Download App
79.31% Wishing Girl 1: The Runaway Groom (Tagalog) / Chapter 23: CHAPTER TWENTY-ONE

Chapter 23: CHAPTER TWENTY-ONE

    MAZE is busy analysing the latest accounting report submitted to her. May kumatok sa pinto na nagpatigil sa ginagawa niya. 

    "Pasok!" sigaw niya.

    Bumukas ang pinto at sumilip ang kanyang assistant na si Ashley. Ngumiti ito at suminyas na lumapit siya. Nagtataka man ay tumayo siya at lumapit dito.

    "May problema ba?" tanong niya.

    "Ma'am Kaze, congratulations." Sabi nito sa kanya na nagpagitla ng kanyang noo.

    "Anong sinasabi mo?"

    Bago pa siya masagot ng kanyang assistant ay may narinig siyang tugtug mula sa labas ng opisina niya. Salubong ang kilay na tiningnan niya si Ashley. Hinawakan nito ang kamay niya at giniya siya palabas ng kanyang opisina. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lahat ng staff niya na nakaikot sa kanya. Nasa gitna ng mga ito si Kuya Shan at Sheldon na parehong may hawak na pulang rosas.

    Ngumiti siya at unti-unting lumapit. Kinuha niya ang hawak nilang mga bulaklak. Nang matanggap niya ang mga iyon ay nahawi ang mga staff niya at dumaan doon si Joshua na may hawak na gitara, nakasunod dito si Shilo na nakasuot ng rip jeans, white t-shirt at gray jacket na may hoodie. Para itong teen boy sa suot. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa nakita. May hawak na isang white roses si Shilo. Lumapit ito sa kanya na may ngiti sa mga mata. They say love can see in the eyes of the person and that's what she seeing at Shilo.

"I know my friends they give me bad advice

Like move on, get you out my mind

But don't you think I haven't even tried?

You got me cornered and my hands are tied

You got me so addicted to the drama

I tell myself I'm done with wicked games

But then I get so numb with all the laughter

That I forget about the pain

Whoa, you stress me out, you kill me

You drag me down, you f*** me up

We're on the ground, we're screaming

I don't know how to make it stop

I love it, I hate it, and I can't take it

But I keep on coming back to you"

    Kanta ni Shilo na ikinangiti niya lalo. Hindi kagandahan ang boses nito, kung sa mga singer ay average lang ito pero nagbigay ng kilig sa kanya iyon. He is making effort now. Iyong hindi niya akalain na magagawa nito ay ginagawa nito para lang mapasaya siya. Like cooking food for her, going on a crowded place or watching clingy movie. Those couple usually do that makes her smile and joy. Inilapit niya ang mukha rito.

    "I should be the one to sing that song." Bulong niya rito na ikinatawa ni Shilo.

    "You really know how to strike me now."

    "Well, Mr. Shilo Chauzo Wang, I already change. Do you still love me, right?" tinaasan niya ito ng kilay.

    Ngumiti si Shilo at hinapit siya sa baywang dahilan para mapalapit ang katawan niya rito. "Do I need to answer that question, Ms. Kaze Alexa Lu?" Hinalikan ni Shilo ang dulo ng kanyang ilong na ikinasigaw ng lahat.

    Natawa na lang silang dalawa ni Shilo. Kumalas siya sa pagkakahawak nito.

    "What's the meaning of this?" tanong niya rito. "May okasyon ba?"

    Nagbago bigla ang bukas ng mukha ni Shilo dahil sa tanong niya. Ibinigay nito ang hawak na puting rosas. Nakangiting tinanggap niya iyon. At nang bitawan ni Shilo ang rosas ay biglang may nalaglag na bagay sa kanyang kamay na nakahawak sa bulaklak na bigay nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang singsing doon. Isa iyong white silver ring na may heart diamond sa gitna. Lalo siyang nagulat ng makitang unti-unting lumuhod si Shilo sa harap niya.

    "Kaze Alexa Lu, it will be my honour to be the man you love for so many years but I be more honour and grateful if you accept my love and be my eternal love. Maze, will you marry me?"

    Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha pagkatapos marinig ang mga katagang iyon mula kay Shilo. Tumungo siya bilang tugon dito. Nakita niya ang isang magandang ngiti na sumilay sa mga labi ni Shilo. Tumayo ito at agad siyang niyakap. Agad din naman siyang gumanti ng yakap dito.

