Download App
75% Once upon a time, He met Samantha / Chapter 3: Chapter 1

Chapter 3: Chapter 1

"What is it this time, Quitton?" Mr. Fernando Amorsolo – Uncle ni Quitton. Principal ng Collegio De Laguna. Nakapamewang ito sa harap ng pamangkin. "Ano na naman ang ginawa mo?" Frustratingly he said. "Nanabunot ka na naman ba ng babae? Na-late ka na naman sa klase? Nahulihan ka ng cigarette sa bag mo? May isa ka na namang estudyanteng binully? O nahuli kang may ka-sex sa loob ng bathroom?"

Talagang inisa isa nito dito ang paulit-ulit na kasalanan ng pamangkin. Nahilot niya ang sentido. Halos araw-araw na atang laging may reklamo ang mga estudyante sa pamangkin niyang ito.

Paano ba naman? Sobrang tigas ng ulo!

Abala siya sa mga paper works na kailangan na niyang tapusin, tapos may estudyante na kakatok sa pinto niya at magsusumbong. Sino ba namang matutuwa dito?

"Uncle, ang lalaking iyon ang nagsimula kaya pinatulan ko!" alibi niya. "Tyaka... you can do anything about this! Alam kong magagawan at magagawan niyo rin ito ng paraan," confident na confident pa nitong sinabi habang nakataas ang paa sa maliit nitong lamesa.

Yun na nga ba ang sinasabi niya! Kailangan na ata niya ng tatlong banig ng medicol. Aatakihin ata siya ng migraine.

"Hindi dahil may kaya akong gawin, eh ganiyan na nang ganiyan ang gagawin mo. Kailangan kong maging fair sa lahat ng mga estudyante dito," sagot niya. "Tyaka isa pa, maraming beses na kitang pinagbigyan, Quitton. Hindi lang isang beses," Pagdidiin niya. "Maraming beses na! Aba! Anong gusto mo? Matanggal ako sa trabaho dahil lamang sa pagtatakip ko sa mga katarantaduhan mo?"

Quitton roll his eyes. Heto na naman ang kaniyang Tito na sobrang dedicated sa kaniyang trabaho. Last year lang kasi siya na-promote bilang Principal, kaya siguro sobrang ingat sa kaniyang mga ginagawa. Tiyak kasing mapapatalsik siya kapag nasilip siya ng mga magulang o ibang mga teachers – most especially, ang Head Administrator ng School.

Tumayo siya mula sa kaniyang hayahay na pagkakaupo. "Uncle, bigay niyo na sa akin 'to. Hindi na mauulit," sinabi nito with matching pamumungay ng mata. He knows his uncle, busilak ang puso nito.

Kaso, hindi na magpapadala sa mga ganitong technique si Mr. Amorsolo. Maraming beses niya na itong pinagbigyan. Nah! Not this time, Quitton!

Tumungo siya sa kaniyang desk at may kinuhang blue notebook doon. May binuklat siyang mga pahina. Tapos, hinarap niya ito sa pamangkin.

"Alam mo bang halos sa tatlong pahina ng notebook na 'to, puro pangalan mo ang nakalagay?" Sa blue notebook na iyon nilalagay ang mga pangalan ng mga estudyanteng gumagawa ng violations sa rules and regulations ng school. Kapag tatlo o maraming beses ka nang nakasulat doon, ma-e-expel ka na.

Nakunot ang noo ni Quitton. Anong gustong sabihin ng Tito niya?

Dahil marami na ngang beses pinagbigyan ni Mr. Principal ang pamangkin, may naisip siyang magandang ideya.

Tamad na tamad na nakaupo si Quitton sa isang classroom. Nakahalumbaba pa ito habang nagscro-scroll sa kaniyang phone. Halos, walang laman ang silid na 'yon maliban sa armed chair na inuupuan niya, at isang armed chair na nasa harapan niya na pinagpapatungan ng kaniyang paa.

"Haiy naku! Ano bang gagawin ko dito? Ang tagal-tagal naman nun," pag-rereklamo nito. Medyo mainit pa sa classroom na iyon dahil wala naman kahit anong fan or aircon doon.

