Download App
85.1% No More Promises / Chapter 240: Chapter 38: Rozen

Chapter 240: Chapter 38: Rozen

"Bamby, uwi ako ng Pinas. Tell Mom. I'll go chase my dreams." di pa man nakakapagsalita ang kapatid ko. Binaba ko na ang tawag. She returns the call immediately kaso I have no time left now. Nagmamadali ako because I really want to leave as soon as possible. Hindi ko na iniisip kung saan ako magsisimulang maghanap pagkauwi ko. What's on my mind right now is that, I have a son. My precious little one. Gusto ko syang makita at mahagkan. None other than that. You're asking about her?. Yes. I missed her, so much but I can't deny the anger in me.

"Sir?." sa gate ng bahay dito sa Antipolo. Nagulat si Manang ng makita ako. Mukhang nalito pa nga ata kung papapasukin ba ako o kakargahin ang mga bitbit ko. She look shocked and amazed.

"Long time no see Manang. Pwede po paluto akong tinola. Gutom na po ako." nilagpasan ko sya pagkatapos batiin at ngitian. Hindi pa muna sya nakagalaw. A minute later. Duon lamang nya ako hinabol at kinuha ang paper bag na mga hawak ko.

"Welcome home Sir.. Pasensya na ho. Nagulat lang ako. Di naman po kasi kayo nagpasabi.." paliwanag nya naman. She has a point. Kahit nga kila Dad late na ako nagtext. They just replied me with an, "We'll support you son. Just update us. Uwi kami agad if you needed us. And don't forget to call your Kuya.. Bamby is worried.."

Huli ko nalang tinawagan si Kuya tungkol dito.

Gaya ng lahat. Nagulat rin sya't ayaw pang maniwala. How come daw na sa akin ang bata e dalawang taon na ang lumipas?. I wanna punch him that hard kasi nagtanong pa sya. He's like, blind or something that he didn't know about my journey two years ago. So annoying! "Dennis confirmed it, Kuya." giit ko. Kasi hindi iyon magsasabi ng hindi totoo. Allergic kaya ang isang iyon sa mga taong sinungaling. It's either, babarahin ka nya or he'll treat you cold when he knew that you're lying in front of his face. Same sila ng trait ni Wynona.

"Kaya mo bang hanapin sila ng mag-isa?." hesitation is in his voice. Pumikit ako't hinilot ang parteng sintido. Kumakalam ang sikmura ko kasabay ng pagpitik ng sakit ng ulo ko. Dahilan ito siguro ng kakulangan ng tulog. Simula kasi ng malaman kong may anak sya't, anak ko pala. Hindi na naging normal ang sleeping routine ko. Nangayayat nga ako ng bahagya.

"I hope so. Wala akong ibang makapitan sa ngayon kundi ang umasa na mahahanap ko sila agad Kuya.."

"Sorry. Di na ako pwedeng magleave. Alam mo na schedule. Bumigat pa." he's a resident Doctor now.

"Okay lang. Kaya ko naman. I'll seek help nalang siguro pag alam kong kailangan ko na." he assured to me that he'll do anything para mapadaling bigyan ng solusyon ang problema ko. Sinabi ko ding, May katapusan naman ang lahat.

I ate the Tinola. Took a hot shower then have a bit rest. I need to do this para may lakas akong simulan ang paghahanap.

Then suddenly. The door rung. Hindi ako gumalaw para buksan iyon dahil nasa baba naman sila Manang. I just continued napping while my both arms became my pillow.

"Sino po sila Sir?." dinig mula sa sala dito sa taas ang boses ni Manang mula sa entrada ng bahay.

"Ang Sir Lance mo?. Nandyan ba?."

"Ah Sir." para bang kilala na dati pa ni Manang ang dumating na bisita. Hinayaan ko lang sya't pinakinggan pa. "Natatandaan na po kita. Ikaw po pala yan Sir. Pasok po. Pasok. Kakauwi po ni Sir Lance. Ano pong atin?."

Pumasok na ata ang bisita dahil bahagyang natahimik ang paligid. "May sasabihin lang sana ako." ang malalim nyang boses na may pagkanipis ay pawang pamilyar saking pandinig. Teka. Sino na nga ba sya?. Pangalan Lance!. What's his name again?.

"Eh, nagpapahinga po sya Sir. Kayo po kung mahintay nyp po sya. Ano nga ulit pangalan mo Sir?. Hehe. Nakalimutan ko na kasi. Pasensya na."

"Rozen.." napadilat ako.

Si Rozen?.

Napatayo na rin ako without thinking. Ni ang mag-isip na ng matinong gagawin. Di ko na nagawa. Basta nalang akong tumakbo pababa.

Kita ko kung paano nalipat ang paningin ni Rozen sakin mula kay Manang. I don't know his reasons behind those stares. Malalim at parang gusto kong pakinggan lahat ng kanyang sasabihin. "May problema ba?." I acted tough for me to ease the boiling anger behind me. Hindi ako dapat magalit sa kanya dahil kahit kailan. Hindi nito ako pinakitaan ng kahit na anong masama. I wanna know the truth from his point of view. Naglakad ako't naupo sa single sofa. Ang mata nya'y sa akin pa rin nakatuon.

"You need to know the truth.." simula nito.

Lumunok ako kahit na, wala namang rason para lumunok.

"Joyce have a son." parang matagal na nyang itinago ito at gustong gusto ng sabihin ang totoo. "Your son.." napigil ko ang hininga ng sambitin nya ang your son. As if, he did fight for it to tell the truth to me.

Tahimik ako. Nag-iisip kung anong mga sasabihin. "Ryle did all his best para wag mo itong malaman.."

Duon ko lamang sya tinignan kasabay ng pagkagat sa dilang gustong magtapon ng malutong na mura. "Maging ako ay ginipit nya para lang wag sabihin sa'yo ang lahat."

"Bakit hindi pinili ni Joyce na sya ang magsabi sakin?."

"Wala rin syang magawa Lance. Ikaw ang madadale kung ipagpipilitan nyang lapitan ka."

"Fuck off!. Lalaki ba yang kapatid mo ha?. Wala ba syang konsensya?!.." hindi ko na talaga napigilan ang sarili. Kingwa! Tao pa ba sya sa ginagawa nya?.

"Hindi ko nga alam kung meron e. Sa ginagawa nya. Mukhang wala." nakayuko syang umiling. "Kawawa si Joyce, Lance. Mas lalong hindi ko maatim na pati ang bata ang hahawakan nya sa leeg."

Dala ng frustration. Napahagod ako ng buhok. "Tulungan mo lang ako Rozen. Palalayain ko sa impyerno yang kapatid mo."

Grabe ka Ryle! Kung galit ka sa sarili mo. Wag mo namang idamay kapatid mo at anak ko!.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C240
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login