Unang araw ng pag pasok ni Shin sa kanilang kumpanya at walang ka idiidiya ang lahat,board of director maging ang mag amang HO, Ang pinsan at tiyuhin ni shin na si mr.William at jake dahil sa biglaang meeting na pinasagaw ni mr.Chen, ang board meeting.
''anong merun?.'' ang usap usapan ng lahat ng tao sa loob ng confirence room.
Nag sitayuan ang lahat ng dahil sa biglaang pag pasok ni mr.Chen sa loob ng conference room.
''maupo kayo.'' anya niya sa mga tao sa loob ng nasabing kwarto.
''anong merun?.'' sabi ng isang BOD.
''Ngayong araw na ito ipapakilala ko sa inyo ang bagong tatayong CEO ng kumpanyang ito'' ang sabi ni mr.Chen sa lahat ng taong naroroon sa loob ng kwarto.
Nakangiti ang mag amang William at Jake dahil sinabing iyon ni mr.Chen sa meeting. Ang alam nila ay sila na ang nanalo sa laban, pero wala silang alam at ikakagulat nila na ang taong nabanggit ni mr.Chen ay walang iba kundi ang kanyang anak na nawawala. Nung gabing iyon, pag kadating ni Shin ng araw ay agad na pinlanong mabuti ng mag ama chen at Shin ang gagawin bago pumasok ng opisina ng sa ganon na ang balak ni wlliam at Jake ay mabigo ng higit sa inaasahan nila.
''nais kong ipakilala sa inyo ang bagong CEO ng aking kumpanya na walang iba kundi si SHIN HO, ang nag iisa kong anak at tagapag mana ng Ainsoft Intertainment.'' banggit ni mr chen sa harap ng karamihan ng tao.
Gulat na gulat ang lahat ng pumasok si Shin sa kwarto kasama si Cindy, maging ang mag amang William at Jake ay nagulat sa kanilang nakita na nagkatinginan silang dalawa. Live broadcast ang meeting dahil sa importante ang sasabihin ni mr.Chen sa lahat. Halos maging ang buong mundo ay nagulat sa napanood na balita.Si Euna at ang kanyang ina na si ms Lin ay nanonood din ng araw na iyon kaya naman labis ang kanilang pag katuwa.
''ang akala ko ba ay patay na ang iyong anak.?'ang tanong ni mr.William sa dating ceo ng kumpanya.
''yan din ang alam ko nung una, pero salamat nalang sa anak mo na si Cindy at nakita ko pa ang matagal ko nang hinahanap'' ang tugon niya sa kanyang kapatid na si William Ho.
Labis ang pag kainis ni William sa natuklasan niyang balita. Maging ang tingin niya sa anak na si Cindy ay hindi maganda. Halos buhatin ni William ang lamesang ng opisina sa galit.Kipit kamay ni william ang kamay dahil sa galit.Nakita ito ng kanyang anak kaya naman..
''relax lang kayo papa'' ang sabi ni Jake sa ama.''hindi magiging maganda kung gagawa kayo ng iskandalo dito!'' dugtong pa nito sa kanya..
''kailangan kong gumawa ng paraan para mawalaa ko sa landas ko ang batang yan'' bulong ni William sa sarili habang papalabas ng kwarto.
Pag kalabas ng kwarto ni William ay agad naman itong nag tungo sa kanyang opisina kasunod ang kanyang anak na panganay at bunso nitong kapatid.
SAMANTALA.
''congratulation'' bati ng isang BOD sa binata at kay mr.Chen.
''salamat'' tugon nilang dalawa sa mga bumabati sa kanila.
''ngayong nakita mo na at naipakilala na sa amin ang iyong anak, ano ang plano mo?'' tanong ng isa sa mga myembro ng BOD.
''mag kakaroon ng salo salo sa manshion at imbitado kayong lahat, sa lamang itong pa welcome sa nag iisa kong unicoijo.'' ang tugon niya sa lalaking nag tanong.
