Download App
11.94% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 8: Sa Al's Billiards

Chapter 8: Sa Al's Billiards

Dollar's POV

Pumasok ako sa Al's Billiards at napansin ko na tumahimik ang isang panig niyon. Nandoon ang grupo nila TakBoy. So I made an impression huh.

Dapat lang 'yan sa mga lalakeng hindi marunong gumalang sa mga babae lalo na sa mga waitresses.

Diretso ako sa bar counter, nandoon sila Zilv at Moi. Sumandal ako sa gilid ng counter katabi nila habang tahimik silang nanonood sa mga naglalaro.

Parang nahuhulaan ko na kung ano ang itatanong nila after 3 seconds ah. Three, two, one.

"Saan ka pa galing?"si Zilv.

Sabi ko na nga ba eh.

"Hoy, Dukesa, mamaya kung ano na 'yan ah, nakauwi na lahat ng mga scientists sa university pero kabukod-tangi kang nahahapunan sa school. Anong pinaggagawa mo? Sumagot ka!" walang tiradang sita ni Moi. Scientists nga pala ang tawag niya sa aming mga nasa Science Department.

"Naks Moi, para kang nanay ah. Si Zilv parang tatay sa pagka-usisero ikaw naman parang nanay kung magsalita. We are one happy family. Ang saya!" at pumalakpak pa ako.

Sumimangot lang si Moi at pinisil ang ilong ko.

"Ano ba 'yang inaasikaso mong 'yan?" tanong ni tatay Zilv.

"Ay, yung love life ko."

Bigla nila akong nilingon. Halata ang shock sa mukha. Naks, sa wakas, nagulat ko din si Zilv, lage kasi syang kalmado. Ni hindi nga siya nagugulat kung masangkot man ako sa anumang gulo o kung malaman man niya na ako ang pasimuno ng gulong 'yon. Until now...

"What did you say?" tanong ni Moi, hindi magkaintindihan sa pagsasalubong ang kilay.

"You heard me, guys." Balewala kong sabi at dumampot ng cornicks na pinupulutan nila kanina. Pero humahagalpak ako ng tawa sa utak ko. Nakakatuwa ang reaksyon nila. Two handsomes na daig pa ang mga magulang na binalitaan na nagtanan ang anak nila.

Biglang tumayo si Moi at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Anong pangalan niya ha? Mabuti ba siyang tao? Maasahan? Igagalang ka? Kaya ka ba niyang buhayin?"

Gusto ko sanang matawa pero seryoso si Moi. Ngayon lang 'to, lage kasi siyang nagbibiro.

Tiningnan ko naman si Zilv, tatahi-tahimik lang siya pero gagawa na 'yan ng sarili niyang pag-iimbestiga. Ganoon sila ka-paranoid sa kaligtasan ko. Masyado nila akong bine-baby. Mas parang magkakapatid nga kami kesa magkakaibigan at magkababata.

"Basta ang masasabi ko lang sa inyo ay... mas gwapo siya sa inyong dalawa."

"No way." reklamo ni Moi. "Who's the unfortunate guy?" tanong pa niya at bumalik sa pagkaka-upo sa stool chair.

Napangiti ako. Naalala ko si Unsmiling Prince. Sasabihin ko na ba? O sige na nga. Sila lang naman ang mga kaibigan ko.

"Marionello Flaviejo, Rion for short." I proudly said.

Ilang segundong katahimikan.

"F*ck." Zilv muttered .

Blangko naman ang ekspresyon ni Moi.

What's the matter?

"Putulin mo kung ano mang relasyon mo kay Flaviejo, Dollar Mariella." grabe ang dilim ng aura ni Zilv. Nakakatakot kahit hindi siya sumisigaw.

"Hahahaha! Iniisip niyo ba na boyfriend ko sya? Ganoon kalaki ang pananampalataya nyo sa kagandahan ko no? Pero wag kayong mag-alala, I'm still working on it. Hahahahahaha!"

Daanin ko na lang sa tawa, pero pahina nang pahina ang tawa ko dahil sa nakikitang reaksyon nila. Hanung meron? Kung nakakatakot na kanina ang mga reaksyon nila, mas lalo ngayon. Bakeeet? May sinabi ba akong mali?

"Are you nuts?" nakangiwing tanong ni Moi.

"Baket wala namang masama ah. Dalaga ako, binata siya, gwapo siya, maganda ako. At saka bakit ganyan kayo mag-react? Hindi naman siguro ako ang unang babaeng nakilala ninyong manunuyo sa lalake, danas ninyo na 'yon for heartthrobs like you."

