Download App
51.85% Broken Promises / Chapter 14: Chapter 13

Chapter 14: Chapter 13

Lyric's POV:

[FLASHBACK]

"Hanggang kelan moko tatalikuran?hanggang kelan mo tatalikuran yung mga tanong ko?Hanggang kelan mo tatalikuran yung katotohanang mahal mo pa rin si Tristan?hanggang kelan Lyrics?"-Ram

[End of flashback]

Napatigil ako sa ginagawa ko nang magbalik sa isip ko ang mga tanong na yan ni Ram.Kasalukuyan akong nandito sa kusina naghihiwa ng sibuyas na inilalagay ko sa pinakukuluan kong baboy.

Halos araw-araw kong naiisip ang mga salitang iyon ni Ram,sa loob kasi ng isang linggo hindi pa ulit kami nagkakausap.Hindi sya nagtetext o tumatawag man lang sa akin,kahit sa messenger ni wave o pag send ng mga stickers hindi nya rin ginagawa,kahit online pa sya.Hindi rin naman ako nag gagawa ng move para magkausap kami,hindi ko lang kasi nagustuhan yung mga sinabi nya the last time na nagkausap kami.Ano bang ipinopoint out nya sa tanong na yun?bakit nasali si Tristan sa eksena?hindi ko sya maintindihan sa totoo lang.

Sa oras na ito inilagay ko na ang hiniwa kong sibuyas sa pinakukuluan kong baboy,kumuha rin ako ng tinidor para ipantusok sa laman ng baboy para icheck kung malambot na ito ngunit..

"Ouch ang init,kanina ko pa ito pinakukulo bakit ang tigas pa rin"-inis kong pagkasabi

Tinignan ko ang napaso kong kamay na natalsikan ng mainit na tubig ng pinakukulo ko.

" Sakit?"-roan

Napatingin ako kay Roan na kasalukuyang paupo sa isang upuan sa dining.

"Oo,masakit bakit pa kasi ako ang pinagbabantay mo sa pagpapakulo ng baboy na to e,diba usapan taga hugas lang ako."-pagtataray ko

" Talagang ikaw ang pinagawa ko nyan para may marealize ka"-roan

"Ano??sa pagpapakulo ng baboy may marerealize ako?ano yun?"-tanong ko

" Yun bang hanggang kelan ka mag aantay na lumambot ang laman nyan kahit ang sakit sakit kapag nataksikan ka ng mainit na tubig mula jan sa kaserola"-roan

Bahagya kong hininaan ang apoy ng kalan at bahagyang nilapitan si Roan

"Anong ibig mong sabihin?ano nahawa ka kay Ram na biglang naging matatanungin?"-ako

" Exactly si Ram ang tinutukoy ko mukhang nag pa-function ang utak mo girl ngayon ah congrats."-pangaasar ni Roan

"Huh?so bakit nasali sa usapang to si Ram?hello nagpapakulo lang ako ng baboy?bakit sya nasali?"-pagtataka ko

" Dahil tulad ng matigas na laman ng baboy na yan yung feelings mo sa boyfriend mo!"-roan

Sandali akong napatahimik.Bigla akong napaisip sa sinabi ni roan.Napaupo ako sa isang upuan na nandito sa dining.

"Hanggang kelan ka ba aantayin ni Ram na maging malambot sakanya?friend nasasaktan mo na yung tao.Ano bang kagagahan yang pinararamdam mo sakanya?Four years mo na syang boyfriend bakit ka naging cold sakanya bigla?"-roan

" Hindi ah.."-sagot ko

"Anong hindi?nagsimula ka lang naman gumanyan nung nagkita kayo ni Tristan sa coffee shop at sa isang bar diba?hindi ka ganyan ka cold kay Ram nung hindi mo pa nakikita ulit yung ex mo"-roan

Nakatitig lang ako kay Roan sa mga oras na ito.Hindi totoo ang mga sinasabi nya.Hindi ako cold kay Ram at walang kinalaman si Tristan sa nangyayari.

