Download App
55.09% M2M SERIES / Chapter 210: Jin (Chapter 55)

Chapter 210: Jin (Chapter 55)

TUMULO ang luha ni Jin paglabas sa kwarto ni Daniel. Alam niyang nang dahil sa nangyaring iyon ay magbabago na ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

Magiging hayok na rin ang nakakabata niyang pinsan sa pag-angkin ng kanyang pagkalalaki kagaya ng ibang nahuhumaling sa kanya. Pero gaya nang napagdesisyunan niya ay hinding-hindi siya magdadamot sa mga ito. Pinahid niya ang mga luha at kinalma ang sarili.

Tuloy-tuloy siyang tumungo sa likod ng bahay. Nais niyang magpahinga na sa kubo nang mga sandaling iyon. Bigla siyang nakaramdam nang tawag ng kalikasan. Naiihi siya kaya mabilis niyang inilabas ang kanyang kargadang gising na gising mula sa jersey. Nag-umpisa siyang umihi. Tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang kanyang pagkalalaking napapalibutan nang makapal na buhok.

Bigla niyang naalala noon ang tanong ni Daniel. Gusto nitong makita ang karugtong ng mga buhok niya sa puson. Napangiti siya sa naisip. Sumitsit siya nang sumitsit. Ilang sandali lang ay nasa bintana na si Daniel. Nanlaki ang mga mata nito at napanganga nang makita ang kanyang kargada at kung gaano kakapal ang buhok niya roon. Nginitian niya ito. Patuloy lamang siya sa pag-ihi.

"Jin!"

Medyo nagulat siya sa tawag na iyon ng tiyuhin. Nakita niyang isinara ni Daniel ang bintana. Pero alam niyang naroon pa ang nakakabatang pinsan. May kung anong demonyong pumasok sa kanyang utak nang mga sandaling iyon. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksiyon ni Daniel kapag nakitang ginagamit siya ng ama nito.

Hindi niya ipinasok sa loob ng jersey ang kanyang tayong-tayong kargada. Humarap siya kay Rey at kaagad na napuno sa pagnanasa ang mga mata nito nang makita ang putaheng handa nang magpatikim dito. Kaagad itong lumapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan na animo'y isa siyang panginoon. Sinamba nito ang kanyang pagkalalaki. Manaka-naka'y napapatingin siya sa may bintana. Hindi man niya nakikita si Daniel roon ay kumikindat-kindat pa rin siya.

Pagkatapos nang nangyaring iyon ay pansin niyang medyo nagbago ang pakikitungo ni Daniel sa ama nito. Pero hindi siya nagtangkang alamin pa kung ano na ang tingin ng nakakabatang pinsan kay Rey matapos nang nasaksihan.

Akala niya rin noon ay hindi na naman siya papansinin ni Daniel pero wala namang nag-iba sa pakikitungo nito sa kanya kaya naging kampante na ang kanyang kalooban no'n na hindi naman nagselos si Daniel sa nangyari.

*****

LUMIPAS ang maraming araw at napapansin ni Jin na muling naging maliwanag ang pagsasama nina Rey at Lea. Maging si Daniel ay palagi na ring masaya. Naisip niyang tama lang ang ginawa niyang ipaubaya sa tiyuhin ang kanyang katawan. Naging pokus na ulit ang atensiyon nito sa pamilya lalo na kay Lea. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang kalooban no'n.

Isang araw ay namasyal sila sa isang Mall. Iyon ang kauna-unahang pasyal ni Jin magmula nang tumuntong siya ng Maynila. Noong minsan kasing pinasama siya ay tumanggi siya.

"Jin, pumili ka nang magugustuhan mong damit diyan," sabi ni Rey.

"H'wag na po, tito," tanggi niya rito.

"Sige na, Jin. H'wag ka nang mahiya. Kakailanganin mo 'yon. Bagong sweldo naman 'tong tito mo, e," sabi naman ni Lea.

"Kuya Jin, ito oh bagay sa 'yo."

Napalingon siya kay Daniel. Hawak nito ang isang itim na damit na may desinyong demonyo sa harapan.

Tinitigan niya ang demonyo sa damit. Biglang bumilis ang tahip ng kanyang dibdib nang makitang ngumiti iyon sa kanya. Panay ang lunok niya ng laway no'n. Nanayo ang kanyang mga balahibo.

"Jin..."

Para siyang nauntog sa pader nang tinawag siya ni Rey at tinapik ng kamay sa balikat.

"Jin, okay ka lang?" maang na tanong ni Lea.

Labis na nagtaka ang tatlo sa naging reaksiyon niya nang mga sandaling iyon.