"But you are different from those women." Seryosong sabi ni Zilv na humarap na sa'kin.

"Wag kayong mag-alala, kontento na ako sa pagpapa-cute sa kanya, pero kung gusto niya rin ako at yayain niya akong maging girlfriend well madali naman akong kausap, walang problema. Big bonus 'yon sa'kin. Hehe!"

"You don't know him." Si Zilv. Parang hindi siya mapakali. Weird.

Pero hindi na masyadong seryoso, 'yong tono niya na parang wala na siyang magagawa dahil alam niyang matigas ang ulo ko.

"Bakit, kilala nyo ba siya?"

Nagkatinginan. Anong problema nila?

"What you see is not always what you get, Duchess. Looks could be deceiving, you know."

Napangiti ako.

"Iyon ngang mysterious effect niya ang isa sa mga nakaakit sa'kin." taas-baba pa ang mga kilay ko.

"Tigilan mo 'yan Dukesa. Kung gusto mo na talagang magka-love life sige ako ang hahanap. No, no, no, mga tarantado nga pala ang mga kabarkada ko. Basta, Kailangan munang dumaan sa'min ni Zilv lahat ng Poncio Pilatong mali-link sayo! And that's final! Period. No erase." Si Moi at pinukpok pa ang counter ng isang kamao.

Pinitik ko ang noo niya."Nagpa-uso ka na namang lalake ka."

"That's a serious one, Duchess." Sang-ayon ni Zilv kay MOi.

Nag-smirk si Moi at proud na proud na pinanigan siya ni Zilv, minsan lang kasi maki-ayon si Zilv. Here they go again to their infamous rule.

"But that's unfair!" dabog ko ng konti, with matching pagpadyak pa ng paa.

"No. Not Marionello Flaviejo, Duchess." pinal na sabi ni tatay Zilv at tumayo na, tiningnan si Moi para iparating na aalis na sila.

May klase pa nga pala ang dalawang 'to.

"Why?"tanong ko.

No response.

"Don't mess up, you two!" sigaw ko dahil palabas na agad sila. Pero hindi man lang ako inintindi, parang walang narinig. Kainis!

Pumunta ako sa kitchen at doon ko naabutan si Euna, breaktime niya kaya nagbabasa lang siya sa cellphone niya sa isang sulok. Kung hindi lang sana busy si Euna sa pagtatrabaho at kung madalas lang kaming nag-uusap at nagkakasama ay baka best of friends na kami. Pero sabagay, magkaibigan naman kami.

Bigla na lang siyang tumawa nang malakas habang absorbed na absorbed pa din sa binabasa niya at hindi ako nililingon.

"Oy, Dolyares, grabeng pout ng lips yan ah, kita ko sa gilid ng mata ko. 'Nong problema mo? Sinong nam-bully sayo sa school, resbakan natin."

"Wala. Sila Zilv at Moi kasi eh."tumabi ako sa kanya.

"Aba ang alam ko dati, ikaw ang nambu-bully sa dalawang fafable na 'yon."

"Ewan ko sa kanila. Ano ba yan?"

Nakiusyoso na ako sa binabasa niya.

"Hmp. Grabe talaga 'tong babae dito, buong mundo na nga ang pumipigil sa kanya na lumapit sa lalake tuloy pa din siya. Ni hindi nga siya gusto ng guy eh. Kainis." palatak ni Euna.

"Bakit mo pa binabasa kung naiinis ka lang?"

"Gusto ko kasing malaman kung anong gagawin ng luka-lukang bida sa huli. Will she continue or give up?"

"Aaaah..."

Para pa lang hindi nalalayo ang plot ng kwentong 'yun sa drama ng life ko ngayon. So far, sila Zilv at Moi pa lang naman ang tumututol sa propaganda kong panliligaw kay Rion. Sila pa lang naman. Ang dalawa kong bestfriends.

"Kumusta ang pinakamaganda kong pamangkin?" tiningala ko si Uncle. Chubby siya at palangiti pero seryoso kung kailangan magseryoso. Siya at ang anak niyang limang taong gulang na si Chieaki ang tangi kong pamilya.

Tututol din ba si Uncle kapag nalaman niya ang pinaggagawa ko? Malamang. Madadagdagan ba ang anti-DollaRion love team?

"Heto pinakamaganda pa din."

Tumawa lang siya at pagkatapos akong sabihan na maghapunan na ay umalis na siya at nakitulong sa mga kusinero.

