NAKAUPO sa may lobby si Mazelyn kasama ang ibang staff ng Meili De Hua Group of Companies. Ngayong araw ang team building nila. Alas singko ng umaga palang ay nandoon na sila. Susunduin sana siya ni Joshua kaso tumanggi siya. Alam naman niya kasing kasama nito si Anniza at ayaw niyang maging referee ng dalawa. Bahala ang mag-amo na magbangayan na parang aso't pusa. Pareho naman ang mga itong abnormal. Isang pasaway at isang pikunin. Nagulat siya kanina ng lumabas ng bahay at nakita si Shilo na nakasandal sa kotse nito. Hinihintay siya ng lalaki. Sinundo siya nito dahil ayaw daw nitong mag-commute siya ng ganoong oras. Alam niyang hindi dapat niya bigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa nito pero hindi niya mapigilan, lalo na at sa tuwing gagawa ito ng nakakakilig na gesture ay tumitibok ng mabilis ang puso niya.
"Kainin mo muna ito?" inilahad ni Shilo ang dala nitong sandwich at tubig.
Napatingin siya sa dala nito. Ngumiti siya at kinuha iyon. "Thank you."
Naging mas malapit siya kay Shilo simula ng gabing naki-usap itong wag siyang lumipat ng ibang department. Patuloy siyang naging sekretarya nito kahit pa nga ang puso niya ang nakataya. Alam niyang masasaktan siya sa ginagawa pero handa siyang sumugal sa panandaliang sayang hatid nito. She will face the consequences later and she needs to ready herself to be hurt more.
Umupo sa tabi niya si Shilo. Napansin niyang napatingin sa kanila ang ibang mga staff. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit ganoon ang boss nila sa kanya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng mga ito kung paano siya tratuhin dati ni Shilo. Sabi nga ng mga ito ay hanga sila sa katigasan ng loob niya.
"Sasama po ba si Sir Shan?" tanong niya rito bago kinagatan ang sandwich na bigay.
Tumingin sa kanya si Shilo. "Hindi ko alam. Kakauwi lang nila galing Guam. Baka magpapahinga pa ang mga iyon."
Tumungo siya rito at itinuon na lang ang atensyon sa kinakain. Malapit na siyang matapos sa kinakain ng may naramdaman siyang may humawak sa gilid ng labi niya. Napatingin siya sa pangahas at napaatras siya nang makita kung gaano kalapit sa mukha niya ang mukha ni Shilo. Hinawakan niya ang gilid ng labi, siya na ang nagtanggal ng nagkalat na mayonnaise.
"Ang dungis mong kumain. Para kang bata." Sabi nito habang may naglalarong ngiti sa labi.
Napayuko siya. Naramdaman niyang umakyat lahat ng dugo niya sa mukha tapos sobrang bilis pa ng tibok ng kanyang puso. "Thank you pero ngayon lang po ito."
"Ngayon lang. Sigurado ka, Maze?"
"Oo kaya Sir."
"Should I show you something I saw yesterday at...." sabi nito habang kinukuha ang phone sa bulsa.
Natigilan siya ng maalala ang larawan na kinuha nito kahapon. Nagyaya kasi itong kumain kasama sina Anniza at Joshua. Sarap na sarap siya sa pagkain ng hipon na hindi niya namalayan na puno na ng ketchup ang gilid ng kanyang labi. Kung hindi pa nagflash ang camera ni Anniza ay hindi niya pa mamalayan na pinagtatawanan siya ng tatlo.
"NO!!!" Inagaw niya rito ang phone.
Tumawa naman si Shilo sa ginawa niya. Halata naman na pinagtritripan lang siya nito. Hindi niya tuloy mapigilan na ihampas dito ang phone na hawak.
"I hate you!"
"You should see your face, Maze." Tumatawa pa rin nitong sabi.
Inirapan niya ito at tinalikuran. Walang-hiyang lalaki ito, pinagtatawanan siya. Hindi naman siya pikunin na tao pero naiinis siya dahil pinagtripan siya nito. Naalala niyang binura nga pala nito iyon kagabi ng hinatid siya nito.
"Hey! Are you mad?" hinawakan siya ni Shilo sa braso.