" Hmmp alam mo Roan para kang tanga advance kana yata magisip e,walang eksena na ganyan,may di lang kami pagkakaintindihan ni Ram lately."-katwiran ko

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at marahang pumunta sa tapat ng ref para kumuha ng tubig ng magsalita muli si Roan

"Nung huli kaming nagkausap ni Ram,tinanong nya ako ko kung kanino ba talaga dedicated yung mga kantang ginagawa mo?"-roan

Napahinto ako sa pagsasalin ko ng tubig sa baso sa narinig ko mula kay Roan.

" Pati ba naman mga sinusulat kong kanta iisipan nyo ng hindi maganda?."- sagot ko

"Hindi ka namin pinagiisipan ng masama Lyrics.Sa part ko bilang kaibigan mo obvious na obvious kung kanino mo hinuhugot ang mga nasusulat mo,paano pa kaya kay Ram na boyfriend mo?tingin mo ba tanga yung tao?well actually tanga sya dahil nag stay pa sya sayo kahit nasasaktan sya."-roan

" Walang ibig sabihin ang mga ginagawa kong kanta at lalong walang ibang involve na tao sa pag gawa ko nun."-patabog akong nagbukas ng ref.

"Mahal mo pa si Tristan diba?"-roan

Natigilan ako sa sumunod na tanong ni Roan,hindi ko mailagay sa loob ng ref yung hawak hawak kong bote ng 1.5 na softdrinks na ginawang lalagyan ng tubig.

" Bestfriend kita.Kilalang kilala kita mula ulo hanggang talampakan mo.Ayaw na kitang makitang nakakasakit ng tao.Ayaw ko ng makitang may matulad pa kay Tristan na iniwanan mo sa ere ng basta na lang.Mahal mo pa sya diba?"-roan

"Wala na..wala na akong pakiealam kay Tristan.Kung sya nakamove on na,di maganda pareho na kaming okay.Yung bestfriend nyang si Hikari alam ko na sya na ang pinalit sa akin ni Tristan,pano ko nalaman?e noon pa man ramdam ko na na gusto nya ang boy..exboyfriend ko..kaya.masaya na ako para sa kanila."-ako

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yan,marahil dala na rin ng mga salitang binabanggit ni Roan.Matagal na akong nakamove on kay Tristan,hindi na dapat nila ako tanungin kung mahal ko pa ang taong yun dahil matagal na kaming hiwalay.

"Tapusin mo na lamang ang pagpapakulo sa baboy na yan papasok na muna ako sa kwarto.Inaantok pa kasi ako."-ako

Akma na akong aalis sa kinatatayuan ko nang magsalita muli si Roan.

" Napaka gaga mo talaga.Obvious ka te.Kahit hindi mo maamin yung nararamdaman mo sa ex mo halata sa hitsura at kilos mo."-roan

Napalunok ako ng malalamin ng marinig ko ang sinabi ng bwiset kong best friend,hindi na lamang ako umimik dahil hahaba pa ang usapan pumasok na ako agad sa kwarto at hinayaan na lamang syang mag luto.

[FLASHBACK]

**school

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa pila namin para sa pagpasok ng gate.Nagmamadali rin akong maglakad dahil nagtext sa akin kagabi si Roan na bestfriend ko na kailangan nyang kumopya sa akin ng assignment namin sa Filipino,terror kasi ang teacher namin sa subject na yan kaya kailangan may gawa kaming assignment.Hindi pa man ako nakakarating sa lugar ng pila namin ay may isa akong kaklase na sumalubong sa aking dinaraanan.

"Uyy,Lyrics!Ikaw ah hindi ka nagsasabi ha."-classmate

" Na ano?"-tanong ko

Napatigil ako sa paglalakad.Napansin ko rin na pinagtitinginan ako ng mga estudyante na nandito sa kinatatayuan ko.

