Download App

CHAPTER 4

Chapter Four

PLANS IN THE ISLAND

[WIN]

MONDAY JUST came so fast. Parang kailan lang ay Sabado pa lang tapos Lunes na agad ngayon. Well, okay lang naman dahil wala ng classes. Focused na ang lang lahat last projects ng bawat clubs.

I haven't opened my phone dahil naiirita lang akong mabasa ang mga chat lalo na 'pag boys ang nag-uusap, lalo na si Luis at Rudolf. They're the perverted duo, I think.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa clubroom. I haven't read messages since yesterday so I have know nothing except that we need to prepare dahil this week daw ang alis namin.

I didn't bother to knock on the same door I was entering these past few days. Binuksan ko ito at ingay na agad ng squad ang narinig ko. Nakita ko si Gino sa gilid habang nagsisigarilyo. Geez! He and his vapes and cigars are itch in my eyes and nose. 'di nya ba alam na kahit mabango pa ang ibuga nya eh nakakasama pa din 'yun?

I went inside and sat beside Helen. Ngumiti sya at inabutan ako ng sandwich kaya nagpasalamat ako. We eat muna habang hinihintay ang iba. Wala pa si Archi at Akashi. The perverted duo wasn't here yet at si Anica lang ang nandito. Yung officers din wala pa. Miss Coleen? Hindi sya sasama sa amin. She was the President of the Drama Club and she's running some errands nowadays.

Naghintay kami ng ilang oras at dumating na ang mga hinihintay namin. Threater Club wasn't here dahil para sa privacy ng parehong club. Also, solong-solo na nila ito 'pag nakaalis na kami para sa film shooting.

Tristan was in front with Amelia and Agnes. Katabi nila ang anak ng dating presidente ng bansa, Katherin was smiling from ear to ear.

"So naisip na at napag-usapan kung saan ang gaganaping shooting ng film. Kath sent me a private message suggesting a place far away here at nagpakita sya ng pictures about do'n. Rina approved it naman so Kath please tell them where we'll shoot the film,"'di ko alam kung feeling close lang ba si Tristan o baka kaibigan din sya ng squad dahil ilang beses nyang binanggit ang nickname ni Katherin. 'Kath' was Katherin's nickname at mga babae lang sa squad nila ang tumatawag sa kanya no'n. Neither I and Helen call her on her nickname dahil 'di kami close pero Katherin always call my nickname na mas okay kesa sa apelyido ko ang binabanggit nila.

Katherin cleared her throat and smile again then show us a picture of an island. Yes, it's an island pero napansin kong magubat ito at malaki.

"This island is what my Dad discovered when he was still the president of the country. Isa itong isla na lumulubog at lumilitaw noon. But now, it was renovated yet may some parts ng island ang naaabutan ng tubig 'pag high tide pero safe tayo dito. Why I recommend this place ay dahil may nag-iisang mansyon sa gitna nito and that was owned by us, Manalo."

She's rich. Really rich. Is it possible to own an island? Well, sa kanila posible. Sa tulad namin nila Rina at Paulo, imposible.

"The reason why this place is good for horror shooting ay dahil na din sa gubat dito na sobrang lago at sa mga cliffs o bangin sa gilid ng isla,"pagkatapos sabihin iyon ay iba't-ibang bulungan ang narinig ko. Girls were talking about snakes and other insects that could harm us. The boys? They were taking it as fun at tila excited na silang pumunta. Well, I felt excited too.

Nagsalita uli si Tristan at natahimik ang lahat.

"The place was safe. Nakahingi na din kami ng permiso sa mga Manalo and they helped us pati sa pagkain at pagtravel na papunta at pauwi doon. Ang magiging problema na lang natin ay signal so kanya-kanyang dala na lang ng wifi ha. Also, walang snakes or mapanganib na hayop sa gubat dahil inayos na iyon ng pamilya ni Kath noon pa lang. It is safe as heaven,"saad ni Tristan. The meeting dismissed at heto kaming tatlo ni Helen at Rina papuntang cafeteria.

Paulo didn't attend dahil sa class nya. Narinig ko kasing hindi pumapasok sa kahit anong klase si Paulo at para 'di sya mapatalsik ay pumasok sya sa mga klase nya. Napaisip tuloy ako kasi nagtransfer pa sya tapos 'di naman pala sya papasok. Or baka nabubully din sya sa class? Sana hindi.

Pagkaorder namin ay naupo agad kami. Rina was revising the story she wrote. Masyado syang nagpapasalamat kay Paulo dahil si Paulo talaga ang gumawa ng scenes na may patayan tapos dinagdagan lang ni Rina. Masaya na din naman ako kay Rina at Paulo dahil atleast the squad didn't bully them. Ako? Lagi kong nakakasama ang squad dahil kay Helen at Archi.

Kahapon nga ay sabay-sabay pa kaming nagsimba. Buti na lang at 'di nasunog yung iba pagtapak namin sa loob ng simbahan.