"O-okay lang ako," nauutal niyang tugon. Ramdam niya ang malamig na pawis na nagsilabasan sa kanyang katawan.

"Kuya Jin, nagustuhan mo?" tanong ni Daniel.

Pilit siyang ngumiti sa nakakabatang pinsan. "Hindi, Daniel. Maganda 'yan pero parang hindi bagay sa 'kin. Hindi ako mahilig magsuot ng mga ganyang madesinyong damit," sagot niya. Humugot siya nang mga malalim na paghinga upang kumalma. Nakita niyang ibinalik na ni Daniel sa lalagyan ang naturang damit.

"Guni-guni ko lang 'yon," anang isipan niya.

Sa kakapilit nga nila ay pumili na rin siya ng mga nagustuhang damit. Nagpresenta si Jin na siya na ang magbabayad dahil may pera naman siyang dala no'n pero ayaw talagang pumayag ng kanyang tiyuhin at tiyahin.

Pagkatapos nilang mamili ng mga damit ay kumain naman sila sa isang restawran. Napakasaya talaga ng buong pamilya. Namiss tuloy niya ang kanyang pamilya sa probinsiya.

"Nabusog ka, Jin?" tanong ni Rey sa kanya. Nakaupo na sila noon sa isang bench habang hinihintay nila sina Lea at Daniel. Nagpalinis kasi ng ngipin si Daniel sa isang klinik na nasa loob din ng mall. Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang kanang hita pero hinayaan na lamang niya.

"Oo naman, tito," tugon niya. Nginitian niya ito.

"Salamat, Jin. Nang dahil sa 'yo, masaya na ulit ang pamilya namin," seryosong sabi ni Rey. Hinimas-himas nito ang kanyang hita.

Nginitian niya ito pero sa loob-loob niya nang mga sandaling iyon ay gusto niyang manumbat dito kung bakit kailangang ang katawan niya ang maging sagot para maging matiwasay na ulit ang pagsasama ng pamilya nito.

Nagpalinga-linga siya sa buong paligid. Dumako ang mga mata niya sa isang maputing babae na may mahabang buhok sa isang boutique. Nakatalikod ito. Nakasuot ng isang pink na dress. Kumabog ang kanyang dibdib. Hindi na niya napansin noon ang mga sinasabi ng kanyang tito Rey. Hindi siya maaaring magkamali, si Marian ang kanyang nakikita. Mas lalo pa siyang naging sigurado nang makita ang yaya nitong si Rebecca.

Tumayo siya. "Tito, sandali lang po," wika niya at walang paalam na iniwan ito.

Tinungo niya ang naturang boutique. Punong-puno nang kaligayahan ang puso niya no'n. Abot-hanggang tenga ang kanyang ngiti.

"Yap..." tawag niya nang makalapit kay Marian. Abala ito sa pagsuri ng isang damit.

Napatingin sa kanya sina Marian at Rebecca.

"Yap..." tugon ni Marian na animo'y 'di makapaniwala.

Akmang yayakap siya sa nobya pero biglang pumagitna sa kanila si Rebecca.

"Jin, huwag mong gawin 'yon. May mga bodyguard si Marian baka makita kayo," sabi nitong napatingin sa hindi kalayuan. Sinundan niya ang mga mata ni Rebecca at nakita nga niya ang dalawang lalaki na nag-uusap.

"Yap, sumunod ka sa akin, h'wag kang magpahalata ha," nakangiting sabi ni Marian.

Nangunot naman ang noo ni Rebecca sa sinabi ng alaga. Nginitian niya ang kasintahan.

"Yaya, bantayan mo ang dalawang asungot ha," utos ni Marian.

"Okay, kaw na bahala kay Jin at ako naman ang bahala sa mga poging asungot," nakangising saad naman ni Rebecca na nakaintinding gusto ni Marian na makapiling kahit sandali si Jin.

Tumalikod na nga si Marian at tinungo ang isang kwartong may mga maliliit na parang cubicle kung saan sinusukat ng mga kostumer ang mga napiling damit. Sumunod naman siya sa nobya. Buti na lamang at wala namang kostumer sa loob nang mga oras na 'yon.

"Yap, 'lika rito..." nakangiting sabi ni Marian.

Nang makalapit siya sa nobya ay hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila siya papasok sa isang cubicle. Kaagad siyang isinandal ni Marian sa dingding at siniil nang maalab na halik sa mga labi. Kaagad naman siyang tumugon. Punong-puno nang pananabik ang puso nilang dalawa. Mahigpit ang pagkakahawak ni Marian sa kanyang leeg. Siya naman ay mahigpit din ang hawak sa beywang nito.