Hindi niya ito pinansin. Bahala ito sa buhay nito. Aba, hindi porket magkaibigan na sila ay palalampansin niya ang ginawa nito. Nahawa na yata si Shilo sa kabaliwan at kaabnormalan ni Joshua. Nitong huling linggo ay madalas ng magkasama ang magpinsan na pinagtataka nila. Mukhang kailangan niyang ilayo ang boss niya kay Joshua at baka tuluyan itong maging abnormal. Sayang naman ang kagwapuhan ng boss niya. Balak pa niyang magpalahi rito, sayang ang genes.
"Hey! Maze, I was just kidding. Promise, I won't do it again."
Magsasalita na sana siya ng may taong umupo sa pagitan nila. Napalingon siya at lalong napasimangot ng makita ang pagmumukha ng HR manager ng MDHGC.
"Wag nga kayong PDA dalawa. Maraming nagugulat na mga empleyado." May bahid ng panunuksong sabi ni Joshua.
Napatingin siya sa paligid. Lahat nga ay nakatingin sa kanila pero agad din nag-iwas nang tumingin siya sa mga ito. Napayuko siya at itinago ang mukha. Ngayon lang pumasok sa isip niya na nasa lobby sila at kasama nila ang buong empleyado ng kompanya. Nakakahiya sa mga ito na ganoon siya kumilos sa harap ng presidente ng kompanya. Masyado naman kasi siyang kampante kay Shilo. Simula kasi ng maging malapit siya rito ay naging comfortable na siya sa mga galaw niya. Naging totoo siya sa sarili at sa kanyang kilos kaya kung ano ang nais niyang galaw at pakikitungo kay Shilo ay ginagawa niya. Wala naman siyang nakitang pagtutol kay Shilo kaya lagi na niyang ginagawa. Lalo kapag nasa labas na sila ng opisina.
Naramdaman niyang may tumayo sa harap niya kaya umangat siya ng tingin. Nakatayo na sa harap niya si Shilo at nakalahad ang kamay.
"Let's go. Mauna na tayong dalawa. Iilan na lang din naman ang hinihintay nila. Si Joshua na ang bahala sa mga ito." Seryusong sabi nito.
"Shilo, ikaw ang boss. Kaya..."
"HR manager ka. Trabaho mo iyan. Kasama mo naman si Anniza." Hinawakan ni Shilo ang kamay niya at marahan siyang hinila.
Hindi nito pinansin ang mga tingin mula sa mga empleyado nito, basta hinila lang siya nito paalis sa lugar na iyon. Sa parking area kami pumuntang dalawa. Seryuso pa rin ang mukha nitong inalalayan siyang makapasok ng kotse. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matakot rito o hindi. Mukha naman kasi itong hindi galit, seryuso lang talaga. Marahil ay nahiya din ito sa nangyari kanina sa lobby. Baka iniisip nito kung ano ang sasabihin ng mga staff patungkol sa kanila.
Napabuntong hininga siya. Magpapaliwanag na lang siya mamaya sa mga ito. Baka nga iba na ang isipin ng mga tao patungkol sa kanila ni Shilo. Ayaw naman niya na mahirapan si Shilo. Siya na ang gagawa para maituwid ang maling hinala ng mga staff kahit pa nga gusto niyang isipin ng mga ito na mayroong namumuong pag-ibig sa pagitan nila ng binata kahit wala naman.
NASA isang resort sila kung saan pagmamay-ari ng pamilya ni Shilo. Ito ngayon ang hawak na kompanya ni Sir Shan. Mas gusto daw kasi ni Sir Shan ng kompanya na hindi makakain ng malaki ang oras nito kaya ito nagresign bilang President ng MDHGC. Napakalaki ng resort at halos okupado nila ang kalahati ng building. Lahat sila ay nagkita-kita sa may front beach para simulan ang team building nila ng matapos magcheck in at ayusin ang gamit sa kanya-kanyang room assignment. Kasama niya sa kwarto si Anniza. Dalawang araw at isang gabi sila doon. Hindi naman kalayuan ang Batanggas pero maaga silang umalis ng Manila. Umalis sila ng six o'clock at nakarating sila ng Hotel ng nine am.
"Narito na po ba ang lahat?" tanong ng host nila na siyang staff sa resort.
"Yes!" malakas na sigaw ng lahat.
"Okay. Form a three line and count one to five. We will have five teams for our games."
