(St. Anne University General Hospital, Wednesday midmorning)
(Renz's POV)
PAGBALIK ko sa ospital ay nakita kong nagkamalay na si Samantha at nakikipagtawanan na kina Mareng Madi at Kuya Dane. Bagama't nakahiga siya sa hospital bed ay para lang siyang cute na batang natutulog sa kama na tila ba walang nangyari sa kanya.
"Bunso! Sa wakas, nagkamalay ka na!" ang luhaang sabi ko sabay yakap ko kay Bunso. Niyakap din ako ni Bunso ng napakahigpit.
"Oo nga po Ate, akala ko nga po ay may mangyayari nang masama sa akin kanina...pero teka lang...anong nangyari kanina?" curious na tanong ni Bunso.
"Naitulak ka ni Palakang Amphibian kaya tumilapon ka at nauntog sa hand railing ng entrance door. Pero wag kang mag-alala, wala namang malalang damage sa ulo mo tsaka nakaramdam ka lang ng pagkahilo. Kaya makakauwi ka na maybe tonight or tomorrow morning." ang sabi ni Kuya Dane.
"Haay salamat naman at walang masamang nangyari sayo Bunso. Dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na mapahamak ka." at niyakap ko ulit ang napakacute naming Bunso.
Natigil kami sa pagyayakapan ni Bunso nang humahangos na dumating sa ER si Ate Rianne kasama sina Kurt, JM, Ella, Miguel, Bea, Gabriel, Shamel, Kuya Uno at Sarge. Alalang-alala silang lahat kay Samantha, ngunit kung sino man ang pinakahigit na nag-alala sa kanila, yun ay sina Kurt at Kuya Uno.
"Sam!" ang alalang sabi ni Kurt sabay yakap niya sa aming Bunso. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?"
"Okay lang po ako Kuya Kurt. Tsaka medyo naliyo lang po ako kanina. Wag po kayong mag-alala, ayos lang po ako." ang kalmadong sabi ni Bunso.
"Thank God and you're now on the safe side." sabay halik ni Kurt sa noo ni Bunso, dahilan para magulat kaming lahat, lalo na si Bunso.
"Ku-Kuya...." ang halos speechless na sabi ni Bunso sabay salat niya sa noo niyang nahalikan ni Kurt.
"Oh, sorry. I'm so sorry Sam. Masyado lang akong nadala ng emosyon ko. I'm so sorry." ang apologetic na sabi ni Kuya sabay himas niya sa napakakintab na buhok ni Bunso.
"H-Hindi....okay lang po." ang nahihiyang sabi ni Bunso habang pinagtatakpan niya ang kilig at ilang na nararamdaman niya.
"Yung tarantadong Paul na yun ang nangdisgrasya kay Bunso?" seryosong tanong ni Kuya Uno sa akin.
"Oo. Si Palakang Amphibian ang tumulak kay Bunso." diretsahang sabi ko kay Kuya.
"That fvck!" ang biglang nagngitngit sa galit na sabi ni Kurt sabay tingin niya kay Kuya Uno. "Kailangan niyang maturuan ng leksyon."
"Nasaan ang hayup na yun?" galit na tanong ni Kuya Uno.
Saktong dumating si Paul sa ER kasama ang bugbog-saradong si Clingy Leech. Biglang nagngitngit sa matinding galit sina Kuya Uno at si Kurt at walang sabi-sabi nilang inupakan si Paul. Napatumba si Paul habang namimilipit siya sa sakit dala ng lakas ng pagkakasapak ni Kurt sa kanya. Tatadyakan na sana nilang dalawa si Paul nang bigla nang umawat sina JM, Miguel, Kuya Dane at Gabriel. Si Sarge naman ay tinulungang makatayo si Paul.
"What the hell are your problem?!" Paul angrily said.
"WHAT THE HELL OUR PROBLEM?! HUH?! YOU'VE HURT SAMANTHA AT MUNTIK NANG MALAGAY SA ALANGANIN ANG KANYANG BUHAY!" Kuya Uno shouted full with anger, dahilan para biglang matahimik si Paul.
"S-so-sorry..." ang matipid na sabi ni Paul.
