Download App
37.31% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 25: His Stares

Chapter 25: His Stares

Dollar's POV

Tsk. Tsk. Tsk! Wala akong maintindihan sa binabasa ko! Parang nakikinita ko na ang mababa kong grade kapag pinasa at nireport ko 'tong papel na 'to!

Nakakainis talaga ang ginawa ng lalake sa basement! Ugh! Erase! Erase! Erase!

Pero kahit anong iling ko at pikit, ayaw mawala sa sistema ko ang nangyari kagabi. Apektado lahat maski pagkain ko ng almusal, panliligo, pagsusuklay, pagmumuni-muni at ngayon nga ay apektado na din pati ang linsyak na report na 'to! T_T

Waaaaah! Hindi na po ako malinis at dalisay! Nakuha na po ang aking--

"Dolyar!!"

Napatingala ako kay Euna. Makabasag-ulo talaga ang boses ng babaeng 'to kahit kelan! Naki-upo siya sa 'kin sa bench. Nandito nga pala ako sa quadrangle. Pinakabukana 'to ng school kaya maraming estudyante.

"Hanu ba yan, gurl! Nagsuklay ka na ba? Para ka namang pinagsamantalahan niyan!"

"Huwaaaaah! Eufrocinaaaaaa! So true!"

"What? Napagsamantalahan ka nga? Where? Sino?" hysterical niyang tanong.

"Hindi ko nakita ang mukha!"

"Iyong amoy? Maski amoy niya? Naamoy mo ba?"

Natigilan ako. "Ahmn..."

Teka... Yeah. Naamoy ko nga 'yong lalake sa basement. Paano ba naman eh sumubsob nga ang mukha ko sa katawan niya di ba?

"Ano?"si Euna yan.

"Mabango."

"Tss, swerte mo. So tell me, anong feeling?" kung kanina hysterical ang pagtatanong niya, ngayon curious na curious naman, nagniningning pa ang mata. Parang gustong makabalita sa pinakabagong 'in' sa fashion. Me pagkabaliw talaga 'tong si Euna.

"Huy, ano ?" kinulbit pa niya 'ko.

Ano nga bang naramdaman ko?

Sama ng loob? Pero naramdaman ko lang 'yon matapos gawin ng lalakeng 'yon ang bagay na-- Ano nga bang naramdaman ko?

"Next question, Euna."

"Pss. Bruha ka talaga Dollar! Ikaw mapagsasamantlahan? Baka it's the other way around no. O kaya ay nanaginip ka lang. Yeah, ganoon nga 'yon. Sa sobrang kadesperadahan mo. Yeah, right, believe me, gurl, ranas ko na din yan. Sa sobrang gusto ko ng magka-fafa eh kung anu-anong napapanaginipan ko."

Sinimangutan ko siya. Paano ko ba masasabi sa kanya? Hindi ko matiis sa sarili ko ang bagay na 'yon. Alangan namang sabihin ko kay Zilv o kaya kay Moi. Napaka-awkward naman. At saka, di nag-amok ng away ang dalawang yun? I'll keep it to myself na nga lang. O ang mas maganda, kalimutan ko na lang ang nagyaring ambush kiss....

Binasa ko ulit ang ire-report ko. Pero ni walang ketone, toluene, ether, amide, carbaldehyde and other chuvalur chenez ang pumasok sa utak ko.

Si Euna, eto pa din sa tabi ko, nagfa-file ng kuko.

Napatingin ako sa parking lot at saktong pumarada si Rion. Si Unsmiling Prince! Diretso siyang nakatingin sa 'kin pagkababa pa lang niya sa Viper.

At dapat akong magdiwang di ba? Pero tinago ko ang mukha ko sa papel na hawak ko. Kainis! Parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya! Pakiramdam ko pinagtaksilan ko siya. Sorry Unsmiling Prince...

"Hoy, bruha, pa-cheesee burger ka naman! Nakatingin sayo ang kinababaliwan mo oh."