    "Thank you. Thank you. Thank you, Maze." Sabi ni Shilo.

    Tumawa siya sa narinig dito. Makita niya lang na masaya si Shilo ay masaya na rin siya. Narinig nila ang malakas na palakpakan mula sa mga taong nakapaligid sa kanila pero hindi niya iyon pinansin. Tanging ang atensyon nila ay sa isa't-isa. Maze is so happy that finally the man she dreams for so long can call her mine. Hindi nalang isang panaginip lang lahat. Her wishes finally come true. It may take for so long, she may face so many heart breaks and heart ache but everything is worth it. She is now going to leave the life she wanted to be, the life she dreaming for so long, the life with Shilo Chauzo Wang. Their happy ever after are now coming and a new sunrise coming. A new chapter of their life will come so soon.

    NAGLALAKAD  sa malawak na park hindi kalayuan sa bahay niya si Maze at Shilo. Magkahawak kamay ang dawala. Umupo sila sa bench ng makakita. Agad siyang niyakap ni Shilo ng maka-upo sila. Hindi niya napigilang ngumiti dahil sa ginawa ng binata. Isinandal niya ang kanyang likuran sa malapad nitong dibdib at tumingin sa langit. Naramdaman niyang lumapat ang labi ni Shilo sa kanyang buhok. She closed her eyes.

    "I love you." Bulong ni Shilo ng ikinabilis ng tibok ng puso niya.

    Mas isiniksik niya ang sarili sa binata. "I love you too."

    Muling hinalikan ni Shilo ang kanyang ulo. Hindi niya akalain na darating sila sa ganoong tagpo. Iyong magkayakap sa ilalim ng bituin at nagsasabi ng nararamdaman. Ilang buwan pa lang siyang nakakabalik mula sa ibang bansa pero heto siya at nakayakap sa taong mahal niya. Siguro nga at marupok siya sa taong mahal niya. Pero hindi ba at nagbigay naman sa kanya ng kaligayahan. Nakuha na din niya ang happy ever after na gusto sa buhay.

    "Maze..." bulong ni Shilo.

    "Oh..."

    "Alam mo ba kung kailan nangyari ang first kiss natin?"

    Napamulat siya. Biglang bumalik sa kanya ang alala ng nangyari sa kanila. Her first was taken that night. Ang kanyang first kiss at ang unang karanasan. Naramdaman niya ang pagkainit ng mukha ng maalala ang tagpong iyon. Hindi niya makalimutan ang gabing isinuko niya ang sarili sa taong minahal ng lubusan. At kahit ng iwan siya ni Shilo sa araw ng kasal wala siyang nakapangpagsisi na ibinigay niya ang sarili dito. That night is magical.

    "Did you?" tanong muli ni Shilo ng hindi siya sumagot.

    "Bakit mo ba tinatanong?"

    Narinig niyang tumawa ng mahina si Shilo. "Naalala ko kasi ngayon. Ganito din kasi iyon. Nasa ilalim tayo ng mga bituin at pinagmamasdan sila."

    Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ng binata at tumingin dito. Nakasulat sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Napatingin sa kanya si Shilo. May ningning sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

    "Bakit? May sinabi ba akong mali?"

    "Kailan nangyari ang sinasabi mo?" nagtatakang tanong niya sa nobyo.

    Natawa si Shilo. Hinawakan ng isang kamay nito ang kamay niya habang ang isa ay hinawakan ang kanyang pisngi. He looks at her with so much fond. "You don't remember that night, do you?"

    Umiling siya. Hindi naman talaga niya naalala ang gabing iyon. Wala siyang naalala na hinalikan siya ni Shilo sa ilalim ng mga bituin. Kung sakaliman na meron ay siguradong maalala niya dahil napaka-romantic noon sa kanya. Kissing Shilo under the moonlight and stars is like a dream come true. Sa babaeng nagmamahal na kagaya niya isang panaginip ang lahat ng iyon.

    "I guess you are drunk that night because after I kiss you, you fall asleep at my arms. I even carry you to your room. But it was wonderful night for me. I taste these sweet lips of yours." Hinawakan ni Shilo ang labi niya.

    Nakaramdam siya ng kiliti dahil sa sinabi nito. "Sabihin mo sa akin. Kailan ba talaga iyon nangyari? Hindi ko talaga maalala."

    "Nakakasama ka ng loob." Sumimangot si Shilo.

