Download App
25% Bintang (Accused) / Chapter 7: Unsolved Case: Reinvestigated

Chapter 7: Unsolved Case: Reinvestigated

"Kumusta ang pinakamatikas na imbestigador ng singko?!" bungad ng konsehal ng barangay kung saan matatagpuan ang himpilan ng pulisya. Ang singkong tinutukoy nito ay ang mismong istasyon ng pulisya, ang MPD- Police Station 5.

"Wala pa ring log-tu, lagi ng yat-pu!" sagot naman ng desk officer na mabubungaran sa pintuan ng istasyon.

Napahalaklak ng malakas ang konsehal. Uso ang pagbabaligtad ng mga salita sa lungsod na ito dahil na rin sa alkalde nitong nagpa- uso ng pamosong pagbabaligtad ng mga salita.

Nangingising mag-isa sa kanyang cubicle si Francis ng marinig na siya ang pina-uusapan. Hindi niya namamalayan na kasalukuyan ng nakatunghay ang konsehal sa kanyang kaliwang gilid. Nakapangalumbaba ito sa ibabaw ng dingding ng kaniyang nagsisilbing maliit na opisina. Pangisi- ngisi ito saka biglang tumikhim kaya niya napansin. Ginulo-gulo niya ang sariling buhok saka tumayo.

"Wala na ring goli- goli! Side A, side B!" aniya.

Lalong lumakas ang hagalpakan ng buong tropa sa narinig. Bagaman isang mabigat na tungkulin ang naka-atang sa balikat niya bilang imbestigador, paminsan- minsan ay nakukuha pa rin naman niyang magbiro. Pero sa totoo lang, itong huling kaso ng pagpatay sa motel ang pinakamatinding kasong nahawakan niya. Halos isang buwan ng nakahanay sa kaniyang desk ang SOCO post-mortem report, mga litratong kuha sa crime scene maging ang DNA Profiling ng genetic code ng mga natagpuang pubic hair, blood sample at iba pa. Inulit- ulit na niyang pag-aralan ang mga pieces of evidence na kanyang nalikom pero heto blangko pa rin siya sa kung sino ba ang maaaring gumawa nito sa biktima.

"Napasyal lang ako kasi naalaala ko,'nung nakaraang taon, meron ding insidenteng ng pagpatay na nangyari, katulad 'nung nangyari nitong nakaraang buwan pero sa ibang motel naman…"sabi ng konsehal. "di ba sir?"

Ang tinatanong nito ay ang deputy chief of police ng istasyon na matagal ng naka-assign sa nasabing himpilan. Abala itong nag-eencode sa desktop ng istasyon.

" Oo," sagot nito. "Wala pa si Francis dito noon. Hindi pa siya nakadestino dito. Si George pa ang imbestigador noon na sa Rizal na ngayon naka- assign."

"O, tanda pa nga ni sir," sabi muli ng konsehal. "ganoon din ang ginawa sa babae, ginilitan ang leeg, di ba sir?"

Tumango- tango na lamang ang abalang pulis sa naging tanong ng konsehal.

"Wari ko, iisang tao lang ang gumawa 'non." dagdag pa nito. "…kasi parehong- pareho ang istilo, walang pinagkaiba. Nilagyan ng tape ang bibig, nakatali ang mga kamay tapos may laslas sa leeg.."

Bahagyang ni-recline ni Francis ang kaniyang upuan upang makasandal ng mas maayos saka nag-dekwatro habang nakaupong inuunanan ang isang palad. Nakatingin sa kawalan habang bahagyang ginagalaw-galaw ang upuan sa magkabilang tabi na para bang nagduduyan habang nakaupo. Sa simula pa lamang ng imbestigasyon, nang malaman niyang may kahalintulad na insidenteng naganap na katulad ng kasong kanyang hinahawakan, iisa lamang din ang kaniyang naging konklusyon. Na maaaring iisang tao ang suspect sa parehong krimen. Ngunit sa paaanong paraan niya ito mapatutunayan gayung ang suspect sa dating krimen ay hindi din naman nahuli. Walang pagkakakilanlan. Walang malinaw na ibedensiyang makakapagdiin kaninuman sapagkat base sa forensic examination noon, walang naestablish na identifiable fingerprint, wala ring kakaibang genetic code mula sa mga natagpuang pubic hair at blood sample sapagkat pawang sa biktima ang mga nakuha. Wala ring nakuhang semen sapagkat tila gumamit ng latex o condom ang lalaki. Kung pakaiisipin nga, the suspect seems like a pro in committing crimes.