"Alam mo pala na crush ko siya."mahina kong sabi at binalik ang tingin sa report.

"Of course! Noong una mo pa lang tinanong sa 'kin ang tungkol sa kanya ay alam ko na. At paano kong hindi malalaman eh lage ka kayang nasa building namin? Ni hindi mo nga ako mapansin!."

"Nagtatampo ka na ba ng lagay na yan ha, Eufrocina?"

"Hindi naman. Basta wag mo lang akong tawagin sa buo kong pangalan, naaalibadbadan ako!"

"Ok, Eufrocina Joanna."

"Ugh! Euna lang! O iyan na ang prinsipe mong parang gladiator ang arrive. Palapit na, gurl. Pag niyaya kang sumayaw, sunggaban mo na ha!"

Napailing lang ako. Baliw talaga kahit kelan ang babaeng 'to. Buti sana kung tubuan ng disco ang buong quadrangle ngayong tanghaling tapat.

Binaba ko ang papel nang kaunti at sinilip si Rion. Nakatingin pa din siya sa 'kin.

Hanung naisipan ng lalakeng 'to ngayon samantalang ilang linggo na nga niya akong hindi pinapansin? Hangagang lumagpas siya sa harap namin ni Euna ay nakasunod pa din ang tingin ko sa kanya.

I was looking at the gorgeous sight of his back. Hanep talaga ang dating. Napansin ko din ang pagkatunganga ng ibang estudyanteng babae. Pati mga halaman na nadadaanan niya, nagkaroon ng bulaklak. Syempre joke lang yung huli. Haaay!

Ano bang nagyayare sa 'kin? Kanina lang namomroblema ako dahil sa nangyari sa basement, ngayon naman nakaka-pag-joke pa 'ko sa sarili ko. Psh!

Kung si Unsmiling Prince lang sana ang humalik sa 'kin, ang tuwa ko sana nang bonggang-bongga! Kaso isang talipandas sa basement ang gumawa noon!

Nilingon ko si Euna sa tabi ko. Ayaw ko sanang i-push ang topic tungkol sa pinag-usapan namin kanina. Hindi rin kasi matinong kausap ang babaeng 'to.

"E-Euna?"

"Hmn? Wat bebe gerl?"

"Kung nahalikan ka ng isang lalake na hindi mo nakita ang mukha... paano mo siya ma-makikilala?' tanong ko sa kanya ng pabulong.

"Aaah, ganoon ba ang nagyari sa 'yo?"

"Huh? Hindi ah! Hindi ah!"

"Sus nag-deny pa ang bruha! Pero tatlo lang yan eh. Una ipa-blotter mo, pero... wala ka nga palang alam na identification niya no? Ahmn, naamoy mo siya di ba? Eh di amuyin mo lahat ng lalakeng makakasalubong mo!"

"Yung mas matinong sagot, Euna."

Nag-isip siya ng ilang minuto. " Parang ganito yan, Dollar, gawin mo yung ginawa ng prinsipe ni Cinderella."

"Which is?"

"Di ba pinasukat niya ang sapatos sa mga babae para makilala niya ang tamang paa? Ganon din ang gawin mo."

"Teka lang ha? Nanamnamin ko muna..." Ipasukat daw ang sapatos para makilala ang tamang...paa?

"Ibig mong sabihin..."

"Go, Dollar, you can do it!" pag-chi-cheer ni Euna.

"HALIKAN KO ANG LAHAT NG LALAKE PARA MALAMAN KO KUNG SINO ANG HUMALIK SA 'KIN!"

Humagalpak ng tawa si Euna.

Tssss! Kala ko seryoso na 'to. Mas baliw pa pala siya kesa sa inaakala ko.

"Exactly, baby Dollar ! Bwahahaha!And you will know the guy base sa ahmn... intensity ng halik at sa naramdaman mo nong unang nangyari ang unang halik! Bwahahaha!"

"Ewan ko sayo! Baliw ka talaga!"

