Download App
35.65% Ms. Hoodie / Chapter 164: Kabanata 164

Chapter 164: Kabanata 164

Sa DLRU,

"Mornin' guys wasup?" Ang bungad ni Dave.

"Ikaw lang?" Ang sambit ni Harvey at hindi naman sya pinansin nila Vince at Mimay na nag kukunwaring busy sa kani-kanilang telepono.

Napatingin naman si Dave doon sa dalawa at dinedma nalang niya "Oo ako lang naman nakikita mo eh."

"Shunga! I mean bakit hindi mo ata kasabay ngayon si Patrick?"

"Ahhh...ewan ko nga dun inintay ko text sakin kung magsasabay kami eh wala naman akong natanggap kaya nauna na ko kala ko kasi andito na sya yun pala wala parin?"

"Oo wala pa pati si Kelly."

"Ahhh...si Master naman laging kasabay ni nurse Kevin yun at laging late wala ng bago dun."

"Well...nga pala guys kamusta ang mga project niyo kay Prof. Mina? Wala pa kaming natatapos ni Alex eh wala kaming matapos tapos kayo ba guys?"

"Samin ni Nimfa okay naman na pero may kulang pa din pero kunti nalang naman eh okay na."

"Noiceee....sana ol...eh kayong dalawa dyan Vince? Mimay?"

"Ha?" Ang sabay na sagot nung dalawa.

Napabuntong hininga na lang si Harvey "Bakit ga parang wala kayo sa mood dalawa? Umagang umaga eh.."

Samanatala habang busy yung apat sa pakikipag usap paparating naman na sila Kelly at Patrick "Hoy!"

"Babe?"

Bineltukan ni Kelly si Patrick "Anong babe ang pinagsasabi mo diyang tukmol ka? Sapak gusto mo?"

"Pfft...ang cute mo talaga pag galit ka ang sarap mong i-kiss."

Sinabunutan siya ni Kelly "Ahhhh...aray..."

"Kapag hindi ka tumigil kakalbuhin talaga kita."

"O---okay...okay...chill! Ang HB eh agang aga'y."

"Subukan mo lang na banggitin sa tropa na doon ka samin natulog malilintikan ka talaga sakin!!!"

"Oo na! Alam mo namang nangako rin ako sa mga kuya mo eh."

"Yan! Mabuti ng malinaw buset ka!"

"Oo na! Pero swak na swak ang uniform sakinni kuya Kevin no?" Proud na proud na sabi ni Patrick at inayos niya pa ang kaniyang suot na uniporme na ipinahiram sa kaniya.

"Huh! Wag kang feeling maka kuya ka diyan! At ingatan mo yang uniform ni kuya wag mong babahidan ng dumi yan."

"Wag kang mag alala babe wala kang makikitang bahid ng lipstick stain dine."

Hinambaan naman siya ni Kelly pero napigilan niya ito at hindi napansin nung dalwa na nakarating na sila sa bukana ng kanilang classroom at napatingin ang mga kaklase nila sa kanila "A---anong ginagawa niyong dalawa?" Ang sabi ni Dave.

Napatingin naman yung dalawa at pandalas ng nag pumiglas si Kelly sa pagkakahawak sa kaniya ni Patrick "Ah...eh...wala naman..." Sumenyas naman ka agad siya kay Patrick at nag madaling umupo sa kaniyang upuan.

"Ayieee...bakit sabay kayo ha? Sinundo ka ba ni Patrick sa inyo Kelly?" Ang panunuksong sabi ni Harvey.

Nagkatinginan naman yung dalawa habang papaupo sa upuan niya si Patrick " Hin---hinde!!!" Anila.

"Sus...bakit parang namumutla kayo diyan?"

"Oo nga anong meron ha?" Ang sabi ni Vince na biglang sumigla.

"Tsss...wag nga kayo nagkasabay lang kami ni Patrick papasok dine sa University. Right Patrick?" Tinaasaan naman niya ka agad ng kilay si Patrick na animo'y nag sasabing "Umo-oo ka bilisan mo."

"Ye---yeah...nakita ko lang sya muntik pa nga syang madapa eh."

"Ano?!!!"

"Pffft...ahahaha...kahit kailan talaga lampa ka."

"Tsss...Wow...Vince nakakahiya naman sayo."

"Ano? Hindi ako lampa no."

"Tsss...hindi raw nahulog ka ng asa kanal noong mig abata tayo di ba Mimay??"

