Download App
77.28% M2M SERIES / Chapter 295: The Stripper (Strip 21)

Chapter 295: The Stripper (Strip 21)

Masasabi kong sa loob ng halos isang buwan na pananatili ko dito ay nasanay na ako sa ganitong uri ng buhay.

Nasanay na ako na nagtitinda ng isda sa Balayan kasama si Nay Neth. Nasanay na akong sumama kay Brave sa dagat pag mangingisda sya.

Napamahal na ako sa lugar na ito at napamahal na ako sa kanila. At ramdam ko din na ganon sila sa akin.

Pasalamat ko lang talaga at hindi na muling nagpakita si Lourd. Though,palaisipan pa din sa akin kung bakit sya nagpunta dito dati?

Hinahanap ba nya ako para lalong pagdusahin? Ive had enough,kaya kung magkakaharap kami ay pwede na akong lumaban.

Pero ang pinagtataka ko lang,ay bakit parang hindi ako hinahanap ni Kaze o ng pamilya ko? Ganon ba talaga yon? Oo nga at sobrang bigat ng kasalanang nagawa ko,pero umaasa pa din ako. O sadyang wala lang talaga nakaka alam sa nangyaring pagsakay ko sa barko.

Kahit papaano ay hindi na ako nasasaktan pag naiisip ko yon. Pero hindi pa din maiwasang maisip ko sila. Dinadaan ko na lang sa paglilibang ang lahat para hindi na ganon katindi ang pangungulila ko sa kanila.

"Kamusta na kaya si Kaze? Mahal pa din ba nya ako?" ang pagkausap ko sa sarili habang nakatanaw sa dagat. Bumuntong hininga ako. Paniguradong may iba na yon.

"Iniisip mo na naman ang kasintahan mo." sabi ng isang boses na ikinalaki ng mga mata ko.

"Huh? Hindi ah?" ang agad kong dipensa at nilingon ito.

"Nadinig kita,Keeyo." ani Brave at namewang. Nasanay na ako na ganyan sya. Laging hubad,I mean laging topless.

"Ano bang ginagawa mo dito?" ang sabi ko na lamang para malihis na ang usapan. Sa totoo lang mas naging malapit na kami ngayon ni Brave,kampante na sya sa akin at ganon din ako sa kanya.

"Maliligo kami ni Killian sa ilog at mangunguha din ng mga hipon at suso. Gusto mo bang sumama?" aniya at tumingin sa dagat. Isa lang ang hindi ko alam kay Brave,kung nagkaroon na ba sya ng kasintahan.

"Sige! Pero isama natin si Lemon. Bakit ba kayo mangunguha ng hipon at suso?" ani ko at umalis na sa batuhan at lumapit kay Blaise.

Infairness,napaka bango nya. I mean lalaking lalaki ang amoy. Yung natural man scent. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip ng kung anu-anong kaberdehan.

"Birthday ni Killian bukas. Ito ang paborito naming ipulutan. Tara na." sagot nya at sumunod na ako sa kanya.

Pati ang likod nya ang ganda. Napaka perfect. Parang yung katawan ni Kaze na sobrang pinaglawayan ko talaga,pati yun.. Ugh! Bakit ba napasok si Kaze? Amp.

"Bakit hindi sa dagat?" ang tanong ko habang naglalakad kami.

"May mga nakuha na kami. Pero iba pa din pag galing sa ilog." ang sagot nya.

Nakita ko agad na nasa tabi ng kalsada si Killian at naghihintay sa amin. Tatawid pa kami sa kalsada dahil sa kabila ang bundok at ilog. Pero hindi ko naman makita si Lemon sa paligid.

"Keeyo! Keeyo! May sasabihin ako!" boses iyon ni Lemon kaya napatigil kami.

"Lemon! Tara sama ka sa amin!" at agad kong hinawakan ang kamay nya. Napatingin si Lemon kina Brave at Killian,pero hindi ko sya hahayaang makatakas.