"Pare, muntik nang mapahamak si Sam nang dahil sa inyo. Sa tingin nyo ba, mababawi ba ng sorry ninyo kung may mas malalang mangyari sa kanya? Mababawi ba ng sorry nyo?! Huh!" singhal ni Kurt sabay duro niya kina Paul at Arra.
"Kurt, enough." ang awat ni Miguel sa kanya pero hindi siya nagpaawat.
"MAGPASALAMAT NA LANG KAYO DAHIL WALANG MALALANG NANGYARI KAY SAM. DAHIL ORAS LANG NA MALAMAN NAMING KRITIKAL SIYA...HINDI AKO MAGDADALAWANG-ISIP NA PATAYIN KA." Kurt said. "SAMPU NG KALANDIAN MO."
"Wag nyong idamay si Arra dito, wala siyang kasalanan." depensa pa ni Paul pero muli ko siyang binigwasan ng sampal. Natahimik siya nang maramdaman niya ang nagbabaga kong palad sa pisngi niya.
"Wala siyang kasalanan? Talaga? Eh may kasalanan nga siya sa pasyente niya eh! Kung inasikaso niya sana ang pasyente niya kesa sa kahalayan ninyong dalawa, eh di sana wala nang nangyaring ganito!" ang galit na galit kong sabi sa kanya.
Hindi nakaimik sina bruhang linta at si palaka sa mga sinabi ko habang matatalim na ang titig ng lahat sa kanila...lalo na nila Shamel, Bea at Ella na kulang na lang ay sugurin na nila at gulpihin si bruha.
"Wow! Let's give that bitch a round of applause!" ang sarkastikong sabi ni Bea sabay palakpak niya ng malakas na tila nang-iinis kay Clingy. "Akalain nyo! Mas inuna pa ng malanding yan ang kati ng laman niya kesa sa naghihingalong pasyente niya! Wow! The best!"
"Right Bea! She's so irresponsible person!" - Shamel.
"Paul, matanong ko lang. Saan mo napulot ang babaing yan? Sa basurahan?" ang mapanlait na sabi ni Ella, dahilan para magtawanan ang lahat ng pasyente sa ER. Lalong hindi makaimik ang palaka at ang linta sa sobrang kahihiyan. Dahil hindi na makayanang saluhin ni Clingy Leech ang lahat ng kahihiyang nasasagap niya ay umiiyak siyang nag-walk out sa ER. Mas lalong nagtawanan ang lahat habang tumatakbo siya palabas. Naiwan naman si Paul na speechless at halos nakatulala.
"Renz, Uno and Kurt...alam kong galit kayo sa amin. Pero sana sa akin nyo na lang ibunton ang galit ninyo at wag na sa kanya. I'm so sorry sa nangyari kay Samantha. Hindi ko ginustong mapahamak siya. Kaya sana naman, kung huhusgahan nyo ako, ako na lang. Wag na si Arra." ang kalmadong sabi ni Paul habang mataman siyang nakatitig sa akin.
"If that's what you want...sige, lulubayan na namin ang walanghiyang yan. Pero next time, pakisabi-sabi mo naman sa kanya na unahin niya ang responsibilidad niya dito sa ospital at hindi ang kalandian niya. Naiintindihan mo?" ang sarkastikong paalala ko kay Paul.
"Oo. Naiintindihan ko." ang sabi naman niya.
"Okay....NOW GET OUT!" pasinghal kong sabi sa kanya. Walang salitang umalis sa ER si Paul.
Pagkaalis ni Paul ay kalmado nang bumalik sina Kuya Uno at Kurt sa tabi ni Bunso. Muling niyakap ni Kurt si Bunso habang nakatitig lang sa kanila si Kuya Uno. And the rest of our schoolmates are now calm.
"Haay, magpasalamat na lang tayo kay God at walang masamang nangyari kay Samantha." ang sabi ni Ella.
"Mabuti nga sa malanding yun at nakahanap siya ng katapat niya." - Bea.
"But Renz," sabay bulong ni Mareng Madi sa akin. "Kelan mo naman itutuloy ang plano mong ipabully si Arra sa MC, FC at SCC?"
"BUKAS NA BUKAS. MATITIKMAN NA NI ARRA BITCH ANG LUPET NG MGA MAGIGING KALABAN NIYA."