Download App
18.18% Itim na Ulap / Chapter 2: Chapter 1

Chapter 2: Chapter 1

Chapter 1

It's Saturday morning and I'm still on my bed, thinking about what happened last night.I just can't still believe it!

As in ganon nalang ba iyon?Bigla syang nawala!

Siguro kung hindi ako nilapitan ng enforcer kagabi ay baka nakatulala parin ako doon hanggang ngayon.I mean, that's just too creepy! That's beyond the universe!Or some kind of evil—whoah!Wait there, November.Quit wasting time thinking about that shit!

Guni-guni ko lang iyon at pawang walang katotohanan.

"Hija,kain na ng umagahan."pagbubukas ni Nana Siling ng aking pintuan kaya tumango ako at tumayo na.

Ibang-iba ang panahon ngayon kesa kagabi.Parang walang ulan na sobrang lakas ang nangyare kahapon dahil sobrang aliwalas ng paligid at pati ang kalsada ay tuyo.

Baka naman panaginip ko lang talaga yung kagabi?Pero bakit ako nilalagnat at sinisipon ngayon?Ano to,out of the blue ay bigla akong lalagnatin?!

Bumaba ako sa aming hagdanan papunta sa unang palapag at naabutan ko uli si mommy sa salas pero maayos na ito ngayon kumpara kagabi na sobrang wasted.Naka roba sya na kulay pink at may balot ng twalya sa ulo.

"Morning!"bati ko dito saka humalik sakanyang pisnge.

She smiled as she tapped my side face.

"It's the street near your school,right?"bigla nyang tanong habang nakatingin sa tv kaya kunot noo akong napatingin doon saka binasa ang headline.

"Isang lalaki na nasagasaan kagabi ng ten wheeler truck,biglang nawala matapos malakas na binangga ng sasakyan."

"That was weird."mahina nyang sabi at ako naman ay natulala sa tv dahil napagtanto ko na hindi pala panaginip ang lahat!

Nanginig ako at biglang nanlamig dahil sa kilabot na naramdaman ko.

I...I was there last night and the guy even talked to me!

"Mom..."tawag pansin ko sa aking nanay.Nilingon nya ako.

"Hmm?"sagot nya saka lumingon uli sa tv.Hindi ko na tinignan iyon dahil paulit ulit sa cctv ang pagkakabangga dito!

"Possible po kaya iyan?"

"I don't know,hija.The world is wide and huge.We don't know."umiiling nyang sagot saka muling binalik ang tingin sa tv dahil iniinterview na doon ang driver kagabi.

"Sir,sigurado ho ako na may nabangga ako!Kaya nga bumaba agad ako ng truck para sana tumulong pero nalibot ko na ang paligid ay wala parin ito!"

Naiiling na nilisan ko ng tingin ang tv saka nag martsa papasok sa kusina.

"Mom, breakfast na!"pagtawag ko sa aking nanay.

"Coming."malambing nyang sagot.

Or she's not really malambing?Baka yung boses lang nya na super soft talaga iyon.We weren't that really close pero sakto lang.Hindi naman malayo ang loob ko sakanya pero sigurado akong malapit ang loob ko kay daddy.

He cheated though.He's my idol back then.Pinaka gusto ko pag nasa bahay sya ay ang magic tricks nya kasi sobrang astig non.Sa lahat ng bagay ay magkasundo kami dati.We were happy though.Things have changed lang noong nagpamilya si daddy ng iba.Biglang lumayo ang loob nya sa amin.

Dating mahal na mahal nya si mommy,pero bigla syang nag iba at naging mailap dito.Mommy endured everything he did just for him to stay pero talagang nag iba si daddy.

Parang nawala ang pagmamahal nya sa aming dalawa bigla.Naiintindihan ko si mommy kung bakit sya nagkakaganoon at handa ko syang intindihin nang paulit ulit.

"Do you have any plans for today,babe?"tanong ni mommy saka naupo sa tapat ng aking upuan.

Ang mga katulong naman ay ipinaglagay na kami ng pagkain sa plato.

"Wala naman po.You have something you want to do?"tanong ko.Tumango sya saka hinilot ang kanyang noo.

"Can you go to drug store and buy me medicine?Bumili ka na rin ng ilang toiletries dahil ubos na."utos nya na tinanguhan ko.

Si manang Siling naman ay umubo kaya napabaling kami sakanya.

"Pwede naman na ang mga katulong ang pabilihin nyan,Leticia."sabi ni manang pero umiling na agad ako.

"It's okay,manang.This is a simple thing to do.I am learning."sagot ko.She sighed and nodded slowly.

"Pero delikado,hija!"

"Ipapahatid ko nalang sa driver,manang."mommy assured her kaya nakampante na ang matanda.