Dito kasi siya pinapapunta ng Uncle niya after ng klase niya. Ito rin ang pinagkasunduan nila. Magkakaroon daw siya ng GMRC 101. Napahalakhak siya nung sinabi iyon sa kaniyang Uncle. Akala pa niya nagbibiro ito, pero seryoso pala talaga siya. Yun ang hininging kondisyon nito para malinis ang records niya.

Para makabawi-bawi naman siya sa kaniyang Tito, sige! Pinagbigyan na niya. Anito, isang buwan lang naman daw.

"Hehe! Kala mo naman magtatagal sa akin 'yon," tukoy niya sa magtuturo sa kaniya. Walang teacher, o SINUMAN ang kayang tumagal sa ugali niya!

That's what he thought...

Bumukas ang pinto ng classroom at pumasok doon ang isang babae.

Natunghay ni Quitton ang kaniyang ulo na kanina ay nakatuon sa kaniyang phone. He lazily looks at the girl. Natatawa pa ito sa itsura ng babae.

Mahaba ang gray na paldang suot nito – yun talaga ang una niyang napansin – tapos, sa pangtaas naman nito ay black on the way ruffle crop top na hindi naman ganon ka-revealing dahil natakpan nito ang kaniyang pusod. Mahaba rin ang brown at kulot na buhok neto.

May dala-dala itong libro sa kaniyang kamay at nakasakbit sa kaniyang balikat ang sa tingin niya'y mumurahing back-pack.

"Ano ba 'to, Manang?" bulong ni Quitton sa sarili. Napaingos siya.

"Good Afternoon, Mr. Velasquez," bati nito dito na lumabas ang ngiti sa labi nito. Nakatayo ito sa kaniyang harapan. Hinihintay na ibaba nito ang nakapatong na mga paa.

Pinagmasdan niyang maige ang mukha nito.

She has deep set of eyes; katamtaman din ang tangos ng ilong nito at may maputlang mga labi. Hindi rin nakalusot sa kaniyang mga mata ang malusog nitong dibdib.

"Pwede na rin, pwede na," tatango-tango pa ito. Pwede nang mai-kama. He dreamingly grins thinking about the thought.

"Excuse me, Mr. Velasquez. Pwede bang alisin mo ang paa mo sa armed chair na uupuan ko para makaupo ako?"

Inirapan niya ang babae at tinanggal ang mga paa doon. He lazily leans on the chair and crossed his arms in his chest. Sinadya niya ring bumukaka sa harapan nito at umisod paharap para makita ng babae ang kaniyang...

"Mr. Velasquez, hindi ka ba tinuruan kung paano umupo ng maayos?" Diretsong nakatingin ang mga mata nito sa kaniya. "Lalo na't nasa harapan ka ng isang babae?"

Animo'y napahiya nang kaunti si Quitton at tinikom ito. Dahan-dahan siyang umupo ng maayos habang iniirapan ang babae. Nagsasalita rin siya ng kung anu-ano sa utak niya.

Hindi niya gusto ang tabas ng bibig at ugali ng babae.

Pero ang mas napapaisip siya kung bakit parang hindi ito na-a-attract sa kaniya. Damn! Halos lahat ng babae sa school akala mo'y laging nalalaglagan ng panty kapag nakikita siya. Yung iba halos ibigay na ang sarili sa kaniya, pero heto, isang babae na walang pakealam. Napaka-seryoso pa.

Inabala na lang ni Quitton ang sarili sa pag-obserba sa babae.

On her armed-chair nakapatong doon ang librong kaninang hawak niya – Bible pala iyon. Kinuha niya rin sa kaniyang bag ang isang notebook.

Humarap ito sa kaniya. Sumilay muli ang ngiti sa labi nito. "Hi, I'm Samantha. Samantha Crove." pagpapakilala nito. "Isa ako sa mga member ng Herald of Christ Club."

Naliit nito ang mata. Narinig na niya ang Club na iyon, yun yung samahan ng mga Christian students sa school.

"So, what is this? Oplan Bible Study?" sarcastically he said. "I don't want to waste my time on this, Miss Crove." Pinagsalikop nito ang mga kamay. "You too, you are just wasting your time. Hindi ko forte ang makinig ng mga ganiyan."

E, kahit nga pumasok sa loob ng simbahan hindi niya magawa.

