Download App
83.33% Life Is So Complicated / Chapter 5: LISC 5

Chapter 5: LISC 5

SABRINA'S POV

Bagong araw nanaman ng pamamahiya ngayon.

Hindi pa rin matapos-tapos si Sev kung pano nya gagantihan ung Josh sa ginawa daw kanya kahapon. Habang ako eto pa rin. Pag naiisip kong parehas kami ng pinapasukan ng classroom naiinis na agad ako.

Tulad ngayon nagdadalawang isip ako kung papasok na ba ako o hindi muna tutal maaga pa naman. AHA! Cafeteria.

Pagpasok ko sa cafeteria bumuli muna ako. Tapos inikot ko yung mata ko. Halos lahat ng tao dito may ka-table or let me say friends. Natigil ang pag-iikot ko at huminto iyon sa isang babae sa sulok. Mag-isa lang sya. Lumapit ako sa kanya.

"Hey Michelle." Bati ko.

Nginitian nya lang ako. Ano ba yan di man nag-hello or hi.

"Gaano na kalalim?" Tanong ko sa kanya.

"Ha?" 'edi nagsalita ka din.

"Sabi ko gaano na kalalim iniisip mo? Pwede na ba akong mag-swimming dyan?"

"Ah hindi naman. Bat ka pala nandito?" Pansin ko parang ang lungkot ng boses nya.

"Wala lang. Maaga pa naman kaya dito muna ako." Bat kaya sya umiiyak kahapon?

"Ano Michelle pwede ba magtanong?"

"Ginagawa mo na." Sabi ko nga.

"Bat ka pala umiiyak kahapon?"

"Wala yon tears of joy lang." Sige sabi mo eh. Hindi pa naman kami masyadong close kaya hindi ko naman sya pwede pilitin.

"Isa pang tanong ah." Makikipagkaibigan ako sa kanya hehe.

"Go ahead."

"Pwede makipagkaibigan? Wala pa kasi ako masyadong kilala maliban sa kaklase ng kakambal ko, kakambal ko tsaka sa epal na Jaycee." Gulat na napalingon sya saken.

"Jaycee? As in Jaycee Salvador?" Salvador yung nag pa reserved. Big deal ba pangalan non?

"Yes?" Alanganin kong tanong.

"At tinawag mo syang epal." Ano naman ngayon 'eh epal naman talaga sya.

"Bakit? Totoo naman 'eh ang hilig nya kasing mamahiya." Biglang nag-ring yung bell. Sayang di ko naitanong kung big deal pangalan non.

"Sige una na ako Sabrina ha." At nagmamadaling umalis.

Lumabas na din ako ng cafeteria at nagpunta na pabalik sa room. Pagpasok ko naabutan ko na si Jaycee na prenteng naka-upo. Saktong pag-upo ko dumating ung prof namin. Buti nalang sakto ako. Baka mamaya bugahan ako ng apoy ni prof pag na-late ako. Hehe joke lang.

"Good Morning Class."

"Good Morning Prof."

"Good morning Maam, I'm sorry I'm late." Patay ang sama ng tingin sa kanya.

"Dahil late ka damay-damay na 'to. Get a sheet of paper we will be having a quiz today." Uh-oh kasi pa-late late pa eh.

Ayan na nag-angalan na mga kaklase ko.

"Pahinging papel." Sabi ko sa katabi ko. Naiwan ko kay Sev yung papel ko. Ano ba yan.

"Oh eto." Mabait naman pala. Binigyan nya ako mga lima ata.

"Thanks."

Nagsimula na yung quiz nasa gitna na kami nang nag-text si Sev sakin. Naka silent naman phone ko pero nag-vibrate. Tinignan ko yon at baka mamaya emergency. Kaso di ko pa nabubuksan sumigaw na yung katabi ko.

"Ma'am Si Sabrina po nag ce-cellphone." Leche ka kala mo ah. Binabawi ko na ung sinabi kong mabait kanina.

Habang palapit si maam para kunin yung cellphone ko mabilis akong nagsulat ng sagot sa isa ko pang papel at nilukot tsaka mabilis pero pasimpleng hinagis sa ilalim ng upuan ni Jaycee.

"Ms. Razon alam mong bawal yan diba? Sumama ka sa akin sa Faculty." Hala. Tinawanan ako ng katabi ko. Wait ako naman.

"Ma'am nag-text po kasi yung kakambal ko. I thought it was an emergency but I didn't open the message yet. It is unfair naman po kung ako lang yung pupunta ng faculty dahil lang sa paggamit ng cellphone. Pero po si Jaycee may papel sa ilalim ng upuan nya oh. Baka mamaya nangongodigo."

Nalipat ang tingin ng mga kaklase ko sa papel na nasa ilalim ng upuan ni Jaycee. Pinulot ni Maam ung papel at binuklat. Oh well hindi pa rin malas ang buong araw ko. Kahit papaano masuwerte pa rin ako.

