Dollar's POV
"Hindi ka sinipot ni Rion?"
Bigla akong napalingon sa pintuan ng kusina.
"Zilv? Tss! Akala ko kung sino."
"Answer me." Madilim ang ekspresyon ni tatay Zilv. Hindi ako sumagot, tinuloy ko lang ang pagsasalin ng fresh milk sa baso.
Ngayon ko na nga lang siya nakita ganun pa agad ang salubong niya sa akin. Pero syempre, si Zilv yan eh, walang paliguy-ligoy. Teka...Ba't niya nga pala alam?
"I just want to confirm, Duchess. At ngayon napatunayan ko na base sa reaksyon mo sa tanong ko."
Lumapit siya sa kitchen counter at humila ng stool para umupo sa tabi ko. Pinatong niya ang dala niyang basket sa harap ko. Syempre, masarap na almusal ang laman niyan. Number one rule ni Zilv: No one gets hungry when with him.
"Are you alright?"
Nabitin ang pagkagat ko sa sandwich dahil sa tanong niya. "Oo naman, nakangiti pa nga 'ko di ba? Why-ket?"
He sighed at mapagduda akong tiningnan. Tss! Dapat talaga nag-abogado 'tong lalakeng 'to.
"Don't worry, Dollar, I'll beat Rion for that."
"Zilv..." I said in a warning tone.
Hindi siya sumagot at sumabay na lang sa'kin sa pagkain ng almusal.
Uminom ako ng gatas at saka siya hinarap. "Zilv, hindi ba dapat ikaw diyan ang binubugbog dahil hindi mo din sinipot si bespren Shamari?"
Siya naman ang nabitin sa pagkagat ng sandwich at bahagya 'kong nilingon.
"Paano mo nalaman?"
I just shrugged my shoulders. "Hula ko lang. Wala ka kasi sa party atsaka sabay kaming umuwi eh, at narinig kong sinusumpa ka niya."
"Tss!"
"Bakit mo naman pinaasa si Shamari? Ang ganda pa naman niya noong isang gabi."
"It's just between me and her, don't ask."
"Okay, sabi mo eh."
Pinagpatuloy na namin ang pagkain, pero wala sa masasarap na sandwich ang pansin ko. Sa totoo lang, ayoko ng alalahanin ang nangyari sa party. Ay mali, wala nga pa lang nangyari.
Alam ko namang may dahilan si Rion... At naniniwala akong hindi niya ako pababayaan kahit kelan. Hindi siya ganong lalake...
^^^^^^^^
Al's Restaurant
"Hindi ka sinipot ni Fafa Rion?"
Napasimangot ako kay Euna na agad na lumapit sa'kin pagpasok ko dito sa kusina. At as usual, nakalimutan na naman niya ang mga hinuhugasang pinggan nang makita ako.
"Ba't mo alam?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo alam?"
"Huh?"
"Hindi mo alam kung bakit ko alam? At hindi mo din alam kung bakit alam ng buong school at siguro buong bayan ng Flaviejo?"
Napa-angat bigla ang tingin ko mula sa mga pagkaing hinahanda ni Chef Cathy papunta kay Euna.
"Ano?!"
"Hayaan mo baby Dollar, tutulungan kitang bugbugin si Stacy and his crew kapag nag-resume ang klase sa January o bakit hindi na lang natin puntahan ang mga bahay nila at tapunan natin ng bomba?"
"Anong kinalaman ni Stacy?"
"Nag-upload kasi siya ng mga pictures sa site ng SSC at sa blog niya about sa whole event ng party."
"So? hindi naman ako nag-pose sa harap niya ah."
"Stolen shots. Iba't ibang anggulo mo na naka-upo sa bench sa dilim. At kung anu-anong caption ang nakalagay like 'ambitious b*tch waiting for her death..' blah blah at iba pang nakakainsultong write-ups."
Talaga? 'Takteng Stacy na yan!