Samantha remained composed. Alam niyang sasabihin iyon ng lalaki. "Mr. Velasquez, sa akin walang kaso 'yon. But, may I remind you, kailangan mong matapos ang isang buwang session kasama ako, para maging maayos ang records mo sa guidance. Mr. Amorsolo also told me that, hindi ka makakapasa ngayong sem kapag hindi mo ginawa ang kasunduan niyong ito."

Napabuga ng malalim si Quitton. Oo nga pala, may kasunduan sila ng kaniyang Uncle at pumayag naman siya dito.

E, hindi naman niya alam na ganito ang mangyayari!

Napabuga na lang siya ng malalim. "Sige! sige, Go on," winika na lang niya. Matatapos din to!

Lumawak ang ngiti sa labi ni Samantha.

It's a great idea, indeed kahit sa umpisa...

"Ano po?! Bakit po ako?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Pinatawag si Samantha sa kaniyang klase kanina at may sasabihin daw ang Principal sa kaniya. Nang makarating siya doon, parang gusto na lang niyang muling mag-rewind at bumalik sa classroom at kapag may nagpatawag sa kaniya, hindi niya ito papansinin.

"P-pwede naman po si Gia," tukoy niya sa Presidente ng Club nila. "B-bago pa lang po ako sa club na iyon, Sir. T-tyaka po, nagsisismula pa lang po akong mag-grow at mag-feed sa Word of God, kaya a-ano pong maituturo ko sa kaniya?"

Totoo naman. 2 months palang siya sa club na 'yon. Nagsisismula pa lang din siyang magbasa ng Bible. Kaya, she's worrying anong mangyayari sa kanilang dalawa kung gayon?

"And that's it! Bago ka palang! Edi, magiging magandang example yun para sa pamangkin ko. You can share your experiences and your struggles," ani nito na animo'y madali lang ang gusto nitong ipagawa.

"S-sir, magkaiba naman kami ni Quitton." Masama mang mag-judge. Oo! Pero, Quitton is far, far different than her. Quitton is... Sorry na Lord! Pero, grabe naman ang ugali ng lalaking iyon. Sa nababalitaan na lang niya tungkol sa lalaki, e. Talaga namang...

Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Mr. Amorsolo sa kaniyang kamay. "Please, Samantha, I need you to do this! Kahit, hindi na lang para sa kaniya. Para sa akin," namumungay-mungay pa ang mga mata. He is pleading.

Napikit ni Samantha ang mata.

Kung hindi lang si Mr. Amorsolo ang tumulong sa kaniya para magkaroon siya ng full scholarship sa school na to! Hindi niya ito gagawin.

Ang makadaupang palad si Jher Quitton Velasquez was the last thing that Samantha wanted. Never in her wildest dreams na mangyayari ito. Pinangako pa nga niya sa sarili na, pagkatapos ng una nilang engkwentro, nung sinabi nitong mukha siyang papaya, hindi na niya ito papansinin o iisiping nag-e-exist ito sa mundo.

Pero, nakita na lang niya ang sarili na lumalakad patungo sa sinabing classroom ni Mr. Amorsolo.

Bago siya pumasok, nanalangin muna siya at humingi ng guidance kay Lord. Somehow, when she ended her prayer, something pricks in her heart.

Hindi niya ito pinansin nung una, pero nung nasa harapan na niya ang lalaki... nakita niya sa mga mata nito ang lungkot at malaking kulang. Parang sa likod nang pinapakita nitong kayabangan at kaangasan, may nakatagong misteryo sa mga ito.

Parang ganoon naman siguro sa mga taong katulad ni Quitton. Tinatago nila ang kahinaa nila, and exposing their rebellion side para kunware hindi sila masasaktan o maangatan ng iba. Kasi astig sila!

But for Samantha, that's not rebellion, kailangan lang ng taong iintindi sa kanila – kay Quitton.

"Amen," Samantha said as she closes the prayer for their first session for the day. May pinasagot lamang siya dito regarding his personality, nagbasa ng isang verse sa Bible at sinabi niya din ang oras ng kanilang magiging sessions.

She wanted to teach him the value of time and responsibility.

Mukha namang hindi ito nagreklamo nung sinabi nitong tuwing break time sila mag-se-session, dahil simula nang mag-umpisa siya, tahimik lamang ito at nakatitig sa kaniya. Hindi niya lang sure kung nakikinig.

"Thank you for your time, Mr. Velasquez. See you tomorrow," she dismissed. Nilagay niya ang kaniyang mga gamit sa kaniyang bag.

