Download App
25% The Bond of Magic / Chapter 12: Chapter 11

Chapter 12: Chapter 11

Mukhang hindi talaga mapapadali yung mga planong gusto ko gawin para makuha ang kwintas. Mauubusan na ko ng oras pero wala pa ding nangyayari. Dumagdag pa si Jacob sa mga iniisip ko, ano bang problema noon at bakit parang nagaalala siya sa mga nangyayari sakin instead of Rose?

"oh Alice okay ka na ba?" si Nadia ang kasama ko ngayon dito sa garden. Hindi na muna ako ngayon pupunta sa gubat dahil sa nangyari para makapag palamig dahil hanggang ngayon usap usapan pa din ang nangyari.

"okay lang talaga ako, si Rose okay kaya?" nagkatinginan kami ni Nadia dahilan kaya kami napatawa ng malakas.

Paniguradong hindi maayos si Rose dahil sa nagaapoy nanaman yun sa galit. Ayoko lang talagang nakikita na porke malakas ka dahil sa mahika mo e aabusohin mo na ito.

"Alice balik muna ko sa kwarto ko ha." paalam ni Nadia dahil mukhang may aayusin siya. Tumango na lamang ako at naiwan magisang nakaupo dito sa garden.

"Alice!" si Edrian ang lumapit naman sa akin ngayon.

"kamusta?" ngiti kong bati sa kanya, nagtataka na talaga ako dahil mawawala at susulpot na lang to bigla palagi.

"ayos lang Alice, may nabalitaan ako sa nangyari noong nasa gubat kayo." wala ba siya doon? Hindi ba't ensayo yun para sa mahika.

"wala ka ba doon?" tanong ko dito.

"ahh.. Wa..la nagpaalam naman ako sa guro natin sa subject na yun. May inasikaso lang ako." sabay kamot niya sa kanyang ulo. Pinagsa walang bahala ko na lang ito dahil baka private matter naman ang inasikaso niya. Baka sa pamilya o kung ano pa man.

Nahagip ng paningin ko si Jacob na ngayon ay kasama yung kasama niya sa pageensayo kahapon. Matalik na kaibigan niya siguro ito.

Nagulat ako sa sunod na nangyari. Ginawa niyang isang tao ang pusa na lumapit sa kanya, babae ito ngayon at dahil naging tao siya bakas sa kanyang mukha ang pagkagalak.

Dumako naman ang paningin ko kay Edrian dahil nanahimik ito bigla.

"ayos ka lang Ed?" seryoso kong tanong sa kanya.

"ayos lang ako, sige Alice mauna na ako" tumakbo ito papalayo sa akin para bang may gustong taguan, napakamot na lang ako ng ulo ko.

Saktong nakita ko din si Nadia, kakalabas lang sa dormitoryo namin. Natapos na siguro ang ginagawa niya. Natawa na lamang ako dahil ginagamit niya ang kanyang mahika sa mga taong nakapaligid dito sa academy. Ang mga kulay ng damit ay kanyang pinapalitan ng ibat ibang kulay at pati na rin ang kanilang mga buhok. Napailing na lang ako dahil kag Nadia.

Napagpasyahan kong pumunta sa canteen magisa dahil bigla akong nakaramdam ng gutom, umorder ako ng pancit na may tinapay at softdrink dahil gutom na talaga ako. Magisa ako ngayon dito, at ramdam ko ang mga titig sa akin ng mga nasa paligid ko.

Patapos na ako kumain ng may nakita akong hindi ko inaasahang ngayon ko makikita. Si Felicia.

Felicia pov

Nandito ako ngayon s magic academy para makausap si Rose, netong mga nakaraang araw kasi nakakaramdam ako ng pananakit sa aking katawan at nahihilo na lang bigla. Kapag nawawalan ako ng malay, magugulat na lang ako nasa kama na ako. Manghihingi lang ako ng halamang gamot baka mayroon pa siya.

"Ma bakit ba nandito ka nanaman?!" si Rose, ang anak ko.

"anak" nakangiti kong bati sa kanya at sa sobrang pagka miss ko sa kanya niyakap ko na siya agad.

"ma ano bang kailangan mo?!" bakas sa kanyang boses ang pagka irita at agad niyang inalis ang pagkakayakap ko dito.

