Download App

Chapter 137: Chapter 26: Same

Sa lumipas na oras, araw at taon ay naging normal ang kilos ko. Normal ang galaw ko ngunit hindi na kailanman naging normal ang pag-iisip at tibok nitong aking puso. Gaya nga ng gusto nya. Nagpakalayo layo ako. Pinilit mamuhay ng normal ng wala sya sa tabi ko ngunit bwiset! May kulang pa rin! May kung ano sakin ang kulang na hindi ko matukoy kung alin. May puwang sa akin ang di ko magawang punan o kahit na sino ang gustong pumunan nito ay di pa rin sapat. Sabihin ko nalang na kahit sino pa yata ang dumating para palitan sya ay di pa rin iyon magiging sapat. Wala syang katapat!

"Ready na kayong umuwi?.." bakasyon na at ito isinalubong samin ni kuya. Nakadamit itong pambahay at mukhang dito na naman sa bahay tatambay. Anong saysay ng bahay nilang mag-asawa?. Tsk!!

Pareho kaming tahimik ni Bamby. Hindi makasagot o takot sumagot. Either way.

Napangisi syang namaywang sa harapan namin bago tumigil kay Bamblebie ang kanyang paningin. "Bamblebie, you excited?.."

Lumabi itong bunso namin saka ngumuso sa kanya. Tapos hayun! Tumawa na naman ang loko! Palibhasa, masaya na sya ngayon sa estado nya. Tapos na ang araw ng pagdurusa nya. Kung tapos na nga ba. Heck! Sana pahirapan ulit sya ni ate Cindy. His wife! Lol!

"Ahh.. mukhang nahihirapan ang mga kapatid kong umuwi ah.. bakit?. May tinatakasan ba kayo pareho huh?.." natatawa nitong tanong samin. Hinaharangan ang pinapanood namin.

"Kuya, can please stay away from the TV set.." reklamo na nitong si Bamby.

"Oh ho ho!!." sarkastiko ang kanyang naging tawa. "I thought you both became mute huh?.."

"Tsk!.." singhal ko lang.

Umiling iling lang syang nakatingin samin. "Hay naku! mga bitter pa rin.. ano ba?. chill guys.. gusto nyo nang sweets baka sakaling tubuan kayo ng energy, hahahaha.."

"Kuya ano ba?. Stop annoying.." reklamo pa rin ni Bamby sa kanya. Di ko alam bat nga ba matamlay si Bamby ngayon. Di siguro nagreply yung crush nya. Hay! Ewan!!

"Anong annoying huh?. Nagkagusto lang sayo crush mo, di mo na ako pinapansin ha?. Huh?.." gigil syang umupo sa pagitan namin at kinulong sa kanyang kili kili itong si Bamby. Agad nagreklamo itong isa. Nagpumiglas at tatayo na sana kaso hinuli pa rin sya ni kuya. Ang kukulit! Mga isip bata!

"Eh kasi, nanonood ako.."

"Anong meron dyan sa pinapanood nyo.. ang korny naman.."

"Eck! You're the corny here diba kuya Lance.."

"Hmmpp?.."

"Ay aba?. Pinagtutulungan na nila ako.." anya at sabay kaming niyakap ni Bamby sa kanyang kili kili. Salamat nalang at naligo na ito kaya mabango. Not saying na di iyon mabango pag di sya naligo. Sadyang, alam na. Amoy kulog! Haha. Kidding!

Di nya kami tinigilan hanggat natapos ang palabas. Tuloy, wala kaming naintindihan kundi ang mga paalala nyang di ko nasaulo. Ang ingay kasi ni Bamby eh.

Gabi bago ang flight namin pabalik. Nagkaroon pa ng isang salo salo dahil muling napromote si papa sa kanyang trabaho. I don't know his position but I know his in higher level now. I didn't asked kasi kanina kaya nangapa ako. At kahit naman tumaas posisyon nya, ganun pa rin naman sya samin, lalo na sa mga kasamahan nya sa trabaho. Low key and friendly.

Siniko ko si Bamby sa tabi ko. "Are you excited?.." pareho kaming nakaupo sa sofa. Nanonood lang sa mga bisita.