Hindi na rinig ni Mimay ang tawag sa kaniya ni Kelly dahil busy siya sa pakiki pag text "MIMAY!!!"

"Ha?"

"Ano gang ginagwa mo? Hindi mo pa ako binabati ng good morning!!!"

"Ah...eh...sorry busy kasi ako ka chat ko kasi si Mommy."

"Bakit may problema ba?" Ang sabay na sagot nila Vince at Dave at nagkatinginan sa isa't isa.

"Babygirl can we talk?"

"Ah? O---oo sige mamaya pa naman mag start ang klase eh."

"Sama kami." Ang sabay sabi nung tatlo.

"Girl talk!!! Girl ba kayo?? Lika na Mims."

"O---oo sige." At lumabas na nga yung dalawa.

"Tsss....ano naman kayang pag uusapan ng dalawang yun at kailangan pa nilang lumabas?" Ang sabay sambit na naman nila Vince at Dave at nag katinginan na naman ng masama yung dalawa.

"Eh...kayo namang dalawa bakit ga parang choir kayo diyan?" Ang sabi ni Harvey.

"Heh!" Anila.

"Tsss...Ewan ko sainyo! Pre Patrick, hindi talaga sa University lang kayo nag kasabay ni Kelly no?"

"Ano na naman ang ini-issue mo diyan?"

"Sus...Maniwala naman sainyo na papasok lang dine kayo nagka sabay feeling ko sinundo mo siya eh no?"

"Ewan ko sayo!"

"Bakit mo naman ikahihya eh nanliligaw ka naman sa kaniya."

"Hindi nga kasi ganon yon!"

"Curious rin ako dude hindi mo ko tinext kagabi eh sabi mo pupunta ka kagabi kila Master eh."

"Ha? Si—sinabi ko ba yun?"

"Oo kaya!!!"

Napaisip si Patrick at sa isip-isip niya "Tsk...oo nga pala sinabi ko sa tukmol na Dave na ito na pupunta ako kila Kelly. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako nakauwi samin baka kung anong isipin ng mga kumag na ito!"

"Dude!!!"

"Ha? Hindi ko na tinuloy!"

"Weh?"

"Bahala ka diyan! Tara samahan niyo ko sa cafeteria nagugutom ako."

"Gutom? Kararating mo lang nga hindi ka ba nag agahan?" Ang sabi naman ni Vince.

"Ah---ahm....ano kasi..."

Kanina sa bahay nila Kelly,

"AHHHHHH..."

Pandalas namang nagtungo si Kelly sa kwarto kung saan naroroon si Patrick at sabay-sabay rin namang nagising sila Kian "Ano yon?" Anila at pandalas na sa pag bangon at lumabas sa kani-kanilang kwarto.

Pandalas naman si Kelly ng bukas ng pinto "Ka Bang!!!"

"Anong nangyayare?" Aniya at nakita niya si Patrick na nakahawak sa bakal ng bintana at nakataas pa ang mga paa "A---anong...anong ginagawa mo diyan??"

"Ma---may i---pis!!!"

Humahangos naman ang mga kuya ni Kelly "Anong nangyare baby sis?" Ang sabay-sabay nilang sambit at chineck agad nila ang kapatid.

Sumenyas naman si Kelly sa kanila na wari'y sinasabing tignan ang sitwasyon ni Patrick "Anong....ginagawa mo dyan?" Anila.

"A---ano po kasi..."

At doon na nga nagpaliwanag si Patrick na may phobia sya sa mga ipis dahil noong bata sya pinagtripan siya ng mga kaklase niya sa elementarya na nilagayan ng sandamukal na ipis ang kaniyang locker pati ang kaniyang bag araw-araw sa tuwing siya ay papasok ng eskwelahan. Kaya simula nga noon diring-diri na sya sa mga ipis sa tuwing makakakita siya nito at ang worst pa nga ay lalagnatin siya at mahihimatay dahil pakiramdam niya ano mang oras ay baka pumasok ito sa kaniyang loob ng katawan dahil nagiging paranoid talaga siya

"Pfft...ahahaha...ipis lang takot na takot ka na? Ang babaw mo naman...ahahahahaha...sorry I can't help it eh kalalaki mong tao takot ka sa ipis? Hahahaha..." Ang tawang tawa na sabi ni Kelly habang nakatitig naman sa kaniya nag mga kuya niya "Wh----what?"