Iniisip ko pa lang ang mga lalakeng nakapila para halikan ko.... Eeew! Kakilabot! Pero bakit nga ba 'ko namomroblema sa lalakeng hindi ko na yata makikilala?

Ugh! Kasi nga siya ang first kiss ko? Langya naman kasi 'yon! First kiss na nga hindi pa tinagalan Anong sabi ko? Ah basta!

Ang dahilan kung bakit gusto ko siyang makilala ay dahil gusto kong ako mismo ang bubugbog sa kanya! Yeah! Iyon lang ang lohikong dahilan! Tama! Sasabihin ko kay Uncle ang tungkol sa talipandas na nilalang sa basement.

Niligpit ko ang mga papel na hawak ko. Kakalimutan ko na din ang bagay na 'yon. At ang first objective ko ngayong hapon :

Chase Rion more! Yeahba!

Tumayo ako bigla sa pagkagulat ni Euna.

"Grabe, Dollar ! Ikaw pa ang papatay sa'kin sa sobrang gulat! Anong drama yan? Para kang si Wonderwoman na susugod sa laban ah."

"I've moved on, Euna."

"Weh?"

"Tss! Sige dyan ka na. Ciao!" Dinampot ko ang bag ko.

I walk gracefully. Chin up. Chest out.

"Gurl! Magsuklay ka muna!"pahabol na tawag ni Euna.

^^^^^^^^

"Saan ka pupunta?"

Tanong ko sa kaklase kong nakasalubong ko sa hallway. Si Aron. Ang Vice-chairman ng klase namin. One look at him at alam mo na agad na matalino siya. Naka-eye-glasses siya at laging may dalang libro.

"May meeting ang mga chairman ng klase at president ng mga organization." Sabi niya at tuloy-tuloy sa paglalakad.

Oo nga pala, since wala akong kwentang Chairwoman, si Aron ang laging uma-attend sa mga meeting-meeting na 'yan. Hinabol ko siya at pinigilan sa braso.

"Aron, ako na ang aattend."

Tiningnan lang niya ako nang may pagtataka at walang imik na umalis na. I grinned.

Syempre, ang SSC President ang promotor ng lahat ng meeting na 'yan. Pinapangako ko simula ngayon na aattend na 'ko at magiging active sa mga activity sa school. And that will be because of my Unsmiling Prince.

Pumasok ako sa conference hall at nakita kong nagsisimula na ang meeting. Okupado na ang upuan sa conference table kaya umupo na lang ako sa gilid ng hall.

Grabe ang ambiance, parang UN Conference lang. Seryoso silang lahat. Pero may ibang mga babae sa hall na kung makatingin kay Rion ay parang ang sinasabi niya ang kalutasan ng problema sa mundo. Meron din na hindi naman nakikinig at nagpapa-cute lang sa kanya. At syempre kabilang ako sa mga babaeng 'yon.

Malas nga lang nila dahil all eyes sa'kin si unsmiling Prince. (^_^)

Pero teka lang, parang kanina ko pa napapansin na grabe siyang makatitig sa'kin ah. Na-realize na kaya niya na para kami sa isa't isa ?O gusto niya lang akong sindakin sa mga intent look-intent look na 'yan para tigilan ko na lahat ng pangungulit ko sa kanya?

Pero whatevah the reason is, kailangan sulitin ang moment.

Medyo nakahalata na ang ibang mga estudyante sa pagtitig sa'kin ni Rion habang nagsasalita siya kaya napapasulyap sila sa direksyon ko.

But I don't need their questioning looks. Kay Rion lang ang mahalaga. Kahit wala namang espesyal sa mga titig niya. Ganoon pa din, hindi mabasa kung anong iniisip niya.

His eyes have no shades of emotion. Pero ok lang, at least pinapansin na niya ako. Bawing-bawi ang mahigit dalawang linggong kalungkutan!

At dahil nga sa ganitong 'eye contact' sa pagitan naming dalawa, lalo na tuloy akong walang naintindihan sa meeting. Bumalik lang ako sa earth nang malakas na sinigaw ni Shamari ang pangalan ko.