"Ang gagandang babae pa man din, di ba sir?" wika pa ng may pagkapalikerong konsehal. "sabi ng mga tauhan sa motel ay kagaganda pati ang mga katawan. Seksing- seksi eh, parang iyong mga instructor ng sumba tuwing umaga dyan sa may PICC, ano nga sir?"

Hindi na kumibo ang pulis na tinatanong nito. Kung kayat parang naasiwa naman ito na wala ng pumapansin sa kaniya kayat maya- maya pa'y kusa na itong nagpaalam.

"Sige, babalik na ko sa barangay." paalam nito. "Sir Francis, mga minsan tayo nga'y makipag-sumba ng makatanaw ng mga seksing babae, he he he…"

Ngiti ang naging tugon ni Francis sa huli bago ito kumaway at tuluyan ng lumisan. May kapilyuhan ring taglay ang konsehal na iyon, naisip niya. Bagaman may edad na ay tila mahilig pa rin sa mga seksing babae. Sa pagkakataong ito'y hindi niya napigilan mapatingin sa litrato ng biktimang nakahaya sa kanyang mesa ngayon. Bagaman isa ng bangkay ay hindi maitatangging maganda ang hubog ng hubad nitong katawan. Her body seems like a sculptured piece with a lot of emphasize on her hand-span waist. Naisipan niya tuloy na ikumpara ang katawan nito sa dating biktima. Kanyang kinuha ang case folder ng kahalintulad na kaso na naganap mag-iisang taon na ang nakalilipas.

TYPE OF INCIDENT: RAPE WITH MURDER. Victim: Cathrize Guzman. Suspect: At large. Isa-isa niyang binuklat ang ang laman ng case folder. Kumpleto ito magmula sa spot report hanggang sa photos of evidences. Intack din ang mga sworn affidavit ng mga personnel ng isang motel na mga tumatayong witnesses. Gayundin ang sinumpaaang salaysay ng immediate family ng biktima. Napako ang kaniyang tingin sa litratong kuha sa biktima. Hubad din itong nakadapa sa kamang nagkulay pula na ang bedsheet sa pagkakabubo ng sariling dugo. Mistula ring inukit ang kurbada ng katawan nito na ang baywang ay tila sinukat para lamang maikulong sa dalawang palad.

Para bang inalagaan ng husto ng mga biktima ang kani- kanilang mga katawan. Mga health conscious marahil, naisip niya. Healthy lifestyle, strict diet and lots of exercise. Marahil mga laman nga ng gym ang mga ito. It's hard to tone the body without using specific equipments that only a gym can offer. Sa pagsagi nito sa kaniyang isipan, naging curious tuloy siyang malaman kung mga gym savvy nga ang dalawa. Muli niyang binuklat ang folder ng nasabing cold case. Sa personal profile ng biktima, wala namang nakasaad na ganitong info sapagkat hindi naman talaga ito necessary. Patuloy siyang nagbuklat maging sa kasong kanyang hinahawakan sa ngayon. Wala rin itong nakatalang impormasyon hinggil sa nasabing bagay. Kung sa bagay, sa palagay niya ay wala naman itong kinalaman sa krimen ngunit nais niya lang malaman kung may something in common ang dalawa with regards to being bodily conscious.

Patuloy niyang binuklat- buklat ang mga pahina ng case folder ng kasong iniimbestigahan niya ngayon. Napadako ang kaniyang pagbubuklat sa sworn statement ng asawa ng biktima. Muling pinasadahan ng kaniyang mata ang mga naturang salaysay nito. Though isa sa tinitingnang anggulo sa krimen ay ang crime of passion, pinaninindigan ng asawa nito na they have a very strong relationship. Na hindi maaaring magawa sa kaniya ng kaniyang asawa na makipag-relasyon sa iba sapagkat mahal na mahal nila ang isa't- isa. Madalas man siyang umaalis ng bansa sapagkat siya ay isang businessman ay sinisiguro niyang they are always in constant communication. Ayon nga dito, nung araw na maganap ang krimen ay nagkausap pa sila ng asawa. All the way from Australia he called her wife that morning to know how she's doing. According to the husband, his wife told him that she's on her way to the gym where she usually go. He called again later in the afternoon to tell her that he'll be back in the country the next day. And that was it. Iyon na ang naging huli nilang pag-uusap.