After one month akala ko mag evolve na ang relasyon nila ni Killian,but it turned out na mas lalo syang nahiya at sobrang dalang na lang magpakita.

Hindi ko alam kung bakit padin sya nahihiya. Eh mukhang hindi naman iyon big deal kay Killian. I like Killians personality,makulit sya pero tahimik din.

Mahabang kakahuyan ang nilakad namin. Kami ni Lemon ang nag uusap at si Killian at Brave ang nag uusap.

"Ano ba yan? Bakit mo ako nilalagay sa ganitong sitwasyon?" ang bulong ni Lemon habang sinusundan namin ang dalawang maton.

"Ewan ko sayo. Wala ka namang dapat ikahiya eh! Eh ano kung nalaman nyang gusto mo sya? Besides that was a decade ago!" ang bulong ko din at hinila sya.

"Hindi lang yon ang kwento dun." ani Lemon at napabuntong hininga. Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan sya ng mga nagtatanong kong mata. "May nagawa ako kay Killian dati. Alam mo na."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pag amin nya. May mas malalim pa palang rason? Kaya pala. Naiintindihan ko na si Lemon ngayon. Tulad nya ako,may mga nagawang pagkakamali.

"Keeyo! Lemon! Bilisan nyo!" ang pagtawag sa amin ni Brave kaya tahimik na lang ulit kaming sumunod dito.

Pagdating sa ilog ay namangha ako,running water ito,madaming bato pero napaka linaw ng tubig! Parang ang sarap humiga at magbabad sa tubig.

Nagsimulang iangat nina Brave at Killian ang mga bato. Dun pala nagtatago ang mga hipon at suso. Ang astig nilang tingnan,ganito ang buhay probinsya.

"San may pwedeng pagliguan dito?" ang tanong ko sa nananahimik na si Lemon. Nakatingin sya kay Killian,at pag napapatingin si Killian ay agad syang nag iiwas ng tingin.

"Lemon! Pwedeng ikaw ang magbitbit ng lalagyan? Dito ka!" ang biglang pagtawag ni Killian kay Lemon.

Na estatwa si Lemon at napatingin sa akin. Nginitian ko lang naman sya.

"Huh?" ang hindi mapakaling sabi ni Lemon.

"Tulungan mo daw sya." nakangisi kong sabi at itinulak na sya. Wala syang magawa kundi ang lumapit kay Killian. Kita ko pang nakangiting napapailing si Brave.

Naalala ko ang sarili ko kay Lemon. Yung pag nakikita ko o pag lumalapit si Kaze ay hindi na ako mapakali. Yung tipong sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para na akong aatakihin sa puso.

Miss ko na ang pakiramdam na iyon. Miss na miss ko na si Kaze. Pero sadya sigurong there are people who are meant to be inlove but not meant to be together. That's how ironic life is.

Naglakad ako pababa dun sa parte na tingin ko ay pwedeng lumangoy. Pag lusong ko pa lamang ay naramdaman ko na ang lamig ng tubig.

"Hoy! Keeyo! Huwag ka dyan! Hindi pantay ang lupa dyan,baka malunod ka!" ang dinig kong sigaw ni Brave pero hindi ko pinansin. Ang sarap sa katawan ng malamig na tubig,kumbaga ay very refreshing.

"Keeyo! Hoy!" ang sigaw naman ni Lemon. Nilingon ko sila,ngunit ganon na lamang ang taranta ko ng wala na akong makapang lupa sa ilalim.

Malakas ang current ng tubig dahil nga sa running river ito. Para akong hinihigop pailalim at wala akong magawa kundi ang magpigil ng hininga hanggang sa lumubog ako.

Biglang pumasok sa isip ko yung ginawa kong pagtalon sa dagat mula sa barko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita ko pa si Brave na lumalangoy papunta sa akin.

Nagising ako na may nagpa-pump ng dibdib ko at may lumalapat na labi sa bibig ko at nagbubuga ng hangin.