"Did you two already prepared your swimsuit? Bikinis?"napataas ang tingin ko sa tanong ni Helen. I am munching my pizza when she asked. Nakatingin sya sa phone nya habang kumakain ng carbonara.

"Nope and will never. Kahit magmukang manang ako kahit naliligo sa dagat ay okay lang,"Rina answered while looking at her big notebook.

Kumunot ang noo ko. Maliligo sa dagat? Swimsuit? I never knew na magsasaya pa kami.

Tiningnan ako ni Helen nang hindi ako sumagot kaya lalo napalunot ang noo ko at tinaas ang isa kong kilay.

"Aren't you reading in the groupchat?"she asked at umiling ako.

"They're talking nonsense so I stopped reading. Malalaman ko rin naman dahil pag-uusapan ng ibang girls,"I said and she let out a sigh.

"Okay, I get it. Sinabi kasi ni Katherin na sa isla tayo magshoshoot kahapon though 'di pa namin alam na pagmamay-ari pala nila pero sabi nya maghanda daw tayo ng swimming attire. Suits, bikinis, shorts, ayun."

Napakurap ang mata ko. So totoong magsasaya din kami.

"We'll have fun before and after we shoot at para narin mafeel natin ang summer ng magkakasama. It's a welcom party for the three of you kaya,"Helen said smiling. Bumalik na ang tingin nya sa phone habang ako ay bumalik na din sa pagkain.

So they considered the three of us part of their squad? Talaga ba? Know them. They were freakin' rich and the three of us, alam nyo na kung sino ang tinutukoy ko, are just a normal people unlike them.

Matapos ang lunchbreak ay nagkanya-kanya na kami. No classes kaya ang daming nagkalat na estudyante sa labas ng bawat building unlike nung may klase pa na sobrang rare lang na may estudyante sa school grounds.

Nagpunta ako sa locker room. I went to get a spare uniform. Init na init na kasi mainit talaga ang panahon. Alam nyo na, summer na eh. March means summer.

Pagbukas ko ng locker ko ay isang sulat ang napansin ko. I thought it was an letter from an anonymous admirer but no. Keep dreaming Win! No one would give you a letter saying they like you!

Napailing na lang ako sa naisip ko. The letter was written in pink paper. Sa labas may nakasulat.

"I know that you never read in groupchat so I gave you a letter,"saad ko habang binabasa ang nakasulat sa labas ng papel. I open it and I almost scream and jump when a cockroach was in it but then I thought it was true when it is a freaking toy.

Nakasulat ng malaki ang mensahe. Tsk. Nag-aksaya pa ng papel para sa gan'tong message?

---

Let's go to the mall! Tayo lang na mga girls. Yayain mo na din si Rina dahil for sure tatanggi na naman ang nerd na iyon.

-Kath♡

---

Ano naman gagawin namin sa mall? Napaikot ang mata ko. Will I come? 'di naman kasi nila talaga ako magiging "kaibigan" kung 'di dahil Salvador ang apelyido ko. I think of declining it but...

Talaga bang nireject ko? No. Ako pa ang nagpumilit kay Rina na sumama kami. Yes, we accepted it.

Naglalakad na nga kami ngayon sa mall at lahat kami ay kompleto except sa boys dahil puro babae lang talaga ang sinama ni Katherin. I was walking with Helen and Rina at nasa dulo kami.

Nasa harap naman si Kath kasama ang kanyang mga bodyguards. Geez! 'di naman na presidente ang tatay nya. May mang-ii-sniper ba sa kanya? Well, malay nyo pero 'wag naman sana.

Venice, Anica, and Selene was in front too kasama si Kath habang nasa harap namin ang sanggang-dikit daw na sila Sarah at Grace.

Nakabili na sila at pati kami ni Rina at binilhan nila ng mga damit at pakiramdam ko ay 'di ko kayang suotin 'yon. Grabe ang ganda ng mga damit at baka manghinayang pa ako 'pag ginamit ko ang mga 'yon.

The purpose of this mall shopping is to buy what we need in two weeks in the island. My complete appliances naman daw doon except foods. Mamimili kami ng mga pagkaing kakasya para sa amin. Ilan ba kami? I don't know pero alam ko lagpas kami sa bilang ng mga daliri sa dalawang kamay. Isa ding bibilhin namin dito ay ang mga swimsuit at bikini nila.

Yes, they were really looking forward for the fun not in the project. Pati nga yata mga officer ay mas iniisip ang pagligo sa dagat kesa sa paggawa ng huli naming proyekto.

They had plans for out trip at outdated ako lagi pero ngayon alam ko na so aware na ako sa mga mangyayari. Sana maging maganda talaga ang movie na gagawin namin kahit na puro pagsasaya ang nasa isip ng mga kasama ko.

[CHAPTER 4]


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login