Download App
2.98% RION aka Jaguar (Complete) / Chapter 2: All About Him

Chapter 2: All About Him

Dollar's POV

Kinuha ko ang .45 calibre na laging nasa ilalim ng kaha. Ikinasa at saka ipinaputok ilang dangkal ang layo sa mukha ng malaking lalakeng nakasandal sa dingding.

Natahimik ang buong Al's Restaurant and Billiards at napatingin sa direksyon ko. Ilang segundo ring ceiling fan lang ang maririnig bago nahimasmasan ang mga tao at bumalik sa kanya-kanyang laro ang mga lalakeng customer at ganoon din sa kani-kanilang gawain ang mga waitress.

Seryoso kong tiningnan ang lalakeng tulala pa din dahil sa ginawa ko habang hawak pa din ang baril.

"Maglalaro ka nang maayos o mambabastos ng mga waitress dito?" tanong ko.

Hindi sumagot si TakBoy pero umayos siya sa pagkakaupo. Mayamaya pa ay bumalik na ang nakasanayang atmospera sa lugar.

Binigyan ko ng huling tingin ang mamang mukhang goon at ibinalik ang pansin sa pagbabasa ng magazine.

Nandito ako sa pag-aaring restaurant and billiards ni Uncle Al, ang ex-navy kong tiyuhin na umampon sa'kin nang maulila ako nang apat na taong gulang pa lang. Itinayo ito ni Uncle nang magbitiw siya sa serbisyo. Bata pa lang ako ay tumutulong na 'ko sa mga trabaho dito. Hindi naman ako inoobligang magtrabaho pero nasanay na din ako at mas gusto kong tumuloy dito sa bilyaran pagkatapos ng klase o kapag weekends.

Malayo ito sa mismong city. Hindi lang paglalaro ng billiard ang dinadayo dito, pati na rin ang mga specialties ni Uncle. Maganda rin ang ambience at mahigpit si Uncle pagdating sa kalinisan. Ang mga customer namin ay mga biyahero, at mga karaniwang parokyano. Pero karamihan sa kanila ay mga lalake at karamihan sa mga lalakeng iyon ay mga siga, tambay, basagulero at kilalang mga pasaway sa bayan namin. Hindi maiiwasan ang gulo pero magaling namang sumawata ng away si Uncle.

'Atsaka matakot sila sa Uncle kong malaki ang katawan dahil sa nakasanayang training sa navy no. Kahit pa nga may edad na rin.

Nilibot ko ang tingin sa mga kalalakihang naglalaro. Okupado lahat ang sampung billiard tables. Wala si Uncle ngayon kaya may malalakas ang loob na magsiga-sigaan katulad na lang ni TakBoy.

Hindi ako natatakot. Bata pa lang kasi ako ay tinuruan na 'kong lumaban katulad na lang ng paghawak ng baril at iba't ibang martial arts. That's the other side of me behind the sweet image na madalas na nakikita ng mga tao.

'Yung ginawa ko kanina, alam kong hindi ikakatuwa ni Uncle kapag nalaman niya. Pwede ko nga naman na tawagin si Kuya Baste (isa sa mga tagakuha ng tong).

" Oy tisay, ako na diyan." Kinalabit ako ni Ate Inday. Siya talaga ang cashier pero dahil nga saling pusa lang ako sa mga trabaho dito ay ako ang pumapalit sa mga nagte-take ng break na mga nagtatrabaho dito.

Bitbit-bitbit ko ang binabasa 'kong magazine papunta sa kusina. Hinanap ko si Euna, part-timer siya dito at pareho din kami ng University na pinapasukan, magkaiba nga lang kami ng course. Third year na siya sa course na HRM, BS Chemistry naman ang akin at first year pa lang ako.

"Oy Dolyares! Bakit hindi ka pumasok ha?"Lingon niya sa'kin habang naghuhugas ng mga pinggan.

"Bakit, ikaw din naman ah!"

"Syempre, may duty ako." Sagot niya at nagkibit-balikat lang.

Miyerkules lang ngayon. May event ngayon sa University, hindi ko alam kung ano. Basta ang alam ko lang ay walang mga professors na magka-klase at hindi rin required ang attendance sa kung anong event na 'yon. Kaya hindi na 'ko pumasok. Siguradong maraming tao sa school, at iyon ang ayaw ko, ewan, nahihilo ako pag nakakakita ng maraming tao. Buti sana kung ang makikita ko lang ay si Unsmiling Prince.... sitting coolly on his throne.