"B-Baket bespren?"

"Ugh! We're asking your suggestion about the coming Halloween activity!" said Shamari and rolled her eyes.

Halloween activity? Oo nga pala, malapit na ang November. Ano nga bang activity ang bagay para sa Halloween? At kailangan pa ba talagang magka-activity?

"I suggest na... na maging isang linggong bakasyon ang Halloween, as in no classes, at hindi kailangang pumunta dito sa University." I grinned pero nawala ang ngisi ko nang makita ko na parang wala namang nasiyahan sa sinabi ko.

What's wrong? Sa tingin ko, iyon ang pinaka-magandang suggestion para sa pagse-celebrate ng Halloween. Dapat tahimik at walang mga activity-activity na 'yan. Umupo na ulit ako nang magpatuloy sila sa pinag-uusapan nila na parang wala akong sinabi. Kiber ! Bahala sila. Tinanong ako ng suggestion eh di sabihin !

Napansin ko si Rion na tahimik na nakaupo sa unahan. I waved and smiled to him nang tumingin ulit siya sa 'kin. Grabeng kalandian na 'to ah. Pero anong magagawa ko kung ganito kalaking biyaya ng langit ang binigay sa 'kin ngayong hapon? Bagong development. La la la la la la la la la la!

Sa wakas, nakita ko silang nagtayuan na. Ibig sabihin tapos na ang meeting.

At syempre pa, mabilis pa sa kidlat na nasa tabi ako ni Unsmiling Prince. Pero kung gaano ako kabilis, ganoon din ako kabilis natabunan ng mga estudyanteng gustong kumausap sa kanya. May nagtatanong ng kung ano, may pinapapirmahang kung ano at may iba na wala lang at nakisiksik sa tabi niya.

Asar ha! Naghintay na lang ako sa pintuan. Mag-isa ! What a pathetic me! Sige! Sa inyo ang hapon ni Rion pero akin ang gabi ! Bwahaha!

Ilang minuto pa at nakita kong palabas na sila ng pinto. Pinauna na niya ang ibang estudyante at tumayo sa tapat ko.

"Wait me at the parking." Iyon lang ang sabi niya at sumunod na sa mga officers na kausap niya.

Abot-tenga ang ngiti ko.

^^^^^^^

Alas-seis na. Bale thirty minutes na 'kong naghihintay dito sa tabi ng Flat Black Dodge Viper ni Rion.

Kakaunti na lang ang mga estudyante at medyo malamig na din. Pero ano lang ba ang mga iyon kung pagdating naman pala niya dito ay yayain na niya 'kong magpakasal? *Dreamy eyes

Iyan ang resulta ng mga pagtitig-titig niya. Kahit sinong babae ay aasa at magiging ambisyosa. At ako ang nagunguna sa listahan. Umupo ako sa hood ng Viper. Upo lang hindi higa. Dahil noong huling humiga ako sa kotse niya ay nabuking sila powerpuff girls.

I smiled to the memories. Wala na 'yon sa'kin. Ang mahalaga si Rion ang involved. Tss... Kung si Rion nga rin lang sana ang lalake sa basement. Haaay...

"What's the deep sigh for?"

Nilingon ko si Rion na binuksan ang passenger's seat.

"A-ah wala. Bakit mo nga pala 'ko pinapunta dito?" matamlay kong tanong.

Parang gusto ko ng umuwi na lang at bukas na magpa-cute. Linsyak na halik na 'yon. Bigla ko na naman naalala. At kung maaalala ko lang 'yon habang kasama ko si unsmiling Prince, pakiramdam ko pinagtataksilan ko siya.

Pero paano ko naman magagawang maalala about doon kung kasama ko nga si Rion di ba? Ewan ko? Parehong malakas ang dating sa'kin ng halik na iyon at ni Rion. Nahahati ako sa dalawa.Hindi ko maintindihan. Baliw na nga yata ako.

"I'm sorry I made you wait. Sakay na."