Masayang nagbilang ang lahat. At dahil nasa likuran niya si Shilo ay sa ibang team ito napunta. Sumali din kasi ito na ikinagulat ng lahat. Sa loob kasi ng tatlong taon na pagtatrabaho niya sa kompanya ay hindi ito kahit kailan sumali sa ganoong kasiyahan. Lagi lang itong nasa gilid at pinanood sila habang may hawak na alak. Nasa team three siya habang si Shilo ay nasa team one. Sampo kami sa team at iilan sa kanila ay nakasama niya na dati sa mga laro kapag may ganitong kasiyahan sa opisina.
"Okay! Magsisimula tayo sa kung sino ang magaling mag-cheer. Bibigyan ko kayo ng sampung minuto para makagawa ng magandang cheer. Ang magdedesisyon kung sino ang maganda ang cheer ay sekreto. Meron tayong secret judge. Pagkatapos ng laro ay sasabihin namin kung sino ang nanalo sa bawat game. Kung sinong team ang may maraming larong pinanalo sila ang makakatanggap ng premyo." Masiglang sabi ng host.
"Anong grand price?" tanong ng isa sa team two.
"Secret." Sabi ng host at inilagay pa ang isang daliri sa labi.
Tumawa lang sila ngunit nagulat ang lahat ng pumunta sa harap si Shilo at kinuha ang microphone.
"Whoever team will win, they will stay here for one more night and all expenses are on me. I will leave one of our transportation for all of you and you are off for Monday duty."
Nanlaki ang mata ng lahat sa sinabi ni Shilo. Napangiti naman siya at nagthumbs up dito. Mukhang gusto nitong makuha ang loob ng lahat ng staff kaya niya iyon ginawa. Unti-unting binabago na nito ang tingin ng mga tao. Shilo been working hard to change his image inside the company and she is happy for him that it's giving a positive result.
"Sir, may bayad naman po ang Monday off namin?" tanong ng isang staff.
"Yes! It's off with pay. And Joshua heard it, so it's under my expenses too."
Natuwa ang lahat sa sinabi nito kaya nagsigawan ang lahat. Mukhang kailangan manalo ang team nila para magkaroon sila ng one day off. Sayang din naman iyon. Buong araw na nandito sa hotel at sagot pa ng boss nila. Hindi niya talaga iyon palalampasin.
"So everyone, do your best. Good luck and no cheating." Ibinalik ni Shilo ang microphone sa host.
Nagsalubong ang tingin nila ni Shilo. He winks at her that make her blush. Talagang may hatid na saya sa kanya ang simpleng gesture na ginagawa ni Shilo. May bahagyang tumulak sa kanya na ikinabalik niya sa realidad. Napatingin siya sa gilid niya at nakita niya ang mapanuksong tingin ng mga kasama nila. May iba pa palang nakakita sa ginagawa ni Shilo, napayuko na lang siya para maitago ang namumulang mukha.
"Okay, guys!" pumalakpak ang isa sa mga lalaki nilang kasama. Isa ito sa head ng finance department. "Gusto nating magkaroon pa ng isang araw na pahinga rito, kaya naman kailangan manalo tayo. Kailangan galingan natin, okay?"
"Let's do this guys."
Ngumiti siya. Magiging masaya ang team building ng taon na ito dahil sa ginawa ni Shilo. Halos lahat ay gusto manalo. Unang nagpakitang gilas sa pag cheer ang team ni Joshua, na puro kalukuhan. Hindi kasi sabay sabay ang mga ito at may pyramid formation pang nalalaman ang mga lalaki na hindi naman natayo ng maayos. Pangatlo sila sa magpeperform ngunit papunta palang sila sa gitna ng bigla siyang nakaramdam ng papanakit ng ulo. Nasapo niya ang kanyang ulo ng mas lalo iyong sumakit. Napahawak siya sa kasama ng unti-unting dumidilim ang paligid niya.
"Maze, are you okay?" narinig niya pang tanong ng katabi bago tuluyan nawalan ng malay.
NAGISING si Maze na parang may humambas na matigas na bagay sa ulo niya. Napahawak siya sa ulo habang marahang bumangon. Iginala niya ang paningin sa paligid at napuno siya ng patataka ng maalalang hindi iyon ang kwartong itinalaga para sa kanila ni Anniza.