*Dreamy eyes

Pero malas ko lang noong Lunes nang hapon kasi nakita ko si Stacy sa room na iyon and that's when I knew na iyon pala ang office ng Students' Council. Hindi na 'ko tumuloy, baka sirain pa ng bruhang iyon ang paghahanap ko sa imaginary barya ko at ang moment sana namin ni Unsmiling Prince.

Well, nalaman ko naman ang name niya, Marionello Flaviejo, nakita ko kasi siyang lumabas sa room ding 'yon at narinig ko nang tawagin siya ng isang babae na estudyante rin.

Hmmnn... Ano kayang posisyon niya sa SSC?

Pabangong gamit? Bango eh, naamoy ko ng konti. Halata ding maganda ang katawan kahit naka-upo. Paano kaya yun mag work-out? Naka-short? Naka-boxer? O naka--

"Aaaah! Ano ba yun?" nabigla ako nang makita ko na lang na may nagliliparang bula sa harap ng mukha ko.

Sinabuyan na pala 'ko ni Euna.

"Ano na namang devilish thought ang iniisip mo ha?" tanong niya, naka-arko pa ang isang kilay.

Kilala niya talaga 'ko.

"Huwalaa ah." Kaila ko at binuklat-buklat ang magazine.

Hmmp! Bakit ba ito pang magazine na 'to ang nabili ko, FHM na lang sana. Itutuloy ko na sana ang pagbabasa nang may maalalang itanong kay Euna.

" Oy Eufrocina," tawag ko sa kanya, enjoy na enjoy siya sa pagbabanlaw ng mga baso.

"Hmn?"

"May kilala ka bang Marionello Flaviejo?"

"Bata o matanda? Well kung 'yong old Marionello Flaviejo, iyon 'yong pinakamayaman na negosyante at ranchero dito sa North at may chika din na isa rin siya sa mayayaman sa buong Pilipinas. Maraming negosyo here and abroad. At ang ninuno niya ang pinagmulan ng pangalan ng bayang ito. ''

"Eh 'yung young na Flaviejo?" and fresh, hehe!

Natigilan siya bigla at mabilis na humarap sa'kin.

"Si Rion? Si Rion na apo ni Don Marionello, third year Business Ed. student, age is 19, 6 feet tall at yung weight niya ay nire-research ko pa, his wheels, Lamborghini Reventon at president ng SSC. Landslide ang kalaban niya noong nakaraang botohan. Ewan ko nga ba sa kalaban niya kung bakit kinalaban pa ang isang Marionello Flaviejo III. Eh with Rion's brain and popularity, wala na siyang binatbat.

Ah si Rion pala ang kalaban ng binoto ko sa pagka-presidente. Hindi ko naman kilala kung sinu-sinong partido ang mga naglaban sa SSC.

"At 97% ng population ng mga bumoto ay kanya at 90% sa mga yon ay kababaihan na syempre, pinangungunahan ko, hahaha! He is always just and fair, sa tingin ko nga ang administrasyon niya ang pinakamaraming nagawa." At pinahid pa ni Euna ang dalawang kamay sa apron na suot at nakigaya sa'kin sa pagkakasandal sa gilid ng lababo..

Kapag napakwento talaga siya ay nakakalimutan na ang trabaho.

"At grabe 'day ha, balita ko ang mga nagiging girlfriend no'n eh mga beauty queen o kilalang persona sa ibang exclusive schools din pero ilang linggo lang ang tinatagal, oh 'di ba ang cool, me pagka-playboy pa ang lolo mo. At grabe 'pag nagsalita na, mapapatunganga ka dahil parang sa bibig niya nanggagaling ang drive mong mabuhay!"

Exaggerated talaga 'tong si Euna kahit kalian. Pero kung si Euna pa lang ay ganito na ang sinasabi tungkol kay Rion, ano pa kaya 'yong ibang mga babae sa school? Isang sentence pa lang ang itinatanong ko ay andami na agad nasabi ni Euna. Reliable talagang kunan ng impormasyon 'tong babae na 'to.

"Iyon nga lang..." malungkot na sabi ni Euna at parang naalala bigla ang paghuhugas ng mga pinagkainan.

"Ano?"

"Ang mga lalakeng tulad ni Marionello Flaviejo ay mas maganda lang pangarapin at pagnasaan mula sa malayo"at humagikhik pa siya.

Hmn...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login