Ngayon lamang nangyari nang ganung katagal ang halikan na namagitan sa aming dalawa. Wala ito sa hinuha ko sapagkat nauna nang gumawa ang isip ko noon nang mga bagay bagay na wala sa nangyayari ngayon. Bagay na kapag dumating sya't nagkaharap na kaming muli ay akala ko'y mag-aaaay kaming dalawa tapos mauuwi sa tuluyang hiwalayan na. Ngunit, dala ng di maipaliwanag na emosyon o bugso ng damdamin. Bigla na lamang nagbago ang aking gusto. Iyon ay ang pakinggan sya't sulutin ang panahon na nasa tabi ko sya.
Gustuhin ko mang pakinggan ang isinisigaw nitong aking isipan, lagi pa ring nanalo ang aking puso pagdating sa kanya. Ayaw syang pakawalan kahit anuman ang mangyari.
Nang maghiwalay ang aming mga labi. Pareho kaming naghabol ng hininga. Suminghap ako't humugot lamang sya ng isang malalim na hininga.
Tumitig ako sa mata nyang kumikinang sa tuwa. Noon din sya humagikgik ng mahina.
Tinakpan ko agad ang aking mukha sa hiya. Naku naman! Kung tumitig pa sya, malalim. Madiin at mariin. Mukhang gusto pang humirit ng isa o higit pa.
"Baby, you're so cute.." halakhak nya't hinimas ang buhok ko dahilan para magsitayuan mga balahibo ko. Doon pinaulan nya ng halik ang aking sentido. "Still, I love you.." bulong nito sa kabila ng maliliit nyang halik sa ibabang tainga ko.
Humingi sya sakin ng isang sagot sa I love you nya ngunit hindi ko bingay. Nahihiya pa rin ako sa totoo lang. Takip ko pa rin ang buong mukha. Di ko na yata kayang makipag-usap ng harapan sa kanya, matapos ang nakakapasong nangyari kanina. Naiilang ako. Damn it! Kuya, rescue me please! Crazy!
Mabuti nalang. Sya na rin ang nag-aya sa akin na bumaba. Malapit nang magtanghalian nang kami'y nasa sala na. Parehong nasa sofa sina kuya habang si Ali ay nasa sahig. Naglalaro pa rin ng Lego nito.
Halos sabay gumalaw ang ulo nina kuya nang matanawan kami. Sa akin tumingin si kuya Rozen habang sa kanya naman si kuya Ryle. Umayos sya ng upo eksaktong paghinto namin sa gilid nila.
Wala silang tinanong na kung anu mula sa amin. Parang naramdaman na rin nila kung ano nga ang nangyari sa pag-uusap namin kanina.
"Bro, ipapaalam ko sana sya.." paalam bigla ni Lance sa kanila. Napaangat ng mata si kuya Rozen sa kanya. Nawala ang nanunukso nyang mata sa akin.
"Saan?. Andyan si mama bro.." si kuya Ryle ang sumagot.
"Sa bahay lang.. may party kaming gagawin para sa kapatid ko, yung bestfriend nya.. si Bamby.."
Sinipat ko sya. Si Bamby?. O girl! How I miss you.
Matagal silang tumango. Tipong malalim ang tumatakbo sa kanilang isip. "We're not invited?.." reklamo nitong ni kuya Rozen.
"You're all invited bro.. sya lang muna isasama ko kung pwede sana.." nilapitan nya ako't bigla nalang inakbayan sa harapan nila mismo.
"Hi, Tito Lance pogi!.." bati sa kanya ni Ali, na tumingala pa sa kanya habang ang kamay ay di mabitawan ang laruan.
"Hi, baby boy.." yumuko sya't nilapitan ito para makipag-apir. Nagsalubong ang kanilang mga palad kaya ito gumawa ng isang ingay.
"Parang di mo naman na kailangan pang ipaalam sya sa amin.." nagtaka si Lance sa sinabing ito ni kuya Ryle. Nagpalit lipat ang paningin nya sa aming tatlong magkakapatid. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa sinabing iyon ni kuya. "Di naman namin yan mapipigilan pag gusto nang sumama sa'yo.." ngiwi nya. Lalo namang nagsalubong ang kilay ko. Anong pinagsasabi ng taong to?. Did he!?. O damn it! Nakita nya ba kami kanina?. Shit!!