"Parang natatakot akong umuwi.." she declared. Duon naman ako biglang nagulat sa naging sagot nya. What made her think that way?. Anong kinatatakutan nya?. Or, sinong kinatatakutan nya?.

"Really?.. Akala ko ba ikaw ang pinakaexcited dahil finally uuwi na tayo?.." nakipag-apir pa ako kay Bryce na dumaan sa gawi namin. Kanina pa nila ako kinakawayan subalit wala talaga ako sa mood magsaya ngayon. Actually, kanina pa ako di mapakali sa katotohanang uuwi na nga talaga kami after years. After that day!

"Torn between excited and nervous. " napatitig ako sa kanya. Nasa malayo ang tingin nya na para bang duon nanggagaling ang naging sagot nya.

"Bakit?.. Kanino ka takot?. Kay Dilan?. Or him?.." Dilan is her suitor. At kahit ilang ulit na itong nagtanong sa kanya kung pwede na bang maging sila. Laging ngiti lang ang tugon nya. Wanna know why?. It's because. She's still Inlove with Jaden Bautista!. And that's what makes me so proud about her. Na kahit magkalayo sila. Hindi pa gaanong committed to any relationships, ay nagawa nya pa ring magtiwala sa nararamdaman nya. Dinaig nya pa ako. I was like. Tinalo pa nya ako. Lame Lance!! You lose again!

"Bat ka natatakot sa kanya?.. may ginawa ka bang dapat ikatakot?." hindi ko alam. Parang ang puso ko yata ang nagtanong, para sa isip ko ngayon. Magulo rin kasi ang dalawang ito ngayon lalo na't nalalapit na ang oras ng pag-uwi namin.

"Tsk.. Bakit ako topic mo kuya?.. Maghanap ka kaya ng lovelife mo.. Ayan si Klare oh.. naghihintay lang sa'yo.." nguso nya sa babaeng nakaupo ilang dipa mula sa sofa na kinaroroonan namin. Klare is beautiful, hot and funny but, still. Kung gagawin ko ang gusto nilang magkaroon ng iba. It will be unfair sa side nung babae kasi I'm not that complete and it will never be complete unless, her.

Oh damn Lance! Sige! ASA lang!!

Oo nga! Sino ba kasing nagsabi na sumuko na ako!?. Torpe lang ang gagawa ng ganun. Psh!

Yabang!

Konti lang ho! Pampalakas lang ng loob kahit ang totoo ay hinde. Heck!!

"Don't change the topic lil sis. Just answer the damn question.." ngiwi ko sa kanya dahil tanaw kong papalapit samin si Dilan. May dala itong dalawang wine glasses at ramdam kong sa taong katabi ko, nya iyon ibibigay. At sa paghakbang nya paharap samin. Mabilis nya itong iniabot kay Bamby tapos umalis na. Umusok ang ilong ko sa ginawa nyang iyon. Bakit kailangan kay Bamby ibigay yun?. Alam naman nyang di ito umiinom lalo na't nasa paligid nito ako?. Tsk!. Sa inis ko ay kinuha ko sa kamay ni Bamby iyon at nilagok ko ang laman nito. Binalik ko sa kanya ang baso na wala nang laman. Napapamaang nalang itong napapailing sakin. Napataas pa ang mga balikat nya saka nagsabi in actions na, okay bro. You win!

"Anong gusto mong isagot ko?.." she asked back after matauhan sa ginawa ko.

"Here you again.. Answering my question into another. Still your changing the topic.. gusto mo bang umuwi o hinde..." paglilinaw ko. Ganyan yan pag kinakabahan, binabalik ang tanong mo. Naiinis ako pag ganun!

"In between.." Napapakamot nalang ako ng ulo. Laging taliwas ang sagot nya sa tanong ko. Nakakainis! Umuusok ang ilong ko lalo!

Dumagdag pa ang sinabi nyang mukha raw akong baliw ngayon. What makes she thinks na ganun nga ako? Naku! kung alam lang nya. And this. After years. Wala pa rin po syang alam about what did happened. Natatakot pa rin akong malaman nya. Just like she's feeling right now. Takot at kinakabahan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C137
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login