    "Sabihin mo kasi sa akin kung kailan nangyari iyon." Hinampas pa niya sa balikat ang binata.

    Tumawa ito. "Remember the team building that I came."

    "Iyong presidente ka na ng MDH?"

    Tumungo si Shilo. Pinaglandas nito ang daliri sa kanyang pisngi. "Nagkasakit ka ng araw na iyon at binigyan kita ng day-off. Pagkatapos nakita kita sa labas ng hotel sa may bonfire. You are drinking wine alone."

    Bumuka ang labi niya sa gulat. She remembers now. She remembers the night he kiss her. Pero hindi ba at isang panaginip lang iyon.

    "I thought it was a dream. Nagising ako kinabukasan noon sa sarili kong kwarto at iba na ang suot kong damit."

    Ngumiti si Shilo. "It's not a dream, Maze but its okay. At least you still remember even it just a dream for you."

    "I'm sorry."

    "It's okay." Pinakatitigan ni Shilo ang mukha niya.

    Umayos siya ng upo. Pinaglaruan ni Shilo ang dulo ng buhok niya. Hindi niya naman mapigilan ang paglukob ng saya sa puso niya. How she wish this moment to be last. Noon ay pinapangarap lang niya ang ganitong tagpo kasama ang binata at ngayon nga ay nangyayari na. She is happy. No. Her emotion cannot describe in any words right now.  Napatitig siya sa mga mata ni Shilo. May nakita siyang ningning sa mga mata nito. Sayang hindi niya nakita noon sa binata. Ngayon niya napatunayan na totoo nga ang sinabi noon ni Joshua. They love each other and they are just insensitive at it.

    "Bakit ka ganyan makatingin, Mr. Wang?" pabirong tanong niya.

    "I just can't believe you are here with me. Na okay na tayo at mahal mo pa rin ako." Lumamlam ang mga mata ni Shilo.

    "Ako nga eh. Hindi makapaniwala na minahal mo ako noon at hanggang ngayon. Ano bang katangian ang nagustuhan mo sa akin? I mean, hindi naman ako maganda. Mas maganda nga sa akin si Andria."

    Nagsalubong ang kilay ni Shilo. "Mas maganda si Andria sa iyo? Nagpapatawa ka ba, Ms. Lu. Walang hihigit sa kagandahan mo kaya. And I love you not because of your beauty. I love you and there's no reason on that."

    Napangiti siya sa sinabi ng binata at hinampas ito sa dibdib. "Bolero..."

    Mahinang tumawa si Shilo at pinanggigilan ang kanyang magkabilang pisngi. "Hindi ko naman kailangan ng rason para mahalin ka, Maze. Bigla ko lang din naman naramdaman ito. You enter my heart without any warning. Basta nagising na lang ako na ayaw na kitang mawala sa tabi ko."

    Sumimangot siya sa huling sinabi nito. Tinanggal niya ang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya."Pero iniwan mo pa rin ako." Tinalikuran niya ang binata.

    "And I already explain my side." Niyakap siya ni Shilo sa likuran.

    Ipinatong ni Shilo ang mukha nito sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang pag-amoy nito doon. Bigla ay nakadama siya ng kaka-iba dahil sa ginawa ng binata. May gumapang na kiliti sa katawan niya mula sa kanyang leeg papunta sa kanyang dibdib at puson. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Alam niya kung anong ibig sabihin ng kiliting iyon at hindi pa siya handa.

    "Shilo." Tawag niya sa binata.

    "Hmmm"

    "Pwede mo bang ikwento sa akin kung anong nangyari noong umalis ka papuntang China?"

    Naramdaman niyang natigilan ang binata. Hindi din agad ito nakasagot. Kakalas sana siya sa pagkakayakap dito ng humigpit ang pagkakapalupot ng braso nito sa baywang niya. Lalo pang binaon ni Shilo ang mukha nito sa leeg niya. Alam niyang ayaw na nitong balikan pa ang nakaraan pero nais niya pa ring malaman ang lahat. Hindi pa rin kasi klaro sa kanya kung bakit nabalitang ikakasal ito kay Andria noon tapos pagkalipas ng limang taon ay hindi din pala iyon natuloy. Malaking bagay sa kanya ang bagay na iyon dahil isa iyon sa naging rason kung bakit siya umalis ng bansa.

    "Gusto mo ba talagang malaman?" mahina ang boses na tanong ni Shilo.