Ang lambot ng labi at ang tamis. Kaya naman ang ginawa ko ay nagpatuloy sa pagpapanggap na wala pa ding malay.

"Ang tigas kasi ng ulo eh!" dinig kong frustrated na sabi ni Brave.

"Sasabunutan ko yan pag nagising." ang boses naman ni Lemon.

"Isa pa pre. CPR mo ulit." boses naman yon ni Killian.

Sa pagkakataong iyon ay umubo na ako at nagdilat ng mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Brave na nag aalala.

That very moment may naramdaman akong pamilyar. Alam na alam ko ang pakiramdam na ito. Huminga ako ng malalim.

"Sorry." ani ko at napayuko. Guilty ako sa katigasan ng ulo ko at guilty ako sa pagpapanggap ko kaninang wala pa ding malay.

"Ayos lang. Huwag mo ng uulitin. Pinag alala mo kami." ani Brave at bumangon na ako. Nakatingin sa akin si Lemon na para bang may malalim na iniisip.

"Sapat na tong mga nakuha natin. Lutuin na natin mamayang gabi. Mamayang gabi ko din balak mag inuman,salubong kumbaga." ang sabi ni Killian at ngumiti sa akin.

"Saan ba gaganapin mamaya?" ang tanong ni Brave ng naglalakad na kami.

"Sa Balayan. Sa may Tingloy. Kaya huwag kayong mawawala mamaya." ang sagot ni Killian.

Pagdating namin sa kalsada ay saktong may jeep na ang byahe ay Balayan. Kaya naman sumakay na sya dito.

Nauna na si Brave sa bahay at kami naman ni Lemon ay tumambay muna sa ilalim ng punong kasoy.

"Sumama ka mamaya! Hindi ako sasama pag hindi ka sumama." ang pagbabanta ko dito.

"O sige,magbanta ka pa! Sige na,sasama na ako. Gagang to,gusto talagang nilalagay ako sa sitwasyong hindi ako makapalag." umirap pa si Lemon na ikinangisi ko. Again may naalala na naman ako,si Ate Kris.

"Para masanay ka na ulit sa presence ni Killian. Kahit sabihin natin na may nagawa ka noon,mukhang hindi naman iyon iniisip ni Killian,ikaw lang ang nag iisip ng negative eh." sabi ko sa kanya at tumingin sa kalsada. May dumaang jeep na puno ng pasahero dahil may mga nakasabit na,meron pang mga nakasakay sa bubong.

"Oo na! Pero infairness kanina ah? Iba ang titigan nyo ni Brave? May naramdaman akong kakaiba." aniya at ngumisi. Yung tipo ng ngisi na abot hanggang tenga,kulang na lang ay tahiin para bumalik sa dati.

"Praning! Kung anu-ano nakikita mo. Nag alala lang yung tao,huwag mong bigyan ng malisya." ang depensa ko. Pero kahit sa sarili ko ay alam ko at naramdaman ko ang pagbabago.

Posible pala iyon?

"Okay. Sabi mo eh." aniya at tumayo.

Bigla akong may naalala kaya hinila ko ulit sya paupo.

"Teka,bago tayo magpunta sa ilog diba may sasabihin ka dapat?" ang agad kong tanong.

"Aray! Sobra ka na ah?"

"Sige,dramahan mo ako." pinanliitan ko sya ng mga mata.

"Eto naman,hindi na mabiro. Yun nga,galing ako sa Balayan kanina. Tapos may nakita akong babae na kamukhang kamukha mo,may kasamang beki na mukhang nag japan,at isang gwapong tisoy na lalaki. Mukhang mga nagtatanong." mahabang sagot ni Lemon.

Natigilan ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Keesha iyon,kasama ni Ate Kris. At yung lalaki ay pwedeng si Edge o si Bently.

Una ay si Lourd. Ngayon ay sila naman? Malapit na ba kaming magharap harap?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C295
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login