I gasped. "B-Baket? Hindi naman bumabagyo ah?" Anong naisipan ng lalakeng 'to?

"So? Gabi na at dahil pinaghintay kita, responsibilidad kita ngayon."

"Sigurado ka? Baka naman... dahil wala ka lang 'companion' ngayon?" I challenged.

"Believe me, Dollar, I can get one from those girls if I really wanted to." Hindi siya nagyayabang, sa halip ay iritado na ang tingin niya kaya umupo na rin ako sa passenger's seat. Nice new car. Pangalawang beses na magkasama kami sa loob ng kotse niya. Nang kami lang!

"Bakit mo nga pala 'ko iniiwasan dati? May nagawa ba 'ko noong huli tayong magkasama, Unsmiling Prince?" tanong ko lang kahit wala na iyon sa 'kin.

He just shrugged his shoulders and continued driving.

"Then why the sudden change of atmosphere between us, huh?"

"I don't know."

"Anong plano mong sabihin sakin nang sinabi mong maghintay ako sa parking?"

"Nothing... important."

"Tss. Ano ang nag-udyok sa 'yo para yayain akong maghintay sa parking?"

"Wala." Sagot niya at bahagya akong sinulyapan.

Psh! Bakit ba may mga lalakeng ayaw sumagot nang matino kapag ayaw talaga nila? Kahit meron naman dapat silang sabihin o maging reaksyon sa isang bagay? Kaasar minsan!

"What about the stares? Anong itinitingin-tingin mo sa'kin, huh?"

"I just want to stare, that's why."

"Bakit mo gusto?"

"May mga bagay na hindi mo na dapat malaman kung bakit. And that's one of those. So would you be kind enough to keep silent?" sinabi niya iyon na parang nagpapangaral sa isang maliit na bata.

Hmp! Para dahilan lang ng pagtitig niya, ipinagdamot pa! At tumahimik daw, di tumahimik!

Imbes na matuwa ako ay mas naiinis ako. Hindi dahil sa matitinong sagot niya kundi dahil sa bagay na naiisip ko about sa basement. Lalo kong naaalala ang bagay na 'yon nang sabihin sa 'kin ni Rion na tumahimik ako. Kung hindi lang sana ako sumigaw ng sumigaw at sinunod ko ang utos ng 'misteryosong lalake' sa basement na tumahimik ako, di sana hindi ako nahalikan nang wala sa oras! Pakiramdam ko tuloy, lage akong mapapahamak dahil sa kaingayan ko.

Lumingon ako sa bintana, ewan ko kung nasaan kami. Kahit naman medyo moody ako ay gusto ko pa ding makasama si Unsmiling Prince lalabs.

Let him take the wheel. Magdadasal na muna 'ko na sana tumagal pa ang byahe namin...

^^^^^^^

Rion's POV

Man, this is bad! Kahapon pa namali ang takbo ng mundo nang halikan ko siya. I should not have done that in the first place. Pero paano ba magpatahimik ng isang maingay na babae?

May inaayos ako sa motorbike ko nang makita kong gumalaw ang pinto papuntang basement. And I knew that it was not Moi neither Zilv. So I turn off the lights through the remote control and hide in the dark. And the rest is history.

But worst came to worst when I saw her in the quadrangle. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan.

Kanina sa meeting, parang gusto ko siyang hilahin palabas. And kiss her in the corner of the hallway to my heart's content. But thank God for little sanity. Kaya nagkasya na lang ako sa pagtingin-tingin.

It is as if through my possessive gaze, I've marked my territory. And as if through that kiss, I've been bounded for her.

And then again, madali na ulit nasira ang pangako ko sa sarili kong iiwasan ko siya. Patunay na nga ngayon 'tong ginawa kong paghatid sa kanya. I stole a glance at her.

She seemed at peace. Hindi man lang nagtanong kung saan ko siya balak dalhin. She trusts me that much. And that thought made a little kick to my stomach. Dammit!

