Download App
62.05% No More Promises / Chapter 175: Chapter 24: Papa

Chapter 175: Chapter 24: Papa

Gabi na pero di ako makatulog. Gustuhin ko mang mahiga, hindi ako dinadalaw ng antok. Nakahiga na rin ang lahat. Malamang pagod sa byahe subalit heto pa rin ako't nakaupo sa may sala. Umiiyak na parang ewan.

Umiiyak ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa saya. This. I didn't expected it to happen at this day. Wala na sa isip ko na mangyayari pa ang mga ganito subalit ito, nangyayari na mismo sa harapan ko. Nakikiliti ako sa saya. Ang alam ko, si Papa lang ang babalik. Naisip ko pa nga na, mag-aaway pa kami dahil pinagsabihan sya nila kuya subalit hindi iyon ang naganap. Kabaligtaran pa. Ang akala ko pa, iiyak ako buong gabi dahil sa sakit ngunit hinde.

Tama nga ang sabi-sabi. Wag kang mag-expect. Wag kang mag-assume kung gusto mong magulat nalang.

Mahirap nga namang umasa, lalo na kapag hindi mo nakuha o naabot ang inaasahan mo na. Kaya pasalamat ako't, hindi ako umasa. Naniwala lang ako na balang araw. Dadating sila rito. And just like that. Just like a dream. Dumating sila ng biglaan.

"Hindi ka pa ba matutulog?." duon sa may kabilang silid nagmula ang bulto ni Papa. Suot na nito ang pantulog na damit. Wala syang suot na sapin sa para nang unti-unti na syang lumapit sa akin. "Malalim na ang gabi. Bakit hindi ka pa natutulog?." pinanood ko muna syang maupo sa tabi ko bago ako nagsalita.

"Hindi ako makatulog Pa."

Bumuntong hininga sya. Nagdekwatro saka isinandal ang likod sa upuan. Humikab sya't humalukipkip pagkatapos.

"Pasensya na kung ginulat ka namin."

"Wala po sakin yun. Ang totoo, masaya nga po ako kasi andito rin sila."

"Hindi ka na ba galit sa kanila?. Sa Mama mo?." umiling ako sa kanya. I admit, galit ako noon sa kanya, galit na galit pero ngayon?. Nothing. Di ko alam kung paano nangyari iyon na basta nalang nawala yung nagpupuyos kong galit sa kanya, nila ni Denise. Siguro dahil sa lukso ng dugo. Iyon.

"I don't know how did that happen pero alam ko po sa sarili ko na di na ako galit sa kanila."

"But you used to?." muli. Tinanguan ko lang sya. Sino ba namang hindi magagalit kapag tinapakan ka na't lahat, pinabayaan ka pa na para bang hindi ka nya iniluwal?. Tsk. That made me the worst part of me. Madalas ako noong magmura sa tuwing naiisip ko kung paano nila ako ituring. Yung galit na tumubo sa akin ay kinain ako hanggang sa wala na itong tinira sa akin. But I regain myself. Pinulot ko ng mag-isa ang nagkapira-piraso kong sarili saka pilit binuo. At sa prosesong ginagawa ko palang, hindi ko inaasahan na may mga kulang sa bawat piraso. At ngayon ko lang naisip ito. Sila pala ang kulang na hinahanap ko. Kahit anupaman ang ginawa nila sa akin. Mayroon at mayroon pa rin silang pinupunan na parte sa bawat piraso.

"Yeah. Sino namang di magagalit hindi ba?." tanong nya o nasabi nya lang. Di ko napakinggan ang huling tono ng pangungusap nya. "Nilait ka, hinusgahan, pinagsabihan ng masamang salita, binalewala at iniwan ng mag-isa."

"Stop mentioning it Papa. Ayoko nang balikan ang mga araw na iyon." giit ko. Alam ko naman lahat ng iyon, bakit kailangan pa nyang sabihin?.