"Tsss...coming from you talaga babysis?" Ang sabi ni Kim.

"Baket? Kuya hindi naman ako takot talaga sa ipis no!!"

"Ahhhh...kaya pala hindi ka makapasok pasok sa kwarto ko."

"Kuya nakakadiri naman kasi ang mga alaga mo at iba ang nandidiri sa natatakot no! Di ba kuya Kevin?"

"Heh!"

"Kuya Kian si kuya Kevin oh..."

Na ngingiti lang si Patrick habang pinagmamasdang nakikipag kulitan si Kelly sa mga kuya nito bumulong naman sa kaniya si Faith "Ang cute nila noh?"

"Ho?"

"Payo lang wag mo sanang sasaktan si Kelly dahil hindi niya deserve ang masaktan dahil napaka inusente niya pagdating sa love. Dahil sinisigurado ko sayo oras na umiyak si Kelly dahil sayo tinitiyak kong hindi lang ang mga kuya niya ang makakalaban mo." Tinaasan niya ng kilay si Patrick at nag gesture ng "I'm watching you!"

Napalunok nalang sa kaba at sa takot si Patrick at nanahimik nagulat naman siyang bigla dahil tinawag siya ni Kian "Patrick!"

"H---Ho?"

Napatingin naman si Kelly kay Patrick "Wag ka ng umuwi malelate ka na sa school kung uuwi ka pa sa inyo."

"Hindi ayos lang po...bibili nalang po ako ng bagong uniform."

"Huh!" Ang reaksyon nung magkakapatid.

"Iba talaga pag richkid. Tsss...." Ang sambit ni Keith na para bang naiinis.

"N---No, hindi po sa ganun."

"Kevin, yung uniform mo ba ayos pa?"

"Um...tinago yun ni Mama pati yung sa inyo di ba?"

"Ah...mabuti kung ganun kuhanin mo at ibigay mo diyan sa "richkid" na yan."

"Ohhh...okay..."

"At ikaw Mr. Richkid hindi porket may kaya kayo sa buhay lahat nalang gagamitan mo ng pera minsan kailangan mo lang maging matipid at gamitin ang iyong utak. Wag mong iasang lahat sa pera dahil hindi lahat nabibili ng pera!"

"Ye---yes po noted."

"Ge, mabuti pa kumain na tayo ng agahan wag nating pinagiintay ang hapag."

"Yes kuya." Ang sabi ng magkakapatid at napatingin nalang si Patrick sa mga ito at naisip niyang "Wow...ang galing niyang mag salita. Pati sila Kelly napapasunod niya astig niya talaga!!!"

"Patrick!!!" Ang sabi ni Kian.

"Po?"

"Ano pang tinatayo tayo mo diyan? Halika na at kakain na."

"O—opo..." pero sa isip-isip nya "Makakain kaya ako nire ng ayos?"

Napangiti naman si Kelly na pakubli at sa isip-isip nya "Emeged!!! Tanggap na kaya nila kuya si Patrick para sakin? Waahhh...kinikilig ako!!!"

Napansin naman siya ni Jacob kaya hinila siya nito "Tita!!!"

"Ba—baby?"

"Ano pong nangyayare sa inyo?"

"Ha? What do you mean?"

"Napapangiti po kasi kayo diyan na parang baliw."

"Ha?Hahaha...sorry bunso may iniisip lang ako did I bother you?"

"Hindi naman po."

Ang laki ng ngiti ni Kelly habang nagsasalita sya "Sige na kain ka na baby."

"O---Okay po."

Hindi maintindihan ni Jacob kung bakit ganoon nalang ka saya ang kaniyang tita dahil noong gabi laang eh hindi maipinta ang mukha ng kaniyang tita Kelly "Ayoko na talagang tumanda nakakatakot parang nakakabaliw."


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Kabanyan's!!!! XD

▪︎Update daily po ulit tayo dahil hyper ako magsulat basta vote niyo po ako ah.Ahihihi...XD

▪︎ May ginawa nga po pala akong IG para chat niyo ko dun char...hahaha...para dun niyo po makikita ang updates ng ating book na Ms.Hoodie.♡

▪︎IG: @lyniarsnowball

I will accept you geysh follow me...kumatok muna kayo ah.hahaha...ilalagay ko rin po sa bio ko dne sa WN.Byieee...Lab ya'll...Godbless! Muah...♡

Love lots,

lyniar☆

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C164
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login