"Kunwari kapang hindi mo alam haha"-classmate

" Anong hindi ko alam?"-tanong ko muli

"Nililigawan ka pala ng isang fourth year at kinikilig kaming mga classmate mo at iba pang nakakakita ng pangalan mo sa pader."-classmate

" Huh?pader?"-pagtataka ko

Ano bang nangyayari sa earth at kung ano ano ang sinasabi ng kaklase kong to.Nasobrahan yata to ng kape e.

"Gusto mong malaman kung ano ang tinutukoy ko?magmadali kang pumunta sa tapat ng building ng mga senior year."-classmate

" Anong meron dun?"-tanong ko

"Basta pumunta kana dun dalian mo."-classmate

Dahil sa sinabi ng kaklase ko para akong tanga na nagmamadaling pumunta sa tapat ng building ng mga senior year ,Bakit nasa pader ang pangalan ko?baka kung ano nang ginawa ng fourth year na kung sino man yun sa pangalan ko,nako malilintikan sya sa akin.

Malapit na ako sa pinaka tapat ng building ng mga fourt year nang makita kong tumatakbong parang buang ang bestfriend ko,isinisigaw pa nya ang pangalan ko.

" Lyrics!Lyrics!!!!!!!!!"-roan

"Huy ano ba,parang tanga ka?makikilala na ako ng mga taga jupiter sa lakas ng boses mo !.Ano bang meron?.Huwag ka mag alala may assignment ako at pakokopyahin kita."-sabi ko

Hinihingal hingal pa ang bruha na to na umakbay sa akin.

" Puff!puff! Mamaya na.puff!puff! Yung tungkol sa assignment na yan ..woooh!."-roan

"Gusto mo nang tubig?"-alok ko

" Hindi okay lang ako!"-roan

"E bakit kaba kasi nagtatakbo?"-ako

" Bakit ka rin tumatakbo??"-tanong rin nya.

"Kasi sabi nung isa nating kaklase na yung pangalan ko daw..."-ako

Hindi pa man ako nakakatapos magsalita bigla na lamang tumili ang babaeng to,wagas na wagas ang tili neto with matching palo,sampal sa pisngi ko at tulak pa.

" Roan!!ano ba?magtigil ka nga sa kakatili mo.Mukha kang eng eng!."-ako

"Haha kinikilig lang ako friend,akala ko kasi sa mga movie ko lang mapapanuod yung nililigawan ka tapos ipapaalam nya sa buong universe na gusto ka nyang ligawan yung ganun bang eksena"-roan

" Ang sweet nga nung ganun pero teka san mo ba nakukuha yung mga ganyang kaisipan mo ngayon?"-tanong ko

"Wait friend pag sinabi ko sayo wag kang hihimatayin sa sobrang kilig ah."-roan

Nakatingin lang ako kay roan sa oras na to,hindi ko sya maintindihan e?ano bang ibig nyang sabihin,actually nilang lahat dito sa school,nakatingin kasi silang lahat sa akin e.

Mya mya pa'y dahan dahan akong inihaharap ni Roan sa building ng mga senior year,hindi ko na namalayan na nandito na pala ako,paano ba naman kasi si Roan kala ko magpapalit anyo na sa sobra niyang kilig.

" Ano bang ginagawa mo Roan?para kang tanga"-sabi ko

"Humarap kana lang kasi sa building na yan para malaman mo kung bakit ako kinikig yieeeee".-roan

Para matapos na ang kagagahan ng best friend ko dahan dahan akong humarap sa building na katapat ko at dito biglang...

Tumigil ang mundo ko...

>>LYRICS SILVA,CAN I COURT<< YOU? -TRISTAN MEDRANO

Totoo ba itong nababasa ko?gamit ang isang puting cartolina na sinulatan nya ng mga salitang yan,idinikit sa dungawan ng third floor,halos lahat ng mga estudyante dito sa kinatatayuan ko,nababasa ang pangalan ko.Inilibot ko ang aking mata at lahat ng taong nandirito sa akin nakatingin,may mga nakangiti,yung iba nagpapaluan pa marahil kinikilig,may naririnig pa akong sumisigaw ng AYIEEEEEE,PAPAYAG YAN.Hindi ko maiwasang mapangiti sa nangyayari sa akin?meron pa palang lalake na handang ipagsigawan sa lahat na liligawan ka nya?sa panahon kasi ngayon sa text na lamang dinaraan ang panliligaw pero tong TRISTAN MEDRANO na ito,iba sya.

