Dollar's POV
"Unsmiling Prince! Sandali!"
Grabe kanina pa 'ko tumatakbo pero nakarating na lang siya sa parking lot ay hindi ko pa din siya maabutan. Huminto siya sa isang Red Dodge Viper at binuksan sa pamamagitan ng hawak na key fob. So? Iba na naman ang kotse niya? He's that rich huh?
"Unsmiling Prince!" tawag ko ulit nang makalapit ako sa kanya.
"What?" tanong niya at umupo sa driver's seat.
Nakababa ang roof ng Viper kaya kitang-kita ko pa din siya. Nilapit ko sa mukha niya ang basket na kanina ko pa dala-dala.
"What's this thing?" at tinaas niya ang isa sa mga candy na nasa loob niyon.
"Candy. Here's a basket of sweets for a sweet man like you!" at nilapit ko ulit ang basket sa mukha niya. OK, ang corny ko no? Pero napadaan ako kanina sa isang shop na nagbebenta ng mga sweets at naalala ko si Rion kaya ayun, napabili ako ng isang basket ng candies, sweet polvoron at kung anu-ano pa.
"No. Hindi ako kumakain ng mga matatamis. And I'm not sweet. I prefer to be bitter." And he started the engine.
"Sige na! Ayaw mo kasing tanggapin 'yong sukli mo sa tickets kaya pinambili ko na lang nito."
"No. Umalis ka dyan."
"No." at lalo pa 'kong sumandal sa gilid ng kotse niya. "Sige na tanggapin mo na." Binuksan ko ang isang candy at isusubo sana sa kanya pero nilayo niya ang mukha niya. "It's my thank you gift."
"For what?"
"For coming to my life. Ahahaha!"
"No, umuwi ka na." and glanced at me lazily.
"Ikaw talaga, lagi mo na lang akong pinapauwi."
"Kesa magpakalat-kalat ka dito, now, go home."
"Tanggapin mo muna 'to."
"No."
"Tanggapin mo lang naman tapos kainin mo mamayang gabi para maalala mo ko."
"No."
"O kaya ipang-display mo na lang sa tabi ng kama mo para 'yan ang una mong makikita tuwing umaga and you 'll smile dahil maalala mo 'ko."
"No."
"O tanggapin mo na lang tapos itapon mo sa daan mamaya."
"No, ikaw ang kumain niyan."
"Ok." At lumakad ako sa unahan ng Viper nya at padipang humiga sa hood.
Aaah, this is life! Ang sarap humiga sa hood ng multi-million car.
Naramdaman kong lumabas ng kotse niya si Unsmiling Prince at lumapit sa 'kin. Pumikit lang ako. Hmp! Magsawa ka! Dami mong arte! Ikaw na nga ang binibigyan diyan ng regalo.
"Bumangon ka dyan!"
"No." sagot ko.
"Aalis na ako at bahala ka dyan."
"Ok, mas maganda nga 'yon para malaman ko na kung saan ka nakatira. So, let's go?" tiningala ko siya at ang dilim-dilim na talaga ng mukha niya.
"Mukha kang palaka dyan."
"Kokak!"
"Dollar." he called me in a warning tone.
Aaw! Tinawag niya ulit ako sa pangalan ko kahit may tonong pagbabanta.
Tiningnan ko ulit siya at ang madilim na ekspresyon sa mukha niya, pero may isa pa 'kong nakikita... Desire...? Nakahilata nga pala ko sa kotse niya at sa harap niya. Pero hindi ako sure kung iyon nga ang nakikita ko. Paano ba sinisibulan ng pagnanasa ang mga seryosong lalake na tulad niya?
"Hmn, ang sarap matulog dito, 'lika Unsmiling Prince, tabi ka sakin, para lang tayong nagde-date."
I heard him cleared his throat. At nag-iwas ng tingin.
"Sige na, wag ka ng mahiya!"
"I'm warning you." He said grimly.
"I know and I'm scared!" Ngumisi ako.
Minulat ko ang mata ko at nakita ko siyang nakakunot-noo at mayamaya ay nagpigil naman ng tawa? Anong problema nito? Napabangon tuloy ako at napa-upo.
"Baket?"
He cleared his throat again at iniwas ang mata sa 'kin.
"Huy, baket?"
"Ibaba mo yang skirt mo. Nakikita ang favorite characters mo."
Tinungo ko nga ang sarili ko at-- I gasped! Kitang-kita ang short shortS ko na may design ng power puff girls. Oh my! Nakakahiyaaa! I wanna die! Bakit iyon pa ang kailangang makita ni Unsmiling Prince? (T_T)
Napatayo ako bigla at nilingon ko siya na nakasandal sa gilid ng kotse. Umaalog ang mga balikat niya at namumula ang tenga. Ugh! Tinatawanan pa 'ko ng hudyo!
"So? Natawa ka na dahil doon? Huh?!"
Syempre, pagtataray ang panlaban sa pagkapahiya. Asar! Nakaka-inis talaga!
"I'm glad I made you laugh, Hmp! Maka-alis na nga." At dinampot ko ang basket at ang bag ko.
Pero hindi ko mahila ang basket dahil hawak din niya iyon.
"What do you think you're doing? Huh? Ayaw mo naman di ba?" singhal ko sa kanya.
"Yeah, pero ibinigay mo na 'to sa 'kin."
"Binabawi ko na."
Asar talaga! Nakikita ko pa ang pagkislap ng amusement sa mata niya! Nakakahiya! Bakit ba ito pa ang nasuot ko?
"No, akin to." Mabilis niyang inagaw ang basket at nilagay sa passenger seat.
"Kukunin mo rin pala, hinintay mo pang maki--"
"That's a lesson, Dollar. Huwag kang basta hihiga kung saan lalo na't ang suot mo pala ay..."
At talagang binitin niya ang pagsasalita! Lumelevel-up ang pagka-asar ko ah! Wala naman masama sa pagsusuot ng undies na may tatak ng characters di ba? 'Yun nga lang, wag mong ipapakita sa iba. At inakala ko pang naaakit siya sa 'kin!
Binuhay niya ulit ang makina ng kotse niya at nagsimulang umandar palayo. But not before I see him smile through the side view mirror...
Thank you for spending time to read my first story. Lots of love!
Creation is hard, cheer me up!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!