"Kahit na bro.. ipapaalam ko pa rin sya.."giit ni Lance.
Hanggang sa dumaan si mama sa sala at sa kanya mismo nagpaalam si Lance. They talked at di ko na alam kung anong pinag-usapan nila nang magpaalam ako para maligo. Nang bumaba na ako ay binilin na lamang ni mama na umuwi agad at wag magpapagabi sa kahit saan.
Sinapo ko ang noo sa likod ng isip ko dahil sinabi iyon ni mama sa mismong harapan pa ni Lance. Tahimik lamang sya't nakikinig kay mama. "Joyce, be careful.." dagdag bulong nya nang yakapin ako bago tuluyang pumasok sa magarang sasakyan ni Lance.
"Opo ma.." bulong ko rin.
Maya maya. Bumyahe na kami patungong bahay nila. Inopen nya ang stereo bago hinawakan ang kanan kong kamay habang ang isa ay hawak ang manibela.
Sa pag-andar ng sasakyan ay pagtugtog na rin ng musika.
Don't leave me in all this pain.
Unang linya palang, tinamaan na ako.
Napalunok ako't sa labas na tumingin.
Don't leave me out in the rain
Come back and bring back my smile
Come and take these tears away
I need your arms to hold me now
The nights are so unkind
Bring back those nights when I held you beside me.
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko dahilan para bumalik sa kanya ang mata ko. "Stay beside me.." he mouthed.
Umawang ang labi ko't di nakapagsalita.
Unbreak my heart.
"Unbreak my heart, please.." he whispered echoing the song lyrics.
Say you'll love me again
"Say you'll love me again.."
Kagat ko na ang labi sa pagpipigil na maluha.
Ang akala ko. Nakalimutan na nya ang sinabi ko bago sya umuwi. Ang akala ko, wala lang iyok sa kanya. Ang akala ko, biro lamang pagdating na sa kanya subalit mali pala ako dahil akala ko lang pala ang mga iyon. I never thought na nasasaktan ko na rin pala sya without realizing it.
Undo this hurt you caused
When you walked out the door
And walked out of my life.
Sa bawat linya ng kanta ay tunatagos talaga sa akin. Para bang iyon ang gusto nyang sabihin na idinaan na lamang nya sa isang makabagbag damdaming kanta.
Uncry these tears
I cried so many nights
Unbreak my heart. My heart.
Di ko rin naisip na iiyak sya sa mga sandaling sumuko ako. Wala iyon sa utak ko't basta nalang ginawa ang utos ng damdamin ko.
Nagkamali ako. Ng todo.
Take back that sad word goodbye.
"Take it back please.." nalukot ang puso ko sa sakit nang pagkakabigkas nya. Gusto kong lumunok pero kingina! Hindi ko magawa. Nawalan ako ng lakas na kumilos sa ginagawa nya.
Bring back the joy to my life
Don't leave me here with these tears
Come and kiss this pain away
I can't forget the day you left
Time is so unkind
And life is so cruel without you here beside me.
I don't know now how to react. Nasasaktan ko na rin pala sya pero heto pa rin at, nakuha pang puntahan ako't yayain sa kanila.
Un-break my heart.
Say you'll love me again.
"I love you.." di ko na napigilan pa ang sarili kong sabihin iyon sa kanya nang walang pag-aalinlangan. He also needs to know na kahit masakit, pipiliin ko pa rin na sabihin ang tatlong salitang iyon para sa kanya. Para maibsan man lang ang sakit.
Undo this hurt you caused
When you walked out the door
And walked out of my life.
Di ko man maipapangako na di ko sya iiwan. Di ko kasi alam ang mangyayari, bukas o makalawa. Pipilitin kong, mahalin sya. Nang walang pag-aalinlangan.
Uncry these tears.
I cried so many nights.
"Hmm... I cried so many many nights.." he again whispered this. Garalgal ang boses nya. "Unbreak now my heart.."
May tumulong luha saking pisngi. At noon ko lamang iyon naramdaman nang dumaan ito.
I can't find enough words to utter. Lumipad lahat ng iyon dahilan para ako'y mapipi.