Download App
70% THE RAPIST SON / Chapter 21: Chapter 21

Chapter 21: Chapter 21

Chapter 21

"Preets?" tinignan ko si Leah na may kabadong mukha, may hawak siyang bata sa likod niya. Isang batang lalaki na may pasa sa mga mukha at maraming sugat sa katawan. Agad ko silang pinapasok sa loob ng condo bago sinara.

Malaki na ang bata at sa tingin ko ay na sa pitong taong gulang na pero ang kanyang katawan ay payat at kung titignan ay isa s'yang pulubi.

"Sino 'yan?" umiling lang siya bago pumunta ng kwarto kasama ang bata at doon inayusan. Halata naman na tense ang mukha ni Leah at hindi matinong makakausap ngayon.

Nabalitaan ko na umalis si Raven ng bansa kasama ang parents niya dahil sa nalaman ang tungkol sa video, nalaman ko 'yon ng makita ko si Sarah sa hospital na bagong panganak. Ilang weeks na rin ang lumipas at malapit na ang kasal namin ni Kurt, may iilang araw na parang ayaw ko na ituloy dahil nakukunsensya ako at may iilan na gusto ko makasal kami dahil mahal ko siya.

Gulong-gulo na ang isip ko sa amin dalawa pero tuloy pa rin ang panliligaw nya sa akin. Ang sabi nya ay gusto niya ako ibalik sa puder niya pero hindi pumapayag si Leah dahil sa sitwasyon ko, hindi na nag pupumilit si Kurt at sinabi nalang na liligawan ako hanggang mag karoon ako ulit ng tiwala sa kanila.

Nakatingin lang ako sa dalawa, ang bata ay naka-higa at si Leah ay nililinis ang mga sugat niya pero bago 'yon ay kinukuhanan niya ng litrato ang bawat katawan ng bata na kung saan may mga malalaking pasa, paso, at sugat.

Napatulala nalang ako sa malayo na naman, habang iniisip ang mga possibleng nangyari. Naalala ko ng nag suka ako sa office, kinalibutan ako ng sabihin ni Leah na buntis ako pero ng nag PT naman ako ay negative naman kaya napahinga ako ng maluwag.

Hindi ko na alam kung paano pa mangyayari sa buhay ko kung sakali man malalaman ko na na buntis ako ng isang rapist.

"Hello?" sagot ko sa kabilang linya. Si Kurt,

"Love, lets have a date?"

"Okay," sagot ko.

Sinabi niya ang oras kami mag kikita, sa ilang lingo na lagi kami nag kikita ni Kurt ay unti-unting bumbalik ang tiwala ko sa kanya pero hindi na katulad ng una. Minsan ay naiisip ko na baka nag loloko s'ya pero isang beses ay sinundan ko siya ay wala siyang ibang kinikita kundi ang mga kaibigan niya na dadalo sa kasal. Nag bihis na ako at nag ayos nang sarili, binigyan niya lang kasi ako ng dalawang oras para mag ayos.

Hindi ko alam kung anong naisipan niya para mag aya ng date pero pag bibigyan ko na, alam ko naman na bumabawi siya sa akin.

Two weeks, may two weeks nalang ako para pag isipan ang lahat at two weeks nalang ay kasal na namin dalawa ni Kurt, may halong saya at kaba ang nararamdaman ko. Kaba nab aka gumawa nanaman ng eksena si Raven at saya dahil nandito pa rin si Kurt para pakasalan ako.

Maayos na ang kalagayan ko, maayos na rin ang mga findings ng doctor sa akin pero isang bagay ang hindi pa rin mawala sa utak ko at sa katawan ko. Ang panaginip sa gabi na kailangan kong pigilan at labanan.

Lumabas ako ng banyo na suot na ang isang white dress, formal date daw ang gagawin at kailangan ay naka-dress ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, nanaba talaga ako at lumalaki na ang pisngi ko sa pag kain.

"Aalis muna ako, Leah" paalam ko sa kanya.

"Mag ingat ka, mag text o tumawag ka pag pauwi na kayo."

"Opo, nanay!" biro ko sa kanya bago iniwan na sila ng batang lalaki sa loob, alam ko naman na hindi pa siya ready na sabihin sa akin kung bat nandon ang bata. Ayaw ko siya pilitin na mag kwento at ayaw ko rin na dagdagan pa ang stress niya.

Sumakay ako sa sasakyan na sundo ko, kilala ko naman ang driver dahil siya ang matagal nang driver nila Kurt. Huminto kami sa isang restaurant, agad naman kumunot ang nook o.

Bat para naman walang tao?

Patay ang ilaw sa loob pero may guard sa labas at nag aabang ng mga costumer.

"Goodluck anak!" nakangiting sabi ni Manong na nakatingin sa akin sa side mirror.

"Po? Bakit?" tumawa nalang siya sa akin at hindi na sinagot ang tanong ko.

""basta, lumabas ka na at hinihintay ka na ni Kurt. Sabi ko na nga bat sa simbahan din ang bagsak niyo, saksi ako sa lahat ng pinag daanan nyong dalawa. Basta anak, maging masaya ka palagi, ayon ang dapat mangyari" tumango nalang ako kay manong.

"Salamat po, sa ilang taon na pag hatid at pag sundo nyo samin ni Kurt sa tuwing aalis, haha" bumaba na ako ng sasakyan at pumunta sa entrance ng Rstaurant. Binati ako ng guard at ibang mga crew pag pasok ko.

Ilang mga hakbang ay napansin ko ang mga pink petals na nakakalat sa buong lugar, may mga tumutugtog din at ang isang taong mahal ko na hinihintay ako sa gilid.

Naka-black suit siya at nakatingin lang sa kwesto ko habang nakangiti, ngumiti ako sa kanya at tinignan ang buong paligid. Isang surprise.

"Nakalimutan mo ang araw ngayon," nag tatampo niyang sabi sa akin bago ako inabot ang isang pink roses, alam niya na ayaw ko ng maraming bulaklak.

"Bakit, may ano?" takang tanong ko.

"Nevermind." Sagot niya bago inalalayan ako makaupo.

"Akala naman ay kakain lang tayo," sabi ko sa kanya habang hinahanda ng waiter ang pag kain naming.

"Kakain nga tayo" sabi niya bago nguso sa pag kain.

"Baliw." Sabay tawa.

Kumain kami, ito ang unang kinainan naming dati ng una namin mag kita. Dito ko siya unang nakilala at dito rin siya pinakilala sa akin ni Raven. Ang dami nang taon ang lumipas pero parang ang bilis lang baka nga pag gising ko sa susunod na araw ay araw na nang kasal naming.

"Preets?"

"Hmm?"

"Alam kong may na gawa akong kasalanan, alam ko rin na hindi na kakayanin ng oras ko bumawi sayo bago ang kasal natin pero sana payagan mo ako ulutin 'to. Gusto kong ulitin to dahil ngayon gagawin ko to na walang tinatago na kahit ano sayo." Tumayo siya at lumuhod siya sa harap ko.

"Preets, love. Marami tayong pinag daanan at alam ko 'tong problema ay kasalanan ko. Willing ako ligawan ka habang buhay, willing ako gawin ang lahat para bumalik ang tiwala mo. Wala na akong pake sa lahat nang nangyari pero this time, luluhod ulit ako sayo at tatanungin" sandal siyang huminto at nilabas ang isang singsing, ang unang couple ring naming dalawa.

" Mahal, will you marry me?"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login