"I'm sorry hija." anya bigla matapos nya ito akong tignan. Tumingala sya bago nya ako dahan dahang niyakap patagilid. Pinagpahinga sa kanyang dibdib. "Pakiramdam ko tuloy, kahit ilang ulit pa ako humingi ng tawad sa'yo ay hindi iyon magiging sapat para sa lahat. I was too blinded by love. Hindi ko naisip na hindi ka mabubuo kung walang pagmamahal kaya bakit ko ipagkakait sa isang tulad mo ang isang pamilyang kailangan mo?."

"Ano bang isang tulad ko Pa?." tanong ko dahil nawindang talaga ako. Ano ba ako sa paningin nila?. Sino ako sa mata nila?.

"Ang isang tulad mo ay isang halinbawa ng isang himala, anak." naitikom ko ang sariling labi sa narinig. Duon ko naiyakap ang mga braso ko sa kanya. Now, he is hugging me too with both hands. We're hugging each other. "Marami kang naituturo sa amin kahit wala ka mang sabihin."

"Eh?. Nambobola po kayo eh. Tulad naman ng ano po?." I smile halfway.

"Ng pagpapahalaga sa pamilya."

"Normal naman po iyon." giit ko pa.

"Normal ang may pamilya anak pero hindi normal ang balewalain ng pamilya ang kapwa pamilya."

"Ano pong ibig nyong sabihin?." gumalaw ako't kumalas sa yakap nya. Umayos ako ng upo at pinanood sya.

"What I mean is, mas maganda kung mapanatili sana ng lahat ang maging buo ang isang pamilya. I know. I'm not discriminating anybody. Di ko rin sinasabi na wala akong kasalanan pero kung susumain ang lahat ng pagkawasak ng pamilya ay iisa lang ang ugat."

"What is it?."

"Misunderstanding. People sometimes misunderstood people. They judge without acknowledging their actions. They talk without thinking who's hurt. They act as if they know everything without knowing the other side of the story. We miss to listen and to understand. People forgot exactly how to weigh things before coming to an end."

"Ang lalim nun Papa. Saan mo nabasa yan ha?." I joked but he just pinched my forehead.

"I'm not joking here, you know?." gigil nya pang sabi.

I smile at him sweetly. "Kasi naman. Diba sabi ko sa'yo kanina. Ayokong balikan ang nakaraan. E bumabalik ka po e." sya naman ngayon ang tumawa.

"Ano bang sinabi ko?."

"Tsk. You're just tricking me Papa." ngumuso ako. Kunyari ko pa syang sinimangutan. He then laugh again and pull me for him to hug me.

"Gusto ko lang sabihin ang nasa isip ko anak. It feels so good kasi nasabi ko ang mga iyon at sa'yo pa. Ang sa akin lang. Pasalamat ako sa'yo dahil dumating ka sa buhay namin. You're the only way for us to be a family again."

"Pamilya naman tayo ah?."

"Not until the past few months hija. Hindi man sambitin ng Mama at ng mga kapatid mo sa akin ang lahat. I know that we are slowly breaking. Umalis ang mga kuya mo. Mag-isa ka rito. Iniwan ka namin. Then what happened?. No communication because of what?. Misunderstanding. You let me be with them and I don't understand that. I agree with you without asking why. Your brother lost their everyday communication and I don't know what the reason behind. I wanted to ask but I'm so coward of hearing what would they tell. I guess. That time, I still don't want to listen. Until, they both call us three and made a fuss. That's so sudden and we don't know how to react. Nang sambitin nila ang pangalan mo. That hit me so hard. Mas may alam pa sila kaysa sa akin na iyong Ama."

I'm speechless!

"Pinagpili nila kami. Kayo daw ba o ang kayamanan?. Of course, I answered. Kayo dahil kayo naman talaga ang tunay na kayamanan ko."

Wala pa rin akong masabi.

"At hindi kami bumalik dahil napilitan lang kami. Bumalik talaga ako para sa'yo. Parte ka ng pamilya ko at hindi ito mabubuo kung wala ka rito."

"Papa?."

"I miss you so much anak."

"I miss you too din Papa."

This time, I feel worthy. My senses is slowly be back and my mind is at ease. I wish that they won't just make sweet promises coz promises are made to be broken and I don't like that fact.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C175
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login