''hahahahahahaha'' malalakas na halakhakan lang ang nadidinig sa loob ng nasbing kwarto, ang conference room.
Mabilis na kumalat ang balita dahil sa live broadcast ng meeting. Naging usap usapan iyon sa loob at labas ng kumpanya kaya naman agad na pinuntahan ni Shin si Euna para maimbita sa nasabing party pag katapos ng conference meeting.Dahil sa ilang araw na ang nakalipas ay namiss agad niya ang dalaga.
----------------------------------------------------------------
''Jin? anong ginagawa mo dito?'' tanong ni Euna sa binata ng makita niya ito sa harapan ng kanilang bahay!
''Euna? ano ba namang tanong yan? syempre andito ako dinadalaw ka kase namimis na kita!'' tugon ng binata sa dalaga.
Nakangiti ang dalaga na may halong kilig habang nagingilid ang luha. Dahil sa tuwa ng dalaga niyakap niya ito na para bang ang tagal na nilang hindi nag kita..
''grabe, ganun mo ba talaga ako namiss?'' biro niyang tanong sa dalaga..
'' ikaw talaga.'' na may halong hampas pa sa may bandang dib dib ng binata.
''ouch,'' biro pa ulit nito.
Na nag tawanan na ulit ang mga ito habang niyaya niya si Jin papasok sa loob ng bahay! Naiwan sa labas ng bahay tabi ng sasakyan ang kanyang mga body guard.
''bakit ka nga pala naparito?'' tanong ulit ni Euna kay Jin.
''namiss nga kasi kita hahahaha'' biro na naman nito!
Naputol ang kanilang tawanan ng sumingit si ms Lin sa usapan ng dalawa!
''Oh! uminom muna kayo ng Juice,lalo kana Jin at mukang pagod ka sa byahe!'' alok ng ginang sa binata.
''salamat po tita'' tugon nito!
''bweno,ano nga pala ang ginagawa mo dito?'' tanong ng ginang sa kanya!
''bleeeeee'' sabay dila naman ni Euna kay Jin,
''ikaw talaga!'' bulong na ganti nito sa kanya..
'' Iimbitahan ko lang po kase kayo ni Euna sa bahay, may welcome party po kase si papa para sa akin kaya naisip ko pong puntahan kayo dito, alam na po ito ni papa.. siya po ang nag sabi na imbitahan ko daw po kayo ng makilala din daw niya kayo!'' sagot niyang muli sa ginang..
Matagal na nag isip ang ginang, humaba pa ang kanilang uasapan bago pa niya napapayag ang dalawa.
''So pano tita babalik nalang ako bukas para sunduin kayo ni Euna.'' anya ng binata sa ginang.
''sige'' ang tugon nito sa binata.
''Ahh nga pala Euna, pwede kabang sumama sa akin, may pupuntahan lang tayo.'' aya ng binata sa dalaga.''tita hiramin ko lang muna si Euna ok lang po ba?'' tanong niya kay ms Lin.
''oo naman'' sagot niya sa binata'
Pag katapos ng kanilang usapan ay umalis na din ang dalawa. Walang ka alam alam ang dalaga sa kanilang pupuntahan ni Jin ang Ainsoft Intertainment branch para mamimili ng susuutin niyang damit sa party para bukas.
''Jin anong ginagawa natin dito?'' tanong niya sa binata.
''ano pa? bibili tayo ng damit mo'' sagot niya sa dalaga.
''pero''
Hindi pa tapos ang dalaga sa pag sasalita ay tinulak na niya ang dalaga sa mga staff ng nasabing department.
''basta ako na bahal sa lahat ng gastos'' tugon niya sa dalaga habang tinutulak papasok ng dresseng room..
''ayusan niyo siya, piliin niyo yung pinaka magandang damit at trending ngayon'' utos niya sa mga staff ng department.
''masusunod po sir!!'' tugon ng isa sa mga staff.
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!