Manang is my nanny since I was a little kaya ganyan mag alala.Dati nga ay mas nakakasama ko pa sya kesa kila mommy eh.

Minsan lang si mommy ay nakaka ewan.She's some how different lalo na pag lasing.Parang ibang tao.Hindi nanghihina kasi parang mas lumalakas sya kaso iba.Nah,I don't know.

Naligo na muna ako at siniguradong tapos na ang lahat ng assignment at project ko bago ako lumabas ng aming bahay at nagpahatid na sa driver.

May isa kaming driver pero hindi ako nagpapahatid lagi dahil iniisip ko si mommy.Baka may emergency sa company ay wala pa syang magamit na sasakyan at driver.May tatlo pa namang sasakyan sa garahe kaso ay hindi kami marunong mag drive kaya ang service na kotse nalang ang aming ginagamit.

Bakit ganto?Nang umalis ako sa bahay ay napaka aliwalas pa ng kalangitan?Limang minuto lang yata kami nag byahe ay tila nag babadya nanaman ang malakas na ulan.

Bumaba na ako ng sasakyan at sinabi sa driver na bumalik na agad sa bahay dahil baka kailanganin sya ni mommy kaya agad naman itong tumalima.Ako naman ay pumasok na sa isamg drug store para makabili na agad ng inuutos ni mommy.

Habang hinihintay ang gamot ay napasulyap ako sa wall glass ng tindahan at nangunot ang aking noo nang may pamilyar na tindig ng tao akong nakita doon.

Tinignan ko ang suot nitong itim na leather jacket,itim na pantalon,at itim na sapatos.Tinaas ko mula ang aking titig sa ulo nito at halos mapaatras ako nang nakalingon na ang ulo nito at nakatitig sa akin.Hindi ito kumukurap at kitang-kita ang mga mata nitong kulay itim na may pagka abo.

He smirks at saktong tawag naman sa akin ng babae sa counter.

"Two thousand is your bill,ma'am!Thank you for coming!"sabi ng babae kaya tumango ako bago nagmamadaling nilingon uli ang lalaki at nakangisi na ito sa akin!

Sumeryoso ito bago naglakad sa makulimlim na parking lot.Dirediretso ito at susundan keep dapat kaso ay nawala ito bigla na parang itom na abo na unti-unti na naglaho!

Nang nasa gitna na ako ng parking lot at mag isa ay biglang umihip ang malakas at malamig na hangin kaya kinilabutan ako.

"Oh Jesus!"I exclaimed before I shook my head and started walking through the grocery store across the street.

Pilit kong inalis sa aking isipan ang kababalaghang sunod sunod na nangyayare sa aking buhay.

Am I just depressed or what?!

Kinuha ko sa aking bulsa ang aking cellphone para tignan ang mga nakasulat doon na dapat kong bilihin ayon sa utos ni mommy.

"Tissue paper,diswashing soap..."inisa isa kong bilihin lahat ng nakasulat at sinugurado kong nabili ko ang lahat ng iyon bago ako pumila sa counter para makapag bayad na.

Ilang minuto na ang ipinipila ko nang makita ko si Cliff na palabas na ng grocery store na kaakbay ni Lauren at masayang nagbubulungan palabas.

Inilingan ko iyon at hindi na tinignan pa.

I just don't get them.Sa pagkakatanda ko sila ang nagpauso sa aming samahan na wala daw patulan pero sila itong mga lumalabag.

I mean, I'm not against them.Ayaw ko lang na isinasali pa ako ni Cliff sa kaguluhang ginagawa nilang dalawa.I am aware na pasimple akong tinitira ni Lauren dahil laging nakadikot sa akin si Cliff.Hindi pa kasi maglantad para wala na silang problema.I just don't wanna get involved.

They're too cheap.

Matapos ko magbayad ay dinala ko na lahat ng pinamili ko at lumabas na ng grocery.Patawid na sana ako sa kalsada nang biglang sumulpot yung lalake sa aking harapan!

Am I in some kind of dream?Is he an evil?A ghost? What?!

"I'm no ghost okay,but I'm not sure if I am an evil."kunot noo nyang sabi na para bang nababasa nya ang isip ko!Oh my!He's an evil!

"You're panicking that's why I can hear what you're thinking and you're too loud!And don't judge me!"inis nyang sabi at talagang napaatras na ako dahil sa takot sakanya.

"E-eh...ano ka...b-ba?"kabang kaba kong tanong at mas umatras nang sunod sunod ang hakbang nito palapit sa akin!"Subukan mong lumapit kundi sisigaw ako dito ng rape!"banta ko kaya natigil ito saglit bago umiling at ngumisi.

My gosh! I'm sure he's an evil dahil pati ngiti nyang napaka gwapo ay halata mong may halong kasamaan!