Nasaan siya at paano siya napunta doon? Pilit niyang inaalala ang nangyari kanina. Naalala niya na nasa front beach sila dahil magsisimula na ang kanilang team building. Tapos magsisimula na sana sila sa pagperform ng bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nanlaki ang mga mata niya ng maalalang nawalan siya ng malay. Tatayo na sana siya ng bumukas ang pinto ng suite.
"You finally awake." Sabi ni Shilo na seryuso ang mukha ngunit nasa boses ang pag-aalala sa kanya.
Tumungo siya at inayos ang pagkakaupo sa kama. Marahang lumapit sa kanya si Shilo. Umupo ito sa kabilang parte ng kama at iniabot ang kanyang noo para salatin. Bumilis ang tibok ng puso niya at parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Napatitig siya sa mukha nitong seryuso habang hawak ang kanyang nuo. Napakasarap titigan ni Shilo sa malapitan. Wala siyang masabing kahit anong kapintasan sa mukha nito kahit saang angulo ay napakagwapo nito. Nakakahiya nga kapag kasama niya ito dahil talagang nagmumukha siyang sekretarya ng binata. Sa mukha niyang hindi naman ma ipagmamalaki. Maraming nagsasabihin maganda siya pero hindi naman siya naniniwala.
"Mukhang bumaba na ang lagnat mo." Sabi ni Shilo at bahagyang lumayo sa kanya at pinakatitigan ang kanyang mukha.
Bigla siyang napaiwas ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang titig nito. Pakiramdam niya pati ang kanyang kaluluwa ay tinitigan nito. Masyado ding mabilis ang tibok ng puso niya, ayaw niyang mapansin nito na sobrang lakas ng dating nito sa kanya.
"I will bring your food now. You need to eat a lot. Kailangan mabawi mo ang lakas mo." Tumayo na ito at aalis na sana ng agad niyang hinawakan sa braso para pigilan.
Nakita niyang napatingin sa kanyang kamay si Shilo kaya parang napapasong binitawan niya iyon. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng pagkailang dito. Simula ng bumait ito sa kanya ay naging comfortable na siya ngunit ng mga sandaling iyon ay hindi niya magawa. Marahil ay dahil nasa isang kwarto lang silang dalawa at nasa isa-isang kama.
"May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Shilo.
Umiling siya. "B-bakit ako nandito? At kaninong suite ito?"
"Private room ko dito sa hotel. Pareho kaming meron ganitong room ni Kuya Shan sa lahat ng hotel ng pamilya." Muling umupo ng kama si Shilo at humarap sa kanya. "Hinimatay ka kanina dahil sa sobrang taas ng lagnat. Ang sabi ng doctor ay marahil sa sobrang pagod at pabago-bago ng klima kaya ka nagkasakit."
Tumungo siya rito. Kahapon pa nga pala masakit ang katawan niya tapos wala din siyang ganang kumain. Iyong sandwich lang talaga na bigay ni Shilo ang kinain niya kanina, hindi din siya kumain ng breakfast dahil wala siyang malasahan. Tanging tikim lang ang ginawa niya.
"You need to take a rest. Excuse ka muna sa lahat ng activity ngayong araw. At dahil alam kung kasalanan ko kung bakit nagkasakit ka, Monday ka na babalik ng Manila."
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ka nagbibiro, Shilo? Kasama ako sa magdaday-off ngayong Monday?"
Ngumiti si Shilo at tumungo bilang tugon sa kanya. "Kaya dapat magpahinga kana para bukas ay makagala ka sa buong resort."
Gumanti siya ng ngiti rito at inayos na ang pagkakahiga. Amusement written on Shilo's face when he saw her lay on bed. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang noo. Akala niya ay sasalatin lang nito ang noo niya para alamin kung mainit pa rin siya ngunit nagulat siya ng bigla nalang nito halikan ang kanyang noo.
"I bring you food and medicine then you can have your beauty sleep." Bulong nito at tumayo ng tuwid. "Don't scared me like that again, Mazelyn." Dagdag nitong wika bago siya iniwan.