Pero bakit nga ba ako namomroblema? Seryoso na ba talaga ako sa nararamdaman ko kay Unsmiling Prince para habul-habulin siya ng ganoon? Ano sa tingin nyo?

Itext kung OO o HINDI sa 1110 for globe and TM and Sun at 0001 naman for Smart and Talk and Text subscribers.

Pero hindi!

Hindi katulad ng plot na'yon ang kwento ko! Dahil hindi pa naman sinasabi ni Rion na ayaw niya sa'kin at hindi pa rin niya ako pinipigilan. Kaya nga malakas ang loob ko. Hanggat hindi siya mismo ang pipigil sa'kin, ay hindi ako papapigil!

"Halaaa! No way! Lowbat pa. Dead na!" si Euna naman ang nag-pout.

"Akina, icha-charge ko sa taas."

May limang kwarto kasi sa taas. Isa sa'kin. Isa ang opisina ni Uncle, isa ang kwarto niya, kay Cheiaki at isa para sa storage room. Nandoon ako minsan pag ayaw kong umuwi sa bahay na ilang metro lang ang layo dito sa bar.

"Mamaya na lang, magta-time na din ako." Naka-pout pa din ang addict na reader.

"Ooops, teka lang Dollar!"

"Baket?"May inilabas siya sa bulsa niya.

"Dahil alam ko namang maganda ka, matalino, madaldal, madaming connection at madiskarte ay hihingi sana ako ng pabor sa'yo na makakatulong sa pagtupad ko sa'king mga pangarap sa buhay, and I will owe it to you more than you can imagine dahi---,"

"Sus, diretsahin mo na ko, Eufrocina!"

Bukod sa hindi kami nagkakalayo ng wavelength ng utak ng babaeng 'to ay pareho din kaming maraming sinasabi.

"Eto, eto na tsararaaaaan!" at iwinagayway niya sa harap ng mukha ko ang ilang piraso ng papel.

Kumuha ako ng isa. Andameng nakasulat.

"Tama, tama ang iniisip mo, baby Dollar."

"Ano ba ang iniisip ko?" Wala naman akong iniisip ah.

"Ang talino mo talaga! Yeah it's a ticket, raffle ticket."

"At ibebenta mo sa'kin ang," Binilang ko lahat ng hawak niya. ", lahat ng benteng piraso na 'to?"

"Pwede rin, pero dahil alam kong kuripot ka ay ipapakiusap ko lang na ibenta mo sana. Fifty pesos lang ang isa. Pwedeng in dollars, hehehehehe!"

"Okay, teka para san ba 'to?"

"Pyesta samin sa Barangay Onse next week,may beauty contest, candidate ako, bwahaha!"

"What? Sigurado ka na ba?"

"Hoy, wag mong inaapi ang beauty ko ah, hindi tayo nagkakalayo ng alindog at ganda no, sa aplaya lang ako lumaki kaya tan ako."

"Oo na. Wala naman akong sinabi."

"At iyon na nga, may beauty contest at malaki ang mapapanalunan, kailangan kong kumayod. 50,000 ang mapapanalunan ng tatanghaling Miss Barangay Onse. Tutal wala naman akong pag-asang manalo sa mga socialite sa University naten kaya doon na lang sa barangay namin. Bibili kasi ako ng bahay at lupa. Bwahaha!"

"50,000 para sa bahay at lupa! Sa sindikato ka na lang kaya sumali kesa sa beauty pageant na 'to?"

"Believe me girl, naisip ko na din yan."

Sabay kaming natawa.

"May award din kase ang contestant na pinakamaraming mabebentang raffle tickets. At mananalo din siya ng appliances na mapapanalunan ng mabubunot na ticket. Kaya kahit hindi ako ang manalo overall ay sana makakuha ako ng mga appliances di ba?"

Bilib din naman ako sa gut feeling niya at tama siya, maganda din naman siya, pero syempre next to me, hehe! Height lang pinagkaiba namin at complexion.

"Ok, sige dagdagan mo pa ng 20 pieces to"

"Wow, you're a true friend Dolyares! Hindi ka lang maganda, matalino, mabaet, may puso ka pa, girl, congrats!"

"Oo na,oo na, alam ko na yan, universal truth na 'yan eh."

"Sige babalik na 'ko sa trabaho ko, thanks ulit!"

"Sige." Yung sampung piraso, kay Zilv ko ibebenta, yung sampu, kay Moi.

Kanino kaya iyong benteng piraso?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login