"Hindi lang ikaw ang pinagkakatuwaan nila, Dollar,may iba din silang estudyanteng pinag-trip-an, may mga worst dress, pauper of the night, idiots with social grace at wallflower. At hulaan mo kung sino ang nag-iisa sa pagiging wallflower?"
"Sino?"
"Si Shamari!"
Mga walang magawa sa buhay!
"Euna, pano nga pala nila nalaman na si R-Rion dapat ang escort ko?"
"Hindi naman nila sigurado. Pero dahil ikaw ang mainit sa mata nila na nakikita na pahabul-habol sa kanya, at wala din sa party si Rion, si Rion ang inisip nilang hinihintay mo. And they took the opportunity to ridicule you dahil nga galit sila sa'yo at inggit na din perhaps."
Hindi ko alam na may mga nagagalit sa'kin sa school, la naman kasi akong pakelam sa paligid ko.
"Dollar..."
"Hmn?"
Nilaru-laro ni Euna ang laylayan ng apron niya parang may gustong sabihin pero nag-aalangan.
"Ano ba yun Euna?"
"Andame kasing nag-comments at nagshe-share pa ng mga photos mo, alam mo na... ang daming may gusto din kay Fafa Rion...At umani ka ng limpak-limpak na haters...Wag mo ng basahin ang mga comments ha...naka-degrade ng pagkatao kasi eh..." bulong niya.
Inaasahan ko na yan eh. Ayoko sanang pakelaman pa, pero hindi ako ipokrita para i-deny na hindi ako naapektuhan ngayon. Mga tao talaga! Pinagkakatuwaan pa ang ka-miserablehan ng iba! Napahiya na nga ako sa sarili ko... Huminga ako nang malalim.
"Salamat, Euna sa balita."
"Dollar, sorry ha."
Nginitian ko lang siya at lumabas na.
Bad trip!
^^^^^^^^
"Hindi ka daw sinipot ni Rion?"
I groaned in frustration. Pati ba naman si Uncle!
"Hindi ako natutuwa sa ginawa niya sa 'yo, hija."
"Uncle..."
"Okay, okay, kalimutan na natin."
Tinuloy ko ang pag-aalis ng nail polish sa mga kuko ko nang may naisip akong itanong kay uncle.
"Uncle...ba't feeling ko ayaw ninyo kay Rion para sa 'kin?"
"Ba't ko naman siya gugustuhin? Nanliligaw na ba siya?"
Aah, I wish!
"Uncle naman eh."
"You don't know him, hija. Mas mabuti pa sigurong..."
"Kilala nyo ba siya, Uncle? May kinalaman ba kung bakit nakita ko siya dati sa basement?"
Napatigil siya sa pagluluto.
"I know him... Sino bang hindi makakakilala sa mga Flaviejo? And about the basement? Hindi ko alam iyon, at di ba pinagbawalan na kitang pumasok doon?"
I just shrugged my shoulders.
"Know what, hija, bakit di ka mag-pasko sa mga lola mo?"
"Sa Germany? No way!?"
"Dollar... Pagbigyan mo naman ang Lola mo na makasama ka."
"Ayoko, Uncle! Aapihin lang nila ko doon!" Napadiin tuloy ang pagkuskos ko sa bulak.
"Pa-aapi ka ba?"
"Syempre, hindi!"
"Iyon naman pala."
"Uncle alam mo namang may lihim silang galit sa'kin."
"At bakit?"
Dahil sinisisi nila 'ko sa pagkamatay nila mommy't daddy. Pero sa'kin na lang iyon. Pakiramdam ko lang naman iyon. Basta! hindi kasi kahit kelan naging magiliw ang mga grandparents ko sa side ni Papa.
"Basta Uncle, ayoko po. Mas masaya ang pasko dito no."
"Oo na nga."
Umiling-iling lang siya at mayamaya ay tinuloy na ang paghahanda ng hapunan.
Tinikwas ko ang mga kamay ko para tingnan kung maayos na ang pag-alis ko sa nail art. Haay...