    Tumungo siya. "May mga bagay pa rin kasing gumugulo sa akin at ngayong balak natin magpakasal ulit gusto kong matapos iyon. I want to start a life with you with a clean state."

    Hindi umimik si Shilo. Hinawakan niya ang braso nito at hinarap ang binata. Nakita niya sa mga mata nito ang pag-aalangan at takot. Ilang buwan pa lang ba silang nagka-ayos tapos kakasagot niya lang sa marriage proposal nito. Ganoon ba talaga ito katakot na mawala siya dito. Ngumiti siya sa binata at pinatakan ng magaang halik ang labi nito.

    "Hindi naman ako mgagalit at hinding-hindi na kita iiwan, Shilo. Napaliwanag mo na din naman sa akin pero alam ko pang meron pa akong dapat malaman. Hindi ba dapat ay malaman ko iyon? At saka, mas maganda ang simula natin kapag natapos na ang issue natin sa nakaraan natin."

    "May issue ka pa rin ba sa nakaraan natin?"

    Hindi siya nakasagot sa tanong nito. Nakita niya din na gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Shilo. Alam niya sa sarili niya na hanggang sa mga sandaling iyon ay may issue pa talaga siya sa nakaraan nila. May mga katanungan pa talaga siya. Sadyang mahal niya lang talaga ang binata kaya isinasantabi niya pero ngayong nagyaya ng kasal ang binata ay gusto niyang ayusin.

    "I love you, Maze. Mahal kita ng sobra at natatakot ako sa bawat araw na baka magising ka sa katutuhanan na hindi mo naman talaga ako mahal. Na bigla ka nalang lumayo sa akin at i—"

    "I love you too, Shilo. Kahit may issue pa rin ako sa nakaraan natin. Hindi pa rin kita iiwan. I live my five years away from you and I don't want to happen that again. Nang magpanggap kang naaksidente, sobrang natakot ako at marami akong na realize. I eat my pride and fear just to be with you right now. I want to be with you, Shilo until the day we die." Puno ng senseridad niyang sabi sa binata.

    Ngumiti si Shilo at hinawakan ang kamay niya. "Thank you for loving me, Maze."

    Muling naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa. Nasa ganoong minuto sila hanggang sa huminga ng malalim si Shilo at pinisil ang kamay niya.

    "One week... One week before our wedding, I receive a call about the pull out of our investor in the shoe company in China. Sinubukan ko iyong ayusin ngunit lalong lumala. Isang major holder ang biglang nagpull out at kailangan agad kong ayusin. Kakausapin sana kita patungkol sa paglipad ko ng China ngunit nakita kita na kasama si Christian. You are crying at his arms. Maliban pa doon ay minsan ko na kayong nakitang magkasama. I felt jealous at him. Iyon ang gabing may nangyari sa atin."

    Bumuka ang labi niya. "N-Nakita mo kami ni Chris noon."

    Tumungo si Shilo. "You were happy back then. Iba ang ngiti mo habang kausap siya at naalala ko na sinabi sa akin ni Joshua na may tao kang minamahal ng palihim. Akala ko talaga si Christian iyon. Masaya ka kasi habang kausap mo siya at hindi ko iyon minsan nakita habang kausap mo ako. Kaya ng gabi bago ang kasal natin at lumapit sa akin si Andria. Sinabi niya na ang ama nito ang may kagagawan ng nangyayari sa negosyo namin sa China. Agad na nabuo ang plano sa isip ko. I'm not good for you. I make you cry. You were suffering because of me. Kaya pinakawalan kita at sumama ako kay Andria sa China. Kinausap ko ang ama niya at pinaliwanag ang tungkol sa pangako ko  kay Andria na kasal. Unfortunely, he already knows. Kinausap na pala ito ni Joshua kaya galit na galit ito sa amin ni Joshua. Tinarget niya ang kompanya naming sa China para makaganti sa akin habang kay Joshua ay ang ina nito ang ginamit para paghiwalayin si Joshua at Anniza." Paliwanag ni Shilo.

    "Iyon ba ang rason kung bakit nawala sa kanila ang first baby nila?" tanong niya.

    Gulat pa rin siya sa nalaman. Walang sinasabi sa kanya si Anniza tungkol sa unang pinagbubuntis nito. Nagulat na lang siya ng malaman na namatay ang first baby nito. Hindi naman niya matanong si Anniza dahil sa ayaw niyang sariwain ang sugat na nadarama nito.