"Wait,…" bigla niyang nausal sa sarili.

She mentioned she's going to the gym. May tama ako, nasabi niya sa sarili. Bagaman hindi naman isang malaking tuklas na makatutulong ng malaki sa imbestigasyon ay tila natutuwa siya na ang kanyang curiousity ay may katumbas ng fact. Marahil paraan niya na lang din ito upang libangin ang sarili sa napakamasalimuot na kasong iniimbestigahan.

How about the other lady? Mayroon din kayang impormasyon na makapagpapatunay na may katotohanan ang kanyang hinalang parehong laman ng gym ang dalawa? Binuklat naman niya ang case folder ng naunang kaso. Muli ay mabilis na pinasadahan ng kaniyang mata ang mga nilalaman ng mga ito. Binasa niya ang mga salaysay ng mga kapamilya ng nasabing biktimang ngunit walang koneksyon ang mga sinabi ng mga ito sa nais niyang mapatunayan. Hanggang sa dumako siya sa salaysay ng kaibigan nito. Ayon dito, nakatakda sana silang lumabas na magkaibigan noong araw iyon dahil kaarawan niya. Kaya nag-chat siya sa biktima upang kumpirmahin kung matutuloy ba ang kanilang pag-alis. Sumagot ito sa kanya na sa ibang araw na lamang nila ituloy ang pag-cecelebrate ng birthday ng kaibigan dahil may schedule siya sa gym sa hapon kayat mapapagod na daw ito at uuwi na lang daw ng bahay upang magpahinga. Kaya nga laking gulat daw niya ng mabalitaan ang nangyari sa kaibigan dahil buong akala niya ay umuwi na ito ng bahay pagkatapos magtungo sa gym.

'O di ba , may tama na naman ako,..' napaimik na naman siya ng mahina sa sarili.

Samakatuwid, dahil napagtanto niya na magaganda ang hubog ng mga katawan ng biktima, ipinagpalagay niya na bahagi ng routine ng buhay ng mga ito ang pagpunta sa gym at hindi nga siya nagkamali. Naggi-gym nga pala ang mga ito. Though it may seems obvious dahil mga seksi nga ang mga biktima natutuwa rin siya na may natuklasan siya ngayong araw. Kahit pa mga simpleng bagay lamang na tila wala namang kinalaman sa krimen. Sinasabi niya ito sapagkat hindi naman nangyari ang krimen sa gym. Isa pa, pareho namang umaga o sa araw nagpunta ang dalawang biktima sa gym samantalang gabi naman nangyari ang mga krimen. Bagaman parehong nagtungo ang dalawang biktima sa mga gym sa araw ng kanilang mismong pagkapaslang ay ano naman ang kinalaman ng gym doon? Tanong niya sa sarili. Sa paglalaro ng mga bagay na ito sa kaniyang isip ay tila napabalikwas siya sa pagkakaupo.

Sa gym. Sa gym? Anong meron sa gym? Ano nga bang meron sa gym? Bakit parehong nagtungo ang dalawang biktima sa kani-kanilang gym? Sa araw mismo kung kailan sila napaslang? Anong kinalaman ng mga pinuntahan nilang gym? Coincidental nga lamang ba? Saang mga gym ito? May naging partisipasyon ba ang gym sa mga naturang krimen?

Tila ba siya nataranta sa natuklasan. He want to dig deeper about the information that might led him to discover who commits the crime. All of a sudden, ang akala niyang impormasyong walang maitutulong sa pagresolba ng krimen ang maaari palang maging susi nito. Malaki ang posibilidad na matutumbok niya ang puno't dulo ng krimeng ito. There is also a strong possibility that both crime might be committed by only one suspect with regard to the method of killing. At sa pagkakataong mapatunayan niya na iisang tao lamang ang nasa likod ng mga pagpatay, sisiguraduhin niyang mapapasakamay ito ng batas. No matter what it takes.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login