Dollar's POV
Binuklat-buklat ko ang broadsheet pero wala pa din ang hinahanap ko. Iyong dyaryong panlalawigan naman ang hinanap ko pero wala pa din. Pero bakit wala?
Hindi ba dapat na mabalita iyong nangyari kagabi? Ang daming droga non ah! Di ba sinumbong ng vigilante na iyon?
"Why are you not eating your breakfast, Dollar?"
Nginitian ko lang si Lolo at nagsimula na ngang kumain. Baka magtaka sila kung bakit ako nagbabasa samantalang dati ay wala naman akong pakelam sa mga balita.
Tiningnan ko si Rion na nakatingin din sa 'kin habang humihigop ng kape.
Nginitian ko lang siya at nag-flying kiss. Gusto ko sana siyang tanungin kung saan siya galing kagabi pero nagbago ang isip ko.
Soon... saka na pag me karapatan na 'ko. Pag asawa na niya ko? Wehehe!