Dollar's POV
Lumabas ako ng kwarto dahil sa uhaw. Alas-onse na ng gabi at dyahe naman kung itatawag ko pa sa intercom na dalhan ako ng tubig. Namamahay pa din ako.
Medyo madilim na ang hallway at ilang lamp na lang ang may ilaw. Parang gusto kong matakot. Naalala ko kasi ang mga kwento tungkol sa mga malalaking bahay. Tungkol sa mga multo...
At wish ko lang na mahanap ko ang papunta pababa. I always have this poor sense of direction. Madalas akong maligaw, katulad na lang nang unang makilala ko si Lolo nang mapadpad ako sa coconut farm. Lumiko ako sa isang pasilyo. At sa isa pa... At sa isa pa ulit...
And voila! Nandito ulit ako sa tapat ng kwarto ko! Ano ba yan! Maglalakad na lang sana ulit ako nang may mahagip ang paningin ko na puting... tela?
White lady ang kahuli-hulihang gugustuhin kong makita! Pinihit ko ang doorknob ng kwarto pero dahil sa panic ay hindi ko mabuksan nang maayos. Bakit ba kasi ako nauhaw!
"Psst, Viscos!"
Nilingon ko ang white lady.... "Sha---ma--ri?"
"Kapag natatakot ka pala ay nasasabi mo ang pangalan ko no?"
"Shawari! Ikaw nga!"
Wooosh... Akala ko talaga ay white lady na. Paano ba naman kasi, white silk robe ang suot niya na ang haba ay umabot hanggang sakong niya. At nakalugay din ang buhok niya. But still, si Shamari nga 'to. Katakot ang kaseryosohan sa mukha niya. Hehehe!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"I should be the one asking that question."
Hmmn.. Parang narinig ko na rin yun ah....kay Rion...nang magkita kami sa port. Pareho talaga sila ng sinasabi kahit kelan.
"Inimbitahan ako ni Lolo Buko na magbakasyon dito. O di ba ang saya! Taga-dito ka din pala!"
"What?!"
"Yup."
"At sinong Lolo Buko?"
"Ahm... si Don Marionello."
"So, talagang gumawa ka ng paraan para makalapit kay Rion?"
"Huh? Hindi ah, hindi ko din alam na siya 'yon."
"Really?"
"Promise." Kinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Lolo. Tahimik lang siya. "He's a friend of mine." Ewan ko kung naniniwala siya sa mga sinabi ko.
"So ikaw ang tinutukoy ng mga katulong na bisita."
"Yeah. And... I got it! Apo ka ni Lolo?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Kaya pala.... Magkapatid sila ni Rion....? O magpinsan? Pero bakit hindi iyon nabanggit sa 'kin ni Euna? At bakit hindi siya namin nakasabay sa dinner kanina? Pati si Rion, wala pa din.
"Anong ginagawa mo dito sa hallway? Hinahanap mo ba si Rion?" pag-iiba niya ng topic.
"Uhmn.. hindi, nauuhaw kasi ako. Kaso naliligaw ako, hehehe!"
"Follow me."
Sumunod ako sa kanya. Haaay... Buti na lang. Ang baet talaga niya no? Pero hindi siya aware.
Para sakin, hindi makikita sa mga ngiti ang kabaitan ng tao. Katulad na lang ni Shamari, kahit lage niya akong inaangilan, ramdam kong gusto niya 'kong maging kaibigan. She may be cold and unfeeling but she sure possessed a golden heart that she remain hidden from people's eyes.
Nauuna siya sa'king maglakad kaya napapagmasdan ko siya. Maganda rin ang tindig niya. She's like a model from one of the runways in Paris. She walks with full of confidence. Beauty and brain. Hmn... Pakilala ko kaya siya kay Zilv?
Ang mga katulad niya ang tipo ni tatay Zilv. Ang babaeng katulad niya ay kailangan ng lalakeng kayang tumapat sa kanya sa lahat ng bagay. At oras na para magtino si tatay Zilv. Wala naman kasi akong pakelam sa mga dine-date niya kaso hindi ko pa din ma-take ang mga babaeng iyon.
Tama!
"Bakit ka pumapalakpak?" lingon sa 'kin ni Shamari nang makarating kami sa kitchen.
Nginitian ko lang siya at kumuha ko ng isang basong tubig. Aaah! Heaven! Kauhaw talagang maligaw dito.
"Shaw, may boyfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya nang pabalik na kami.
"None of your business." she snapped.
"Hmn... ibig sabihin ng ganyang mga sagot ay wala pa. Kung meron naman kasi at kung in-love ka sa kanya ay malamang na ipagmamalaki mo siya."
"Ewan ko sa 'yo."
"How about meeting a friend of mine? Zilv ang pangalan."
Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdan.
"He's handsome, you know, in rugged way. At mayaman din. At kaya niyang patakbuhin lahat ng sasakyang may makina, from chopper to yacht. He loves animals at may maliit siyang zoo sa likod ng bahay niya. He doesn't eat spinach. Pero matakaw siya sa mga homemade cookies. At basta na lang siya natutulog kahit saan siya abutan ng antok. Strikto pero mabait. At fetish niya ang malilinis na kuko sa paa, at saka--"
"Stop!"