Wala sa sariling napahawak siya sa noo na hinalikan ni Shilo. Nasa isang panaginip lang ba siya? Totoo bang hinalikan ni Shilo ang kanyang noo. Hindi kaya ay nag-hallucinate lang siya dahil sa may sakit pa siya. Kinurot niya ang pisngi para patunayan na isa iyong panaginip lang ngunit agad niya din hinawakan ang pisnging nasaktan. Totoo ngang kasama niya kanina si Shilo at hinalikan siya sa noo. Hindi lang isang panaginip ang lahat, nararamdaman niya pa ng mga sandaling iyon ang mga labi nitong lumapat sa kanyang noo. Alam niya ng mga sandaling iyon ay sobrang pula na ng kanyang pisngi, kasing pula ng spagitte ng kanyang ina na maraming ketchup.
"ALAM MO, Maze, hindi talaga kami makapaniwala kanina sa reaksyon ni Sir Shilo ng mahimatay ka." Sabi ni Katrina, isa ito sa mga staff ng kompanya.
Nasa dalampasigan sila ng mga sandaling iyon at nakapaikot sa bonfire. Hindi sana siya sasama sa mga ito ngunit bigla na lang siya hinatak ng makita siya sa lobby ng hotel. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumama sa mga ito. May ginawang bonfire ang mga staff ng hotel kaya doon sila tumambay. Medyo malayo iyon sa hotel at nasa batuhan pa ngunit ayos lang dahil maiingay ang ilan sa mga kasamahan nila. Sila kasi ang mga staff na nanalo sa team building at naiwan ngayon sa hotel. Team ni Joshua ang nanalo ngunit wala ang binata. Nagdesisyon kasi itong bumalik ng Manila para ihatid si Anniza. Hindi niya alam kung pati ba si Shilo ay bumalik din ng Manila. Nakita niya lang ito kaninang umaga at tanghali dahil ito ang nagbigay ng gamot niya pero hindi na niya nakita ito ngayong gabi.
Napatingin siya kay Katrina. Lahat ng tao doon ay nakatingin pala sa kanya. "Anong sinasabi mo?"
"Alam mo ba na nagpanic ng husto si Sir Shilo ng bigla kang hinimatay kahapon. Ang lakas ng boses niya habang tumatawag ng medic. Sinigawan pa nga niya ang mga staff ng hotel. Bakit wala daw naka-abang na medic eh alam naman na may team building. Hindi lang iyon, muntik pa niyang masisante ang isang medic dahil bubuhatin ka sana. Buti na lang talaga nandoon si Sir Joshua." Natatawang kwento ni Katrina.
"Hindi lang iyon, Maze. Kahit na check ka ng medic ay sigaw pa rin siya ng sigaw. Tumawag pa nga ng chopper dahil gusto niyang sa Manila ka patingnan. Gusto naman matawa sa reaksyon niya kaso hindi naman magawa dahil iyong reaksyon niya parang dragon na." Kwento naman ni Jasmine.
"Nasuntok pa nga niya si Sir King dahil ito ang nakasalo sa iyo ng mahimatay ka. Naawat lang talaga ni Sir Joshua." Sabi naman ni Ximmer.
Napatingin siya kay Sir King, ang Financial Manager ng kompanya. Tahimik lang itong umiinum at hindi nakatingin sa kanya. Napangiwi siya ng makita ang pasa sa mukha nito, may band aid pa sa kilay nito. Sigurado siya na hindi lang isang suntok ang tumama sa mukha nito.
"Maze..."
Napatingin siya kay Katrina ng magsalita iyon.
"Ano iyon?" tanong niya.
"Ahm..." Tumingin ito sa mga kasama nila. "A-Ano... May..."
"May relasyon ba kayo ni Sir Shilo, Ms. Reyes?" Si Sir King na ang nagtuloy sa tanong ni Katrina.
Napatingin siya dito. Seryuso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Binundol ng kaba ang puso niya. Ngayon lang nagsink-in sa isipan niya ang sinabi ng mga ito. Ganoon ba talaga ang nangyari kanina? Pero bakit naman gagawa ng kwento ang mga ito, di ba? Ano naman ang mapapala ng mga ito? At saka alam ng mga ito na si Sir Shilo ang makakalaban ng mga ito kapag gumawa sila ng kasinungalingan. Nakagat niya ang ibabang labi niya. Iyong mga kwenento nila. Ganoon ba talaga ang reaksyon ni Shilo kahapon ng mahimatay siya. Bakit naman mag-aalala ang isang kagaya nito sa kanya.
