Download App
55.22% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 37: Jaguar's Thoughts

Chapter 37: Jaguar's Thoughts

Rion's POV

Dinampot ko ang beach ball na tumama sa paanan ko.

"Excuse me?"

Narinig ko ang malambing na boses sa tabi ko. Tiningala ko ang isang babae na papalapit sa kinauupuan ko. She's clad in a daring two-piece, showing her fair complexion and curves.

Kung ako siguro si Moi, nginitian ko na din siya, pinatulan ang simpleng pagpapa-cute, have a chat with her and before the night will come, we're on. Pero hindi ako kasing playboy ni Moises na hindi kahit kelan hindi marunong humindi sa isang babae.

And I don't need to exert more effort in meeting women to satisfy my carnal needs. Serious relationship is a no, no for me.

Pinagulong ko palapit sa kanya ang bola at tumingin na ulit sa dagat. Totally dismissing her. Narinig ko pa ang tilian ng mga grupo ng babae na naglalaro ng beach volleyball malapit sa'kin. Those girls... kung anu-anong paraan ng pagpapa-cute.

In-adjust ko ang headphone at ni-review ang buong flow ng program para sa isang araw na natitira sa seminar and training. Natapos na ang kaninang activities kaya free time na ng mga participants.

Tatayo na sana 'ko para bumalik sa hotel nang maramdaman ko ang talsik ng tubig sa mukha ko.

"What's up, Rion boy?"

Nakita ko si Moi na kaaahon lang sa dagat, kasunod ang mga... well...probably his female victims.

"And what exactly are you doing here, Moi?"

"Hey, tapos na naman ang trabaho ko ah. At sumunod lang ako para mabigyan ng kasiyahan ang mga babeng participants nyo. Poor girls, ikaw lang ang nakita nila these past days. Tsk. Tsk. Tsk."

Nakiupo siya sa tabi ko at nakikain na din pagkatapos magpaalam sa mga babaeng kasama kanina.

"The truth is, inutusan lang ako ni Zilv. Kaya all-expense paid by Zilv ang bakasyon kong 'to, bwahahaha!"

"At bakit hindi si Zilv ang kumontak sa 'kin kung siya ang may kailangan sa'kin?"

"Dahil gusto niyang maramdaman mo daw ang pinapaabot niya."

"And that is?" I cocked my brow to that question.

"Nakikita mo ba 'to?" Itinuro niya ang gilid ng mukha niya na nagingitim dahil sa pasa.

At bago pa 'ko makakilos ay nasuntok na din niya ko. Dammit! I should have known that. Naramdaman kong natigilan ang mga babaeng malapit sa amin. Bumangon ako sa buhangin at nilingon si Moi na nakatayo na at nakataas ang dalawang kamay.

"Oh Rion, wag mo kong sasaktan. Parang awa mo na." He said that with pleading eyes at todo ang pagsisisi sa mukha.

"You look like a gay to me."

"Tss! Oh pwede na ba 'kong umupo? Hindi mo 'ko gagantihan?"

"At kelan ko pinatulan yang mga kalokohan mo?"

"Psh!" umupo na ulit siya sa tabi ko. "Si Zilv kasi ang may dahilan ng pasang 'to at sabi niya ipasa ko daw sa'yo nang mas doble kaya binilihan niya agad ako ng ticket papunta dito. Kung wala lang siyang inaasikaso, siya daw ang pupunta dito. Pero buti na lang ako ang gumawa niyan, kung hindi baka pareho kayong tutubusin ni Uncle Al sa city jail ng El Nido. You two really have some issues!"

Napaisip ako. What is Zilv's problem this time? At noong isang araw sa airport, nakita ko siyang naglalakad palayo. He must have talked Shamari and I wondered why.

"Hmn... Must be related about Dollar."

Nilingon ko si Moi dahil sa sinabi niya. "And what about her?"

He shrugged his shoulders and looked at me. " And why the sudden interest?"

Hindi ako sumagot. At tumayo na.

"Tama ba ang iniisip ko, Rion?"

"Malay ko sa iniisip mo."

"Dollar's avoiding you, that's why. At napansin iyon ni Zilv?"

Nilingon ko siya bago sinuot ang bull cap.

"May ginawa ka bang masama sa kanya?" Moi's face suddenly change to stoic.

"I don't know. Maybe, may be not. Why not ask her? Pero kung aminado akong may ginawa nga akong masama sa kanya, sasabihin ko iyon sa inyong dalawa and you'll be free to punch the hell out of me."

Pinag-isipan niya ang sinabi ko at mayamaya ay sumabay sa 'kin sa paglalakad.

"You know, Rion. Hindi talaga kita gusto para kay Dollar, knowing the dangerous life you'll offer to her kung kayo man sa huli ang magkakatuluyan. But I cannot also stand seeing her miserable."

Funny, wala akong matandaang sinaktan ko siya nang direkta para iwasan ako. If that was because of my rudeness, well I thought she's fully aware of that part of me. Or maybe she just got tired chasing me. And that's a very good one in my part.

"Baka naman inapi mo siya nang nasa inyo siya?"

"Nae."

I laughed shortly. If Moi could only knew.

"Hmn... Baka naman may ibang pinoproblema ang babaeng iyon? She's not in her usual self, nakakatakot sa katahimikan."

Narinig kong bulong ni Moi na papalayo sa'kin.

Kung ganon, iyon nga ang dahilan ni Zilv para papuntahin pa dito si Moi.Gusto kong magtaka paminsan sa protectiveness na pinapakita ni Zilv kay Dollar. The man is suicidal when it comes to her. At pati din si Moi. At gusto kong maiinggit dahil may karapatan sila...

Napailing ako. And what's that thought for?

Nadaanan ko ang mga souvenir shop at mga boutique. At bago ko pa man maisip ang ginagawa ko, pumasok ako sa isang shop. And bought that cute item I saw yesterday.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C37
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login