Download App
35.14% Ms. Hoodie / Chapter 162: Kabanata 162

Chapter 162: Kabanata 162

Kinagabihan sabay-sabay kumakain ng kanilang hapunan ang magkakapatid nila Kelly ng biglang may nag doorbell "Ding...Dong..."

"Oh? Gabi na may bisita pa kayo?" Ang sabi ni Kian.

"Wala ako kuya." Ang sabi nila Kevin at napatingin ang mga ito kay Kelly.

"Wa---wala rin akong bisita."

"Pero 7pm palang naman baka kung sinong kapitbahay lang yan kalma lang kayo mga bro." Ang sabi ni Faith.

"Sige Kevin tignan mo nga kung sino yung nag doorbell." Ang sabi ni Kian.

"Sige kuya." At nag tungo nga ka agad si Kevin sa labas.

"Kelly, bukas ba may pasok ka?"

"Opo kuya Kian bakit?"

"Wala naman kamusta ang pakiramdam mo?"

Nagkatinginan naman sila Kelly at Jacob "O---okay lang ako kuya bakit naman po hindi ako magiging okay wala naman po akong sakit."

"Dapat lang wag kang mag paapekto sa lintek na Patrick na yon!"

"Keith!!!" Ang pagalit na sabi ni Faith dahil nakita niyang paparating si Patrick na may dalang bulaklak kasama si Kevin.

"Pa---Patrick?" Ang pagulat na sabi ni Kelly at nagsi lingon naman ang mga kuya niya at sinabing "Ikaw?!!!"

"Anong ginagawa mo dito?" Ang sabi ni Kian.

"Ah...eh...ma---magandang gabi po."

"Sorry kuya pinapasok ko na bigla kasing umulan eh."

"Ah....ahm...so---sorry po kung wala po akong pasabi na pupunta ako dito pero gusto ko lang po sanang linawin kung anong..."Hindi niya na natapos ang sinsabi niya dahil tumayo si Keith at sinabing "Huh! Talaga? Anong gusto mong linawin na hindi ka nakapag intay? O...baka naman gusto mong ipamukha sa kapatid namin na hindi sya worth the wait?"

"No! Hindi po ganun ang intensyon ko gusto ko po talagang mag paliwanag."

Napatayo rin naman si Kim at animo'y naiinis na rin "Paliwanag? Bakit guilty ka? O baka naman tama si Keith..." Napatingin siya sa kapatid "na gusto mong ipamukha sa kapatid naming si Kelly na hindi siya worth the wait."

"NO!!! Ay...sorry po hindi po ganun ang gusto kong sabihin pwede po bang pakinggan niyo muna ako?"

"Faith, pwede bang ikaw ng bahala kay Kelly at Jacob? Kami ng bahala sa isang ito." Ang sabi ni Kian.

"Um..."

"Kuya, anong gagawin niyo?"

"Sumunod ka nalang tumaas ka na sa kwarto mo!"

"Pero kuya..."

"SINABI NG SA KWARTO NGAYON DIN!!!" Ang pagalit na sigaw ni Kian at kinagulat ito ng lahat.

"Babysis, makinig ka nalang." Ang sabi ni Faith.

Papalapit na sana si Patrick pero hinarangan siya nung tatlo "Kelly!!! Let me explain."

Hindi siya pinansin ni Kelly at nag dirediretso sa kaniyang paglalalakad "Kelly!!!!"

"Mga bro, dahilhin yan sa likod!" Ang sabi ni Kian.

"Roger that Bro." Ang sabay-sabay na sagot nung tatlo at hiniwakan na si Patrick.

"Sa---Sandali lang po sa---saan niyo po ako dadalhin."

"Wag ka ng maraming satsat." Ang sabi ni Keith.

"P---po? Pe---pero..."

Dinala na sya ng mga kuya ni Kelly sa likod bahay nila "Ke---Kelly!!!!" Ang pag mamakaawang sabi ni Patrick habang dala-dala siya ng mga nito.

Samantala sa kwarto ni Kelly,

Hindi mapakali si Kelly kaya pabalik balik siya habang sinusundan naman siya ng tingin nila Faith at Jacob "Tita Faith ayos lang po ba si tita Kelly? Kailangan niya bang mag cr?" Ang pabulong na sabi ni Jacob.