"baka may halamang gamot ka dyan, kailangan ko para sa akin dahil sumasakit ang katawan ko at bigla bigla na lang ako nahihilo." napahinga siya ng malalim na para bang alam na niya ang ipinunta ko dito. Binigay niya ang supot na may mga lamang halamang gamot.

"sa susunod huwag ka ng pupunta dito, kung may kailangan ka magsulat ka nalang at ipasuyo mo sa taga bantay dito. Kita mo dami daming nakakakita sayo ganyan pa itsura mo!" napantig ang tainga ko sa aking narinig, sinampal ko siya dahilan upang magapoy ito. Ikaw pa ba yan Rose?

"tandaan mo nanay mo ako! Marami akong bagay na ginawa para sayo kaya huwag na huwag mo akong babastusin!" nagtatagis ang bagang ko sa galit dahil sa inasal ni rose. Ang mga salitang yun... Bakit kailangan sa kanya pa manggaling?

Alice pov

"Hello... Uhm should i call you tita Felicia or just Felicia?" lumabas ako sa punong pinagtataguan ko. Hindi ko masyadong narinig ang kanilang pinaguusapan pero halata mo dito na may pinagtatalunan sila.

Nagaapoy si Rose sa galit at ang kanyang ina ay parang nagtitimpi na lang.

"A..alice" nauutal niyang sabi na para bang hindi niya ineexpect na makita ako dito. Tinignan niya ng masama si Rose at napalitan ng pangamba ang muka ni Rose.

"kamusta naman yung nang traydor sa nanay ko?" nakangiti kong sabi pero halata sa boses ko ang pagpipigil.

"hindi ako nag traydor." natawa na lamang ako ng bahagya.

"ginawa ko lang ang nararapat para sa anak ko." anak? Eh kung tratuhin nga siya neto parang basura.

"pero yung tinatawag niyong anak basura na lang ang trato sa inyo." sarkasmo kong sabi dito.

"manahimik ka Alice!" bago panito makalapit, ang paa niya ay binalutan ko agad ng yelong mahika. Nagulat ito sa aking mahika, nanlaki ang mata na para bang natatakot sa susunod kong gawin. Inalis ko ito agad dahil kumalma na siya dahil sa takot.

"namatay si mama dahil sa pagod niya habang nagtatrabaho para sa akin, sa ginawa mo kung kaya't minalas ako buong buhay ko!" ngayon ako na ang lumapit sa kanya na ang buong katawan ko ay nababalot ng tubig na may yelo na hugis patusok. Sa paglapit ko nadaplisan ng kaunti ang braso niya dahilan para magdugo. Aawat na sana si Rose pero hinila siya ng kanyang ina.

"namatay.. Si tess?" nagbibingi bingihan pa nga.

"oh, bakit nagulat ka? Hindi ba't dapat masaya ka? Dahil alam mo sa una pa lang na kapag nawala ang kwintas e kamalasan na ang mangyayari sa amin?" nakangiti ko pa ding sabi, medyo kumalma na ako kaya nawala na ang yelong nakapaligid sa katawan ko.

Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at pagkalito sa nalaman niya tungkol kay mama. Bago pa ko hindi makapagpigil, umalis na ko para makakalma.

Kinagabihan, nagtanong si Nadia kung sinonba yung kausap namin ni Rose. Sinabi kong nanay niya ito, nagulat siya dahil hindi niya ito namukaan dahil mukhang tumanda na daw kaysa sa huling kita nila.

Sa paglalakad namin may isang tao ang nalulunod sa ilog, tumakbo kami papalapit dito. Isang batang nalulunod.

Bago pa mahuli ang lahat, sinagip ko ito gamit ang aking mahika. Iniangat ko siya sa pamamagitan ng tubig ibinaba ko siya sa lupa at laking pasasalamat ko maayos ang lagay niya.

Nakahinga kami ng maluwag ni Rose at nagsidatingan ang mga tao. Nang napansin kong okay naman na ang kalagayan niya, umalis na kami doon.

"hindi ko alam na mabait ka pala Alice, akala ko kasi hindi dahil kay Rose." nagulat naman ako sa sinabi neto.

"mabait naman talaga ako, sa kanya lang hindi." dahil sa sinabi kong iyon, natawa na lang kami na Nadia.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login