"Ano te?ngiti na lang?hirap kiligin noh?ilabas mo yang kilig mo mamaya mapautot ka nyan sa sobrang pagpipigil haha"-roan

" Para kang baliw friend natutuwa lang ako sa nangyayari"-sabi ko

"Natutuwa?tanga kinikilig ka,yang Tristan Medrano na yan simula ng dalhin ka nyan sa clinic nung hinamatay ka,parang tanga na lagi na lang susunod sunod sayo e mukhang hindi na nakatiis at ayan,nagpapansin na."-roan

Tumingin ako muli sa ginawang effort ni Tristan,nagiisip na sa una lang nya ito gagawin at hindi na mauulit pa,ganyan naman ang mga lalake diba?once na nafall kana wala ng ligawan na mangyayari dahil masyado na silang kampante na sasagutin na sila ng babaeng nililigawan nila.

"Alam mo friend ngayon lang yan mageeffort,bukas pustahan tayo e,wala na yang papaskil paskil nya ng " Feelings" Nya na yan haha."-pagmamalaki ko

"Napaka judgemental mo,mukha namang seryoso at mabait yang si Tristan kaya mageeffort pa yan."-roan

" Talaga lang ha?Basta ako?ngayon lang yan,dahil napansin ko na,tapos na ang effort nya haha"-ako

"Gaga!pag nanalo ko ikaw ang gagawa ng mga assignments ko at pag ikaw naman ang nanalo,ililibre kita ng kahit anong gusto mo wag lang gagawa ng assignments mo."-roan

"Haha!Deal."-ako

Pero nagkamali ako sa mga pinag iisip ko.Sa loob ng isang buwan,sa araw araw na pagpasok ko sa school,lagi akong nasusurprise sa mga nakasulat sa simpleng pa cartolina ni Tristan,actually nasasanay na ako na yun yung reason ko kaya ako pumapasok ng maaga at hindi ako umaabsent.Feeling ko kapag nagmintis ng isang araw na hindi ko makita kung ano ang nakalagay sa pacartolina nya,mababadtrip ako.

Hanggang kailan nya kaya ito gagawin?hanggang kailan nya ako papakiligin?o hanggang pagpapakilig na lang ba  talaga to.Paano kung dumating yung araw na mapagod na sya?ayoko naman na ako ang magbibigay ng first move,babae ako,at alam nya dapat yun.

Hanggang dumating ang isang araw na hindi ko inaasahan.Kung dati may nagaabang sa aking pacartolina na may message nya.

>>Miss sungit?magfocus ka sa lessons nyo,huwag moko laging isipin.<<

>>Babe,sa dinami rami ng babae dito sa school mantakin mo ikaw lang ang naging focal point ko<<

>>Sungit,kung exam ba ako sasagutin moko?<<

>>I like you,Lyrics.<<

Ngayon,sa araw na ito.Wala na.

Masakit,ewan ko kung bakit,hindi naman ako ganito kaaffected sa ibang manliligaw ko,pero iba talaga ngayon.Buong araw akong wala sa mood,hindi ako sumasali sa discussion,sa recitation and to top it all first time kong nakakuha ng lowest score sa exam.Wala e,sinira ng lalakeng yun ang araw ko.Ano bang nangyari sakanya?absent ba sya?wala ng cartolina?wala ng marker?wala ng scatch tape?napagalitan ba sya ng guard kasi nag vavandal sya sa wall?pero papel lang naman yun,O baka naman hindi ako yung Lyrics Silva na tinutukoy nya at nagaassume lang ako?baka may kapangalan ako dito sa school?.

