Dollar's POV
Tiningala ko ang mataas na estante ng mga libro sa opisina ni Uncle. Ang totoo, hindi naman talaga ako mahilig magbasa, pero dahil wala akong magawa ngayong gabi, dito ako pinulot. Ayaw ko pa kasing umuwi. Kalahating oras na 'ko dito pero wala akong makitang magandang basahin. Puro tungkol sa business. Sumuko na 'ko at umupo na lang sa sofa. Pinagmasadan ko na lang ang buong opisina ni Uncle. Malinis at malawak.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang mahabang conference table sa kaliwa. Teka, sino ang ka-meeting dito ni Uncle? Sigurado akong hindi ang mga empleyado ng restaurant and billiards wing dahil may sadyang room para doon sa first floor. Pero ano bang malay ko sa trip ni Uncle?
Tumayo ako at inusisa ang mga painting, paperweight, figurine, at mga naka-display. Binuhay ko din ang flat TV sa sulok pero pinatay ko din agad dahil wala namang magandang panoorin. Lalabas na sana ko nang mapansin ko ang isang pinto malapit sa conference table. Lumapit ako sa pinto at kinatok iyon. Akala ko gawa sa kahoy dahil sa kulay pero base sa tunog niya, gawa siya sa isang matigas na bakal. Tinulak ko iyon ng konti at dahan-dahang iyong bumukas.
Madilim sa loob noon. Pumasok na 'ko nang tuluyan. Hindi naman siguro magagalit si Uncle. Wala naman akong gagawing masama. Konting usisa lang.
Nakita ko ang hagdan dahil sa liwanag na nanggagaling sa opisina ni Uncle. Bumaba ako pero gusto ko na sanang bumalik nang nasa kalahati na 'ko dahil tuluyan ng dumilim. Pero tinuloy ko na din. Nangingibabaw ang curiosity sa 'kin. Kumapit na lang ako sa pader bilang alalay at nangangapa ng switch ng ilaw pero hanggang makababa ako sa landing ay wala akong makapang switch o kahit anong bagay.
Psh! Medyo mataas din iyon ah. Mga sampung baitang siguro. So? Ano na ngayon? Wala namang kakaiba sa kwartong 'to. Kwarto? Or is it a basement? Yeah. Basement nga siya. Isang malawak at madilim na basement.
Lumakad ako papuntang gitna. Wala naman yatang nakaharang sa sahig na ikadadapa ko. I just spread my arms searching for something to hold. Para 'kong tanga. Para 'kong nakikipaglaro ng taguan habang nangangapa sa dilim ng matatayang kalaro.
"Yoohooo! May tao ba dito?!" Tuloy pa din ako sa pagkapa nang mayamaya ay muntikan na 'kong madapa. Kinapa ko kung anong bagay ang nasagi ko sa sahig..
A toolbox. At ang mga laman niyon sa loob ang narinig kong tunog.
Bakit naman may ganoon dito? Tinuloy ko na ulit ang paglalakad ko sa dilim nang may maramdaman akong parang tumitingin sa 'kin. And I had goose bumps. Oh my!
Patakbo akong bumalik sa pinanggalingan ko pero may nabangga ang binti ko na nakapagpawala sa balanse ko. Pero bago 'ko bumagsak, may nahablot akong laylayan ng... damit? And alas! Sabay kaming bumagsak sa sahig!
"Sh*t." someone cursed.
Awts! Sumalpok ang mukha ko sa ... Teka lang kakapain ko lang.... Ok... sa abs. Sa abs sumalpok ang mukha ko. Kumapa ulit ako pataas... Leeg. Taas pa... Ok, may nakapa akong ilong. Ginamit ko na ang dalawa kong kamay para kapain ang mukha ng kung sino mang lalakeng to.
Wait! Lalake?
"AAAAHHHHH!"tili ko. Napabangon tuloy ako at napaupo sa tiyan niya sa sobrang gulat.
"AAAAHHHHH!
"SHUT UP!" Parang kulog ang boses ng lalake.
"AAAAHHHHH!
"Shut the hell up. Ugh! Ikaw na nga ang nanghipo ikaw pa ang natakot!'
"AAAAHHHHH!