    Tumungo si Shilo. 

    Nilukob ng lungkot ang puso niya dahil sa nalaman. Marami pala talagang nangyari noong umalis siya. Lahat iyon ay wala siyang kaalam-alam. Ngayon ay nais niyang magsisi dahil sa wala siya sa tabi nito noong panahong nasasaktan ito. Masakit mawalan ng taong minamahal, paano pa kaya kapag anak. Siguradong masakit ang pinagdaanan ni Anniza. Pinapahanga siya nito sa tatag nito.

    "I feel sorry for Joshua. Dahil lang sa isang pangako ay nawalan ito ng anak. Kaya ginawa ko ang lahat para sa akin lang mabunton ang galit ng ama ni Andria. But I never beg to him. Lumaban ako sa kanya. He plays dirty tricks but I fight fair. Mas mayaman pa rin naman ang pamilya ko kaysa sa kanya. Mas ma impluwensya pa rin naman ang pamilya natin. Dalawang linggo bago ko naayos ang gusot sa China pero iyon nga at umalis ka na ng bansa." Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Shilo.

    "I was hurt back then. Ikakasal ka na kasi sa kanya. Pagkatapos mo akong iwan sa araw ng kasal natin, malalaman ko na lang na ikakasal ka sa kanya. Sobra akong nasaktan." Paliwanag niya.

    "Alam ko. Sinabi sa akin ni Tita Aliya pero sinasabi ko sa'yo ngayon. Walang katutuhanan ang balitang iyon. Oo magkasama kami ni Andria ng gabing iyon para ipalabas sa ama nito na maayos ang relasyon namin ni Andria. Na walang samaan ng loob sa pagitan namin dahil sa nangyari pero ginamit niya iyon para lalong magkaroon ng lamat ang relasyon ng pamilya natin. Kaso hindi naman nangyari."

    "Kaya walang kasalan na nangyari sa inyo ni Andria?"

    Umiling si Andria. "Alam ni Andria na hindi ko siya mahal. At saka, hindi naman ako ang gusto ni Andria. Yes! She wants me to marry her because of the promise she thought I did but when she found out that Joshua is the one who promise to her, she back out. Alam din kasi nito na si Anniza ang gusto ni Joshua at buntis nga si Anniza. She just love the idea of marrying me and to please her father but she realized that love should exist in couple. Kaya nga tinulungan niya ako kahit alam niyang ikakagalit iyon ng kanyang ama. Dahil alam niya kung gaano kita kamahal."

    Natahimik siya sa sinabi nito. Akala niya ay masamang tao si Andria. Sinumpa pa niya ito at si Shilo noon pero ang ama pala nito ang may kasalanan ng lahat. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Sinadya talaga ng ama ni Andria na ipalabas ang news na iyon para umalis siya a buhay ni Shilo. Nagtagumpay ito na sirain ang lahat sa kanila ng binata. Napakuyom siya dahil sa nalaman.  May tao pala talagang ganoon. Gaganti kahit sino pa ang masagasaan ng plano nito.

    "K-Kamusta naman ngayon si Andria?" tanong niya.

    Umiwas ng tingin si Shilo at tumingin sa langit. "She died, Maze. Namatay siya noong nakaraang taon dahil sa car accident. Kasama niya ang kinakasama niyang ayaw ng ama nito."

    Napatutop siya sa labi niya. Kilala ang pamilya ni Andria ngunit hindi niya iyon nalaman. Hindi siya naka-imik at napatingin na lang sa lupa. Hindi man lang niya napasalamatan ang babae bago ito nawala. Kahit papaano ay naging mabait ito kay Shilo. Sa kabila ng ginawa ng magpinsan dito ay napatawad pa rin nito ang dalawa at tinulungan pa.

    Hinawakan ni Shilo ang kamay niya at dinala sa labi nito. "Andria says sorry for hurting you."

    Napatingin siya kay Shilo. Hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito at naiintindihan niya ito. Hinarap niya si Shilo sa kanya at hinawakan ito sa pisngi.

    "I love you."

    "I love you too, Maze." Kinabig siya ni Shilo para sa isang mahigpit na yakap.


CREATORS' THOUGHTS
HanjMie HanjMie

After nito kay Shan at Carila na ang ilalagay ko. Sana suportahan niyo. Thank you.

Fallen to My Husband Jerk (Wishing Girl 2)

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login