Naramdaman niya ang saya ng puso niya dahil sa narinig ngunit agad din niyang pinutol ang kasayahan na iyon. Walang magandang mangyayari kung aasa siya. Baka sadyang nag-alala lang ito. Hindi ba at sabi nito ay ito ang may kasalanan kung bakit siya nagkasakit. Maaring na guilty lang ang binata kaya nag-alala ito sa nangyari sa kanya. Tama! Ganoon nga siguro.
"Ano ba kayo? Kami ni Sir Shilo may relasyon?" tumawa siya ng mahina. "Imposibling magkagusto sa akin si Sir Shilo. Nag-alala lang siguro iyon dahil sekretarya niya ako."
Nagkatinginan ang mga kasama niya. Yumuko naman siya at uminum na lang ng wine. Alam niyang hindi agad maniniwala ang mga ito pero bahala na sila. Totoo naman ang sinabi niya. Wala naman talaga silang relasyon ni Shilo. Magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa kapag nasa labas sila ng opisina. Alam niyang hindi na lalampas pa doon ang pagtingin sa kanya ng tao. Three years, sa loob ng tatlong taon damdamin niya lang ang nagbago at hindi nararamdaman ni Sir Shilo.
Nagpapasalamat siya ng iniba na ng mga kasama ang usapan. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na siya tinanong ng mga ito patungkol kay Shilo. Dinaan na lang niya ang sarili sa pag-inum ng wine. Hindi niya alam kung ilang bote ng wine na ang nainum niya ng maisipan ng mga kasama na pumunta ng bar na hindi kalayuan sa hotel. Niyaya siya ng mga ito ngunit tumanggi siya. Nahihilo na kasi siya ng konti at saka hindi naman siya mahilig sa ganoong lugar. She never going to a place like that. Hindi naman siya pinilit ng mga ito. Iniwan siya ng mga ito doon.
Namayani naman ang katahimikan ng lugar ng iwan siya ng mga ito. Umayos siya ng upo at tumingala sa kalangitan. Pumikit siya at nilasap ang sariwang simoy ng hangin. Pinakinggan niya ang tunog ng alon at pagsayaw ng mga dahon sa hangin. Nakaramdam siya ng kapayapaan ng mga sandaling iyon. Ang sarap pala kapag nasa ganoong lugar ka. Hindi niya ramdam ang lamig ng simoy ng hangin dahil sa bonefire. Napangiti siya. Napakasarap sa pakiramdam.
"Care to share?" sabi ng isang pamilyar na boses.
Napamulat siya at napatingin sa taong nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya at hindi napigilan ang isang ngiti ng makilala ang lalaki. Umupo ang lalaki sa tabi niya.
"Akala ko bumalik ka na ng Manila, Sir Shilo."
"Kailangan ko din yata ng pahinga. Isang araw lang naman."
"Oo nga. Simula ng magtrabaho ako sa'yo, kahit isang beses hindi ka pa nagbakasyon."
Tumungo si Shilo. "I hate vacation even going somewhere I don't even know. Mas gusto ko na may kasama kapag nagbakasyon."
Napatingin siya rito. Tama ba ang pagkakarinig niya. Ayaw nitong magbakasyon ng mag-isa?
Napatingin din sa kanya si Shilo. "Bakit ganyan ka tumingin?"
"Hindi kasi halata sa iyo sir."
"Anong hindi halata?" salubong ang mga kilay na tanong nito.
"Para kasing mas sanay kang mag-isang nagbabakasyon."
Ngumiti si Shilo. "Iyon ba ang tingin mo sa akin?"
Tumungo siya bilang sagot. Nakita niyang ngumiti ng mapakla si Shilo. Nakita niya din ang pagguhit ng lungkot sa mga mata nito. She knows Shilo is a lonely guy inside. Simula ng makita niya itong naglasing ay doon niya nakilala ang ibang side ng kanyang boss. Each day passing by, and know the real him makes her fall to him more. Iba na ang tingin niya rito. Hindi na ito ang lalaking sinasabi niyang dragon. Knowing the different side of him and he's trying his best to change his self makes me feel happy and glad. Lalo pa nga at alam niyang isa siya sa mga dahilan ng pagbabago nito.
Kinuha niya ang isang wine glass at sinalinan iyong ng wine.
"Here!" binigay niya rito ang hawak na wine glass.
Napatingin naman doon si Shilo. Ngumiti ito kahit pilit sa kanya bago tinanggap ang wine glass. "Umiinum ka nakakagaling mo lang sa sakit?"