"And you Mr. Salvador dahil sa pangongodigo." At lumabas na si ma'am. Nagpalitan muna kami ng masamang tingin bago sumunod palabas.

Nang makapasok kami sa faculty ay pinaupo nya muna kami bago kinausap.

"Ms. Razon alam mo namang nasa rules and regulation na bawal gumamit ng cellhone sa klase diba.?" Mahabang paliwanagan 'to. Si Sev kasi eh.

"Sorry po maam. Bigla kasing nagtext sakin yung kakambal ko baka lang po kasi emergency." Sana gumana.

"Sige papayagan kita since una palang yan."

"Sorry po talaga."

"And you Mr. Salvador Hindi porket anak ka ng may ari ng school na 'to pwede mo ng gawin ang mga ganyang bagay hah." HA? ETONG KATAPAT KO ANAK NG MAY-ARI NG SCHOOL? SHUTA MATATAKOT NA BA AKO NITO? O MAHIHIYA SA PINAG GAGAWA KO SA KANYA. KAYA PALA GULAT SI MICHELLE DAHIL TINAWAG KONG EPAL 'TO. HAYS BUHAY. PAKAMATAY NA.

"Sorry maam but It's not my handwritten." Patay aking handwritten yung nandon. Since wala na akong lusot go with the flow nalang ako.

"Syempre baka galing sa iba yan. Kodigo nga eh." Pamimilosopo ko.

"Ms. Razon I'm done with you. You may go back to your class now." Sabi ko nga sige bye.

Pagbalik ko sa room chi-neck ko yung message. Tama nga emergency nga yon. Dali-dali akong nagpunta ng clinic para i-check sya.

"Anyare sayo?" Bungad ko sa kanya.

"Wala 'to gutom lang. Nakalimutan kong kumain ng breakfast." Nung pagbaba ko kasi kaninang umaga kala ko nagbreakfast na sya kaya di ko na sya hinaya. Yun pala hindi pa.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang bilhan kita sa cafeteria?" Kasi naman 'to eh bukas sasabihin ko magbaon nalang kami.

"Hindi na okay na. Nakakain na ako." Good kala ko mag a-ala flash pa ako.

"Sige magpahinga ka nalang muna dyan. Balik na muna ako sa klase. Balikan kita mamaya."

"Bye."

Pagbalik ko ng classroom nandun na si Jaycee. Masama ang tingin sakin. Hoho kala mo ha. Umupo na ako sa pwesto ko. Hanggang dumating na ung next teacher namin. Buong klase namin ay wala syang ginawa kundi tapunan ako ng masamang tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin panigurado double dead ako neto.

Nag-bigay na si sir ng sign na dismissal na namin kaya agad agad akong pumunta sa clinic. Hindi ko na sya pinabalik sa klase at nanghingi nalang ng letter from P.O para ma-excuse sya. Sabi ko rin kay Sev na sabay na kaming umuwi.

Ng makauwi kami kinwento ko sa kanya yung pag-ganti ko ayan tawa sya ng tawa not until I told her na si Jaycee pala ay anak ng may ari ng school. Gulat sya hehe. Kahit ako rin naman nagulat nung nalaman ko yon.

Dumating sina mommy and daddy kaya nag-dinner na kami.

"Sev tumawag sakin ang school nyo. Totoo bang nahimatay ka?" Tanong ni daddy.

"Are you okay Sev?" Dagdag ni mommy.

"Yes. I'm fine mom, dad. Nakalimutan ko lang po kumain ng breakfast."

"Sev alam ko na. Magbaon nalang tayo ng pagkain tas sabay nalang natin kainin sa cafeteria." Suggest ko sa kanya.

"Oo nga Sev. Magbaon nalang kayo ng pagkain." Oh diba pati si mommy.

"Mommy mukha naman po kaming kinder nyan." Sev

"Sige kayo bahala. Bukas wag mo na kalimutan ah." Sabi ni Daddy.

"Nga pala daddy mag-kaiba po kami ng section ni Sev baka pwede pong parehas nalang kami?" Medyo na late yung tanong ko.

"About that, ininform na ako ng school. Hindi ko na sinabing pagsamahin pa kayo. Panahon na para naman magkahiwalay kayo." Double meaning ba yung last sec?

"Sabrina anak, Lagi naman kayong magkasama ni Sev Kaya it's time to meet new friends." Medyo nakakalungkot na okay lang sa kanila na magkahiwalay kami ni Sev. Pero may point din naman sila.

"Okay po."

Pagtapos ng dinner umakyat na kami ng kwarto. Napansin ko na kanina pa tahimik si Sev. Alam kong may dinadala 'to. Pero nung tinanong ko sya ayaw nya naman magsalita. Kaya siguro ipagpapabukas ko nalang. Tutal maaga naman kaming gumising.


CREATORS' THOUGHTS
nelleternally nelleternally

Sorry late. Happy reading :>

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login