Download App
71.42% Hell's Card / Chapter 5: Chapter 5 : Your Majesty

Chapter 5: Chapter 5 : Your Majesty

"Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit ganito ang tawag mo sa akin. Kailan ako naging hari? Bakit impyerno pa. Bakit?"

Hindi ko parin maintindihan kung bakit ba naging hari ako ng impyerno. Magiging masama ba ito? Ewan, dahil ang alam ko ang impyerno ay para lang sa masasama.

"Hayaan mo akong magpaliwanag."...

"Makinig ka, Joseph" sabi ni Ate Lilith.

"Dito sa mundong ito, merong tinatago na lihim at sikreto. Hindi lang ito basta ordinaryong mundo lang. Isa na itong laro"...

"Tinatawag itong the Card Game"...

The Card Game, ito ba ang sinasabi sa akin ni papa? May kapangyarihan nga ata talaga ang mga barahang nabanggit ni papa.

"Noong 1993, may bulalawak na bumagsak dito sa Pilipinas, at may isang babaeng nakikita ang laman nito at dali dali itong kinuha. Ang laman nito ay ang..."

"Djinn's Deck"

"Biglang tumakas ang babae bago makapunta ang mga opisyales at mga pulis para suruin ang bulalawak. Pero ang di nila alam ay ang laman ng bulalawak na iyon ay ang Djinn's Deck. Ang Djinn's Deck ay may katumbas na siyam na baraha. Ang Hydro, Fire, Storm at Nature ay ang mga barahang may kakayanin kontrolin ang mga bagay ngunit may limitasyon. Ang Luck, Light, Core at ang Wind Card. Pero isa lang ang talagang may kayang kontrolin ang buong bagay at mundo - Ang Hell's Card"

"Ang Hell's Card ay may kayang patayin, kalabanin o kaya protektahan ang isang tao na may paga-ari nito. Ngunit sa kasamaang palad ay mahirap itong kontrolin at iwasan. Kaya ang mga naga-ari nito ang sila naging sanhi ng mga sakunang nangyari noong panahon na iyon."

"Kaya noong una ay madami nang nangyari. Libo-libong namamatay buwan buwan, tuluyan na paglakas ng mga panahon tulad ng bagyo, at ang kahirapan ng mga tao."

"Ang sanhi nito ay hindi tamang paghawak at paggamit ng Hell's Card at hindi nakamit ang mga rules."

Rules? May patakaran ang Hell's Card? Mukha talagang laro ito. Hindi ba magiging mahirap ito lalo na't madami na ang nangyayari ngayon?

"Ate Lilith, nais mo bang sabihin sa akin lahat tungkol sa patakaran na iyan at ang mga baraha?" tanong ko sa kaniya diretcho.

"Sa Djinn's Deck meron lamang na apat na patakaran. Ang una ay ang tamang paggamit at paghawak ng baraha. Hindi mo pwedeng gamitin ang siyam na baraha para sa iyong kagustuhan lamang o sa kasamaan. Ang pangalawa ay wala dapat makakaalam kahit kaibigan, pamilya at lahat ng tao na ikaw ang may ari sa isa sa mga baraha dahil may chance na kuhanin ito sayo. Pero nasasa-iyo ang desisyon kung sasabihin mo ito o hindi. Ang pangatlo ay hindi kailangan ibigay ang mga barahang nakuha mo sa ibang tao. At ang panghuli ay sumunod ka sa mga patakaran na ito, at pag hindi... masisira ang mundo at mauulit ang nangyari noon" paliwanag niya.

Edi ibig sabihin ay hindi natupad o sumunod si papa sa mga patakaran na ito kaya naging ganito ang nangyari. At may nahalata lang ako-

"Kaya ba nangyari ang ganoong sitwasyon noong namatay si papa dahil..." tanong ko sa kaniya.

"Oo, hindi niya isinunod ang mga patakaran. At sinabi sa iyo ang tungkol sa baraha."

Kaya pala nagka-ganon. Kasalanan ko ito. Dapat hindi ko nalang sinunod ang sabi ni papa na gusto niya ipakita sa akin ang mga barahang iyon dahil ganoon din pala ang mangyayari. Kasalanan ko ito...

"Sorry... kasalanan ko ang lahat... pasensya..."

"Hindi mo kailangan magpatawad. Tapos na ang nangyari kaya wag na natin iyon isipin. Ang mahalaga ay tapos na at hindi nangyayari ulit ang ganoong sakuna."

"Ngunit..."

"A-ano iyon?" tanong ko sa kaniya.

"Kailangan na ikaw na ang magingat sa sakuna. At kailangan mong pangahalagahan ang iyong tungkulin"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Mga kasama, ibigay mo sa kaniya ang baraha"

Maya maya biglang dumating ang mga tila parang mga guwardiya ni Ate Lilith. Naka kulay itim ang suot nila at naka-maskara sila na kulay pula. Pagtapos ay ibinigay nila sa akin ang isang maliit na lalagyanan na metal habang sila ay naka luhod at naka yuko.

Binuksan ko ang laman at ang bumungad sa akin ang isang baraha. Kulay itim ito at kumikinang ng kulay pula. May parang star sa gitna at apoy na kulay pula din at may letrang "H" sa bawat side.

