Nangangarap na ikaw ay mahagkan
Pinapangarap na ikaw ay masilayan
May pag-asa ba para iyon ay makamtan?
I'm Angelo Xyre Hernandez. Eighteen years old and a grade 12 student under academic track - Science Technology Engineering and Mathematics.
I am planning to get Architecture in the future. If hindi papalarin, mag-eengineering ako.
I will do my best to pursue that dream. Wala namang mawawala, tanging kahirapan lang ang humahadlang.
Pero hindi ako nawalan nang pag-asa sa kabila nang aming kahirapan. Bakit?
Kasi kung gusto mong maabot ang isang bagay, you will do everything to get it.
To pursue it.
To catch it.
And I'm doing it everyday. Lumalaban ako para sa pangarap.
I want to excel in class, pinapangarap ko na maging honor student. Kahit hindi na top 1, as long as nasa ranking ako,
maipagmalaki lang ng aking magulang.
Sino ba naman kasing hindi magiging masaya kung nasa ranking ang anak nila hindi ba? I know that every parents are proud because of their child who excels in everything.
My father is a security guard, walang permanenteng pwesto at palipat-lipat. Hindi rin araw-araw ay nakaduty siya.
When I finished junior high, gusto na niya akong sumama sa kaniya. But I told my mom that tatapusin ko na lang ang high school sa probinsiya. Him and my mother are not together. Mayroong sariling pamilya si daddy, his second family.
Pero sa kabila noon ay sinesintentuhan pa rin niya kami, at 'yun ang usapan nila ni mama.
My mother works in Makati as a sales lady at a phone store. Hindi ganoong kalaki ang suweldo pero nagagamit pa rin naming magkakapatid sa araw-araw naming pamumuhay.
I'm the eldest in a brood of three. Pinakamasungit at ang pinakainaasahan sa aming magkakapatid. Ang sumunod sa akin ay isang lalaki and the third one was a girl.
The second one named Sydrey, he's a grade 10 student and excels in everything. Kinaiinggitan siya ng mga kaklase niya nang dahil sa angking talento nito sa pagguhit na mayroon rin ako.
Marami ring nagkakagusto sa kaniya nang dahil sa hawig raw siya sa akin. Kung hindi raw makuha ang nakakatanda, doon daw sila sa second copy ko.
Wala akong magagawa kung ganoon ang gusto nila. Pihikan ang puso ko at hindi ko alam kung bakit nagkakaganito.
Sydrey is a playboy. Hindi ko alam kung saan niya napanood ang maging isang ganoon.
Hindi ko naman itatanggi na naging ganoon ako dati. Pero ngayon, binago ko na ang istilo na iyon, nakakagulo sa pag-aaral ko lalo na kapag naiissue ako sa mga babae sa school.
Nasisira pati image ko nang dahil sa kung ano-anong balita ang kumakalat sa akin na wala namang katotohanan.
The youngest named Syrahlyn. She's a k-pop lover so her room are full of posters of BTS, Twice, Exo, Mamamoo, Blackpink at kung ano-ano pa.
Hindi lilipas ang araw na hindi siya magpapatugtog ng ganoon. Nasanay na rin ang tainga naming dalawa ni Sydrey kaya hinahayaan na lang namin itong bunso.
We treat Syrahlyn as our princess. Mas mahigpit pa sa mahigpit kung tutuusin dahil nga sa nag-iisa siyang babae at gusto namin siyang alagaan.
She's already a grade 9 student. May mga manliligaw na pero hindi namin pinapayagan na ientertain niya. Baka kasi bigyan nang motibo, malagay pa sa piligro ang aming bunso.
She also excels in her class. Actually, she's the 1st honor in grade 9 and it's overall. Tutok siya sa pag-aaral kahit na may pagkatamad. Mas gusto niyang magkulong sa kwarto kaysa maggagala at iyon ang gusto namin sa kaniya.
The three of us, wants to excel. And it is because of our parents. Gaya nang sinabi ko kanina, hindi magkasama si mama at si daddy.
Walang sariling pamilya si mama at tanging kami lang iyon. Si daddy lang ang mayroong bagong pamilya, pero iyon ay tanggap naman namin.
Sa kabila nang lahat ng pangarap na gusto naming abutin, may isa pa akong hinahangad na makamtan,
At iyon ay ang PAGMAMAHAL,
Na hindi ko alam kung saan ko matatagpuan,
Sa mundo ba nang katotohanan,
O sa mundo lamang na birtuwal.
Once again, I'm Angelo Xyre Hernandez. And I'm signing in as Tobi Dy the manunulat at makata ng iyong buhay in your virtual world.
And let's see what will happen in my
TWO WORLDS.