Ayokong masanay sa mga ganitong emosyon! 'Cause this is really bad for me. As Rion Flaviejo. And as the Jaguar.

"Dollar?" I called her attention but she didn't respond.

"Dollar." ulit ko.

"Silent mode." she said.

I smiled. This girl is very cute and expressive. Tingnan mo lang ang kumikibot-kibot niyang labi at masasabi mo na kung masaya, asar o nang-iinis siya.

"Powerpuff." I whispered. Umirap lang siya sa 'kin at nag-pout.

That pouts again!

"Remember what I told you about those pouting lips, hmn, Dollar?"

"Na mukha akong nagpapahalik pag nagpa-pout ako? Ugh! Eh bakit nong sumigaw ako ay may humalik sa'kin, hindi naman ako naka-pout!?"

That's it! I was fishing. Gusto kong malaman ang reaksyon niya tungkol sa nangyari sa basement. At bigla siyang tumahimik nang ma-realize niya siguro na nadulas siya sa sinabi niya.

"What do you mean?" tanong ko.

"WALA!" she snapped and crossed her arms over her chest.

She looked troubled. But can I blame her? Sinong matinong babae ang matutuwa kung hindi niya kilala kung sino ang humalik sa kanya?

"No need to be hysterical, Dollar, tinatanong ko lang naman kung anong ibig mong sabihin."

"Wala nga sabi eh! Wala!''

''Don't shout, Dollar, I might kiss you."

And that made her quiet. Parang bata na tinakot ng magulang.

I found this conversation very odd. Hinding-hindi mangyayare ang ganito sa kahit na kaninong babaeng nakikipag-date saken. At ngayon lang ako nag-enjoy makipag-usap sa isang babae.

And realizing those things, another bell rings in my head that it is going to be very bad...for me... for us.

^^^^^^^^

Dollar's POV

Kinakalimutan ko na nga ang bagay na 'yon tapos iyon pa ang ipapanakot ni Rion sa 'kin? Baka pagsisihan niya ang pananakot niya dahil wala akong balak urungan iyon no!

Pero hindi na ulit na-push ang topic about the 'pouting lips followed by kiss'. Hindi na siya umimik ulit at napatuloy na lang sa tahimik na pagmamaneho. Nabuhay lang ang hasang ko nang matanaw ko na papasok kami sa isa sa mga mamahaling restaurant sa Flaviejo!

''Magdi-dinner tayo ha, Unsmiling Prince?'' I grinned.

Another first time with him huh? Oh my heart!

"Yeah."

"Together? Only the two of us?" paninigurado ko.

"Depende kung gusto mong kumain mag-isa I don't mind."

"Syempre hindi no!" Mas nauna pa 'kong bumaba kesa sa kanya.

"What's with the excitement? Ngayon ka lang ba nakapunta dito?" tanong niya at ni-lock ang Viper.

"Hindi naman, pero first time kong magdi-dinner kasama mo."

Parang kaaalmusal ko lang sa sobrang sigla ko. Napailing lang siya. At parang gusto ko din isampay ang braso ko sa braso niya. Like a real dates.

Sa balcony na tumatanaw sa dagat kami pumwesto.

And he's a real gentleman over dinner kahit tahimik lang siya. Gusto kong magbukas ng topic habang kumakain kami pero sasawayin lang niya 'ko at sasabihang ituloy ang pagkain ko. Mala-Zilv din pala siya. Pero ok lang, mas lalong sumarap ang specialty ng restaurant lalo pa't nakikita kong madalas siyang nakatingin sa 'kin.

Ang saya ko ngayong gabi. Sobra. And it's not because of the place or the circumstance.

It's him. This very man. This is one of the nights I will relish.

And I'm hoping, na kapag hinatid niya ko pauwi mamaya, hindi niya ulit sasabihin sa'kin na iwasan ko siya.

Dahil alam kong hindi ko na kaya.

At sasabihin ko ulit sa kanya ang sinabi ko noong gabing yun.

Looking at his dark eyes I know... It's hard to back out now...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login