Shamari's POV
Ch-in-eck ko ang bilang ng mga participants na kasama sa three-day leadership training and seminar na gaganapin sa Palawan. At ang mga participants ay ang bawat chairman ng klase at presidente ng mga clubs o organizations.
And strange.... Wala si Viscos. Bakit kaya? Kung tutuusin ay chance na niya para magpapansin kay Rion.
"Have you checked everything?" Tanong ni Rion na nakalapit na pala sa'kin.
"Yes."
Hindi na ulit siya nagsalita. He scanned the group of participants. Hmn.....Must be searching for someone.
"Hindi aattend si Viscos. Kelan ba naging active sa ganitong mga activities ang babaeng iyon?"
Hindi siya sumagot. Bahagya lang akong sinulyapan at sumunod na sa mga kasamahan namin na naglalakad na palapit sa charter plane. Tss! Hindi talaga matinong kausap ang lalakeng 'to kahit kelan! Susunod na sana 'ko sa paglalakad sa tarmac nang maramdaman kong may humila sa braso ko.
"Hey! What the-----"
"Hello to you, too. Ms. Shamari." Said that familiar deep voice.
Sinalubong ko siya ng sampal nang makaharap ko siya pero bago pa man lumapat ang palad ko sa kanya ay napigilan na niya 'ko. And he gave my palm a wet kiss! Drat this man!?
"A-Anong kailangan mo?" Binabawi ko ang kamay ko pero mahigpit niyang hawak. Mauubusan talaga ako ng pasensya sa lalakeng 'to!
"You. Gusto kitang makausap."
Tiningnan ko mula sa glass wall ng airport ang charter plane. Any minute ay lilipad na iyon at malamang na maiwan ako. Kundi ba naman dahil sa lalakeng 'to!
"Dalian mo! Can't you see I'm in a hurry! Saka mo na lang ako kausapin!" Naglakad na 'ko palayo sa kanya pero inakbayan lang niya 'ko at ibinalik sa pinaglikuan naming pasilyo kanina. Bwiset talaga!
"Gusto kong malaman kung may kinalaman ka kung bakit malungkot si Dollar nang umuwi siya galing sa inyo."
"Wala!"
"Really? I know your very sharp tongue, honey. You tend to say hurtful words."
"So what?!"
"Alam mo kung anong ginagawa kong parusa sa mga matatalas ang dila." He said in a dangerous tone.
Tiningala ko siya at nakipagtitigan sa kanya. Kung inaakala ng lalakeng 'to na magpapasindak ako, well mag-isip-isip siya. And dammit! Why does he need to be so tall? Matangkad na 'ko sa karamihan pero ang lalakeng 'to... He's larger than life. Katulad din ni Rion. Pero hindi lang height ang nakaka-intimidate sa kanya kundi ang paraan niya ng pagtingin... and there's always his rugged handsomeness.
Napalunok ako nang humakbang siya palapit.
"Hmn? Shamari?"
"W-Wala nga! I didn't do anything to your precious little Dollar!"
Lalo lang nadagdag ang inis ko kay Viscos. Hindi ako makapaniwalang may isang kaibigan na grabe ang pag-aalaga at pagprotekta sa kaibigan niya. Dollar always got all the luck!
"Okay."
Pagkasabi niyon ay hinapit niya 'ko palapit sa kanya. And he claim my lips.
I was stunned for a while. Damn!This man could kiss! Very well. But I tried hard not to respond. Dahil matagal ko nang natutunan na kapag sinagot ko ang halik niya, tanda din iyon ng pagsuko ko. And I won't let him know that! Ever! Tinulak ko siya sa dibdib pero parang nagtulak lang ako ng pader.
He kissed me more... Encouraging me to respond through nibbling my lower lips. He's completely envading me and my senses.
At kung kelan handa na akong sumagot sa halik niya ay saka naman niya 'ko binitawan. And that adds to my anger. I shot him with dagger looks.
"Consider that as an early Christmas gift, Shamari. Not a punishment." Then he twitched the corner of his lips for a dry smile.
Humihingal pa din ako habang tinitingnan pa siyang lumayo na parang balewala ang nangyari. Damn you Zilv!
"Shamari."
Napalingon ako kay Rion na naglalakad palapit sa 'kin. Nang dahil sa lalakeng iyon, nakalimutan ko ng paalis nga pala kami. Kung hindi lang pag-aari ni Lolo ang charter plane, malamang naiwan na 'ko.
"Sinong kausap mo?"
"W-Wala." Bahagya kong hinarang ang sarili ko sa direksyon ni Zilv.
But Rion is now watching the back of that man with unreadable expression.
Bumaling ulit siya sa'kin at sinenyasan akong sumunod na
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.