"Ayan ang Hell's Card. Ikaw na ang pagmamay-ari ng baharang iyan"

Ano? Ako na ang may ari nito? Bakit ako? Dahil ba naging hari ako. Di ko pa din maintindihan kung bakit ako ang dapat na pagmamay-ari nito-

"U-uhm Ate Lilith, pwede mo bang ipaliwanag pala sakin kung bakit ako ang naging hari hindi ba?" tanong ko sa kanya.

"Ang mga hakbang para maging isang hari ang tao ay pag namatay ang may ari at hari ng Hell's Card, mapapasakamay ang trono sa kanyang anak. At ikaw iyon."

Edi ibig sabihin...

"Tama ka, ang papa mo ay isang hari."

Ngayon nasa kamay ko na ang baraha. Ang tanong ay paano ko ito gagamitin? Sabi nga ni Ate Lilith na mahirap na itong gamitin dahil mahirap itong kontrolin. Baka mapahamak pa ang buong mundo at ang mga tao lalo na at walong taong gulang palang ako.

"P-paano ko ito gagamitin? Baka lalo lang lumala ang mundo at baka mapahamak ang mga tao?!" dali kong tanong sa kaniya.

"Wag ka mag-alala mahal kong hari. Tuturuan kita kung paano gamitin ang barahang iyan."

"Tapos na ang atin paguusap. Sa susunod nalang ang iba. Ika'y matulog na para mamaya ay doon na kita tuturuan kung paano gamitin ang barahang iyan."

"S-sige po"

Maya maya kinuha niya ulit ang Hell's Card at sinabi bukas ko nalang ito kuhanin. Umakyat kami sa taas at sinamahan ako para pumunta at ipakita ang magiging kwarto ko. Nasa third floor ako naka pwesto. Binuksan na din niya ang aircon at inilagay na niya ang kumot sa higaan ko.

"Maraming salamat Ate Lilith..." sabi ko bago siya umalis sa kwarto.

"Wala ka dapat ipasalamat. Siya, matulog ka na at gabing gabi na. Goodnight." sabay umalis na ito at isinara ang pinto.

"Goodnight"

Ngayon araw na ito...

Isa na akong hari, at may ari ng Hell's Card.

"Magiging mahirap ito."

--- (Halena's POV)

Umaga na at bumungad sakin ang ring ng ring ng cellphone ko dahil may tumatawag. Sinagot ko ito at-

"Hi Halena! Kamusta ka?"

Ito ang ex ko, si Francis. Last year pa kaming naghiwalay dahil madami pala siyang babae at manyakis pa. Kahit ngayon ay walang tigil pa din siyang tumatawag at binabalik pa ang dating kami.

"Alam mo Francis tumigil ka na, panira ka ng umaga ko eh! Isa pa wag mo na akong tawagan, alam mong kakagising ko lang!" sabi ko sa kaniya.

"Hay nako Halena, hindi ka pa din nagbabago! Tandaan mo na maha-"

*Call Ended*

Pinatay ko na dahil sawang sawa na akong marinig pa ang mga matatamis niyang salita. Kadiri kaya!

Tumingin ako sa oras at 7:36 am na. Mamaya palang 10 am ay pupunta pa ako sa lab para suriin ang nahanap na baraha ni Oliver. Para sakin, natatamad padin ako pumasok. Kasi isipin mo din, anong oras ka nakauwi at kulang pa ang tulog mo dahil maaga ka nagising. Pero trabahay ay trabaho.

Ginawa ko na ang lahat na dapit gawin dito sa bahay. Maglinis, maghugas tapos maligo na at mag ayos para pumasok.

Maya maya naka-alis na ako sa bahay. Buti nalang at may sarili akong kotche kaya madali lang ako makapunta doon.

Pagkatapos ng 40 minutes ay salamat, nakarating na din ako. Ito ang Victorian Research Lab, ang layunin nito ay para mag research at talakayin ang mga iba't ibang bagay o kahit ano basta tungkol sa siyensya. Pero itong ireresearch namin ay ibang iba kaysa doon sa karaniwan naming nireresearch. Magreresearch at susuriin naming ang baraha... bakit ba sila naniniwala sa mga mahikang yan? Hindi naman tayo nakatira sa mga mala-fantasy na mundo o kaya sa mga mahikang mundo tulad ng mga nakikita sa movies o kaya anime. Pero sa bagay malaking pera din ang makukuha namin pag natagumpay ang aming tungkulin. Dalawang milyong piso. Malaki na iyon para sa amin. At tsaka wala na din kaming magagawa, utos ng gobyerno eh.

Nakarating na ako na sa lab kung saan doon kami magmemeet at susuriin ang nakuha ni Oliver.

Pagkapasok ko ay bumabad sa akin itong sina Trixie at Karlos na naglalaro ng PUBG mobile. Habang si Kale ay tutok na tutok sa cellphone dahil magkausap sila ng jowa niya. Si Kale naman ay nakaupo at nagbabasa ng nobela.

"Wow... ayos tayo diyan ah... wala manlang kumikilos" sabi ko sa kanila ng malakas.

