Download App
60% THE RAPIST SON / Chapter 18: Chapter 18

Chapter 18: Chapter 18

Chapter 18

Humiwalay na ako kay Tita pag tapos ng food tasting namin para sa pag kain na ihahanda sa kasal, muli akong humarap sa salamin at tinignan ang mukha ko pati na rin ang pag buong katawan ko. Hindi naman maipag kakaila na may korte ang katawan ko pati na rin ang mukha ko na sinasabi nilang may itsura.

Meron akong singkit na mga mata, matangos na ilon at manipis na labi. Natural para sa sinasabi ng iba na maganda, makapal din ang kilay at pilikmata ko na pinagusto ko sa lahat ng features ko sa mukha. Sinabayan din ng itim na itim kong buhok at medyo mapanga kong mukha na hindi naging dahilan para humaba ang baba. Normal lang naman ang ganda ko, normal para mapansin ng iilan.

Hindi na ako nag pasundo kay Kurt at nag pahatid nalang kay Tita sa pupuntahan ko, ayaw ko na sumakay ulit sa Taxi dahil last time na sumakay ako ay naging trauma sa buong pagkatao ko at hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin iwasan at nilalabanan.

Pumasok ako sa loob ng isang mini-restaurant na pag mamay-ari ni Aizen kung saan kami mag kikita kasama si Raven, ang buong akala naman niya ay makikipag ayos ako at papakinggan ko nag mga reason nila. Like oh shit sawang-sawa na ako sa mga reasons nila. Pumasok ako sa loob ng restaurant at isang matinis na tili ang agag na sumalubong sa akin,

"I miss you, Kurt! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis," rinig kong malanding sabi ni Raven kay Kurt na mukhang kakarating lang rin. Sinilip ko muna sila at pumwesto malapit sa counter, buti nalang at kilala ako dito kaya hindi nila ako sinita.

"Raven," napangiti naman ako ng bigla niyang yakapin si Kurt at akalain mo nga naman talaga, hindi niya talaga ako na pansin dito.

Akala ko pa naman ang ahas malakas ang pakiramdam.

"Hello jamica, pakikuha ng mop, walis at dustpan. May ipapalinis ako sa'yo" harang ko naman sa babae na biglan pumasok sa loob. Tumango naman siya at mabilis na umalis ganon na din ako na kinuha ang isang baso nang tubig na nakalapag sa gilid ko.

"Oh! Nandito pala kayo Raven?" lumapit ako sa pwesto nilang dalawa at nakita ko ang pag kagulat sa mukha nilang dalawa at mabilis na tinulak ni Kurt si Raven mula sa pag kakayakap sa kanya.

"Preets?" gulat na tanong niya bago ako tinignan mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"kamusta ang pang aahas, Raven? Masarap?" natatawa kong tanong sa kanya, ang ibang kumakain ay na pahinto dahil sa lakas ng boses naming dalawa samantala ang iba naman ay umalis sa loob ng restaurant.

" Wag dito, Preets" kalmado niyang sabi na ikinatawa ko bago nilapitan pa siya, tumingin ako sa buong paligid pati na rin sa mga crew dito sa restaurant na nag uumpisa na mag bulangan.

"Preets, wag dito" pigil naman sakin ni Kurt at hinawakan ang braso ko pero agad ko din na binawi mula sa pag kakahawak niya bago s'ya tinignan ng masama.

"Wag mo akong pipigilan, 'yan ang gusto ko Kurt." Agad naman na umatras siya at kusang binitawan ang braso ko bilang pag suko bago yumuko nalang at tumingin sa paligid.

Napangisi nalang ako ng gawin niya 'yon, talagang gusto niya matuloy ang kasal namin.

"Bat ayaw mo dito, Raven? Ayaw mo makita o malaman ng iba ang ugali mo?" natatawa kong sabi bago umupo sa harap niya, "Oo nga pala, magaling ka nga pala mag panggap na mabait pero ahas pala"

"Sabi ng tumahimik ka na!" lumakas ang boses niya, ang ibang na sa loob ay umalis na pati na rin ang may mga kasamang bata, ang mga crew naman ay nakatingin lang sa side naming at nag tataka. Sino ba naman ang hindi kung ang alam nilang ikakasal ay nag aaway sa harap nila.

"Paano kung ayaw ko?" pang aasar ko sa kanya, "Ayaw mo ba malaman nila na nilandi mo ang fiancée ko pati na rin sa paninirang ginawa mo para lang mag hiwalay kami?"

Humarap ako sa lahat ng tao, makikita mo ang iba na nag chichismiss kaya ayaw umalis dito sa loob ng restaurant. "Alam niyo ba 'tong babae na nasa harap ko ay gumawa ng ikakasira ng pangalan ko sa magulang ng fiancée ko, pinag kalat niya sa lahat na pineperahan ko at kung ano-ano pang sinabi. Ngayon naman malalaman ko na nilalandi niya ang fiancée ko, pumunta pa nga sa condo para ipakita ang hubad na katawan" tumayo ako mula sa pag kakaupo at nilapitan siya,

"Please naman Preets, wag ka eskandalosa dito. Mag karoon ka naman ng hiya sa katawan!" biglang umamo naman mukha niya, "At alam natin na wala akong ginagawa sayo! Hindi ko nilalandi fiancée mo!" galit niyang sbi na parang iiyak na.

Wow! Best in acting, kasali siguro siya sa acting club dati at ang galing niya mag malinis sa lahat ng tao. Tinaas ko ang kamay ko kung saan hawak ko ang cellphone, isang click ko lang ay authomatic na mag play ang video.

"A-ano 'yan?" nauutal at sumama ang tingin niya sa hawak kong phone, nakakatawa ang reaction niya. Alam na alam niya ang unang scene sa Video, ngayon ako naman ang babaliktad.

"Tinuring kitang kaibigan kahit ganon ang ginawa mo sa akin dati," pinatulo ko ang luha ko at mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao, natatawa ako sa utak ko sa lahat ng nangyayari. "Pinatawad kita sa lahat ng ginawa mo, kinalimutan ko lahat nang 'yon dahil kaibigan kita kahit ang sakit-sakit sa side ko at hindi makapaniwala na magagawa mo sakin 'yon! Pero ngayon, nakita mong ikakasal na ako-kami ni Kurt pero inahas mo pa rin! Ano bang gusto mo Raven? Ano pa ba?!" madrama kong sabi bago muling pumikit para tumulo ang luha ko.

"Ano bang pinag sasabi mo, Preets?!" galit na niyang sabi at akmang hahablutin ang phone ko pero nailag ko ang kamay ko at na pindot ang screen kasabay na nag play ang video. Rinig na rinig ng lahat ang ungol at boses niya sa video, buti nalang ay na connect ko ang cellphone ko sa speaker dito.

"Iwan mo na s'ya, nandito naman ako willing ako maging kapalit ni Preets," natahimik ang lahat ng marinig ang boses niyang sinasabi 'yon.

"R-raven!" at ngayon ay boses naman ni Kurt.

Napangisi ako at siya ay para bang na istatwa sa pwesto niya. Lumakas ang bulungan sa buong lugar na alam kong naririnig na niya, agad kong pinatay ang video bago tinignan siya.

"Ngayon mo sabihin na wala kang ginagawa, Raven."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login