Quitton in the other hand, hindi pa rin pala ito tumatayo. At nakatitig pa ito sa kaniya.

"Pwede ka nang umuwi, Mr. Velasquez," ulit niya dito. "We'll see each other tomorrow." Tatayo na sana ito, para umalis na. Ngunit, nagulat na lamang siya sa sumunod na ginawa ni Quitton.

Malakas na hinampas nito ang armed chair niya at tiim bagang na tumingin sa kaniyang mga mata.

Kumabog ng malakas ang dibdib ni Samantha. "M-Mr. Velasquez," namamaos pa nitong sabi. "T-That's inappropriate."

Tinaas nito ang kilay. "What's inappropriate? Doing that?" Tukoy nito sa paghampas niya sa armed chair. "O ang pakekealam mo sa buhay ko? Ano ka? Binayaran ng Tatay ko para malaman kung anong pinagagawa ko sa buhay ko?"

Nakunot ni Samantha ang noo. Hindi niya alam ang sinasabi nito.

"Nagmamaang-maangan ka pa? Did you even read the questionnaire?" It's so personal.

Kita ni Samantha ang galit sa mga mata nito. Nakakuyom pa ang kamao nito.

About the questionnaire, hindi nga niya iyon nabasa. Binigay lamang iyon sa kaniya ni Mr. Amorsolo at pasagutan daw kay Quitton. Kaya hindi niya alam kung anong sinasabi nito.

"Thank you for your concern, Miss Crove. Pero, hindi ko kailangan ng taong katulad mo!" Pinamukha niya dito at tyaka siya umalis sa classroom na yon.

Naiwan naman si Samantha na nakatulala dahil sa gulat at sa mga pinagsasabi ni Quitton.

Kahit medyo nanginigig ang kamay, kinuha niya ang questionnaire at binasa iyon.

Even she was depressed about the questions.

~•~•~•

Sumakay si Quitton sa kaniyang sasakyan at kinuha ang kaniyang phone. He scrolled to his contacts and makes a message...

Anong akala niya, maiisahan siya ng kaniyang Ama? Putting him in a session like that, just to investigate what was happening to him? Para malaman kung anong nararamdaman niya?

Wow his father cares. Gusto niyang masuka!

Ang mas ikinagalit pa ni Quitton ay ang isang tanong dito. Are you just depressed because of your mother's death?

Leave me alone! Leave me fucking alone!!! Kung gusto mo pala akong makilala nang lubos. Sana pinakita mo at pinaramdam sa akin ang pagiging tatay mo! But Hell no! Kaya, wala kang pakealam kung anong mangyari sa akin, dahil in the first place it is all your fault!

Then, he sends it.

Masama ang tingin ni Quitton sa manibela at hindi na napigilang paghahampasin ito. "F**k you, bastard! Sana, ikaw na lang ang namatay!" He shouted. "Sana ikaw na lang!!"

At dahan-dahang pumatak ang luha sa kaniyang mata.

"Ano po bang klaseng mga tanong 'to, Principal? This is too personal. Ang akala ko po, tutulungan natin siyang mabago ang perspective niya sa buhay. These will not help him," ani ni Samantha. "Mas ma-tri-trigger nga po siyang mag-rebelde."

Napakamot sa kaniyang ulo si Mr. Amorsolo. "Eh... sumusunod lang naman ako sa utos ng kaniyang Tatay." Who has happen to be the Head Administrator of Collegio De Laguna.

Napabuntong hininga si Samantha. That's not even a good idea.

Hindi tuloy maiwasang makabuo ng mga tanong ni Samantha sa kaniyang isipan.

Hindi sila in good-terms ng kaniyang Tatay? At bakit namatay ang Mommy niya?

At bakit biglang naging interesado siya sa lalaki.

Tila sa isang banda, parang nakokonekta na niya ang mga pangyayari. Siguro, kaya ganoon si Quitton, dahil sa pinagdadaan niya ngayon. Tama! May pinagdadaanan siya!

To divert himself from being sad, dinadaan niya sa pagiging rebelde at matapang. Para, walang sinuman ang makakaalam na mahina siya deep inside and he is helpless.

Kaya, sinabi ni Samantha sa sarili, "Sige, Tutulungan ko siya." Together with the Lord!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login