"Yap, miss na miss kita. Sorry, hindi talaga ako masyadong makalabas ng bahay ng walang kasamang bodyguards, e," lumuluhang sabi ni Marian nang magkalas ang kanilang mga labi.

"Miss na miss din kita, yap. Para na nga akong mababaliw kakaisip sa 'yo, e. Mahal na mahal kita, yap," naiiyak ding sabi ni Jin.

Muli nilang pinagsaluhan ang isa pang matamis na halik. Punong-puno iyon nang hindi mapapantayang pagmamahal sa isa't isa.

"Yap, tanggapin mo na kasi ang kahilingan ko sa 'yo. Malapit lang sa tinitirhan ko ang sinasabi kong apartment. Makakagawa ako ng paraan para lagi kitang makasama."

Napatitig lamang siya kay Marian no'n. Hindi niya alam ang sasabihin. Nahihiya talaga siya sa gusto nitong mangyari.

"Yap..."

"Basta, darating din tayo diyan, yap, h'wag kang mag-alala," sabi niya at hinalikang muli si Marian.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" tanong ni Marian. Medyo humihingal pa ito. Amoy na amoy niya ang napakabango nitong hininga.

"Namasyal kami ng sinasabi ko sa 'yong pamilya kung saan ako nakikitira ngayon, yap."

Pagkasagot no'n ay muli na naman siyang siniil ni Marian ng halik.

"Marian..."

Natigil sila sa paghahalikan nang tumawag si Rebecca. Binuksan ni Marian ang pinto.

"Yaya, nandito lang kami," sabi ng kanyang nobya.

"Bilisan niyo kaya diyan, nagtatanong na ang dalawang asungot," nag-aalalang sabi nito.

Natawa si Jin at si Marian sa sinabi nito.

"Sira... wala kaming ginagawa rito. Nag-uusap lang kami," sabi ni Marian.

"Oo na maniniwala na ako, basta bilisan niyo diyan." Pagkasabi no'n ay tumalikod na si Rebecca.

Muling isinara ni Marian ang pinto. Buong pagmamahal siya nitong pinagmasdan.

"Yap, gustong-gusto na talaga kitang makasama. Gusto kong gumising na nasa tabi kita," madamdaming turan ni Marian.

Parang hinaplos ang puso ni Jin sa sinabi nito. Ramdam talaga niya ang wagas na pagmamahal ng nobya para sa kanya.

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Hindi tayo pababayaan ng Panginoon, yap. Alam kong tayo rin sa bandang huli," seryoso niyang pahayag.

"Yap, natatakot ako."

"Natatakot saan?" maang niyang tanong. Hinagod-hagod niya ang likod nito.

"Kasi, yap, sabi ng mga kaibigan ko, imposible raw na maging tayo sa bandang huli. Hindi raw tayo bagay."

"Yap, mahal na mahal mo naman ako 'di ba? Mahal na mahal din kita. At 'yon lang ang importante. Kung sinasabi nilang imposibleng maging tayo. Tandaan mong para sa kanila 'yon. Hindi para sa 'yo at lalong hindi para sa 'kin. Ang pagmamahal natin para sa isa't isa ang magpapatunay na tayo sa bandang huli."

Napahikbi si Marian sa kanyang dibdib. Hindi na ito muling nagsalita pa. Hinalik-halikan niya ito sa buhok. Gusto pa nilang makasama ang isa't isa pero hindi talaga puwede. Bago sila naghiwalay ng landas noon ay sapilitang ibinigay sa kanya ni Marian ang isang cellphone. Para daw palaging may kontak sila sa isa't isa. Tumanggi siya pero nang lumaon ay naisip niyang tanggapin na rin iyon. Napag-isip-isip niyang makakatulong din iyon para malayo na siya kay mang Rodel. Para mabawasan ang mga baklang gumagamit sa kanya.

Lumabas siya sa naturang boutique na hindi nga napansin ng dalawang body guards. Siya kasi ang unang pinalabas ni Marian.

"Bakit ang tagal mo sa boutique na 'yon, Jin? Sino ang mga babaeng nilapitan mo?" tanong ni Rey.

Wala pa rin sina Daniel at Lea. Naupo muna siya bago sumagot, "Kakilala ko sila, tito. Mga kaibigan ko do'n sa probinsiya. Dito kasi nag-aaral 'yong isa at yaya niya ang kasama," tugon niya. Maluwag ang ngiti niya sa mga labi no'n.

Ilang sandali lang ay lumabas na sina Marian at Rebecca sa naturang boutique. Kaagad na lumapit ang dalawang body guards. Kumindat nang palihim sa kanya sa Marian bago umalis ang mga ito. Sinundan pa niya ng tingin ang kasintahan hanggang sa nakababa na ito sakay ng escalator.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C210
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login