Download App
66.66% THE RAPIST SON / Chapter 20: Chapter 20

Chapter 20: Chapter 20

"Hindi ko expected ang ginawa mo, gurl! Ang akala ko pa naman ay inaapi ka nanaman ni Raven dahil hawak ka ni Kurt pero it's a big no! no! pala, sana hindi nalang ako pumagitna sa inyo at nakisali para napanuod kita ng live kung paano mo gantihan si Raven," excited na lumapit sa akin si Leah habang ngiting-ngiti ang mga labi niya.

"Viral ang video n'yo at ang dami na ring comments! Tignan mo," sabay pakita ng phone niya sa akin. Nakatayo ako sa video at siya naman ay umiiyak na mukhang kawawa.

Kung sakaliman na hindi alam ng nag video at nag upload ang nangyari ay malaman ako ang naging masama pero ayon naman talaga ang balak ko, ang mag mukhang masama sa mata niya katulad ng sinasabi niya sa iba.

"'yan ang gusto niya, mas ginusto niya na punuin ang pasensya ko." Sabi ko bago iniwas ang phone sa akin, alam ko naman ang lahat na nangyari hindi ko na kailagan panuorin ulit.

"Sana pala pumunta nalang ako ng maaga," nakapout niyang sabi bago hinampas ako sa balikat "Bat kasi hindi mo sinabi na may gagawin ka palang ganon?"

"May date kaya kayo kahapon tsaka, pag gising ko wala ka na kaya di ko na sinabi sayo kesa sirain moment niyo ni Aizen"

Inirapan niya nalang ako bago tumayo sa tabi ko, alam ko naman 'tong babae na to ay mahilig sa away at lahat nalang ng bahay na inaapakan siya ay aapakan niya rin na para bang normal lang sa buhay niya. Pag nakilala naman siya ay isa siyang sweet at caring na kaibigan na maasahan sa lahat ng bagay at oras

"May pasok na ako bukas, sabay na tayong aalis" paalala ko naman sa kanya.

Buong araw lang kami nakatunganga sa loob ng condo, wala kaming ginawa kundi ang mag chismisan habang siya ay inaabangan ang mga comment sa Video. May ibang nagalit sa ginawa ko na sinasabing masyadong attention seeker at may iba naman na dapat ay dinagdagan ko pa ang gagawin sa babaeng Makati dahil dapat lang sa kanila 'yon.

"Sure kang kaya mo na?" tumango naman ako sa kanya bago tumayo na rin at pumunta sa kusina, wala naman akong magagwa dito sa bahay kundi ang matulog at kumain. Para nalang ako palamunin na baboy pero kahit ganon hindi ko pa rin kinakalimutan ang pag punta sa doctor ko.

Ang sabi ay mabilis ang improvement ko dahil na rin sa tamang pag tulog at pag iwas ng iilan sa mga nakakapag-paalala sa akin, ang kasal ay tuloy na tuloy pa rin at alam ko na gagawa ng paraan si Raven para matigil 'yon pero this time hindi na ako mag papatalo sa kanya. Never!

Mabilis na lumipas ang gabi at nag hahanda na kami para sa pag pasok, tinignan ko ang katawan ko at medyo nanaba na ako dito sa bahay dahil sa walang ginagawa dahil medyo nanikip ang uniform ko sa akin.

Alam kong alam nan g mga katrabaho ko ang nangyari, ang iba ay siguradong masaya sa nangyari sa akin at karamihan sa kanila ay pinag chichismissan na ako pero ano pa nga ba aasahan mo sa mga tao. Ugali na nila ang pag usapan ang mga tao pag hindi nila kaharap at sula rin naman ang nag sisiraan.

"Leah, tara na!" sigaw k okay Leah mula sa sala, ang tagal naman kasi mag suot ng uniform niya at mag ayos nang mukha. Ugali na rin kasi ni Leah na mag make up bago pumasok at mag ayos ng buhok na akala mo ay sasali sa pageant kaya minsan nalalate sya dahil hindi rind w mag pantay ang kilay niya na madalas niyang problema sa tuwing lumalabas kami.

"Saglit lang, malapit na ako matapos!" sigaw niya rin.

Umupo nalang ako sa sofa at ininom ang gatas na tinimpla ko, hindi oko maintindihan ngayon kung bat bigla nalang hindi ko trip mag kape at mas gusto ko ang amoy ng gatas na matamis.

Ngayon, iniisip ko kung anong plano ang gagawin ko dahil sigurado hindi titigil si Raven sa paninira sa akin ngayon mas lalo na't may video na kumalat kung saan ay sinasaktan ko sya. Hindi na ako papaya na api-apihin nila, nilang lahat na akala sa isang sorry nila ay ayos lang.

"TARA NA!"

"Anak ka nang butiki! Ano ba Leah!" sigaw ko sa kanya na muntik na matapon ang iniinom ko ng bigla siyang sumigaw, pumunta na ako sa kusina at nilapag ang baso na ginamit ko.

Habang papunta ng sala ay na pansin ko ang ref , out of nowhere ay naisipan kong buksan at don nakita ko ang iilang marshmallow at chocolate. Kinuha ko ang iilan at nilagay sa bag ko, tumaas naman ang kilay ni Leah ng mapansin niya ang ginagawa ko.

"Anong kalokohan 'yan?"

"Baka gutumin ako mamaya," sabay kamot sa batok kong sagot, inirapan niya nalang ako bago nauna ng lumabas. Walang traffic at maaga kaming nakapunta sa trabaho pero may mas aaga pa pala sa amin pumasok, walang iba kundi ang mga chismosa sa trabaho.

'Masyado kasing nag mamalinis kaya ayan kinarma'

'Kawawa naman siya, dapat kay Leah nalang nangyari 'yon edi mas masaya'

'Napanuod niyo ang nag viral na video ngayon, si Preets 'yon diba balita ko inaway niya 'yong babae na hindi pumapalag-Raven ata pangalan. Kawawa 'yong babae, hindi ko akalain na kaya pala ni Preets gawin 'yon. Sa loob din pala ang kulo!'

Napatigil ako sa sinabi ng isang babae sa gilid ko, agad naman siyang huminto ng makita niyang nakatingin ako sa pwesto niya at nag tago sa table niya na akala mo'y inosente. Naagaw naman ng isang kamay ang atensyon ko, si Leah.

"hayaan mo 'yang mga inggit at walang magawa sa buhay na katrabaho natin, extra job kasi nila ang mangaealam at mang husga ng ibang tao na nakaangat sa kanila. Hindi ko lang alam kung mag kano ang sahod nila pero balak ko na rin patumbahin," malakas niyang sabi bago ngumiti.

Halata naman kung sino ang pinaparinggan niya, umupo ako sa table ko ng bigla akong mahilo. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo at sumunod naman si Leah sa akin bago inalo ang likod ko.

"Ano ba preets! Buntis k aba?" sabi ni Leah bago ako inabutan ng Tissue. Napatigil naman ako sa sinabi niya,

Buntis nga ba ako?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C20
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login