He pulled himself to sit down so I landed on his lap. Nararamdaman kong ang sagwa ng posisyon namin. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang takpan ng kamay niya ang bibig ko. Kinagat ko ang kamay niya at pinagsusuntok siya.
"Stop it!"
Nilabanan ko siya. Pero parang nag-evaporate ang alam ko sa martial arts dahil sa lakas niya. Pinigilan niya ko sa palapulsuhan ko kaya inuntog ko na lang ang noo ko sa noo niya. Medyo nahilo ako nang konti pero alam kong mas nasaktan siya. Napamura pa siya nang mahina.
Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko kaya nakatayo agad ako. Tatakbo na sana ko pero hinawakan niya ko sa dalawang braso at sinandal sa pader.
"Can you be silent for a while, huh?" medyo iritadong sabi niya.
"Silent mo mukha mo!"
Napa-praning na ako sa mga naiisip ko. Nasa isang madilim na basement kami at malay ko ba kung rapist siya at pagkatapos niya akong pagsamatalahan ay isasako niya ako at itatapon kung saan o kaya pwede niya na lang akong iwan dito at ilang araw pang mare-recover ang katawan ko! A perfect crime!
"AAAAHHHHH! napatili na naman ako dahil sa naisip ko. Pero sa apat na sulok lang ng basement nag-echo ang tili ko. Uncle!!! Wala bang nakakarinig sa'kin mula sa kitchen ng restaurant? Gaano ba kalalim ang basement na 'to?
"Shut up, lady!"
Tumili ako ng tumili. Wala akong pakelam kung magasgasan ang lalamunan ko!
"AAA--" Naipon sa lalamunan ko ang sigaw ko nang kabigin niya 'ko palapit sa kanya at...
^^^^^^^^
Alvaro's POV
Papasok sana 'ko sa backdoor ng restaurant nang masalubong ko ang pamangkin kong si Dollar na nagmamadali.
"Dollar, bakit ganyan ang mukha mo?"
Her face is flushed. Namumula ang pisngi at parang iiyak na ewan.
"U-U-uncle?! A-a wala po, s-sige uuwi na po 'ko." At nilagpasan na 'ko.
Ano kayang nagyari doon? Mga kabataan talaga ngayon, hindi mo maintindihan minsan. Napailing na lang ako at tumuloy na sa opisina 'ko sa second floor.
Walang ingay akong pumasok at nakita ko si Rion na nakapamulsang nakikipagtitigan sa pintong bakal na papuntang basement.
"Bakit hindi mo lagyan ng security code ang pintong 'to para hindi basta-basta mapapasok?" sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin.
Napangiti ako. Malakas talaga ang pakiramdam ng batang 'to para malaman na ako ang pumasok.
"No need, Rion. Ligtas ang basement. At wala namang mahalagang nakatago doon kundi ilang sasakyan ng grupo. At walang makakapunta dito sa opisina ko nang hindi ko nalalaman. Kahit yung makulit kong anak na si Cheiaki at si... teka, galing dito si Dollar ah. Nagkita ba kayo?"
Lumingon siya sa'kin at diretso akong tiningnan. "No."
"Good."
Wala akong balak na ipaalam kay Dollar ang trabaho kong 'to. At lalo na ang involvement dito ni Rion at ng dalawa niyang kaibigan.
"I better get going."
Tumango lang ako at sinundan siya sa pinto papuntang basement. Pinindot ko ang remote sa kamay ko at bumaha na ng liwanag sa buong basement.
Bawat isang miyembro ng team ay may ganoong remote para sa lightings ng basement at para din sa automatic na pagbukas ng bakal na gate palabas sa makipot na daan na tumutumbok sa highway.
Sumakay si Rion sa sasakyan niya.
''Rion?'' tawag ko sa kanya.
Tiningala niya ko sa hagdananan.
"I-Ingat ka, hijo."
The lad just smiled at me lazily and made a salute. At inilabas na ang Viper sa basement.
I was stunned for a while. Ganoong ganoon din ngumiti at sumaludo si Daniel bilang batian naming magkakaibigan noong mga binata pa kami.
At idagdag pa ang malaking pagkakahawig ng dalawa. Napangiti ako.
Well, as the saying goes...
Like father like son...