Grabe, natigilan ako sa madilim na aura na nilalabas ni Shamari, hehehe!
"Kung gusto mong magkasundo tayo ay wag mong babanggitin ang pangalan ng... ng... 'langyang lalakeng iyon!"
That's... a first time na narinig ko siyang magmura. She's always been composed. Hmn?
"Okay...? But Zilv is-- ooops!"
"Ugh!" iyon lang at iniwan ako ni Shamari.
At bago 'ko makakilos ay nawala na siya sa paningin ko. Hanla! Paano 'ko makakabalik sa kwarto?
^^^^^^^^
Ang laki ng problema ko ngayon. Naliligaw lang naman ako. Tsk! Sobrang laki kase ng bahay na 'to. Haaay...
Umupo ako sa paanan ng isang pinto. Nangangalay na 'ko. Bakit naman kasi nilayasan ako ni Shamari. Ano kayang problema niyon? Napaka-walk out queen.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Hindi kaya nagkakawalaan ang mga taong nakatira dito? And thinking about sa mga tao dito.... hmn.... nasaan kaya si Unsmiling Prince?
A part of me feels afraid to the idea of seeing him. Kasi nga... anong sasabihin ko sa kanya? About the basement thingy? But the other side is dreading, longing and wanting to be this near to him... Imagine, nasa bahay na niya 'ko mismo? At magbabakasyon pa. Sinong hindi baliw ang aayaw na mapalapit sa subject ng kanyang kabaliwan? Ang saya!
"Aaaah!"
Naramdaman ko ang pagbagsak ng likod ko sa marmol na sahig dahil sa biglang pagbukas ng pintong sinasandalan ko.
Teka... Fatal ba ang pagkakabagsak ko? Am I dead? Bakit parang kaharap ko na ang isa sa mga binata ni San Pedro? Pero bakit half-naked ang angel na 'to? At naka-jeans?
"Stand up."
Pinakiramdaman ko muna ang likod ko bago dahan-dahang bumangon. Parang kinabahan ako bigla. Paghuhukom na yata. I gave Rion a once-over. Hmn...
Grabe, bumalik ang uhaw ko ah. An angel, indeed. And a very tough one. Ito ang first time na nakita ko ang well-muscled upper body niya. Pinong balahibo... washboard stomach... May nakasampay na towel sa balikat niya at kinukuskos niya ang basa niyang buhok. Hmn...bagong ligo ah. I'm feeling this urge to throw myself to him and feel his strong, protective arms around me... Hehehe! Bilog ang buwan, malandi lang.
"H-hello..." alanganin akong ngumiti sa kanya.
"Hello to you, too." he greeted seriously.
Okay, that's it. Kailangang malaman ang dapat malaman. Para mawala ang mga nakakalokang tanong sa isip ko.
Warning: Huwag bababa ang tingin. Nakakadistract! I cleared my throat. Bwiset, bahala na nga.
"Ikaw ang lalake sa basement di ba? Wag mong itatanggi, may ebidensya 'ko, your voice...your smell..at nang ibigay mo sa'kin ang sapatos ko."
Ilang segundo bago siya sumagot. "So?"
Laglag ang panga ko. Anong so?
"H-Huh?"
"You're talking about the kiss, ayt? That's already a history, ang tagal na."
Tulalei ako.
"H-Huh?" ulit ko. Paano ba pinakikibagayan ang mga ganitong usapan?
"Go to your room, Dollar."
That's it! Inamin na niya mismo. But... But how could he!? Kung sabihin niya iyon ay parang napakawalang kwentang bagay niyon. Samantalang ilang gabi ko iyong pinagnilay-nilayan at pinoroblema ng todo!
Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad. Ewan ko kung nasan na 'ko, pero naawa yata sa'kin ang langit dahil natanaw ko ang balcony.
Dirediretso 'ko sa nasa kanang kwarto.
^^^^^^^^
Rion's POV
Hinarang ko ang braso ko sa papasarang pinto. Ugh! That hurts.
"R-Rion?" sumilip si Dollar. She looked worried. "O-Okay ka lang ba?"
"Yeah." Nilakihan ko ang pagkakabukas sa pinto. I frowned when I saw the entire room.
So ito pala ang ilang araw na pinagkakaabalahan nila Nana Saling?
"Should I know earlier that you'll be the guest here, na-suggest ko sana na powerpuff girls ang theme ng kwarto mo."
She didn't answered. Nakatungo lang. Dammit! She looked lost. Ganoon ba kasama ang mga pinagsasabi ko kanina? I really suck with words. But what were the right things to say? Women before come and go nang hindi naman namin pinaguusapan ang mga ganong bagay. But with this girl... of course... she'll always be different.
"M-May sasabihin ka ba, Rion? Matutulog na kasi sana 'ko."
Rion? Where's the Unsmiling Prince? I looked down at her. Ngayon ko lang siya nakitang naglugay ng buhok. She looked cute... no, cute is only for babies. She looked regal and elegant, even with that oversized pink T-shirt only.
"Huy, Rion?"
"Nothing important. I just wanna welcome you in this house... properly."
I grabbed her waist, dipped my head down her and kissed her lightly on the lips. "Feel at home."
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.