo na tinitignan siya.
"Kokoa, huwag ka sanang magalit sa akin. Iniutos ko lang naman iyon para sa ikabubuti mo" mahinang usal sa kaniya ni Uncle Jazzib habang hinahagod ang kaniyang likod.
Mapaklang napahalakhak si Kokoa habang umiiling. "Hindi naman po ako nagagalit, Papa. Naaawa ako kay Eftehia kasi ang bobo niya" halos kaming lahat ay napasinghap nang sabihin niya ito.
"Hindi ko alam kung bakit mo nagustuhan iyon eh ang pangit naman ng boses" bigla akong napatakip ng bunganga nang hindi ko nasadyang ibulalas ito.
Napatingin silang lahat sa akin.
Maging si Uncle Jazzib ay natatawa na rin ngayon.
Pinukulan ako ng masamang tingin ni Kokoa habang napapakamot sa ulo. "Hindi naman ako napamahal sa boses niya, hindi ko lang alam kung bakit ako nababaliw sa babaeng iyon samantalang ang bobo niya naman kung mag-isip" napabuga ng malakas na hininga si Uncle Eeman matapos ay binigyan si Kokoa ng isang bote ng alak.
"Uminom ka nalang nito, nakakawala iyan ng kirot" bigla akong nagtaka kung bakit hindi umangal si Uncle Jazzib sa ibinigay na alak ni Uncle Emman, siya pa nga ang nag-abot nito sa kaniyang anak.
"Pa, gutom ako" dali-daling tumungo sina Eebonee at Ebonna sa cooking room nang banggitin ito ni Kokoa.
"Bakit hindi ka kasi nag-umagahan? Tanga ka rin pala eh" mas sumimangot pa ang mukha ni Kokoa sa sinabi ng kaniyang ama.
"Masyado kasi akong kinabahan kanina kasi akala ko ay tatanggapin talaga ako ni Eftehia! Balak ko pa naman sanang iharap agad siya sa altar kapag natanggap niya ako kaso lang ay hindi! Naiinis ako kasi napakabobo talaga niya!" kung maaari lang sanang makalbo siya ay kanina pa siya naging panot, paano ba kasi eh kada-segundo siguro niya ginugulo ang kaniyang buhok.
Para na siyang sabog kung tingnan.
Labis kong sinuri ang mukha ni Kokoa, napaawang ang aking bibig nang mamataan kong masyadong pula ang kaniyang labi dahil sa kakakagat. Mukha na tuloy siyang baklang sabog kung tingnan ngayon.
"Bukas ay rest day niyo, nais niyo bang pumasyal kahit saan?" agad silang umangal sa sinabing ito ni Uncle Jazzib.
"Dito lang po kami, magpapahinga lang sa loob ng cabin" ani Floro habang ngumingiti.
Biglang napatikhim si Uncle Dilmatran. "Himala iyon ah, hindi ba't gustong-gusto niyo ang gumagala?"
Biglang umiling sina Uno at Dos kay Uncle Dilmatran. "Hindi kaya Uncle! Behave kami tuwing rest day noh kasi we're tired! Si Kokoa lang kaya ang gumagala kasi nga may jowa siya!" pagtatanggi pa nitong si Uno.
"She's not my jowa, Ouranio Debecho Prinastini! Wala akong kasintahang mukhang pera!" malakas na sigaw ni Kokoa matapos ay marahas na sinuntok ang mesa.
"Tapos bakit mo sinusuntok ang mesa? Gusto mo bang makipagsuntukan sa isang hunk?" ani Uno habang umaaktong makikipag-away.
"I'm also a hunk here kaya better shut your mouth nalang!" sagot sa kaniya ni Kokoa matapos ay umalis dito sa dining room habang nagdadabog.
Malakas akong napabuga ng hangin habang inaayos ang naggulong kasuotan, dalawang araw palang akong namalagi rito subalit kayrami na ng mga nangyari.
Ni kasalukuyan ko pa ngang tinatanggap ang mga inilantad na katotohanan nina Uncle Jazzib noon.
Sa mga panlilinlang pa lamang nila ay hindi ko na iyon labis na maintindihan, isama mo pa ang pag-uugali ng mga pinsan ko, mayroon pa akong trabahong inaasikaso, idagdag pa sina Akari at Ebonna, tapos makikisingit pa itong si Kokoa, may baybayin pa nga akong pag-aaralan, si Papa pa pala ay hindi ko pa nakakausap, hindi ko na tuloy maintindihan itong aking sarili.
Kung hindi ko sana pinakialam iyong nakakunot na papel sa kusina namin ni Uncle Jazzib noon ay hindi sana magkakaganto ang buhay ko.
Hindi sana ako nalilito.
Wala sana akong problema.
Siguro ay tahimik at payapa pa ang buhay ko kapag hindi ko iyon pinansin eh.
Kung hindi sana mapanlinlang sina Uncle ay masaya at maginhawa pa siguro ako ngayon.
"Huwag na muna kayong magtrabaho ngayong tanghali, mas mabuti kung magpahinga nalang kayo, ayokong may mastress sa inyo" ani Uncle Jazzib sa amin.
Bigla akong nabuhayan sa aking narinig, sa wakas ay makakapagmuni-muni pa ako mamaya.
Tuluyan na akong lumabas ng dining room at agad na dumiretso sa terasa.
Kailangan ko munang ianalisa ang lahat-lahat na nalaman ko simula ng aking pagdating dito.
Mahirap kasing tanggapin ang lahat lalo na iyong sarili kong edad, papaano ako nagawang linlangin ng ganoon ni Uncle Jazzib?
Agad akong napaupo sa nag-iisang mahabang upuan dito sa terasa.
Napahinga ako ng sariwang hangin habang nakatingin sa kalangitan.
Bakit kaya nila ako pinararamdam ng ganito?
Sa aking pananaw kasi ay parang pinagkakait nila sa akin ang lahat ng katotohanang tungkol sa akin.
"Dito ka rin po pala tumatambay, Sir?" bigla akong napatingin sa aking likuran nang may magsalita mula rito.
Dagling bumilis ang pagtibok ng aking puso nang maaninagan ko na naman ang maliit niyang mukha.
Napatango ako sa kaniya habang ngumingiti, tumabi siya sa akin ng pagkakaupo matapos ay katulad kong tinititigan rin ang umaasul na kalangitan.
"Simula noong bata ako ay pinapangarap ko talagang maging ganito kalaya, iyong tipong walang pipigil sa'yo pagkatapos ay gugustuhin mo lang kung ano ang ninanais mo" napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. "Wala akong naging pangarap noon kundi itong maging malaya lang" malakas siyang napabuga ng hangin matapos ay tiningnan din ako.
"Alam niyo po Sir, labis akong naiinggit sa inyo. Nakikita ko kasing suportado ang pamilya niyo sa kung ano ang gusto niyong gawin. Kahit pa sabihin nating mayroon pa kayong trabaho sa barko, pinapabayaan pa rin nila kayo sa kung ano ang magpapasaya sa inyo" mapakla akong napangiti sa kaniya matapos ay bumuga ng hangin.
"Hindi ko alam kung bakit ka naiinggit sa akin gayong mas maganda pa ang naging takbo ng buhay mo kaysa sa nangyari sa akin"