Sa sobrang paranoid ko nagtanong tanong ako kung may kapangalan ako dito sa school,inutusan ko pa si Roan na mag tanong sa registrar para masiguro kung may kapangalan ako pero nga nga nagiisa lang ang pangalan kong Lyrics Silva.Hays tama nga siguro ako,napagod na yun mag pakilig sa akin,mga lalake nga naman fall na fall kana e hindi ka naman pala kayang saluhin.

Inlove na ako sa lalakeng yun.Fall na fall pa nga.Inaantay ko lang sya na manligaw sakin ng pormal pero bakit ganun?bakit hanggang dun na lang?ang daya naman ni Tristan.

Halos matatapos na ang araw ko sa school ng marinig kong naghiyawan ang mga kaklase kong nasa corridor sa mga oras na ito.Napatingin ako sa kanila,tyempo naman na papalapit si Roan sa akin at parang bruha na naman ang hitsura.

"Fren!!!!humayo ka sa pagkaka himlay mo dyan sa kinauupuan mo,nagbukas ang langit ibinalik ang prinsipe mo."-pasigaw na sabi ni Roan

" Magtigil ka dyan roan,masama pakiramdam ko.Ayoko makipag biruan."-sagot ko

"Wow?suplada?halika na!Dumungaw ka sa veranda,nasa baba si Tristan."-sagot ni roan

Sa sinabi nyang yun,napatayo ako agad sa kinauupuan ko,para akong nabuhayan ng loob,nagmamadali akong pumunta sa veranda para silipin ang sinasabi ni Roan.Hindi ko na nga sya inantay e.

" Iba ka fren!malandi ka."-sigaw ni roan

Hindi ko na pinakinggan pa si Roan.At nang makalapit ako sa veranda,biglang nagsigawan ang mga kaklase kong babae,napakaingay,halos mabingi ako.

Nang mapatingin ako sa ibabang parte ng building na kinalalagyan ko.Nakita ko sya.Nakita ko ang lalakeng pinakilig ako ng ilang buwan.Nakatayo,may hawak na boquet of flower na nakalagay sa pink na lalagyan.Nakatingala sa akin.Inirapan ko sya ng makita nya na ako.Inis na inis ako sa lalakeng ito pero nawala yun ng bigyan nya ako ng isang matamis na ngiti sanhi para lalong kiligin ang mga kaklase ko lalong lalo na si Roan na sumisigaw pa ng LALANDII NYO.....

Sa mga oras na yan,sinabi ko sa sarili ko na itong lalake na ito ay hindi dapat iniiwan,iilan na lamang sila na seryoso at may effort pero PINAKAWALAN KO SYA.PINAKAWALAN KO ANG LALAKENG MAHAL KO.

[END OF FLASHBACK]

Kung maibabalik ko lang ang  dati

Hindi na kita bibitawan pang muli

At ipadarama ko sa iyo

Na mahal kita,

Araw araw

Araw araw

Ngayon ikaw ay nasa piling nya

At ngayon ako ay nagsisisi na

Ngunit walang magawa

Kundi ang humiling na lang sana

O diyos ko

Isang araw lang ang hinihingi ko

Isang araw lang naman

Pag bigyan mo na ako

Ibigay mo na sa akin to

Nang maramdaman muli

At marinig muli na

Mahal nya rin ako.

Natapos akong umawit nandito na rin kasi ako sa venue na kung saan kami may gig.Bakit ba ako naapektuhan sa pagkikita namin ni Tristan?bakit kahit anong pilit ko na itanggi sya at sya pa rin ang dahilan kung bakit ako nalulungkot,kung bakit ako nagiging masama sa mata ni Ram.Ayoko syang saktan pero hindi ko maiwasan.

Pagdilat ko ng aking mga mata,nakita ko si Ram,nakatayo sa pinaka dulong bahagi ng Bar na ito.May hawak na bulaklak.Nakatitig sa akin.

Sya na ang boyfriend ko.Mahal ko sya,pero sa loob ng dibdib ko,may isang pangalan pa ring pinipintig ang puso ko .

Si Tristan.

[End of Lyrics POV]


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login