"C.R?"

"Eh kasi ganyan po si daddy pag may tao sa cr."

"Ah? Ha---ha---ha...Baby, hindi na c-cr ang tita Kelly mo kinakabahan siya."

"Ahhhhh....ganun po pala."

"Oo kapag nag binata ka at medyo kinakabahan ka ganyan din magiging reaksyon mo."

"Ohhh..."

"Pero sa tingin mo anong gagawin ng daddy at ng mga tito mo kay Patrick?"

"Hindi ko rin po alam pero sure po ako to-toruturin nila si tito Patrick."

"Yun din ang tingin ko eh tulungan ba natin?"

"Hmmmm..."

"Ano? G?"

"Sige po ako ng bahala dun sa baba kayo na po bahala kay tita Kelly para girl's talk and boy's talk."

"Hah! Bata ka ba talaga? Grabe naisip mo talaga yun?"

"Nako, masanay na po kayo sanay na po ako sa ganyan dahil kay tito Renzo sige na po ah...makikitsismis po muna ako kila daddy."

"Ah? O---oo sige tung batang ire."

"Sige po ah..." At dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto ni Kelly.

"Ahem...babysis?"

Hindi siya pinapansin ni Kelly dahil lumilipad ang isipan nito sa ibang bagay "Babysis???"

"Baby? Girl?"

"KELLY!!!" at sumigaw na nga si Faith kaya napukaw niya ang atensyon ni Kelly.

"Ah? Ate? Tawag niyo ba ko?"

"Ah...Ha---ha---ha...O—oo sorry napalakas ata ang tawag ko sayo."

"Ba---bakit po?"

"Halika upo ka muna."

"Si---sige po."

At na upo naman si Kelly ka agad sa tabi ni Faith "Ayos ka lang ba?"

"O---opo ate bakit niyo naman naitanong?"

"Pwede ba akong mag kwento sayo?"

"Si---sige po."

"Okay sige makinig ka ha?"

"O---okay po?"

"Alam mo bang si kuya Keith mo ang first love ko?"

"Eh?"

"Oo as in first boyfriend well, parang hindi pala kami naging mag gf at bf kasi nga alam mo na isang pagkakamali ang nangyare samin ng kuya mo."

"Wag niyong sabihin yan ate mahal na mahal naman kayo ni kuya Keith kahit na ba hindi maganda ang unang niyong pagkikita eh ramdam kong sincere talaga sainyo ang kuya kong yan kahit na happy go lucky po yan."

"Alam ko naman yun kahit na iilang buwan palang kami magkakila ng kuya mo eh sanay na ako sa kaniyang ugali at ramdam ko rin namang unti-unti syang nagbabago pero alam mo ba may crush na crush ako nun parang ikaw."

"A---ako po?"

"I mean kasing age mo rin ako nung nagka ganyan din ako."

"Po?"

"Haha...maganda ka kasi kaya ikaw yung hinahabol ako kasi hindi kaya ako yung nag hahabol.Hahaha..."

"Luh! Di po ako maganda boyish nga po ako tsaka maganda po kayo ah wagas. Pero bakit naman kayo nag habol?"

"Hahaha...joke lang may kaklase kasi ako nun tapos sobrang bait niya sakin naging close talaga kami nun."

"Ohhh...tapos po nanligaw sa inyo?"

"Hindi nga eh nanghihinayang nga ako eh.Hahaha..."

"Hehe...hindi po naging kayo? Bakit po? Torpe yung lalaki?"

"Ahm...hindi naman kasi nakikita niya lang ako as his lil' sis."

"Aw...na sister zone po pala kayo."

"Oo nga eh pero crush na crush ko sya nun kaso hindi sya nanligaw eh may gf rin kasi sya noon nung college kami."

"Ahhh...kaya po pala pero totoo pong wala pa kayong naging boyfriend?"

"Oo wala pa gawa nila kuya siga kasi kaya walang nagtatangkang manligaw sakin pero may nag papansin naman kaso minsan gusto naman kasi mabilisang sagot gusto ko kasi yung nanliligaw sa bahay old way of wooing a girl."

