Download App
100% Life Is So Complicated / Chapter 6: LISC 6

Chapter 6: LISC 6

SEVERINA'S POV

Hindi ko pa rin malimutan yung araw na nawalan ako ng malay dahil lang hindi ako kumain ng breakfast. That time, nung paggising ko nagulat nalang ako na nasa clinic na ako at may inabot sakin yung nurse na pagkain. Galing daw kay Josh.

It's been three days after that happened and until now hindi pa rin ako makapagpasalamat kay Josh. Nahihiya kasi ako. Matapos ko syang tawagin na gentledog 'yun pala may kabaitan din palang tinatago.

Hindi ko naman masabi kay Sab kasi nga baka mamaya asarin pa ako nun. Hanggang ngayon nag-iisip pa din ako kung paano sya pasasalamatan.

"Sev ano ready to go?" Andyan na pala si Sab hindi ko man lang napansin.

"Yeah tara." Aya ko.

Akala ko tahimik ang buong byahe namin papuntang school kaya lang mali pala ako.

"Sev may problema ka ba?"

Ayan na nagtanong na. Anong sasabihin ko? Wala? Kapag naman meron tatanong nya kung ano. Sige bahala na nga.

"Sab pano kapag gustong magpasalamat ng isang tao kaso nahihiya sya." Ang gulo ko.

"Panong magpasalamat?"

"Let say may nagawang hindi maganda 'yung gustong magpasalamat sa taong pasasalamatan nya kaso nahihiya sya."

"Edi tatanggalin ko 'yung hiya ko." Ngiii. Ayun na yon?

"Eh pano pag di natanggal?"

"Edi isasaisip ko 'yung bagay na dapat ko ipagpasalamat sa kanya para mangibabaw 'yung dahilan ko na tanggalin 'yung hiya."

"Ah." Sige gagawin ko mamaya. Sana lang magawa ko.

"Bakit mo natanong?" Sab.

"Ah wala lang." Hindi na rin sya nagtanong pa hanggang sa nakarating na kami ng school.

Pagbaba namin ni Sab may nilapitan syang isang babae. Buti pa sya may kakilala na dito. Samantalang ako wala pa rin hanggang ngayon. Bukod kay Josh syempre.

"Sab pasok na ako ha. Bye" Paalam ko sa kanya.

"Sige. Sabay tayong mag luch mamaya ha. Byeeee."

Pagpasok ko ng room naabutan ko si Josh na naka-nap sa mesa nya. Kaya ko bang lapitan sya? Kasi naman ang judgemental ko kasi eh. Aish bahala na nga. Wala pa naman kaming teacher.

"Ahm" Shet kaya ko ba? Di sya nag-angat ng ulo. Baka tulog? Kung tulog, pwede na atleast di nya maririnig sasabihin ko at the same time nakapagpasalamat na ako.

"Thank you pala sa pagkain na binigay mo sakin. Sorry ngayon lang ako nagpasalamat. Nahihiya kasi ako sa ipinakita ko sayo sa bookstore tsaka sa mall nun. Tsaka sorry rin kasi tinawag kitang gentledog."

"Ingay." Nagulat ako ng nag-angat sya sakon ng tingin. Hala. Pero mukang kagigising nya lang kaya siguro wala syang narinig. Babalik na sana ako ng upuan ko kaso bigla syang sumigaw ng…

"YOUR WELCOME. AND DON'T CALL ME GENTLEDOG AGAIN." Sh*t narinig nya. Hala mas lalong nakakahiya nung tinignan kami ng mga kaklase ko dahil sa sinigaw nya. Sabi na nga eh dapat hindi ko nalang ginawa yon. NAKAKAHIYA.

Sakto namang pumasok ung teacher namin. Thank god at natapos ang klase namin ng payapa.

SABRINA'S POV

Ang gulo ni Sev kanina. Hindi ko magets 'yung tinanong nya. Tsaka pano naman naging problema 'yung pagpapasalamat?

"Chelle" tawag ko kay Michelle. Binigyan ko sya ng nickname. Hehe.

"Oh?"

"Kelan pa naging problema ang pagpapasalamat?" tanong ko sa kanya.

"Depende." Pano nga tas depende.

"Panong depende?"

"Depende. Kapag may nagawa ka sa isang tao na hindi kanais nais tapos sa huli tinulungan ka pa nya. Syempre diba magpapasalamat ka. Kaso paano? Kasi nga may ginawa kang kasalanan. Syempre nakakahiya sa part mo na 'yung taong ginawan mo ng masama sya pala 'yung tutulong sayo. Tapos in the end hindi mo alam kung paano ka magpapasalamat dahil laging sumasagi sa isip mo 'yung mga pagkakamaling nagawa mo sa taong 'yon." Sagot nya.

"Ang lalim naman masyado non."

Nasa cafeteria na ako hinhintay ko kasi si Sev kaso nakita ko si Michelle kaya ayan.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Ah wala lang." hindi ko naman pwedeng sabihin 'yung tungkol sa tanong ni Sev kasi hindi ko din naman alam kung bat nya natanong sa akin kanina 'yun.

"Sabrina" Andyan na pala si Sev sa harap ko di ko pansin hehe.

"Tara kain na tayo um-order na ako kanina habang hinihintay ka." Aya ko sa kanya.

"Ehem." Ay oo nga pala nandito si Michelle.

"Severina si Michelle. Michelle si Severina kakambal ko." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice meeting you."

"Same to you."

"Nga pala Sev nakapag-pasalamat ka na ba sa taong tumulong sayo?" Naalala ko yung tanong nya kanina.

"Ha?" tignan mo 'to.

"Halata namang ikaw yung 'taong gustong magpasalamat kaso nahihiya sa taong pasasalamatan'" sabi ko sa kanya.

"Masyado ba akong halata?"

"Edi ikaw nga 'yon"

"Ahm guys, excuse muna puntahan ko lang pinsan ko." Paalam ni Michelle.

"Sige ingat/Bye take care." Sabay pa kami ni Sev. Hoho.

"Buti ka pa may kaibigan na dito. Samantalang ako wala pa rin." Malungkot na sabi ni Sev.

"Nagkabungguan lang kami tapos nakita ko syang umiiyak kaya ayan. Tapos madalas ko din naman syang nakikitang mag-isa kaya lumalapit na rin ako sa kanya." Sagot ko.

"Ako kasi hindi ko alam kung kaibigan ko na ba sya dahil tinulungan na nga nya ako eh." Bulong nya pero narinig ko pa din.

"Sino?"

"Ahm kilala mo yung tinatawag kong gentledog diba?" Parang may clue na ako.

"Siya yung tumulong sayo tapos sya rin yung gusto mong pagpasalamatan kaso nahihiya ka?"

"Oo." Sabi na eh.

"So ayun nga. May tinatago syang bait kaso hindi ko alam kung tama bang ituring ko syang kaibigan dahil lang tinulungan nya ako once."

"Ikaw bahala ka. Kung turing mo sa kanya kaibigan o hindi wala namang mawawala. Atleast nag try ka makipag-interact diba?"

"Oo nga"


CREATORS' THOUGHTS
nelleternally nelleternally

Creation is hard, cheer me up!

Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login