"Hey?.." papunta akong library nang mabigla sa taong tumalon saking harapan. Nakapamulsa ito. Preskong nakatayo sa kinatatayuan ko.
"Bakit?.." bahagya pa akong nautal. Gosh!
"Saan punta mo?.." anya. Tapos tinanaw ang likuran nya. Library na. "Kukuha kang current events?.."
Hindi ako agad nakasagot sa kanyang tanong. How did he know?. Sinusundan nya ba ako?. Or is it, I'm too obvious?..
Tsk!. Assuming mo Joyce!
Lihim kong pinagalitan ang sarili sa mga naiisip.
"Tanaw ko rin kasi sina Bamblebie kanina.. kaya I assumed na--..." sinadya nyang putulin ang sasabihin upang ako'y sumagot. Kagat labi akong tumango.
"Nagkaayos na ba kayo?.." obvious naman na hinde baby. Bakit mo pa tinatanong?. Nahihiya kasi ako sa kapatid mo. Alam ko kasing ako ang may kasalanan kaya di ko magawang lumapit sa kanya. Ang daming gustong idagdag ng aking labi ngunit matindi itong pinigilan ng aking puso. Ewan ko ba.
"Hindi pa." maikli ko lang na tugon.
"Wanna talk to her?.." alok nya. Naglakad ng dalawang hakbang papunta sakin. Napamaang ako't umatras din ng isa. Kinakabahan kasi ako. Di ko mawari kung bakit o kung para saan. Iba kutob ko.
"Wag nalang muna Lance.. saka na.. na-nahihiya pa ako.." nagbaba ako ng tingin. Ramdam kong sa akin pa rin naman ang kanyang titig. It makes me nervous. Damn!
"Lance, huh?. Where's my baby thingy, hmmm?..." Gosh! Saan ba dapat ako magtago neto?. Kinikilig po ako! Wah!
Minsan kasi. Nirequest nyang tawagin ko syang ganun. Sa kahihiyan ko. Di ko masambit ng malakas at todo. Naiilang pa rin ako. Di na nga ako makapaniwala na nililigawan nya ako. Tas dumadagdag pa tong gusto nyang itawag ko sa kanya. Baby!. You're killing me softly. Baby!
"Why are closing your eyes then?. Di ba ako gwapo ngayon?.." anya. Nasa mismong mukha ko. Naaamoy ko na ang juicy nyang hininga. Gusto ko tuloy tikman. Ay walanghiya!!
Umiling ako. Unti unti nang dumilat. "Mauna na ako.." nauutal kong paalam. Lalampasan na sana sya ng hilahin ako pabalik.
Inayos ang takas kong buhok atsaka inipit sa likod ng tainga ko.
"I'm not done yet.." tumitig sya sakin. Kagat ko na naman ang labi sa kaba. "I miss you. Labas tayo mamaya please.."
Noong isang sabado. Di naman planado o sadya ay nagkita kami sa grocery store. May binili ako roon at eksaktong andun din sya. Namataan ko na sya dati pa kaso di ko sya tinawag o pinansin. Tinaguan ko pa nga. Kaso lang. Nang sya na ang nakakita sakin. Wala na akong takas. Hinila na nya ako sa isang restaurant. Doon nilibre nya akong nakipagkwentuhan sa kanya. Ganunpaman . Andun pa rin ang pagiging mahiyain ko pagdating sa kanya. Di mawala wala.
"Marami akong gagawin.." palusot ko.
"What about Sunday?.."
"Kasama ko sina mommy.." malapit ko ng bansagan ang aking sarili sa pagiging sinungaling. Bwiset!. Ano ba kasi?.
Natahimik na sya. "Okay then. Di na kita pipilitin. Akin na yang notes mo. Ako nang maghahanap.."
"Pero, kaya ko naman.." pigil ko sa kanya nang kunin sa kamay ko ang notebook na kulay pink. Ganun din ang ballpen na nakaipit doon.
"You choose. Date on Sunday afternoon or this?.."
Wala akong nagawa nang hilahin na nya ang hawak ko. Nginisihan nya ako. Natalo na naman ako ng lintik kong puso. "Ayokong mastress ka.. so please.." malambing nya pang dagdag. Kinilabutan tuloy ako. "Iaabot ko nalang kay Winly ito mamaya o di kaya ay kay Karen.. para di tayo mahalata..see you later.." iyon lang at nagpaalam na sya. Dumiretso ng lakad papasok ng library dala ang mga gamit ko.
Tulala ako at di pa rin makapaniwala hanggang ngayon.
Totoo ba talaga ito?.