Sabay sabay silang tumigil sa ginagawa nila. Ganoon talaga pag ikaw ang head ng buong team. Hehe.

Maya maya ay sinimulan na namin ang research. Nasa harapan namin ngayon ang isang box na ang laman ay ang barahang nakuha ni Oliver. Una ay tinignan namin ang nakuha ni Oliver na baraha. Sa kasamaang palad ay wala pa siya ngayon kaya sabihin na nating late siya.

Sinabi ni Kale ay itong barahang ito ay tinatawag na Luck Card. Dahil ayon dito sa files na nakuha at nasuri ng Russian Research and Laboratory Association na merong siyam na baraha ang nakalagay sa Djinn's Deck. At isa na ito.

Hindi pa naisusuri ng ibang research team sa ibang bansa ang ibang baraha except dito sa Luck Card at Hydro Card.

Sinasabing itong Luck Card na ito ay may kakayanang mag produce o gumawa ng salapi. As in salaping totoo, o kahit ano basta kayamanan. Meron din itong magpatanggal ng malas. Siyempre as the word itself - Luck.

Pero ang problema lang namin dito ay wala pang ni-isang tao ang kayang gumamit nitong barahang ito. Sabi ng RLA o Russian Research and Laboratory Association ay ang lahat ng barahang nasa Djinn's Deck ay may mga kailangan gawin o kaya kontrolin ang baraha para magamit ito. Diyos ko, kontrolin gamit ang baraha?

"Patuloy ang France at Russia para suriin ang ibang baraha dahil nakuha na nila ang kabuunang impormasyon nang mga ito. Ang mahirap lang ay mahirap irecognise kung paano gamitin itong mga barahang ito" sabi ni Kale habang sinusuri pa din ang baraha.

"Matanong ko lang ha... saan ba nahanap ni Oliver itong barahang ito?" tanong ko. Nacucurious din ako dahil parang ngayon lang umambag si Oliver sa team namin.

"Ang sabi lang sa amin ay binigay lang ito ng mga NBI para iresearch sa atin. Ito rin daw ang utos ng gobyerno." sagot ni Kale.

Bakit parang may naiisip ako...

"Saglit lang... hindi ba dapat ang NBI lang at ang Philippine Research Team lang ang may kakayahang mag utos ng research dito? Tandaan nila na ang Victorian Research Lab ang isa sa pinakamalaking Research Laboratory sa Pilipinas. Bakit nakikisali dito ang gobyerno? Diba nabanggit na din nila na ang NBI at PRT ang bahala dito?" tanong ko sa kanila.

"Grabe naman ang sama ng loob mo sa gobyerno. Siyempre sila ang may mataas na posisyon dito sa Pilipinas. Tsaka sakanila mangagaling ang perang makukuha natin once naging success itong research na ito" sagot naman ni Karlos.

"Ang importante dito ay nireresearch nating itong barahang ito. Pero about dun sa katanungan mo. Tanging gobyerno ang nagsimula nang misyon na ito. Iniutos lang naman ng gobyerno na ang PRT at NBI ang-" biglang tumigil sa pagsasalita si Trixie dahil biglang nagsalita si Kale.

"Bakit ba natin pinaguusapan ito? Diba dapat mag focus tayo dito sa barahang ito? Puro kayo gobyerno at away. Magfocus nalang kayo!"

Wala na akong magagawa. Seryoso lagi si Kale pagdating sa mga research. Mahilig kasi siya sa siyensiya at magsuri ng iba't ibang bagay.

Makalipas ang isang oras na pagreresearch ay biglang dumating si Professor Dean sa lab at tinawag ako-

"Ms. Halena, may ginagawa ba kayo ngayon?" tanong nito.

"Opo prof., nireresearch namin ngayon ang nakuhang baraha ni Oliver. Bakit po?"

"May iuutos ako sayo. Halika muna dito saglit..." utos nito sa akin.

Itinigil ko muna ang aking pagreresearch at lumabas sa lab.

"Ms. Halena, may nahanap na akong batang pwede mong makasama at maalagaan ng maayos." sabi nito sa akin.

Kailangan ko kasing maghanap ng batang makakasama sa bahay. Dahil ako lang magisa sa bahay. Hindi sa gagamitin ko sila para maglinis ng buong bahay dahil napaka-bata pa nila para doon. Dati kasi ay pangarap kong magkaroon ng parang anak na pwedeng makasama sa bahay at makipaglaro. Dati kasi ay namatay ang kapatid kong lalaki na si Sean, namatay siya dahi leukemia. Kaya wala na akong kasama sa bahay kung hindi ako lang. Pero buti nalang andito si Prof. Dean para tulungan ako. Maraming salamat sa kanya.

"Seryoso po? Pero saan niyo po nakuha?"

"Diyaan sa Pasay Children's Home. Hindi ko pa naasign ang reserve pero ito ang pangalan ng bata."

Binigay niya sa akin ang isang maliit na papel na kulay dilaw. Ang nakasulat dito-

"Pasay Children's Home

73 ITY Street.

Pasay City

Child's Name :"...

"Seraph Viola"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login