"Ohhh...opo ako rin gusto ko po yung ganun yung tipong natutulog ka na tapos may manghaharana sayo ang saya ko po pag ganun nakakakilig." Pangiti ngiti pa si Kelly habang sinasabi iyon at napuna siya ni Faith "Pfft..."

Nahiya naman si Kelly sa reaksyon sa kaniya ni Faith "Ah...eh...a---ano po kasi..."

"Ayos lang gets kita ganyan din kasi ang gusto ko nung dalaga pa ako kaso walang ng harana sakin. Boohoo..."

"Ah...eh...wag na kayong umiyak hayaan niyo po sasabihin ko kay kuya Keith haranahin kayo. He...he..."

"Talaga? Nako, gusto ko talaga yun..."

"Hehe...sige po ako pong bahala."

"Pero babysis payo lang wag kang mag mamadadali pagdating sa pagibig maraming oras para diyan kaya wag na wag kang magmamadali ha?"

"Opo hindi pa rin naman po ako ready pero ang galing niyo po ah."

"Ha? Bakit? Hehe..."

"Kasi natiis niyong hindi magkaroon ng bf."

"Ahhh...sabi ko nga sayo pa crush-crush lang ako nun ayaw rin kasi nila kuya eh parang ikaw ayaw rin ako pag jowain ng mga kuya ko hanggang hindi pa ako nakakapagtapos sa pag-aaral."

"Ohhh...pero nung nakatapos ka po wala parin kayong naging bf?"

"Oo wala pa rin ahahaha...tapos ayun na nga na jontis na ako."

"He---he---he...sorry po ah."

"Ha? Bakit naman nag sosorry ka?"

"Kasi...hindi niyo naranasan ang maligawan ng ayos tapos hindi rin kayo nagkaroon ng bf tapos nabuntis kayo ni kuya Keith...kaya ako na po ang hihingi ng sorry para kay kuya."

"Luh! Ayos lang oo nung una na hurt ako pero ngayon naman masaya na ko kasi ang babait niyo saking magkakapatid kahit si Tita Keilla ang bait-bait sakin para na talaga syang nanay ko. At thankful ako na tinanggap niyo ako ng buong puso kahit hindi niyo pa naman ako ganoong kakilala lalo ka na sobrang bait mo sakin ikaw pa ang nag lapit samin ng kuya mo kaya...Sala..."Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil niyakap siya ni Kelly at sinabing "Ate, pamilya na po tayo kaya wag kayong mag alala dahil nandito lang po kami para sayo kahit anong mangyari."

Mangiyak-ngiyak si Faith at niyakap niya rin si Kelly "Maraming maraming salamat babysis."

"Wag ka na pong sad ha? Baka kala ni baby Tum-Tum eh pinaiiyak ko kayo."

Napatawa si Faith at pinunasan ang kaniyang luha "Hehe...wag kang mag-alala sure akong hindi sad si baby Tum-Tum kasi alam niyang mapagmahal ang pamilya niyang kagigisnan."

"Salamat din ate Faith at dumating ka sa buhay namin lalo na sakin may nakakaintindi na po sakin dito sa bahay pag wala si Mama. Kaya salamat po ate Faith wag niyo kaming iiwan ah?"

"Wala yun wag kang mag alala andito lang ako ang ate Faith mong handa kang gabayan at suportahan ka kahit anong mangyare kahit awayin pa ako ng mga kuya mo."

"Hehe...sige po."

"Gambatte!"


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Mabagyong Gabi mga Kabayan's!♡

▪︎Maaga po ako mag update ngayon dahil brownout na po dine samin nasa region 4A po ang bagyo ata.Sigh...pa lowbat na rin po a'reng phone ko.Boohoo...;(

▪︎Nextweek po eh di na po muna ako update daily pero mag update po ako doncha worry geysh...Busy po laang uli ang inyong makulit na author eh.Sowie po. :(

▪︎Keep voting geysh and gimme comment din lab ya'll. Ingat po kayong lahat. Godbless...Muah.♡

Love lots,

lyniar ☆

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C162
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login