Napangiwi siya sa sinabi nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Oo nga pala, akala nga pala niya ay wala ito kaya hindi niya tinanggihan ang mga kasama kanina ng inalok ng mga ito ang bote ng wine.
"Paluin kaya kita, Maze." Pabulong na sabi nito.
Napatingin siya dito. May naglalarong ngiti sa mga labi ng kanyang boss habang umiinum ng wine. Hindi niya napigilan na titigan ang adams apple nito na gumagalaw habang ito ay umiinum. Nakaramdam siya ng munting apoy sa loob niya. Napalunok din siya ng sariling laway at napakagat sa ibabang bahagi ng labi niya. Bakit ang hot nito habang umiinum ng wine? Unti-unting naglakbay ang kanyang paningin sa mukha nito. Tumigil ang kanyang paningin sa mga labi nitong mapupula. Lalo siyang napatulala dito ng makita kung paano lumapat ang baso sa mga labi ng kanyang sinisinta. Parang nais niya tuloy maging baso ng mga sandaling iyon. Ano kayang pakiramdam na mahalikan ng mga mapupulang labi nito?
"Maze!" marahang tinapik ni Shilo ang braso niya na nagpagising sa lumalakbay niyang diwa.
Napakurap siya. Nakita niyang nagtatakang nakatingin sa kanya si Shilo. Wala sa sariling napainum siya ng alak. Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi dahil sa nangyari. Nahuli siya ni Shilo na nakatingin dito habang nanaginip ng gising. Bakit ba kasi hindi niya mapigilan ang sarili?
"Ang ganda ng langit, ano?"
Muli siyang napatingin dito. Nakatingala na si Shilo sa langit. Mukhang wala lang dito ang ginawa niya kanina o ayaw lang nito na makaramdam siya ng pagkapahiya kaya iniba nito ang usapan.
"Oh..." tugon niya sa tanong nito.
Napatingin siya sa langit. Napakaganda ng mga bituin na nagkikislapan. Natigilan siya ng may nakitang falling star.
"Oh! Nakita mo iyon?" tanong niya rito.
"Ya. I saw it." Sagot ni Shilo. Halata sa boses nito na natuwa ito sa nakita.
"Let's make a wish." Sabi niya rito at agad na ipinikit ang mga mata.
Nang matapos siyang humiling ay tumingin siya kay Shilo at nagulat siya ng makitang mataman itong nakatitig sa kanya. Napakaseryuso ng mga mata nito. Pakiramdam niya ay pati kaluluwa at kaloob-looban niya ay nais nitong makita. Napalunok siya ng wala sa oras. Sobrang naiilang na siya sa titig nito. Napaiwas siya ng tingin ngunit agad ding bumalik ng marahan nitong hawakan ang kanyang baba at iniharap dito.
"S-Shilo..." banggit niya sa pangalan nito.
"You..." unti-unting inilapit ni Shilo ang mukha sa kanya. "... are beautiful, Maze." Dagdag na bulong ni Shilo bago nilapat ang mga labi sa kanyang mga labi.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Feeling Shilo's lips touch her makes her see a thousand butterfly. Para ding may fireworks na nangyari sa kanilang paligid. Sobrang lambot ng mga labi nito na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ipinikit niya ang mga mata at wala sa sariling tinugon ang halik nito. Bahala na si Batman kahit wala siyang alam sa kung paano humalik. Unang halik niya iyon kaya hindi niya alam kung paano ang tamang pagtugon sa halik nito. Sinundan na lang niya ang galaw ng mga labi ni Shilo. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Shilo sa baywang at lalong inilapit ang kanyang katawan dito. At para naman may sariling isip ang kanyang mga braso, iniangat niya iyon at humawak sa mga leeg ni Shilo. Shilo deepen their kiss.
Lasing na lasing na siya sa halik na kanilang pinagsasaluhan kaya wala na siyang pakialam kung nasaan man sila ng mga sandaling iyon. Wala siyang pakialam kung may makakita sa kanila na nga kasamahan sa trabaho. Ang importante ay ang halik na pinagsasaluhan nila ni Shilo ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain nahahalikan siya ng taong noon paman ay pinag-aalayan na niya ng kanyang puso at sarili. Kaya susulitin niya ang mga sandaling iyon.