"Shout.Shout for as long and as loud as you want, November.I can make myself gone in just a snap and let them think that you're just crazy assuming girl."he then smirks again saka sinuyod ako ng tingin mula paa pataas sa aking mukha."And thank you for the compliment.I know I am gwapo."tumawa ito at doon ako natigil at nakalma.

His laugh is different.It's full filling.Ang sarap sa tenga pakinggan.Too angelic.

Kung totoo man ang sinasabi nyang naririnig nya ang iniisip ko ay siguradong hindi nya narinig na ang sarap pakinggan ng tawa nya dahil napakalma ako noon.

Nang mabalik ako sa aking ulirat ay umiling ako saka sya sinamaan ng tingin.

"Excuse me,but I don't have a time for your shitness."hinawi ko sya at naglakad na patawid ng kalsa.

Muli naman akong natigil at napahawak sa aking noo dahil para akong nabangga.Nabangga ako sa dibdib nitong demonyo na ito.

Pumadyak ako dahil napakabilis nya nakapwesto doon!Nakakainis!

"Look,okay I believe in you,you are an evil and please stop this already because you're scaring me now!"tapat kong sabi at nanginginig pa ang aking boses dahil hindi ko talaga alam kung totoo ba ito o nananaginip lang ba ako!

"Feed me.I am hungry."he sighed before looking away.Natigil ako sakanyang sinabi at tila natuliro dahil sa hinaba haba ng sinabi ko ay yun lang ang lumabas sa bibig nya.

"Excuse me?"

"I never knew that I'd experience hunger in this stupid world of yours so I wasn't prepared."muli syang bumuntong hininga bago ako hinarap."I need food."

"A-anong sabi mo?"tanong ko uli kaya nangunot na ang noo nya.

"I never knew as well that nutshell do exist here too.A simple english language you can't understand?"tila bored na bored nyang sabi at nanlaki naman ang mata ko dahil sa insulto nya.

"Naiintindihan ko mga sinasabi mong walang kwenta!Ang point ko, bakit ka sa aking lapit nang lapit?Bobo ako diba?!"sigaw ko dito.He shrugged.

"Oo,bobo ka.Pero may pera ka kaya pakainin mo na ako.Tara."marahan nyang hinigit ang aking kamay at hindi naman na akong nakaangal dahil parang mababaliw na ako sa mga nangyayare!

Saka ano?!Bobo?!Ngayon lang ako nasabihan ng ganyan ah?!

Nakarating kami sa isang restaurant at ini-order ko sya ng pagkain dahil ang sabi nya ay wala daw syang alam sa ganoon dahil wala naman daw pagkain sa hades.

Seryoso,baliw yata tong isang to eh.

"So,sinong bobo sa atin?You don't know a single food."mayabang kong sabi dito habang pinapanood syang kumain ng pritong manok at kanin.

"How will I know this?Walang ganto sa pinanggalingan ko?"inosenteng tanong nya kaya napangisi ako.

"Oh?Walang ganyan sa mental hospital?"

"Excuse me,but it's called hades.I mean,I can bring you there right now."he shrugged saka smooth na nagpatuloy sa pagkain.

Hindi na ako umimik pa at pinanood ko nalang sya hanggang sa may maalala ako.

"But...you died!Nasagasaan ka ng truck!"bulong ko dito kaya tumigil ito sa pagkain at tinignan ako ng bored na look na para bang pinapahiwatig na ang bobo ko.

"Bingi ka ba or wala talagang laman ang utak mo?Diba nga galing ako sa hades?Nakita mo rin ang mabilisang galaw at pagkawala ko kanina.So,ano sa tingin mo ang nangyare sa akin noong mabangga ako?"umirap ito sa akin at dahan dahang itinabi ang pagkin sa gilid ng mesa.

"So demonyo ka nga?Taga hades ka diba?"tanong ko uli.

"You are the most judgemental and stupid human being that I've encountered so far."umiling ito at tila disappointed."By way,I was just sent to hades because I didn't able to save my wife.That's my punishment."he added.

"You have a wife?"

"Yes.And that's my mission here.To bring her back to our place."humalukipkip ito."And we are talking now because you'll be my help."

"Hoy,ang kapal mo naman!Libre na nga ang pagkain mo tapos tutulungan pa kita sa kabaliwan mo?!"sigaw ko dito at natigil naman ang tao sa paligid namin at  kyuryosong tinignan kami.

Napayuko ako sa kahihiyan sa ginawa ko.

"I hate you!"inis kong bulong sa lalake na ito na nakangisi ngayon.

"By the way,I am Titus and you are November."ngumiti ito at wala na akong nagawa kundi ang umirap at pinilit ang sarili na huwag syang bulyawan dahil nakakahiya ang ginawa ko kanina!

Parang ako pa ang masama nito!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login